bc

The Mannequin Who Walks at Night

book_age16+
30
FOLLOW
1K
READ
body exchange
playboy
comedy
twisted
sweet
bxg
humorous
lighthearted
mystery
soul-swap
like
intro-logo
Blurb

Jackson Dela Vega is a playboy who's cursed by one of his girls which has a power of a Witch and make him a Mannequin. m*******e De Jesus was the girl who broke the spell and make Jackson freed for being a Mannequin, only in dark night. But when the sunglight comes, he will be back to be a Mannequin.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Isang buwan na ang nakakalipas ngunit magpahanggang ngayon ay wala paring lead ang mga pulis tungkol sa misteryosong pagkawala ng isa sa pinakasikat at sought after model, actor and the one and only heir of deevee group of company, Jackson Dela Vega…" Pinatay ni Jane ang tv na nakalimutan niyang patayin noong nagmamadali siyang umalis kaninang umaga. Late na kasi siyang nagising kaninang umaga, mabuti nalang malapit lang at pwedeng walking distance ang pinapasukan niyang tindahan ng mga damit. Ang isa sa pinakasikat na clothing line sa henerasyon na ito, ang "deevee". Tinalo lang naman niya sa sales ang mga kalaban niyang competitors tulad ng Bench, Penshoppe at marami pang iba. Hindi lang dahil sa kalidad ng kanilang mga produkto, kundi dahil na rin sa baba ng presyo kumpara sa mga kalaban nito. Kaya maraming nahumaling sa kanila, lalong lalo na ang mga Teenagers na kung saan nakuha nila ang panlasa ng mga ito sa mga inilabas nilang mga Street wear na saktong sakot sa iba't ibang klase ng kabataang pinoy. Mapalalaki man iyan o babae. Ibinagsak ni Jane ang pagod niyang katawan sa kaniyang matigas na kama at napangiwi siya nang tumama ang likuran niya sa isang matigas na bagay na nakalagay sa ibabaw ng kaniyang kama. Iyong tawas, na ginamit niya kanina sa kaniyang kili-kili at basta nalang niya hinagis sa kung saan at di namalayan na sa kama pala niya ito naihagis. Nanghihina siyang tumayo upang tignan ang kaniyang likuran kung may sugat ba o ano, sa harap ng maliit na salamin sa gilid ng kaniyang kama at doon niya napagtanto na may pasa ang likuran niya. Halos mangiyak-iyak na siya ng oras na iyon. Hindi na raw ba matatapos ang kamalasan niya sa buhay niya? Grade two siya noong namatay ang Mommy at Daddy niya. Kinuha siya ng mahaderang Tita niya na akala niya mag-aalaga sa kaniya. Kinamkam ang pera ng pamilya niya at bigla nalang siyang iniwan sa isang bahay ampunan. Tapos, nasunog naman ang bahay ampunan dahil sa nailagay niya malapit sa may bintana ang kandila nang minsan silang mawalan ng kuryente dahilan para masunog ito at lumaki nang husto ang sunog. May umampon naman sa kaniya, isang pamilya ngunit ginawa lang siyang katulong nito thankful parin siya kasi pinapakain at pinapaaral siya kaso nang tumuntong na siya nang desisais ay nagdesisyon na siyang umalis sa impyernong buhay na iyon at nakipagsapalaran sa maynila. Marami na siyang naging trabaho dito. Nariyan na iyong, nagwaitress siya sa isang bar. Naging tindera sa isang karinderya. Naging tindera sa palengke, at ang huli ay naging sales lady sa isang kilalang brand ng damit. Ang "deevee". Papikit palang sana siya nang biglang may kumatok sa kwarto ng inuupahan niya. At kilala niya ang boses ng taong iyon, hindi siya pwedeng magkamali. Si Elsa, ang landlady ng inuupahan niyang bahay. Napatayo kaagad siya at lumapit sa may pintuan, huminga muna nang malalim bago niya ito tuluyang binuksan. "Hi, Aling Elsa napadaan po kayo?" ngiting bungad niya sa nakasimangot na matandang babae. "Ilang beses mo pa ba ako pababalik dito, Jane? Dalawang buwan ka nang walang bayad sa upa ng bahay, baka gusto mo itapon ko na sa labas ng bahay ang mga gamit mo?" kitang-kita sa mga mata at bibig ng matanda na hindi siya nagbibiro. Naalala niya tuloy iyong isang tenant sa kabila sa ginawa nito, hinagis at tinapon na parang basura nag gamit nito sa kalsada nang walang paalam doon sa nakatira sa kwarto. Muli siyang ngumiti at kinuha ang pera sa kaniyang bulsa. Saka siya bumuntong hininga ng malalim. Inalala niya si Tonton, ang batang kaniyang pinangakuan na bibilhan niya ng bagong damit. Makulit ngunit mabait na bata si Tonton, isa siyang barker sa may kanto na kung saan sumasakay si Jane papasok sa trabaho. Ngayon, di na niya ito matutupad dahil kailangan niyang ibigay nang buo ang bayad sa kaniyang tinitirahan. "Ayan, magbabayad ka naman pala e. Kailangan pang paulit-ulit. Next time kapag nalate ka ulit ng bayad, aasahan mo nang makita ang gamit mo sa kanal." matinding pagbabanta ng matanda sa kaniya. Kaagad niyang sinarado ang pintuan at napasandal na lamang dito. Napatingala sa may kisame sabay sabing… "Kailan ba matatapos ang kamalasang ito, Lord?" tanong niya sa May Kapal. Hanggang sa naalala niya na may nakalimutan siyang pataying ilaw sa store. Dali-dali siyang gumayak para pumunta sa store kundi baka mawalan na siya ng trabaho kapag naabutan iyon ng mahadera niyang boss.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.5K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.9K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
109.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
145.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook