"Himasin mo ang ari niya, pataas at pababa saka mo ipikit ang mga mata mo at humiling ng kung anong ninanais ng puso mo. And your wish will be granted."
Unti-unting, naigagalaw na ni Jackson ang kaniyang katawan. Una ang kaniyang daliri sa kamay, sunod ang kaniyang ulo hanggang sa ang buo na niyang na niyang katawan naigagalaw na niya. Nakababa na rin siya sa flatform at nakahinga ng maayos.
"Holyshit! Is this real? Malaya na ako?" tanong niya sa kaniyang sarili. Hinawakan niya ang kaniyang mukha at tumingin sa salamin. Hindi siya nananaginip, totoong buhay siya. Totoong nakakalakad na siya. Maya-maya ay bigla siyang nakarinig ng kaluskos ng kadena. Hindi maaaring bumalik ang babaeng nakapagpalaya sa kaniya? Bumalik muna siya sa kaniyang pwesto at napagtanto nga niya na iyon ang babaeng nagpalaya sa kaniyang kakaibang sumpa. Dumaan ito sa kaniyang harapan at huminto saglit. Tinignan siya nang maigi at tila para bang may napansin itong kakaiba.
"Himasin mo ang ari niya, pataas at pababa saka mo ipikit ang mga mata mo at humiling ng kung anong ninanais ng puso mo. And your wish will be granted."
Muli na namang naalala ni Jane ang kaniyang ginawa bago siya umalis ng store. Nababaliw na ba siya? Bakit niya ginawa iyon? Imposible naman na isang mannequin ang magbibigay ng kaniyang kahilingan?
Iniling niya ang kaniyang ulo saka na siya dumiretso sa may storage room at kaagad na inooff ang ilaw. Doon na nagkaroon ng pagkakataon si Jackson na makalabas ng tindahan at makalanghap ng sariwang hangin. Nagtatatakbo siya palayo sa nasabing establisyamento na parang batang ngayon lang muli nakalabas ng bahay. Nagtatatalon pa siya sa sobrang saya.
Napakunot naman ng noo si Jane nang tila may narinig siyang kakaibang tunog at napansin nga niya na gumalaw ang pintuan ng kanilang tindahan. Kinabahan siya at dali-dali na siyang umalis sa lugar na iyon.
Samantala, hindi naman alam ni Jackson ang kaniyang gagawin. Saan ba siya dapat unang pumunta? Kailangan ba niyang umuwi na sa kanilang bahay? Ngunit naalala niya na baka hindi permanente ang kalayaan niyang ito? Napaupo siya sa bench at muling inalala ang huling gabi bago siya naging isang Mannequin.
Nasa bar siya ng kaniyang kaibigan. Nagsasaya. Nagsasayaw habang may kahalikang isang ramdom na babaeng nakilala niya lang din sa Bar hanggang sa sumipot bigla sa kaniyang harapan si Marian. Ang babaeng humaling na humaling sa kaniya. Isang weirdong babaeng nakilala niya sa isla ng Siquijor nang minsan silang nagbakasyon doon ng kaniyang nga barkada. Mayroong nangyari sa kanila at pinangakuan kasi ni Jackson ang dalaga na pakakasalan niya ito dahil nga birhen ito nang kaniya itong makuha ngunit natapos na ang araw ng kaniyang bakasyon at hindi na ito nagpakita sa dalaga hanggang sa sumapit nga ang gabing iyon at laking gulat niya sa biglang pagsulpot nito sa kaniyang harapan. Hinila niya ito palabas ng Bar at doon kinausap. Pinagtatabuyan niya ito at pinagsabihan ng mga masasakit na salita na hindi nagustuhan ng dalaga. Iyak ng iyak si Marian at nagmamakaawa ito sa kaniya ngunit sinampal lang siya ni Jackson ng malakas dahilan para dumausdos ito sa may gutter. Patalikod na sana si Jackson upang bumalik sa loob ng Bar nang marinig niyang tila nagsalita ng kakaibang lengguahe itong si Marian at biglang lumamig ang paligid lumipad si Marian at unti-unting lumulutang ang kaniyang katawan. May kung anong enerhiya siyang naramdaman sa kaniyang katawan at maya-maya ay hindi na niya maigalaw ang kaniyang katawan. Hanggang sa naging isa na siyang Mannequin.
Muling Iniling ni Jackson ang kaniyang ulo nang muling maalala ang kakaibang kaganapan sa kaniyang buhay. Ang buong akala niya na sa mga fairytale o movie lamang ito nangyayari, ngunit nang siya na mismo ang makaranas nito, masasabi niyang totoo nga ang mga sumpa.
Napatingin siya sa gilid niya nang mapansin niya na lumabas na mula sa store ang babaeng nagpalaya sa kaniya. Kilala niya ang nasabing babae. Si Jane. Paano ba naman niya hindi ito makikilala e, palagi siya ang nakatoka na magpalit ng damit sa kaniya. At higit sa lahat, siya rin ang palaging napapagalitan ng kaniyang boss kahit na wala naman itong ginagawang masama sa kaniya. Minsan nga ay naaawa na ito sa kaniya dahil sa ginagawang pang-aalipusta sa dalaga. Mabait si Jane, ramdam ito ni Jackson dahil palagi siyang kinakausap nito. Sabi kasi ni Jane, na sa lahat ng Mannequin sa store, tanging siya lang ang may tila para ba raw buhay na mga mata. Oo, palaging nakatingin sa green na mata ni Jackson ang dalaga. Minsan pa nga ay hinahawakan niya ito at hinihipan kapag may mga alikabok na kumakapit dito.
Sinundan ni Jackson ang dalaga. Sumakay ito ng Jeep at sumakay din siya. Maya-maya ay huminto rin kaagad ang jeep, naalala niya na wala nga pala siyang dalang pera kaya dali-dali nalang siyang bumaba at hindi na ininda ang mga mura at sigaw ng driver.
Patuloy parin ang pagsunod ni Jackson sa dalaga hanggang sa huminto ito sa isang bata na nakaupo sa may harapan ng bakery. Nilapitan ito ni Jane at inabutan ng tinapay na binili niya sa Bakery, tapos niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Kaagad na inisip ni Jackson, na baka anak ito ng dalaga pero parang napakabata pa naman ata niya para magkaroon ng ganoong kalaki nang anak. Sa tingin niya sa batang kausap ni Jane ay nasa edad na Apat na taong gulang na ito?
Tapos ay muling gumayak si Jane at sinundan muli ito ni Jackson hanggang sa huminto ito sa isang bahay. Binuksan ni Jane ang gate at umakyat sa loob ng bahay. Napakamot ng ulo si Jackson. Paano niya makakausap si Jane? Hanggang napatalon sa gulat si Jackson nang may humila sa laylayan ng kaniyang damit sa likuran at nang tignan niya ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Iyong batang binigyan ni Jane ng tinapay ang nasa kaniyang likuran.
"Bakit mo sinusundan si Ate Jane?" halata sa boses at mata nito ang galit habang nakatutok ang patpat na hawak ng bata sa kaniyang harapan.
Napangisi nalang si Jackson at napakamot ng ulo. Ano ba naman itong nangyayari sa kaniya?