"Okay, okay. Kailangan ko munang i-sink in sa utak ko ang lahat ng mga sinabi mo." sabi ni Jane na halos hindi makahinga ng maayos dahil sa mga rebelasyon na sinabi ni Jackson sa kaniya.
Hindi naman makapaniwala si Jackson na hindi siya kilala ng dalaga. Ang buong akala niya ay sikat na siya at kilala ng lahat ng karamihan ng mga kababaihan, lalo na si Jane kasi nagkalat sa store ang mukha niya at maging ang mga mukha niya sa billboard at television.
Sinagot naman ni Jane ang tanong niya, kilala niya at namumukhaan niya si Jackson kasi nga nakabalanda sa kung saan ang mukha at hubad niyang katawan. Pero wala naman raw siyang interest dito kasi busy siya sa buhay niya.
"Okay, so ikaw si Jackson Dela Vega. Tapos, sinumpa kang maging isang Mannequin kasi sa nasaktan mo ang damdamin ng isang babae?" tumango lang si Jackson at ngumiti dahil nakuha at maintindihan niya ang lahat ng mga sinabi nito.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang tumunog ang tiyan ni Jackson. Napansin at narinig ito ni Jane saka siya tumayo upang tignan kung mayroon pa ba siyang natirang pagkain ngunit tinapay lang ang nakita niya iyong binili niya kanina sa bakery.
"Salamat ah!"
"Uhm, pwedeng magtanong?" aniya Jane habang pinagmamasdan niyang kumain ng tinapay si Jackson.
"Oh?"
"Bakit, ako ang unang pinuntahan mo? Bakit di ka dumiretso sa pamilya mo?" huminto saglit si Jackson at inilapag sa may plato ang tinapay tsaka uminom ng tubig at nilunok ito.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang napili ko? Siguro may connection tayo sa isa't isa?" namula ang mukha ni Jane saka siya umiwas ng tingin dito.
"Puro ka kalokahan! Bakit nga?" inis na sambit nito.
"Well, ayoko ko silang magfreak out. Tapos ipapalabas nila sa balita na nakita na ako and so on, tapos bigla na naman akong mawawala? Babalik sa dati? Magiging Mannequin?" halata sa boses nito ang pangangamba.
Naawa tuloy si Jane sa sitwasyon niya.
"So naniniwala ka na maaari kang bumalik sa pagiging Mannequin?" tanong ni Jane sa kaniya. Yumuko siya at hindi kaagad nakasagot. Saka siya bumuntong hininga ng malalim.
"I don't know, ganoon kasi ang mga napapanood ko noong bata ako. Besides, i don't think na, nabreak na yung cursed?" muling nalungkot ang mukha ni Jackson. Kaya nakaisip si Jane para muling bumalik ang ngiti sa labi ng lalaki. Hinila niya ito at bumaba sila saka niya dinala si Jackson sa lugar na kung saan siya nakakaramdam ng kaliwanagan sa kaniyang isipan. Sa may bundok.
At namangha si Jackson sa ganda ng city lights na kaniyang nakikita. Umupo si Jane sa bermuda grass, tumabi naman si Jackson sa kaniya.
"Pumupunta ako dito kapag naaalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa…" kumunot ang noo ni Jackson sa narinig niya na sinabi ni Jane.
"Huh?"
"Zebbianna?"
"What? Who the f**k is Zebbianna?"
"Pota ka! Sikat kaya na kanta iyon ngayon!"
"O-okay? So, anong kinalaman noon sa sinabi mo?"
Nagggive up na si Jane. Hindi ganoon ka bilis magpick up ng humor si Jackson.
"Wala! I'm just messing up with you. Anyway, ano bang nagustuhan ng mga babae sa iyo, hindi ka marunong ngumiti?" nagreklamo naman si Jackson sa sinabi ni Jane sa kaniya.
"Hoy! Brand ambassador ako ng isang Toothpaste brand at walang tartar ang ngipin ko!" Oo, sobrang puti nga nang ngipin niya at kumikinang pa ito.
"Ang kaiba kasi ang ngiti na bayad sa ngiti na hindi."
"Hindi naman ako magkakapera sa sinasabi mo." sagot ni Jackson.
"Marami na kayong pera, and still you aim for more?"
"I live on my own since i was 15. So, hindi na ako dumidepende sa pera ng parents ko."
"Pero, i heard na ikaw raw ang nag-iisang tagapagmana ng kumpanya ng pamilya mo?" ani Jane.
"Of course! Nag-iisang anak lang naman ako, and napepressure ako kasi gusto nilang ihandle ko yung business but that's not what i want." inis na sabi ni Jackson sabay hagis ng maliit na bato sa hangin.
"Buti nga kayo, hindi niyo na kailangan mamoblema sa ganyan. Kami, kailangan pa naming maghirap at pumasok sa butas ng karayom para lang umangat sa buhay!" malungkot na sabi ni Jane.
"Ah? Sino bang gago ang magnanais na pumasok sa butas ng karayom! At, nakapasok ka na ba sa karayom?" halos pumutok ang ulo ni Jane sa sobrang inis niya kay Jackson.
Bakit ganoon siya ka naive?