Elizabeth's POV
"ELIZABETH!"
Halos mahulog ako sa aking kama dahil sa pagkagulat ng marinig ang sigaw ni Tita Sab. Wala na akong nanay ngunit may tita ako na napag-iwanan sa akin. Ayos sana kung mabait siya sakin pero hindi. Kung meron lang pa-contest ng pasamaan ng ugali ay baka nanalo na si Tita Sab.
Lahat na lang yata ng kailangan dito sa bahay ay sa akin niya inaasa. Hindi naman ako full time na nagtatrabaho sa hotel. Sideline ko lang naman iyon kapag sabado at linggo at kung minsan pumapasok ako ng huwebes at biyernes. Mas marami kasing nag-che-check in sa hotel kapag ganoong araw.
"Tita! N-nariyan na ho!" hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ito dahil alam ko na ang mangyayari kapag hindi ko a sinagot ang mga tawag niya sakin. Baka buong maghapon niya na naman ako sesermunan hanggang sa lumawit ang dila niya.
"Tita, bakit ho?"
"Bakit ang tagal mong sumagot?" Nakapameywang nitong tanong sakin. "Tanghali na pero nasa kwarto ka pa rin natutulog? Porke't ba wala kang pasok sa trabaho ay magbuhay prinsesa ka na!"
"Tita, nagpapahinga lang po ako." pangangatwiran ko.
"Aba't nangangatwiran ka pa? Saan ka natulog kagabi? Alam kong hindi ka umuwi! Naku! Elizabeth sinasabi ko sa 'yo. Kapag nabuntis ka at hindi ka pa napakasalan ng fiance mong si E-E-----"
"Evan ho."
"Ayun! Si Evan! Sinasabi ko sa 'yo Elizabeth kasal muna bago buntis huh? Mayaman 'yan si Evan kaya gusto kong siya na talaga ang mapapangasawa mo. Magpakasal muna kayong dalawa."
"Wala na ho kami."
"Ano?"
"Niloko niya ako. Hiwalay na ho kami kahapon."
"Hindi puwede 'yan, Elizabeth! Si Evan ang aahon sa 'tin sa kahirapan! Kahit na niloko ka niya dapat hindi mo na lang pinansin! Atleast ikaw ang pakakasalan."
"Hindi lang ho ako ang pakakasalan niya, Tita. Dalawa kaming may suot na singsing. Manloloko si Evan. Hindi ko ho hahayaan na lokohin niya na lang ako."
"Aywan ko sa 'yo, Elizabeth! Paano na tayo niyan?"
"Nagtatrabaho naman ho ako."
"At sa tingin mo sapat ang trabaho mo? Kakapiranggot na barya lang ang sinasahod mo."
"Tao po! Tao po!" sabay kaming napalingon ni Tita sa pintuan ng makarinig ng ingay sa labas.
"Naku!" kaagad naman napakamot sa ulo si tita at napangiwi. "Yung lending ko 'yan. Kung hindi 'yan lending sigurado akong sa bombay o 'di kaya yung utang ko sa hapon."
"Ang dami niyo naman pong utang."
"Tumahimik ka! Kung sapat 'yang pinapasok mong pera dito e 'di sana hindi ako nangungutang. Gumawa ka ng paraan! Kung hindi ipapakasal kita sa hapon!"
"Ho?"
"Harapin mo 'yon kung sino man na poncio pilatiyo yung nasa labas. Sabihin mo wala ako."
"Kayo ho yung may utang bakit naman ako yung haharap?"
"Aba naman! Sumusuway ka na ngayon sa utos ko? Eh! Kung palayasin kita aber? Saan ka pupulutin? Sigurado akong pupulutin ka sa lansangan."
Hindi na lamang ako nakipagbangayan kay Tita dahil alam kong hindi rin naman ako mananalo. Kaya ko sarili ko, siya lang ang iniisip ko kaya kahit na anong naririnig kong masasakit na salita mula sa kaniya ay hindi ako umaalis.
Tinahak ko ang pinto para harapin ang tao na nasa labas. Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang isang lalaking may malaking katawan, maitim at may balbas.
Hindi kaya ito yung bombay na sinasabi ni Tita?
"A-ano ho ang kailangan nila?" kaagad na tanong ko kahit pa alam kong si Tita ang kailangan nito.
"Hanap ko si Sab."
"Wala ho siya dito."
"Siya sabihin mo bayad sakin. Tagal na utang niya sakin hindi niya bayad. Kung hindi siya bayad sakin kuha ko gamit niyo na puwede bayad sakin."
"Sige sasabihin ko."
"Ikaw, magkano ka? Ikaw na lang bayad niya sakin."
Aba nga naman! Tadyakan ko kaya bayag nito?
"Hindi mo 'ko afford. Pasensya ka na, balik ka na lang next time!" sa inis ko ay hinawakan ko ang pintuan at binalibag ito pasarado.
