Elizabeth
Nagmadali akong tumakbo patungo sa banyo. Nagpapalit ako ng bedsheet ng bigla na lamang sumama ang pakiramdam ko. Parang umikot yung sikmura ko kasabay ng paghilab nito. Ilang beses na akong paulit -ulit na pumapasok ng banyo at paulit-ulit lang din akong sumusuka kahit wala na akong mailabas. Kahit tubig na lang, ayaw pa rin tumigil ng sikmura ko.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin? May lagnat ba ako o ano? Hindi naman mainit ang pakiramdam ko. Tanging pagsusuka lang ang pinoproblema ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na tawagan si Katie. Hindi ko alam kung free time niya ba ngayon. Ilang araw na lang ay lilipat na iyon sa David's hotel. Natanggap yata siya doon.
"Hoy bruha! Napatawag ka?" sinagot niya kaagad ang tawag ko.
"May time ka ba mamaya? Puwede mo ba akong samahan mamaya?"
"Saan?"
"Magpapa-check up ako. Masama pakiramdam ko. Panay duwal na lang kasi ako. Wala na ngang laman ang tiyan ko."
"Aba! Natural! Buntis ka kaya normal lang 'yang nararamdaman mo. Naglilihi ka na yata eh!"
Natigilan na lamang ako sa sinabi ni Katie sakin. Wala akong kaalam-alam na normal lang pala ang pakiramdam na ganito sa mga buntis at lalo na nasa stage pa lang ng paglilihi.
Three months na ang nakalipas simula ng papiliin ako ni Tita Sab kung alin sa dalawa ang pipiliin ko? Pinapili niya ako kung ipalaglag ko ba ang bata o aakitin ko si Hermes David. Kung alam lang niya, yung lalaking 'yon lang din ang ama ng dinadala ko.
Hindi ko kayang ipalaglag ang baby at lalong-lalo na hindi ko kayang akitin ang bilyonaryong si Hermes David. Hindi ko kayang manloko ng tao. Kaya ang pinili ko, umalis na lang ako sa poder ni Tiyang.
Kaya ngayon tipid na tipid ako sa pagkain, hindi lang sa pagkain kundi sa lahat.
Simula ng umalis ako sa bahay nila Tiyang ay hindi ko rin naman ito nakita pa. Walang paramdam at wala siyang ibang ginawa ng umalis ako. Hinayaan niya lang akong umalis ng bahay niya. Samantalang ako, gusto kong pigilan niya ako...ngunit tila wala naman siyang pakialam sakin.
"Hoy!"
"Huh?" ang lalim na pala ng iniisip ko.
"Sino ba kasi 'yung lalaking naka-one night stand mo huh? For sure kilala mo 'yon."
"Huwag mo na lang alamin."
"Usap-usapan ka kaya sa lugar natin. Pinagkalat na ng tiyahin mong buntis ka."
"Ano?"
Sa halip na si Tiyang ang magpoprotekta sakin, siya pa pala itong maglalaglag sakin sa kahihiyan.
"Kaya dapat ipaalam mo na 'yan sa lalaking naka-one night stand mo. Para naman hindi ka na mabaon sa kahihiyan noh! Siguro naman kapag nalaman niya 'yan baka sustentuhan ka pa niya sa pinagbubuntis mo kung may asawa man siya o 'di kaya girlfriend. Siguro naman mayaman 'yon. Wala naman kasing nag-che-check in dito sa hotel na hindi mayaman noh! Karamihan mga bilyonaryo at sugar daddy. Huwag lang uugod-ugod na." Napahagikhik ng tawa si Katie.
"Hindi pa siya uugod-ugod."
"Sabihin mo na kasi sakin kung sino?"
"Sa susunod na lang. Kailangan ko ng umalis. Magpapa-check up pa ako. Sasamahan mo ba ako?"
"May trabaho pa 'ko noh! Ikaw na lang muna." Napatayo si Katie kasabay ng pagsulyap nito sa screen ng phone. "Tapos na free time ko. Paano ka?"
"Sige na bumalik ka na lang sa hotel. Pupunta na lang akong mag-isa sa hospital."
Mag-isa na lamang akong pumunta ng hospital. Habang pinapakinggan ko ang heartbeat ng baby ko ay napapangiti na lamang ako. Nakakatuwa pala maging isang ina.
"Normal naman ang hearbeat ni baby. Wala kang dapat na ikatakot. Yung mga nararamdaman mong pagsusuka, pagkahilo at pandidilim ng paningin ay isa lamang sintomas ng paglilihi. Mawawala din 'yan pagkatapos ng paglilihi mo."
