Chapter 2

734 Words
"Anong pangalan mo, bata?" magalang na tanong ni Jackson. "Po? Ako po si Anthony, pero Tonton po ang tawag nila sa akin." sagot ng bata saka siya muling tinitigan nito. At panakunot pa ang noo ng bata at maya-maya ay nanlaki ang kaniyang mga mata. "Kilala po kita." Bumilis ang t***k ng puso ni Jackson. At napatingin siya sa paligid, mabuti nalang at walang ibang taong naglalakad sa kalsada kundi silang dalawa lamang. "A-ah? Paano?" "Puro po mukha niyo ang nakadisplay sa kalsada tapos hindi po kayo mawala-wala sa balita. Hinahanap na po kayo ng mga magulang niyo Sir." sabi pa ng bata sa kaniya. Sumikip ang kaniyang dibdib. At bigla niyang naalala ang may sakit sa puso niyang Ina. Sa kaniyang palagay ay nag-aalala na ito nang husto sa kaniya. "Hehe, hindi ako iyon utoy." sabi ni Jackson sa bata habang napakamot sa kaniya batok. "Po? E kamukhang-kamukha niyo po kasi siya?" sagot muli ng bata. Muling tumingin si Jackson sa may ilaw na kwarto sa taas at napansin niya na may anino ng babae na naghuhubad ng oras na iyon. Tinakpan niya ang mga mata ni Tonton at pinatalikod. "Kuya, ano ba?! Bakit niyo po, tinakpan ang mga mata ko?" reklamo pa ni Tonton ng minutong iyon. Maya-maya ay binitawan na rin niya ang pagtatakip niya sa mata ng bata nang matapos nang magbihis si Jane. Doon lang siya nakahinga. Tapos tinapakan ni Tonton ang sapatos ni Jackson saka siya tumakbo ng mabilis. Napangiwi siya sa sakit sa pagtapak ng bata sa kaniya at napatingala sa kwarto ni Jane. Kumatok si Jackson sa gate at sinalubong siya ni Aling Elsa ang landlady ng nasabing bahay. "Oh? Sino ka naman?" mataray na bungad nito sa kaniya. "Ah? Kaibigan po ni Jane pwede ko po ba siyang makausap?" sabi ni Jackson habang nakangiti sa matanda. "Jane!!!" halos mabingi si Jackson sa lakas at tining ng boses ng matanda at maya-maya ay biglang bumaba si Jane. "Po?" "May bisita ka! Wag kayong magsesex sa kwarto ah? Baka malasin ang paupahan ko." sabi nito sabay padabog na umalis ng minutong iyon. Napailing nalang si Jane at lumapit sa gate at kinausap ang lalaking nasa labas. "Uhm, may kailangan raw po kayo?" Tanong ni Jane sa lalaki at bigla niyang napansin ang suot nito. Hindi siya nagkakamali, impossible na magkaroon kaagad siya ng ganoong klase ng damit gayong kakalabas lang niya nito sa may storage at bukas palang ito ilalaunch sa store nila. Muli niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki. Matangkad siya. Pangmodel ang tindig ng kaniyang katawan. Ang ang mukha niya parang foreigner. At ang kulay ng mga mata niya, kulay berde. Bakit may demigod ngayon sa harapan niya? "Jane right?" Nanlaki ang mga mata ni Jane hindi dahil sa alam ng lalaking ito ang kaniyang pangalan kundi dahil sa malalim at malaking boses nito. Lalaking-lalaki ang boses. Napalunok siya ng kaniyang laway at pilit na inayos ang kaniyang sarili at hindi nagpahalata na may kakaiba siyang nararamdaman dito. "U-uhm, paano niyo po nalaman?" magalang na tanong nito sa lalaki. Hinawi niya ang buhok nito na parang pangkpop at kuminang ang hiwak nito sa kaniyang tenga. Hindi siya nagkakamali, iyon ang isa sa mga accessories nila sa tindahan! Lumalakas nag kutob ni Jane na may kakaibang nangyayari ngayon kaya napaatras siya ng bahagya. "Kilala kita. Kilalang-kilala kita, Jane." Halata sa boses nito na kilala nga siya ng lalaki na hindi naman matandaan ni Jane kung bakit at papaano? "Uhm, regular customer ko po ba kayo sir?" tanong ni Jane sa lalaki. Okay, ang weird. Ano naman nag gagawin ng isang regular customer sa bahay ng isang sales Representative? tanong niya sa kaniyang sarili. "Hindi, ako si Baby Boy." Nanlaki ang mga mata ni Jane at halos huminto ang t***k ng kaniyang puso. Baby boy, sana naging tao ka nalang tapos ligawan mo ako at siyempre sasagutin kita. Magkakaanak tayo at magiging masayang isang pamilya. Omg! Hindi pu-pwede! Nananaginip lamang siya! Sinampal niya ang kaniyang mukha at naramdaman niya ang sakit. Hindi maaari! Papaano niya nalaman ang mga iyon? "Okay, don't freak out. Huminga ka lang ng malalim okay? Inhale, Exhale!" at sumunod naman si Jane hanggang sa naging okay na ang kaniyang paghinga. "Okay ka na?" tanong ni Jackson sa kaniya. Tumango lang si Jane. "So can i come in? So i can explain everything?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD