The Wildest Revenge Of Divora-5

2451 Words
The Wildest Revenge Of Divora-5 Ng marinig ng kambal ang tinig ng kanilang Ama na pinapatakas sila ay kinalma ni Dianara ang kanyang sarili at pinahid ang luha ng kakambal n'yang si Divora. Tumayo si Dianara at agad itong tumakbo palapit sa bintana at binuksan ito. Hinakot ni Dianara ang mga unan at kumot at inilaglag 'yon sa labas habang ang kanilang ama naman ay nagsusumikap na mabigyan sila ng sapat na oras upang makatakas mula sa kapahamakan. "Anak!bilisan nnnnnnnnn'yooooo!" malakas n'yang sigaw sa kanyang kambal upang mas magmdali pa ang mga ito dahil konti na lang ang kaya n'yang gawin upang pigilan ang mga tauhang nagpupumilit na pasukin ang kwarto ng kanyang mga anak. Dali-daling hinatak ni Dianara si Divora papuntang bintana. "Divora! Halika na! Bilis! Bilisan mo!" aniya sa kanyang kakambal. "No!" mariing tutol pa ni Divora. " Si Daddy!? How about Daddy ha Dianara? si Mommy si Mameta? ayuko! Ayokong umalis Dianara ayuko. Hindi tayo aalis!" aniya sa kanyang kambal. "Divora kailangan natin makatakas! Susunod sila Daddy alam ko,"sagot naman n'ya kay Divora. "Jump now Divora please, listen to me! Susunod sila Daddy sa atin trust me." dugtong pa n'ya rito. Nakumbinsi naman ni Dianara ang kanyang kambal at ibinaling ang tingin sa mga unan at kumot na kanyang tatalunan sa ibaba, napalunok si Divora sa sobrang takot na baka mapano s'ya at mamatay, subalit she needs to be strong. "Go!"malakas na sigaw ni Dianara ng makitang bumobukas na ang pintuan at sa sobrang takot ay tumalon agad si Divora. Pagka-bukas ng pinto ay kasabay non ay ang pag bulagta ng katawan ni Diorie sa sahig. Nakita 'yon ni Dianara at muli itong humagulgol sa iyak while calling his dad name. "Daaaaaaaaddddy!" hagulgol na sigaw ni Dianara sa pangalan ng kanyang ama subalit dali-dali rin s'yang tumalon sa bintana dahil alam n'ya sa sarili n'ya na wala na s'yang kahit konting oras para yakapin man lang ang kanyang ama na nagbubuwis ng buhay para sa kanila ng kanyang kambal. "I loooove youuhhhhh, leave."huling hiningang sambit ni Diorie habang tinititigan ang pag takas ng kanyang mga anak. Agad na hinawakan ni Dianara ang kamay ng kanyang kambal at magkasabay silang tumakbo papuntang batis, at ang paligid nila ay punong-puno ng mga kakahuyan. Habang tumatakbo ang dalawa ay panay ang kanilang pag iyak habang tinatawag nila ang Mommy at Daddy nila. Hindi nag bitaw ng mga kamay ang dalawang kambal at sabay nilang tinatahak ang daan sa kadiliman sa ilalim ng sinag ng buwan. Sa sobrang pagtakbo ay natisod pa si Divora at agad naman s'yang tinulungan ng kanyang kambal. "Get up,get up Divora get up."iyak na sabi ni Dianara habang tinatanaw na n'ya ang mga lalaking humahabol sa kanila. Subalit hindi na makatayo si Divora dahil na-pilay na ang kanyang isang paa. " Dianara, ikaw na lang ang tumakas, iwan mo na ako! Iwan mo na ako kambal ko! Iligtas mo na ang sarili mo," aniya kay Dianara. "No! tatakas tayo ng sabay , hindi kita iiwan Divora! Hinding- hindi!" mariing sagot pa ni Dianara sa kambal at sabay na napalingon ang dalawa sa kanilang likuran at papalapit na sa kanila ang mga lalaki. "Go! Dianara! Go!"sigaw ni Divora at labag sa loob na tumakbo si Dianara palayo at iniwan ang kanyang kambal. "Ayon!" sambit ng lalaki sa mga kasamahan ng makitang tumatakbo si Dianara. Habang papalapit ang mga tauhan ni Lucio ay gumapang si Divora papalapit sa malaking puno at ikinubli ang kanyang sarili sa gamot ng balite. "Mommmmmmmy! Dadddddy!" iyak na mahinang sambit ni Divora na punong puno ng takot na baka