"Mabuti naman po, doc. Kinakabahan kasi ako. Akala ko may problema ang baby ko."
"Bibigyan kita ng mga vitamins. Huwag mo kaligtaan na inumin. Kailangan 'to ng baby mo."
"Sige po, doc."
Napaawang na lamang ang labi ko pagkatapos kong malaman kung magkano lahat ang babayaran ko. Magbabayad pa naman ako sa inuupahan ko bukas pero paano na? Wala ng natira.
Umalis na rin naman kaagad ako ng hospital pagkatapos kong magbayad. Napabuntong hininga na lamang ako ng makalabas. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang heartbeat ni baby pero masakit rin pala sa bulsa pagkatapos.
Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan. Hahanap na lang ako ng paraan para makabayad ako ng rent ko bukas.
Habang naglalakad ako ay bigla na lamang may humarurot na kotse sa tabi ko. Muntik pa nga ako nitong masagasaan. Nandito na nga ako sa tabi. Mabuti na lang huminto siya sa tapat ng hospital.
Humanda ka sakin ngayon!
Sa inis ko ay nagmadali akong lapitan ito para kausapin.
Inis na inis akong kinatok ang tinted window ng kotse. Hindi ko makita ang nasa loob kaya humanda sakin ngayon kung sino man 'to?
"Buksan mo yung bintana ng kotse mo!" inis na sigaw ko. Buti na nga lang hindi niya 'ko nahagip. Sa bilis ng pagmamaneho niya baka patay ako kung sakali man nahagip niya ako.
"Hoy! Buksan mo nga itong bintana ng kotse mo!"
Wala akong pakialam kung sino man ang taong nasa loob nito. Kahit pa siguro anak siya ng pinakamayamang angkan dito sa Pilipinas. Napakayabang magmaneho. Akala mo siya na yung hari ng kalsada.
"Alam mo bang muntik mo na akong masagasaan? Ang lakas naman ng amats mo at nagmamaneho ka pa! Siguro lasing ka noh? Lumabas ka diyan kung ayaw mong magsumbong ako sa pulis! Hoy! Ano? Hindi ka ba lalabas diyan? Gusto mo ba ako ang papas----o-k di---yan..." nautal ako ng tuluyan unti-unti nitong ibinaba ang tinted window.
Hindi ko akalaing sa dami ng taong puwede kong makita ngayon ay ang lalaki pa na ito.
"Miss, is there a problem?" Bumagsak na lamang ang mga balikat ko ng isa-isa niyang tanggalin ang suot niyang headset. Kaya naman pala hindi niya ako narinig.
Napatitig na lamang ako sa kaniyang napakagwapong mukha. Biglang nag-flash back sa isip ko ang lahat na nangyari noong gabing magkasiping kaming dalawa.
Napailing na lamang ako. "W-wala..." umatras yata ang dila ko. Hindi ko na kasi alam kung ano pa sasabihin ko ngayong bumahag bigla ang buntot ko dahil ang lalaking nasa harapan ko ay siyang ama ng dinadala ko.
"Do you want a ride?" silip niya sa bintana ng kotse niya. Nalaglag na lamang ang panga ko ng marinig iyon mula sa kaniya. Same sa sinabi niya ng gabing may nangyayari sa aming dalawa.
"Ride me, baby..." napapaos na sabi nito. Nasa ibabaw niya na ako ng mga oras na 'yon at nagsimulang magtataas baba sa ibabaw niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako ganoon ka-wild ng gabing iyon. Kahit sobrang sakit ng p********e ko
Kaagad kong iniling-iling ang ulo ko. Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa isip ko.
"Miss, tinatanong kita kung may problema ba? Bakit ayaw mo magsalita?" dagdag na tanong nito. Napailing na lamang ako.
"Wala." Hindi ko na kaya pang tumayo sa harapan niya. Inihakbang ko na lamang ang mga paa ko palayo sa kaniyang sasakyan. Gusto ko na lang lisanin ang lugar kung saan naroon ang lalaking kumuha ng virginity ko.
Mabuti na lang may dumating kaagad na jeep. Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay ako ng tuluyan.
Pagdating ko sa bahay na nirerentahan ko ay nadatnan ko si Aling Betty ang may -ari ng inuupahan ko.
"Mabuti na lang nakauwi ka na, Elizabeth. Pasensya ka na. Kukunin ko na sana ang bayad mo sa bahay. Bukas pa naman pero kasi kailangan ko na ngayon."
"Pasensya na rin ho aling Betty. Nagamit ko ho kasi yung pera sa check-up ko kanina."