"Teka lang, Miss. Teka lang!" panay ang tawag nito sa labas ngunit wala na akong balak pa na pagbuksan ito. Ano akala niya sakin babaeng bayaran na puwedeng ibayad sa kaniya.
"Oh! Anong sabi?" Nagulat na lamang ako ng biglang sumulpot si tita sa likuran ko.
"Sabi niya pakasalan niyo raw siya kung wala kayong balak na magbayad."
"Ano?"
Hindi ko na nagawa pa magsalita dahil tinalikuran ko na si Tita. Nagtungo ako sa sofa at binuksan ang maliit naming TV.
Tanghali na pero nagawa ko pa rin magkape habang nanunuod ng TV sa sala.
Naagaaw ng pansin ko ang isang flash news. Hinding -hindi ako puwedeng magkamali. Ang lalaking napagbigyan ko ng virginity ko kagabi. Siya yung nakikita ko ngayon sa TV.
He was wearing a black tuxedo and his eyes were sad. Nahahagip lamang siya ng camera pero alam kong malungkot ang kaniyang mukha.
"Isang bridal car ang biglang sumabog kaninang alas onse ng tanghali. Kasama sa sumabog ang bride ng isang bilyonaryong si Hermes David. Hindi pa alam kung ano ang sanhi ng pagsabog." ulat ng tagapagbalita.
Napaawang ang labi ko sa napanuod kong balita. Hinding-hindi ako puwedeng magkamali, siya talaga ang lalaking nakasiping ko sa hotel.
"Ang malas naman ng bilyonaryong iyan. Ikakasal na, sumabog pa ang bridal car na sinasakyan ng bride. Maaga siyang nabyudo. Iyan na lang ang akitin mo, Elizabeth. Siguradong tiba-tiba tayo sa kaniya kapag nangyaring patulan ka niya."
Halos naibuga ko ang hinigop kong kape at sakto naman ito sa mukha ni Tita.
"Ano ba 'yan, Elizabeth?"
"P-pasensya, Tiyang. K-kayo ho kasi kung ano-anong sinasabi niyo."
"Bakit? Akala mo ba nagbibiro ako? Hindi ako nagbibiro, Elizabeth. Kaibigan ko nagtatrabaho sa kompanya ng lalaking 'yan. Ipapasok kita doon. Sa ayaw at sa gusto mo."
"Ho?"
"Kaysa naman ipakasal kita sa hapon o sa bombay? Pumili ka, Elizabeth? Magtatrabaho ka sa lalaking 'yan o magpapakasal ka sa bombay?"
"Tiyang naman?"
"Hindi ako nabibiro, Elizabeth. Kailangan mong akitin ang bilyonaryong 'yan lalo na ngayon wala na yung babaeng mahal niya. Madali mo na lang siyang akitin dahil maganda ka naman at sexy."
"Tita, kilabutan ho kayo sa pinagsasabi niyo. Hindi ho ako manloloko ng tao."
"At bakit? Hinihingi ko ba ang opinyon mo? Hindi ba't sabi ko sa ayaw at sa gusto mo, makikipaglapit ka sa lalaking 'yan. Kung ayaw mong balikan si Evan pwes, sa lalaking 'yan diyan ka magpapansin."
Ang hirap magkaroon ng tiyahin na sarili lang ang iniisip at walang pakialam sakin.
Paano pa kapag nalaman niyang may nangyari sa amin ng lalaking 'yon? Baka bigla niya na lang ito sugurin para pilitin na pakasalan ako.
Third Person's POV
"Kuya, isang buwan na ang nakalipas. Siguro naman sapat na 'yon para ayusin mo naman ang sarili mo. Isang buwan mo na rin napabayaan ang sarili mo. Ayaw mo rin magkaroon ng kasama dito sa bahay mo."
"Iwan mo na lang ako, Iris. Huwag ka na lang muna pumunta dito sa bahay. Hayaan mo 'ko mag-isa!" Lumakas ang boses ni Hermes at dumagundong iyon sa bawat sulok ng kwarto.
Napaatras naman si Iris. Hindi niya na kasi kilala ang Kuya niya sa mga kilos na pinapakita nito sa kaniya. Nang dahil sa nangyari, nawalan ng pakialam sa sarili si Hermes. Hindi ito pumapasok sa office at kalat naman ang nadadatnan ni Iris tuwing bumibisita siya sa bahay nito.
"Pero...Kuya..."
"I said! Leave me alone!" Napaigtad na lamang si Iris sa lakas ng boses ni Hermes.
Tamang-tama naman na may tumawag kay Iris kaya wala na rin ito nagawa kundi ang umalis.
Naiwan na lang ulit si Hermes na mag-isa sa bahay niya. Wala na siyang ginawa kundi uminom ng uminom para makalimutan ang sakit na nararamdaman.
