DAVID-2 ONE NIGHT

2196 Words
Elizabeth Ang kalat naman dito. Nagkalat pa mga walang laman na bote ng alak sa sahig. Nasaan kaya yung naka-check in dito? Bakit ba ang tahimik? Saan na nagpunta 'yon? Para namang binagyo itong room niya. Tamang-tama itong natirang alak para sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ano kaya kung inumin ko na lang muna ang mga ito? Para naman mawala yung sakit na nararamdaman ko. Kahit ilang oras lang makalimutan ko man lang yung gagong Evan na 'yon!. Pinatakan ko ng kaunti ang labi ko ng alak na halos kalahati pa ang laman. Napangiwi na lamang ako sa tapang ng lasa. Hindi yata ako sanay uminom. Ngayon pa lang kasi ako sumubok na uminom. Hindi na ako gumamit pa ng baso dahil nilagok ko na ito ng diretso mula sa bote. Halos masuka ako pagkatapos kong lagukin ang halos kalahati rin sa natirang laman nito kanina. Kahit na masuka-suka ako ay pinilit ko pa rin na ubusin ang laman ng bote. Parang wala lang sakin ang sama ng lasa. Nakaramdam ako ng pang-iinit sa aking katawan kaya napatayo na lamang ako para sana pumunta sa banyo ngunit pagtayo ko ay bigla akong nahilo. Nasapo ko ang noo ko habang ipinipikit ko ang mga mata ko. "Kaya ko pa ba?" pinilit kong imulat ang aking mga mata ngunit pagmulat ko ay sinalubong lang ako ng pag-ikot ng aking paningin. Hindi ako puwedeng lumabas. Makikita ako ni ma'am Fin at malalaman niyang lasing ako. Ngunit ang sama na talaga ng pakiramdam ko. Lumalabo ang aking paningin ngunit alam kong nasa harapan ko ngayon ang kama. Naka-ilang hakbang ako bago naramdaman ang kama gamit ang tuhod ko. Pasensya na pero kailangan kong humiga. Hindi ko na kayang tumayo at maglakad. Sumampa ako sa kama at hinila ang kumot. Ngunit paghila ko ay naramdaman kong may gumalaw. Nanlaki kaagad ang mga mata ko. M-may tao? Paano nangyari 'yon? Kanina lang pagpasok ko dito kanina. Wala man lang ako ni isang nakita kahit na anino. "Hmm..." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lamang itong umungol at tumihaya. Sunod-sunod akong napalunok ng makitang wala itong suot na pang-itaas. Biglang nawala yung kalasingan ko at ang kaninang malabong paningin ko ay bigla na lang luminaw dahil sa eksenang 'to. Pagkatapos kong matitigan ang kaniyang namumutok na mga abs ay umakyat naman ang aking paningin sa kaniyang mukha. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makilala ito. Yung lalaking nagbigay sakin ng brief kanina para ipunas sa mga luha ko. Siya itong nasa harapan ko. Mahimbing na natutulog at mukhang lasing na lasing. Tinitigan ko ng matagal ang kaniyang mukha. Nagiging malinaw pala ang paningin mo kapag gwapo ang nasa harapan mo. Makakapal ang kaniyang mga kilay. Napakakinis rin ng kaniyang mukha at ang tangos ng kaniyang ilong. Ang gwapo niya pala. Hindi ko lang gaanong napansin kanina dahil nakayuko siya habang nakikipag-usap sakin. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Nawala ang pagkahilo ko. Hindi ko naiwasan na haplusin ang matangos nitong ilong. "Ahm..." umungol ito kaya kaagad kong inalis ang daliri ko. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbawi ko. Nagmulat ito ng mga mata. Napaatras ako ng tumitig siya sakin. Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya na para bang hindi man lang nagulat ng makita ako dito. Sinubukan kong umalis sa kama. Kahit pa medyo nahihilo pa rin ako. Ngunit nagulat na lamang ako ng hilahin niya ako pabalik sa kama at inilapit pa sa kaniya ng husto. I smelled his fragrant breath. "Where are you going?" Napalunok ako sa baritonong boses nito. Nababagay sa mukha niyang napaka-gwapo. "Ah...aalis na. K-kailangan ko pa palang maglinis." nakangiwing sagot ko. Sa halip na pakawalan ako ay mas lalo lamang niya akong hinila palapit sa kaniya. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko ng bigla na lamang itong pumaibabaw sakin. Damang-dama ko ang nabubuhay na bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita. "Oh! Jusko po! Ano ba 'tong pinasok ko! Virgin pa ako! Huwag naman ganito!" Napadasal na lamang ako sa kawalan. Totoo 'yon. Sa tagal namin magkasintahan ni Evan ay ni minsan hindi ko naibigay sa kaniya ang aking p********e. May limitasyon kasi akong ibinigay sa kaniya. Kaya nga siguro siya naghanap ng iba dahil hindi niya nagagawa sakin ang mga bagay na ginagawa ng mag-syuta o mag-asawa. Naalala ko na naman ang bugok na lalaking 'yon. "A virgin stripper?" bigla siyang natawa. Virgin stripper? "Excuse me, hindi ako virgin stripper! Room attendant ako dito." pangangatwiran ko. Itinulak ko siya paalis sa ibabaw ko ngunit hindi ko nagawa dahil nagpabigat pa ito lalo. "Ikaw yung pinadala ng mga baliw kong kaibigan hindi ba?" "Ano? Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. Pinadala ako rito ni ma'am Fin para maglinis nitong room mong sobrang kalat." "Whatever." Mas nanlaki ang mga mata ko ng isubsob niya sa leeg ko ang kaniyang mukha. Ibinaon niya ang dalawang kamay ko sa kama kaya hindi ko na siya maitulak pa. Nakulong na 'ko ng katawan niya. "A-ano ba?" Hindi siya nagpatinag sa pagtulak ko sa kaniya. Ipinagpatuloy pa rin nito ang paghalik sa leeg ko pababa. Nagulat na lamang ako ng marinig ang pagkapunit ng uniform ko. "Oh no!" napasigaw ako. Tumambad sa kaniyang harapan ang cleavage ko. Napatitig siya roon at ilang segundo lang ay muli niyang sinunggaban ang aking cleavage at mas naging mapangahas pa nga ito. Inangkin ng kaniyang labi ang aking mga s**o kasabay ng pagpisil nito. "Ituloy mo pa." Itinigil ko ang pagkwento kay Katie tungkol sa nangyari sa amin ng lalaki sa hotel. "Ayoko ng ikwento pa sa 'yo yung nangyari sa amin. Private na 'yon." "Ano ba 'yan? Excited na pa naman ako kung anong posisyon ang ginawa niyo." "Baliw! Lasing ako at lasing din ang lalaking 'yon. Halos hindi ko na nga matandaan kinaumagahan ang mga ginawa namin." "Ano ba 'yan? Dapat tinandaan mo. Mahaba ba? Malaki? Sabi mo, gwapo kaya baka malaki rin kargada no'n." "Sobra." sagot ko sabay talikod kay Katie. Narinig ko ang pagsunod niya sakin. "Anong size? Jumbo ba o foot long?" "Anong pinagkaiba ng jumbo sa footlong?" "Yung jumbo, maiksi pero mataba. Yung foot long naman mahaba pero mapayat." Natigilan ako at napaisip. Parang wala naman doon sa nabanggit niya. "I think doon siya belong sa jumlong." muli kong tinalikuran si Katie. Nakasunod pa rin naman ito sa akin. Ayaw talaga akong tigilan. Sinagot ko na nga yung tanong niya. Todo kulit pa din. "Ano yung jumlong?" Natigilan ako sa paglalakad at muling humarap sa kaniya. "Jumlong means. Mahaba na mataba. Gano'n kalaki