"Naku!"
"Hahanap na lang po ako ng paraan bukas. Bukas pa naman yung bayaran ko."
"Sige. Hintayin ko na lang bukas. Nagbakasakali lang kasi ako ngayon."
"Sige ho, Aling Betty. Kailangan ko na rin ho kasi magpahinga."
Napagod yata ako. Hindi na ako nagtagal pa sa maliit kong sala. Dumiretso na lamang ako sa maliit kong kwarto para magpahinga.
---------
"Tama na nga yung kwento mo, Abby. Nagugutom ako sa kwento mo. Ayaw mo naman kasi ikwento yung nangyari sa inyo ni Mr. David. Ikinukwento mo lang sakin yung buhay mo. Wala namang ana ana."
"Baliw! Isang beses lang naman may nangyari sa amin."
"Kahit na. Ikwento mo na lang sana sakin yung isang beses na nangyari sa inyo. Hindi yung mga problema mo ng tiyahin mo." Nakangusong sabi ni Katie sakin.
Nandito na kami ni Katie sa bahay ko. Dumaan na lang muna siya dito dahil alam niya na kasi ang mangyayari kapag umuwi siya ng maaga sa bahay nila.
"Kung dito na lang din kaya ako tumira? Ano sa palagay mo, Abby?"
"Hahanapin ka ni tita."
"Hay naku! Parang ayaw ko na nga umuwi eh! Alam mo ba kunt anong palaging tanong ng nanay ko kada uwi ko? Tinatanong niya kung sino ang ama ng dinadala mo. Pinipilit nila ako."
"Anong sagot mo."
"E di siyempre biniro ko."
"Anong biniro mo?"
"Sinabi kong si Hermes David ang ama ng dinadala mo."
"Ano? Paano kung maniwala sila sa sinabi mo?"
"Hay naku! Hindi yun maniniwala noh! Hindi naman kasi kapani-paniwala. Tsaka diba sabi mo gusto mo makilala ni Hermes ang batang nasa sinapupunan mo? Kaya nga tayo nagpadala ng sulat sa kaniya 'di ba?"
"Oo, gusto ko pero hindi dapat malalaman ni Tiyang na siya ang ama ng dinadala ko. Minsan na akong inutusan ni Tiyang na akitin si Hermes David."
"Sus! E di akitin mo."
"Baliw ka ba? Hindi lang naman yun ang inutos ni tiyang sakin. Gusto niyang pagkaperahan ko si Hermes. Paano pa kapag nalaman ni tiyang na siya ang ama ng dinadala ko. Sigurado akong ipipilit niya ang gusto niyang mangyari. Baka ipakasal niya kaagad ako dahil alam niyang may makukuha siyang malaking pera kapag naikasal ako sa lalaking 'yon."
"Sabagay, pero mas bet ko yung ipakasal ka sa kaniya. Ang gwapo kaya ng boss namin." ginatungan naman ni Katie ang kagustuhan ni Tiyang.
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng makarinig ng sunod-sunod na katok mula dito.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Katie. "May inaasahan ka bang bisita?"
Umiling-iling ako. "Wala."
"Elizabeth!" sigaw mula sa labas. Hinding-hindi ako puwedeng magkamali. Ang tiyahin ko ang kumakatok sa pinto.
"Si tiyang!"
"Naku! Ano kaya sadya niya sa 'yo?"
"Elizabeth! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo itong pinto! Kung hindi gigibain ko 'to!" muli ay sigaw ng tiyang ko.
Wala akong nagawa kundi ang tumayo para pagbuksan ito.
Ano kaya kailangan nito? Wala naman akong maibibigay na pera sa kaniya.
Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Tiyang at hindi lang siya nag-iisa. Marami sila, maging ang nanay ni Katie ay nandito rin.
"Tiyang, a-ano hong ginagawa niyo dito?"
"Ikaw na babae ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin na ang bilyonaryong si Hermes David pala ang ama niyang dinadala mo huh?"
Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Magsabi ka sakin ng totoo! Siya ba ang ama niyang dinadala mo?"
Napayuko ako at marahang umiling-iling. "Hindi ho."
"Huwag mo 'kong niloloko na bata ka! Sinabi ni Katie sa nanay niyang si Hermes David ang ama niyang dinadala mo."
Napatingin kaagad ako kay Katie. Kaagad naman itong nag-peace sign sakin. "Sorry, bes. Naniwala pala si nanay at sinabi pa niya kay tita." nakangiwing sabi ni Katie sakin.
"Tiyang, binibiro lang ho ni Katie ang nanay niya."
"Basta! Hindi ako naniniwalang biro lang 'yon. Nandito kami para klaruhin sa 'yo ang lahat ngunit mukhang wala ka talagang balak sabihin sakin. Pwes, pupuntahan namin 'yang Hermes David na 'yan!"
"Ho?"
Tumalikod kaagad si Tiyang para lumabas ng bahay. Ako naman ay hinabol ito. Napaawang na lang ang labi ko ng makitang hindi lang pala sila ng nanay ni Katie ang magkasama kundi halos dala niya ang kaniyang mga kumari sa lugar namin.
"Nakikita mo ba ang puting sasakyan na 'yan?" turo ni tiyang sa puting L3. "Marami ang laman niyan at handa silang sugurin ang bilyonaryong ama ng batang 'yan!"
"Tiyang namam. Makinig naman ho kayo sakin. Huwag niyo gawin 'to nakakahiya." makaawa ko.
"At bakit ka naman mahihiya? Hindi ba dapat ang lalaking 'yon ang mahiya dahil binuntis ka niya ngunit wala man lang siyang suporta na binibigay sa 'yo. Humanda sakin ang lalaking 'yan!"
"Tiyang..." muli ko itong pinigilan.
"Tiyang, sa tingin niyo ba sa gagawin niyo pananagutan ako ng lalaking 'yon?"
"Dapat lang dahil masisira ang imahe niya kapag hindi niya ginawa." muli na naman tumalikod si Tiyang para sumakay na sa L3 na naghihintay sa kaniya.
Hindi ko hinayaan si Tiyang na pumunta doon na wala ako. Sumunod ako sa kaniya para na rin sumakay sa L3 at ganoon din si Katie. Nakita ko na lang ito na nakaupo na sa tabi ng nanay niya.
"Doon tayo sa office ni Hermes David! Doon natin kukuyugin ang lalaking 'yon! Para malaman niyang hindi sisiw ang pamangkin ko na pagkatapos niyang lumluman ay bigla na lamang niyang iwan!" Sigaw ni Tiyang sa driver ng L3.
Jusko! Ano bang gulo itong papasukin ng tiyahin ko? Sinasabi ko na nga ba. Ipagpipilitan niyang panagutan ni Hermes David itong dinadala ko.
Sino ba naman na sira ulo ang mga napapayag ni Tiyang na samahan siya sa gulong papasukin niya ngayon. Mukhang may kasabihan silang mga magkukumare. Kung nasaan ang isa dapat nandoon ang lahat.
--------------
Third Person's POV
"Nida, anong nangyayari sa labas? Meron ba tayong mga empleyado na hindi nasasahuran bakit may mga nag-ra-rally sa labas?"
tanong ni Hermes sa kaniyang secretary dahil kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagkakagulo ng mga tao sa labas ng building.
"Hindi po yun rally, Sir. May nakabuntis raw ho kasi mula dito sa ating building, Sir. Tiyahin ho yata ng babaeng nabuntis ang nangunguna sa panggugulo sa labas."
"Sino ba sa employee's natin dito ang nakabuntis sa babae? Alamin mo, dapat lang panagutan niya ang babae. Naaabala na tayo dito. Kapag hindi niya pinanagutan ang babae baka tanggalin ko siya sa kaniyang pwesto. Nasisira ang imahe ng kompanya."
"S-sige po, Sir." Nagsimulang tumalikod si Nida para lumabas na ngunit natigilan lang din ito ng pumasok ang kaniyang assistant.
"Sir." Hinihingal na tawag nito.
His assistant suddenly came in without knocking on the door.
"Sir, nagkakagulo ho sa labas! Usap-usapan ho na nabuntis niyo raw yung pamangkin ng nangungunang nag-ra-rally sa labas. Nagbanta rin ho yung babae na kung hindi raw kayo lalabas para harapin sila ay maghaharap na lang daw kayo sa presinto." hingal na sumbong ng kaniyang assistant.
"Ano?" Napatingin siya sa kaniyang secretary na ngayon ay pilit na tinatago ang mga pagtawa.
"Ahm!" napatikhim na lamang siya.
Wala siyang kaalam-alam na sarili lang din pala niya ang pinagsabihan niya kanina.
"Congratulation, Sir." sabay na bati ng kaniyang secretary at assistant sa kaniya. Makahulugan ang mga ngiti na binigay ng dalawa.
"Magiging Daddy na ho pala kayo." tila pang-aasar ng mga ito sa kaniya.
Kumunot na lamang ang noo niya at hindi mapigilan na mapaisip.