-------
Elizabeth
Hindi ko akalaing magbubunga ang nangyari sa amin ng lalaking nakasiping ko sa hotel. Dalawang buwan na simula ng malaman kong buntis ako ngunit hindi ito alam ni Tiyang. Kapag nalaman niya 'to sigurado akong palalayasin niya ako. O 'di kaya ipapakasal niya ako sa bombay.
Anong gagawin ko?
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Katie. Ilang minuto pagkatapos ng iilang ring na narinig ko sa kabilang linya ay sa wakas sinagot niya rin naman ito.
"Yes?"
"Katie..."
"Oh bakit? Bakit parang ang lungkot ng boses natin ngayon?"
"May sasabihin ako sa 'yo."
"Ano naman 'yon?"
"Buntis ako."
"Ano?" halos hindi makapaniwala si Katie. "Jusko! Huwag mo sabihing ibinigay mo na si diamante sa walang hiya mong EX?"
"H-hindi si Evan ang ama nito."
"Eh sino?"
"Basta."
"Anong basta? Pangalan ba ng lalaking nakabuntis sa 'yo eh basta?"
"Hindi ko puwedeng sabihin dito. Magkita na lang tayo."
"Saan naman tayo magkikita? Nandito pa naman ako ngayon sa David's hotel. Nangangailangan daw sila ng room attendant kaya nandito ako mag-aapply."
"Puwede ba ako diyan?"
"Aba'y puwedeng -puwede ka. Pero 'di ba sabi mo buntis ka?"
"Hindi pa naman mahahalata ang tiyan ko. Ilang buwan pa lang naman."
"Sinong buntis?"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Tita Sab. Kaagad kong pinatay ang tawag kay Katie para harapin si Tiyang. "T-tita Sab, k-kayo ho pala."
"Oo, ako nga." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sinong buntis, Elizabeth? Huwag mo ako subukang gawing bingi dahil rinig na rinig ko ang sinabi mo? Buntis ka ba?"
"H-Hindi po tiyang."
"Hindi? Sigurado ka? Rinig na rinig kong sinabi mong buntis ka?"
"T-tiyang, si---si Katie po yung buntis."
"Ano? Sasabihin ko ito sa kumare ko."
Kaagad naman akong nataranta ng bigla na lamang tumalikod sa akin si Tiyang.
"Tiyang, saan ho kayo pupunta?"
"Pupuntahan ko ang nanay ni Katie. Sasabihin kong buntis ang anak niya."
"Tiyang huwag ho."
"At bakit hindi huh? Kayong mga bata kayo kababata niyo pa lang kung ano-anong kalandian na inaatupag niyo. Kesyo maghanap na lang kayo ng mayaman para maisalba tayo sa kahirapan naghanap pa kayo ng dagdag problema. Nagpabuntis pa."
"Tiyang huwag niyo na ho sabihin kay Tita."
"Bakit hindi huh, Elizabeth?"
"H-hindi ho si Elizabeth ang b-buntis..." Napayuko na lamang ako. Kaysa naman si Katie ang mapapagalitan ng Mama niya ay sasabihin ko na lamang ang totoo.
"Elizabeth, anong ibig sabihin ng pagyuko mo?"
"A-ako ho ang buntis, Tiyang."
"Putragis!" Malakas na sigaw ni Tiyang pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya. Dumagundong ang boses niya sa bawat sulok ng aming sala.
"P-pasensya na po."
"Pasensya? Ilang taon ka pa lang, Elizabeth? Eighteen? Sino ang ama ng pinagbubuntis mo? Si Evan ba?"
Hindi ako nakasagot. Wala akong masabi dahil kapag nalaman niyang isang bilyonaryo ang ama nitong dinadala ko ay tiyak na pipilitin niya ito na panagutan ako. Ayaw kong mangyari 'yon.
"Si Evan ba? Sumagot ka sakin, Elizabeth?"
"H-hindi ho si Evan."
"Eh, sino?" mas lalong lumakas ang sigaw ni tiya Sab.
"H-hindi ko ho kilala."
"Hindi mo kilala? Paano nangyari 'yon? Mas masahol ka pa pala sa pokpok na kapag nabuntis ay kilala ang ama ng pinagbubuntis."
"Tiyang, hindi po ako pokpok."
"Parang ganoon na rin, Elizabeth. Kung sino man ang ama niyan? Kung mahirap pa sa daga ang ama niyan dapat mo ipalaglag ang bata na 'yan!"
"Ho?"
"Pumili ka, Elizabeth? Ipalaglag mo ang batang 'yan o aakitin mo ang bilyonaryong si Hermes David? Kapag nagawa mo akitin o mapa-ibig ang isang bilyonaryong si Hermes David hahayaan kitang mabuhay ang batang 'yan! Ano? Pumili ka?"
.