ang kargada niya. Titigilan mo na ba ako?" inis na sabi ko sa kaniya. Bigla na lamang napatili si Katie. Halos mabingi ako sa lakas ng pagtili niya. "Gwapo na, jumlong pa! Panalo ka, Abby! Palong-palo at busog na busog ang kiffy mo!" todo asar nito sakin. Hinayaan ko na lang. Akala niya siguro masarap. Masakit kaya. Nagising akong kumikirot ang aking ulo. Hindi lang ulo ang masakit sakin kundi pati na rin yung nasa pagitan ng aking mga hita. Pagmulat na pagmulat ko ay tumambad kaagad sakin ang pulang mantsa sa kumot. Nasapo ko ang noo ko ng ma-realized na sa akin ang dugo na 'yon. Wala na, wala na yung iniingat-ingatan ko. Nakuha lang ng ganoon lang kadali ng lalaking nasa tabi ko. Tulog na tulog pa rin ito. Ayaw kong madatnan pa niya ako rito kapag nagising siya kaya sinubukan kong umalis sa kama ngunit sumabay lang ang pagkirot ng ulo ko at ang paghapdi ng p********e ko. Para bang piniga ang ulo ko. Dumagdag pa ang mahapding nararamdaman ko sa pagitan ng aking mga hita. Pakiramdam ko may nakasalpak pa rin dito. Hindi ko ininda ang hapdi at ang kirot ng ulo ko. Pinilit kong makaalis sa kama. Kaysa naman maabutan pa niya ako rito sa kama. Dahan-dahan lamang ang pagbaba ko. Nakahinga ako ng maluwag ng maakaalis akong hindi siya nagigising. Nagmadali akong suotin ang punit kong uniform. Isa rin sa napunit ang panty ko. Buti na lang yung slacks ko hindi niya pinunit kaya naman may mukha pa rin akong maihaharap paglabas ko dito. Binilisan ko na lamang ang pag-ayos ng sarili ko. Ang buhok ko ay sinuklay ko na lang gamit ang mga daliri ko. Pagkatapos kong pagmasdan ang sarili sa salamin ay kaagad kong tinahak ang pinto para tuluyang lumabas rito. Tamang-tama sa paglabas ko ay may isa ring babae na lumabas sa kabilang kwarto. Katulad ko, nagmamadali rin ito at bitbit pa nito ang sandal. Nauna lang ito sa akin kaya kitang-kita ko ang pagmamadali niya at pagmamadali nito sa pagsuot ng kaniyang bitbit na sandal. Sino naman kaya ang babaeng 'yon? Hindi kaya siya yung stripper na sinasabi kagabi ng walang hiyang lalaking nagnakaw ng virginity ko. "Ah!" bigla na lamang kumirot ang pagitan ng aking mga hita. Walang hiyang lalaking 'yon. Dahil sa sobrang laki ng kargada niya. Ito ako ngayon parang binaunan ng tambutso. "Elizabeth?" Natigilan ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sakin. Unti-unti kong nilingon ito. Ganoon na lamang ang pagngiwi ko ng makitang si Ma'am Fin ang nasa likuran ko. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat wala ka dito dahil wala ka namang pasok?" Hindi ko napigilan at napakamot na lamang ako sa ulo. Sana hindi niya mapansin ang kaunting punit sa uniform ko. "Elizabeth? Hindi ka ba umuwi kagabi? Saan ka natulog?" Ito na nga ba sinasabi ko? "M-Ma'am, m-may nakalimutan lang po ako kaya binalikan ko. Importante kasi sakin ang bagay na 'yon k-kaya maaga pa lang pumunta na ako rito." pagsisinungaling ko. Ewan ko lang kung maniniwala siya sa palusot ko. Tinitigan niya ako ng matagal. "Huwag mo 'kong niloloko, Elizabeth. Pumunta ka rito na naka-uniform?" "A-akala ko kasi may pasok ako kaya nag-uniform ako. Doon ko lang naalala ng papasok na ho ako rito. Wala ho pala akong pasok ngayon " nakayukong paliwanag ko. Sana lang ay maniwala siya. "Oh siya, sige na, umuwi ka na. Hindi ka naman duty ngayon pero pakalat-kalat ka rito sa loob ng hotel." "S-sige po, ma'am. Aalis na ho ako." Nakayukong paalam ko at nagmadali ng tinalikuran ito. Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo ako ng tuluyan sa kaniya. Mabuti na lang naniwala siya sa palusot ko. Third Person's POV "Hermes..." "Mom..." sagot ni Hermes sa kaniyang phone ng sagutin ang tawag ng kaniyang ina. "Nasaan ka na? Nakalimutan mo yata na ngayon ang kasal mo." "Oh, s**t! I forgot!" nagmadaling magbihis ng. mga saplot si Hermes habang kausap pa rin ang ina. "I'll be there in thirty minutes, Mom." halos madapa-dapa siya sa pagsuot ng kaniyang boxer at maging sa kaniyang pants. "Just make sure, son. Baka mamaya ang bride pa mauna sa 'yo rito." "Yes, Mom. Sandali na lang 'to." "Okay, I'll hang up." Nang maibaba ang kaniyang phone ay may bigla na lamang siyang naalala. Hinding-hindi siya puwedeng magkamali. May babaeng pumasok dito sa kaniyang room. Hindi kaya dahil sa kalasingan ko kaya kung ano-ano yung naiisip ko? Hinawi niya ang kumot para masilayan ang bedsheet. Ang alam niya, virgin yung babae pero bakit wala siyang makitang red blood stain sa bedsheet. Umiling-iling na lamang siya. "Panaginip lang siguro 'yong nasa isip ko." Bakit ko pa iisipin 'yon? Ikakasal na ako ngayon sa babaeng pinakamamahal ko. ----- Halos liparin niya na ang kaniyang sasakyan para lang makarating kaagad sa simbahan. Ilang minuto lang din naman ay narating niya na ang simbahan. Mabuti na lang may mga handang tuxedo ang hotel kaya naman hindi na siya nahirapan pa maghanap o tumawag sa kaniyang assistant para papuntahin ito sa hotel para dalhin ang kaniyang tuxedo. "Mabuti naman nandito ka na." Napansin niyang namamawis ang kaniyang ina. Akala yata nito ay hindi siya makakarating. "This is the happiest day of my life, Mom. Hindi puwedeng hindi matutuloy ang wedding na 'to. Matagal namin 'to pinaghandaan ng fiance ko." "Kuya!" "Iris..." "Ang gwapo naman ng Kuya ko." bigla na lamang lumapit sa kaniya si Iris at kaagad na yumakap. "Huwag ka ng yumakap baka isipin pa nila kabet kita." bulong niya kay Iris na kaagad namang lumayo. "Yuck!" tila ba nasuka ito sa sinabi niya. Nagtawanan sila. Nagtungo na sa altar si Hermes para hintayin ang babaeng pinakamamahal niya. Nakaalis na raw kasi ito sa bahay at on the way na. Inabot ng ilang minuto ang kanilang paghihintay ngunit walang bride na dumating. Kinakabahan na siya ng sobra. Hindi na siya mapakali sa kinatatayuan niya. Hiniram niya ang phone ni Iris para tawagan ang kaniyang fiancee ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. "Just relax, Kuya. Darating din 'yon." "How can I relax? It's been an hour but my bride is still not here." Nagkagulo na sa labas hanggang sa may narinig na lamang siyang umiiyak. Ang Mommy ng fiance niya. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. "May nangyaring masama sa bride!" sigaw ng isang lalaki. Doon kumabog ng sobra ang dibdib niya. Lumapit sa kaniya ang lalaki habang hingal na hingal ito. "A-anong nangyari?" ang lakas ng kaba sa dibdib ni Hermes. "Huwag ka sanang mabibigla... sumabog ang bridal car at kasama sa pagsabog ang bride." Hermes' world almost stopped when he heard those words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD