The Wildest Revenge Of Divora-7
Kinaumagahan sa bayan ng San Gabriel de Oro ay umusbong pa lalo ang m******e na nangyari sa pamilya Matsunaga.
"Si Lucio! Si Lucio Grego ang pumatay sa pamilya Matsunaga! Si Lucio ang mamamatay tao! Si Lucio ang judas!"sambit ng isang lalaki at lahat ng taong makarinig sa ng kanyang pinagsasabi ay nag sitinginan sa kanya.
Pero sino ba ang maniniwala sa lalaking 'yon kung isa itong baliw sa kanto at may yakap-yakap pa itong manika.
"Wala na talaga si Jojo, tuluyan na s'yang nabaliw mula noong namatay ang kanyang asawa," wika ng isang babaeng nakaka-kilala sa lalaki. "Kawawa naman si Alberto na anak n'ya, wala na ngang nanay baliw pa ang tatay." dugtong pa nito. At sa 'di kalayuan ay nakatanaw si Ramon sa lalaking baliw habang nasa loob s'ya ng kanyang kotse, tinitigan n'ya ito ng maigi at sa isang tingin pa lang ay alam na n'ya na may kahina-hinala na tungkol sa lalaki.
Nakarating naman sa pamilya Grego ang tungkol sa baliw na lalaki na nagpapa-kalat ng balita sa bayan ng San Gabriel de Oro.
"F*ck Lucio! Kung hindi ka lang gago sana hindi tayo ganito!" pabagsak at galit na galit na sambit ng Ama ni Lucio sa kanya.
"Relax Dad, baliw lang iyon at walang maniniwala doon. Kaya kalma ka lang muna, hindi tayo sasabit d'yan," sagot naman n'ya sa ama.
"Baliw kong baliw Lucio! Pero may mga taong mahilig maniwala sa mga haka-haka!" turan pa nito sa anak. "What if they will believe to that man ha?! What will you do ha! Lucio!? what will we do?!" galit pa ring sambit ng Ama ni Lucio sa kanya.
"Dad, don't over think too much,"sabat pa n'ya sa Ama. "If you like to clean everything then let's wait until the night comes at papatayin rin natin ang lalaking 'yon."wika pa nito.
Habang sa kabilang banda naman ay
hindi mapakali si Ramon sa lalaking baliw na kanyang nakita kaya palihim n'ya itong sinundan hanggang sa lumubog ang araw.
Sa isang masukal na lugar ay doon nagtungo ang lalaki at panay pa rin ang pagsunod ni Ramon sa lalaki. Nagtaka pa si Ramon ng biglang umayos ang paglalakad at pag-iisip ng lalaki at may dala pa itong pagkain at pumasok ito sa isang kubo. Mas nagtaka si Ramon kaya hindi n'ya ito nilubayan ng kanyang tingin at palihim pa rin itong sinundan.
"What!?"mahinang bulalas ni Ramon. "Hindi pala talaga s'ya baliw! Tama ang kutob ko!"mahina n'yang bigkas matapos makita ang lalaki na may anak pala ito at maayos pala ito kong kumilos at maayos itong mag salita pati ang pag-iisip.
"Anong rason n'ya para magpanggap s'ya na isang baliw?! anong alam n'ya sa patayang naganap sa anak ng Don na si Madam Divina!?" mga tanong sa isipan ni Ramon at hindi na n'ya pinalampas ang pagkakataon na iyon at mabilis n'yang nilapitan ang mag Ama.
Ng makaramdam ang lalaki na may ibang tao sa kanilang likuran ay mabilis nitong kinuha ang itak na nakapatong lamang sa misa at agad na hinarap ang lalaking nasa kanyang likuran.
"Sino ka!?" ani nito sabay tutuk ng itak sa lalaking si Ramon.
"Papa sino s'ya?"tanong ng bata sa Ama.
Hindi na nag abala ang lalaki na sagutin ang tanong ng kanyang anak dahil baka panganib ang dala ng kanilang panauhin.
"Sumama kayo sa akin!" Commando ni Ramon sa mag ama, nagsalubong ang mga kilay ng lalaki at mas inigtingan pa nito ang pagkakahawak nito sa itak at handang-handa s'yang protektahan ang kanyang anak.
"Tauhan ka ba ng mga Grego!?"ngitngit na sabi ng lalaki, at sa tuno ng pananalita nito ay ramdam mula sa tinig nito na may angking galit ito para sa mga Grego. Itinaas ni Ramon ang kanyang dalawang kamay sa ere hudyat ng kanyang pag-papaalam rito na hindi s'ya kalaban at wala s'yang dalang panganib. Naramdaman naman ng lalaki na walang balak na masama si Ramon kaya unti-unti niyang ibinaba ang itak na hawak n'ya.
Ng matiwasay na ang dalawang pagitan ay kinausap na ni Ramon ang lalaki at ipinaliwanag ang sitwasyon dito, at i-tinanong n'ya ang lahat ng kung ano man ang nais n'yang i-tanong dito. Nawindang si Ramon sa kanyang nalaman tungkol sa lalaki at nakumpirma n'ya na rin sa wakas kong sino ang nasa likod ng krimen na nangyari sa pamilya Matsunaga. Matapos mag usap ng dalawa ay minabuti ni Ramon na isama ang mag ama sa mansyon ng Carlos.
Habang sa kabilang banda naman ay nag aalala si Loling sa batang si Divora na sa ngayon ay muling natutulog. Natutulala kasi ito at basta basta na lamang umiiyak mag isa at tinatawag ang pangalan ng kanyang mga magulang at ang pangalan ng kanyang kambal.
"Kamusta s'ya Loling?" nag aalalang tanong ni Eduardo sa kanyang kasambahay patungkol sa kanyang apo. Bumuntong-hininga si Loling bago muna ito sumagot at awang awa s'yang nakatingin sa bata.
"Palagay ko Sir, may trauma ang batang ito,"aniya sa amo. "Nakakaawa s'ya, dinadalaw s'ya ng malagim n'yang karanasan sa bawat pag pikit n'ya ng kanyang mga mata, kawawa naman ang batang ito at halos wala s'yang ganang kumain" ani pa ni Loling at hindi maiwasan ng Don na maawa rin sa kanyang apo. Sino ba naman kasi ang taong makaka-kain pa ng matino sa ganoon kalagim na karanasan.
"Don Eduardo andito na po si Ramon,"sabi ng isang katulong na nasa likuran na ni Don Eduardo at hinarap naman ito ng Don.
"Sabihan mo kay Ramon, Mary. na bababa na ako."aniya sa katulong.
"Masusunod po." turan naman nito sa kanya.
Sa pagbaba ni Don bEduardo ng hagdan ay agad nitong tinungo ang sala kong saan nag hihintay ang tauhan n'yang si Ramon.
Pagka-tanaw ni Ramon na papalapit na ang kanyang amo ay agad s'yang tumayo mula sa sofa na kanyang inu-upuan at ganun din ang ginawa ng kasama nitong lalaki at agad namang nakuha ng lalaki ang attention ng Don.
"Sino s'ya Ramon?"takang wika ng Don.
"Paumanhin po boss, kung hindi ko na nasabi ang tungkol rito sa'yo,"sagot n'ya sa amo. "Magsiyasat akong nag imbestiga sa m******e na naganap sa mismong pamamahay ng mga Matsunaga pero wala akong nakuhang kahit anong lead hanggang sa makilala ko ang lalaking ito, at dahil sa kanya ay nakumpirma ang lahat, at iyon po ang rason kung bakit ko po s'ya dinala rito. Hinihiling ko po sa inyo na sana ay pakinggan mo po ang sasabihin ng lalaking ito."wika pa ni Ramon sa kanyang amo at agad namang ipinukol ng Don ang kanyang attention sa lalaki.
"Makikinig ako, magsalita ka,"ani ng Don sa lalaki at nagsalita naman ito.
"Ako po si Jojo, at isa po ang ulila sa asawa at ang anak ko naman ay ulila rin sa Ina," pag u-umpisa pa nito. "Ang m******e po na naganap sa bahay ng mga Matsunaga ay kilala ko po kong sino ang may gawa. At 'yon ay si Lucio Grego, ang lalaking susunod na tatakbo bilang Mayor sa bayan ng San Gabriel De Oro"
"Paano mo nasabi na sila nga 'yon?"usisa ng Don sa pagsisiwalat ni Jojo.
"Alam ko ang lahat ng 'yon dahil andon ako ng mangyari ang krimen. Madadaanan ko po kasi ang bahay ng mga Matsunaga pag-uuwi na ako sa bahay namin dahil nasa 'di gaanong kalayo ang bahay ko mula sa batis na pagmamay-ari ng mga Matsunaga, noong gabing pauwi na ako ay nakarinig ako ng mga pag palahaw ng isang babae at isang matandang humihingi ng tulong. Nais ko man sana na tumulong pero alam kong wala akong magagawa at maaaring mamatay rin ako kapag ginawa ko 'yon. Wala akong magawa kundi ang panoorin at malayang nasasaksihan ng mga mata ko ang pag g****a ni Lucio sa babae, at ang pagpatay ng mga tauhan nito sa isang matanda at sa lalaking ama ng mga bata.
Nakita ko rin ang pagtakas ng kambal at sinundan ko sila at naghahanap ako ng tyempo upang tulungan ang kambal subalit wala pa rin akong nagawa hanggang sa napatay na ang isang bata. Sa lugar ng San Gabriel de Oro ay nagpapanggap akong baliw sa loob ng apat na taon simula noong araw na namatay ang aking asawa, gaya ng ng babaeng Matsunaga ay ginahasa din ang asawa ko ng lahi ng mga Grego at 'yon ay ang ama ng lalaking gumahasa sa babaeng Matsunaga. Dahil sa takot ko na baka patayin din ako at ang anak ko ng mga Grego, ay nagpapanggap akong baliw para sa kaligtasan ko at ng anak kong si Alberto, ng sa gayon ay ma-protektahan ko man lang ang buhay ng anak ko at hindi s'ya maulila sa ama."patuloy na pagsisiwalat ni Jojo sa Don.
"Ngayon na alam n'yo na ang katutuhanan, nais ko sanang hilingin sa inyo na sana protektahan n'yo ang anak ko kahit wag na ako."aniya sa Don.
"Marry, ibigay mo sa akin ang flower vase,"wika ng nagngingitngit na Don dahil sa sobrang galit.
"Pe-pero sir,"alanganing sagot ng katulong.
"Marry!"mariing sigaw pa nito.
Agad na kinuha ni Marry ang flower vase na nagkakahalaga ng tatlong milyon at ibinigay ito sa Don. Agresibong kinuha 'yon ng Don mula sa katulong sabay itinapon ito sa dingding sa sobrang galit, pino-pinong nabasag ang vase sabay sigaw ng Don.
"Ughhhhhhhh! Magbabayad kayo! Magbabayad kayo! Walang lapat ang ginawa n'yo sa apo ko! At sa anak ko! Mas masahol pa kayo sa hayop! Mga animal!"sigaw ng Don. "Mga lapastanggan kayo! Hayop kayo! Mga walang awa! P*utnagina n'yo mga demonyo!" sambit ng Don habang punong-puno ng galit ang puso nito habang umiiyak dahil sa malagim na sinapit ng kanyang anak, manugang at isa pang apo. Nge hindi man lang s'ya nabigyan ng pagkakataon na humingi ng tawad sa pag tatakwil n'ya sa kanyang anak, at hindi man lang s'ya nabigyan ng pagkakataon na tanggapin ng maluwag sa kanyang puso ang lalaking minahal ng kanyang anak, nge hindi man lang n'ya nasilayan ang isa pa n'yang apo.
Humihikbi ang Don sa labis na pagsisisi at hinagpis sa maraming rason na kanyang nararamdaman. Isa na doon ang pagkukulang n'ya sa kanyang anak at sa malagim at masalimuot nitong pagkamatay.