makita s'ya ng mga kalalakihan at mahuli s'ya ng mag ito at patayin, at bukod sa takot n'ya sa kanyang sarili ay natatakot din s'ya para sa kanyang kamkambal na mag isang tumatakbo sa kagubatan. Dinaanan lang ng mga lalaki ang punong pinagkublian ni Divora sabay patak ng kanyang mga luha. Subalit hindi pa naka-ilang minuto ay umalingawngaw na ang putok ng isang b***l na ikinatakot ni Divora. "Dianara!?" agad n'yang sambit at pagapang na inilakad ang kanyang sarili at sa 'di kalayuan ay natanaw ni Divora ang kanyang kambal na may tama na sa paa at tinutukan pa ito ng b***l ng isang lalaki. Muling ikinubli ni Divora ang kanyang sarili sa puno ng kahoy at sinilip ang kanyang kambal. Akmang hakhakbang na sana si Divora palabas sa kahoy na kanyang pinagtataguan at nagbabakasakali s'ya na baka may magagawa pa s'ya para sa kanyang kakambal ng bilang nag tama ang kanilang mata at agad s'yang inilingan ni Dianara to tell her, sign her to not to go out sa kahoy na pinagtataguan n'ya, at kasunod non ay ang pag b***l ng lalaki sa katawan ni Dianara ng limang beses hanggang sa bumulagta sa layang dahon ang katawan ng kawawang bata. Takip bibig na umiiyak si Divora habang tinatanaw ang mahal na mahal n'yang kapatid na wala ng buhay. "Sabi ni boss, esca na daw tayo!" sigaw ng Isang tauhan. "masyado na daw tayong nakaka-bulabog delikado!"ani pa nito at agad na nag-sitakbuhan ang mga lalaki paalis ng kakahuyan. Ng pakiramdam ni Divora ay nakaalis na ang mga lalaki ay iginapang n'ya ang kanyang sarili papalapit sa kanyang kambal. Ng maka-lapit ay umupo si Divora sa lupa at inilagay n'ya ang ulo ng kanyang kambal sa kanyang hita. Umiiyak s'ya ng umiiyak ng napakasakit at humagulgol sa harapan ng patay n'yang Kapatid. Walang ng mas masakit pa para sa isang batang kagaya n'ya ang matunghayan ng dalawang mga mata n'ya kung papaano pinag papatay ang kanyang buong pamilya. There is no more painful to a kid like her to witness how she loses everything by her very own two eyes. "Dianara.. Dianara.."aniya. "Mommy is dead, Mameta is dead, and Daddy too,pati ba naman Ikaw?"sambit n'ya.."I need you, I need Mommy, I need Daddy, I need Mameta. I love you, Dianara . You said you won't leave me, but now why you are closing your eyes? Why are you leaving me? This is not fair, ang daya-daya mo. Dianara I love you, who will be there for me? No more, no one, aniya habang walang tigil sa kakaiyak at hinalikan ang noo ng kanyang kambal at niyakap ito at paulit- ulit n'yang sinasambit ang pangalan ng kanyang kambal. That moment, and a lovely girl loses her pure heart, and it's covered by all of the darkness of hatred. Tumingala si Divora sa langit at galit na galit na tinitigan ang buwan na punong puno ng pagkamuhi na akala mo ay ang maputing anghel ay nadudungisan ng itim na tinta ang kanyang mga maniningning na mga pakpak. "Isinusumpa ko…..! "sigaw niya habang galit na galit s'yang nakatingin sa buwan. "Saksi ang kadiliman at ang bilog na buwan! Isinusumpa ko….! Sa harap ng bangkay ng aking kapatid at sa alala ng aking mga magulang! Na kayo! Kayong mga taong nagbigay sa akin ng impyerno…!!Babalikan ko kayo..! babalik ako..! isinusumpa ko…! Maghihigante ako..! Babalik ako! Upang sunugin kayo! Gamit ang impyernong i-binagay n'yo sa akin! Sa akin! At sa pamilya ko..! Isinusumpa ko! Babalik ako..! Babalikan ko kayo!!Mga demonyo..!! Ipapakita ko sa inyo..! Kung sinong demonyo ang tinupok n'yo sa impyerno!!" sigaw ni Divora na punong puno ng pagka-muhi at puot na bumabalot sa kanyang puso at sa kanyang buong pagkatao na kahit kailan man ay hinding-hindi na mapapawi pa. Labag man sa loob ng batang si Divora na ihakbang ang kanyang mga paa palayo sa mga taong mahal n'ya na wala na sa mundo ay pinipilit pa rin n'ya ang kanyang sarili na humakbang papalayo sa mga ito dahil 'yun ang kailangan. Binaybay ni Divora mag-isa ang daan patungong batis dala-dala ang bato na ibinigay ng kakambal n'yang si Dianara sa kanya. Lugmok at lutang s'ya sa ere habang naglalakad at panay pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha. She's has nowhere to go, saan s'ya pupunta? Saan s'ya tutungo? Wala na s'yang pamilya. Saan s'ya pupulutin? Wala na s'yang ina na kakalong sa kanya kapag nalulungkot s'ya. Wala na s'yang ama na aabangan pag uwi, wala na s'yang kakambal na kayakap n'ya palagi,wala na s'yang Mameta na magtatanong sa kanya kung ano ang nais n'ya. Hindi na n'ya masisilayan ang mga ngiti ng mga ito at hindi na n'ya naririnig ang mga tinig ng mga ito. At kahit kailan ay hindi na n'ya sila muling makikita. Pipilay-pilay man ay pilit pa ring tinatahak ni Divora ang kawanang na walang kahit sino mang kasama kundi ang sarili n'ya lamang. Balak ni Divora na dumaan sa Isang sikretong daanan na s'ya at ang kanyang kambal lang ang nakakaalam. Isa iyong daan na tumatagos palabas ng bayan. Hingal at halos hindi na makahinga si Divora sa sobrang pagod sa paglalakad at hindi madali ang kanyang pinag-dadaanan ngayon. Sumilip ang konting pag-asa kay Divora ng makarating na s'ya palagusan. Madungis s'ya at sabog- sabog ang kanyang itsura, gayon pa man ay wala s'yang pakialam. Kasalukuyan ng naglalakad si Divora sa kalsada palabas ng bayan ng San Gabriel de Oro ng bigla s'yang makaramdam ng pagkahilo sa sobrang pagod subalit hindi n'ya 'yon iniinda at patuloy pa rin s'ya sa kanyang paglalakad. Isang nakakasilaw na ilaw ng kotse ang sumilaw sa mga mata ni Divora at mas lalo n'yang naramdaman ang kanyang pagkahilo at bigla na lamang s'yang natumba at nawalan ng malay. Bumaba ang isang lalaki mula sa sasakyan at pilit na pina-pagising ang batang si Divora subalit hindi ito nagigising kaya minabuti ng lalaki na buhatin ang bata at isinakay sa sasakyan. Nagmamaneho ang lalaki paloob ng San Gabriel de Oro dahil may hinahanap s'yang isang anak na halos pitong taon ng hindi n'ya nakikita. Pero hindi na itinuloy ng lalaki ang kanyang pakay dahil mas kailangan ng bata ang kanyang tulong. Imbis na tumuloy ang lalaki ay nagpasya na lang itong dalhin ang batang si Divora sa sarili nitong pamamahay dalawang oras ang ang byaheng layo mula sa bayan ng San Gabriel De Oro. Habang nagmamaneho ang lalaki ay panay ang kanyang tingin sa batang si Divora at nagigiliw s'ya sa imahe ng bata. The kid looks like her daughter, his only one daughter na pinalyas n'ya dahil umibig ito sa ordinaryong tao, sa isang abogado na hindi nababagay sa kanyang anak. Hindi tuloy mapigilan ng matandang lalaki ang manghinam na makitang muli ang kanyang anak. He miss his daughter more by just looking at the little kid face. "Where are you now my sweet daughter?"mahinang sambit ng matanda habang nagmamaneho. Ng makarating ang matanda sa pamamahay nito ay agad n'yang binuhat si Divora papasok ng kanyang mansyon. "Loling..!" sigaw ng matanda sa katulong at kumaripas naman si Loling sa pagtakbo at nabitawan pa nito ang hawak-hawak nitong mga tutupiing mga damit sa sobrang pag-aalala sa batang hawak hawak ng matanda na si Don Edgardo. "Ay, diyos ko Sir! Napano ba ang batang 'yan?" alalang wika ni Loling habang sinusundan ang yapak ng Don. "Loling bihisan mo ang batang ito at pakainin pagka-gising na s'ya,"commando ng Don sa kasambahay. Ng mailapag ni Don Edgardo ang batang si Divora sa dating silid ng kanyang anak, ay nakasunod na naman si Loling sa puwetan ng matanda dala-dala ang papunas para sa madungis na bata. "Loling, ikaw na ang bahala sa batang ito," bilin ng Don sa katulong nito. "Yes po Sir," tugon naman nito sa amo. Habang pinupunasan ni Loling ang mukha ng bata ay saglit s'yang napatitig sa imahe nito. "Kamukha mo bata si Madam."wika ng isipan ni Loling. "Kaya siguro dinala ka ng Don dito sa mansyon at dito ka sa kwarto ng anak n'ya pina-tulog ay dahil kamukha mo si Madam ko noong bata pa s'ya,"dugtong pa nito. Matapos bihisan ni Loling si Divora ay iniwan na n'ya ito at pinuntahan n'ya ang kanyang amo. "Don Eduardo, ang bata kamukha n'ya si Madam."sabi ni Loling sa amo. Bumontong hininga ang Don bago sumagot. "Yes Loling, she really resemble my only dearest daughter,walang siyang pagkakaiba sa anak ko. Ganyan na ganyan ang imahe ng anak ko noong bata pa lamang s'ya."tugon ng Don sa katulong. At biglang nakatanggap ng tawag si Don Eduardo, tawag galing sa kanyang imbestigador. "Anong balita sa ipina-pahanap ko sa'yo d'yan sa San Gabriel de Oro ha, Ramon?"aniya sa imbestigador. "My information ka na ba sa anak ko at sa asawa n'ya?" "Yes sir, pero hindi mabuti,"turan ng imbestigador at bigla namang kinabahan ang Don at napatayo mula sa kanyang kinauupuan. "What do you mean Ramon?"kunot noong sabi ng Don. "May nangyari m******e dito sa San Gabriel de Oro boss, at ayon sa mga nalaman ko, ay ang mga bangkay ay nagngangalang Dianara Carlos Matsunaga, Diorie Lovie Matsunaga at ang iyong Anak, Divina Carlos, Divina Carlos Matsunaga."pag-uulat pa ni Ramon sa kanyang amo na agad namang ikinahina ni Don Eduardo, agad na nanginginig ang buong katawan ng Don at napahawak ito sa Sofa sabay tulo ng kanyang mga luha. "De-dead?"aniya sa hindi makapaniwalang tuno. "Divina, my daughter is dead?!" "Yes Sir,"sagot naman ni Ramon. "Ayon sa pagsisiyasat ko ay may isang nakaligtas at nawawala pa ito sa ngayon, at s'ya ang kakambal ng ni Dianara Matsunaga na si Divora Matsunaga ang anak ng anak mo." Ng marinig ni Eduardo na may nawawalang anak ang anak n'ya ay agad n'yang naisip ang batang dala n'ya kanina. "Could it be?"aniya sa kanyang isipan. "Ramon , kong may oras ka at pagkakataon pa, gusto ko sanang makakuha ka ng isang family picture ng pamilya Matsunaga at dalhin mo 'yun sa akin, bilisan mo Ramon."mahigpit n'yang utos. "Yes Sir, masusunod." turan ni Ramon sa Don. "Mommy! Mommy! Daddy! Don't leave me! Dianara please… stay!" mga katagang palahaw na sinasambit ni Divora habang tulog s'ya, agad naman 'yung narinig ng Don at ni Loling at mabilis silang tumakbo pareho sa kwarto ng bata. Mabilis na pinagising ni Loling si Divora at agad itong niyakap. "Shhhhhhhh, tahan na tahan na," pang kakalma ni Loling sa bata habang ang Don naman ay alalang-alala at awang awa na nakatitig kay Divora. "No doubt, she could be the daughter of my daughter, shes my Apo."sabi ng isipan ng Don habang nakatingin sa batang pumapalahaw sa bisig ni Loling at tinawag ang pangalan ng kanyang mga namayapang pamilya. "They killed them, they killed them…"paulit ulit na sambit ni Divora at walang tigil sa kakaiyak, bakas na bakas ng puro takot ang tinig ng bata at sobrang nakaka-awa ito. Sa murang edad ay naulila na ito at nasaksihan pa nito ang pagpanaw ng kanyang mga mahal sa buhay. Mahigpit ang investigation sa loob ng bahay ng mga Matsunaga dahil sa krimen na naganap kaya umaga na ng makakuha si Ramon ang litrato ng pamilya Matsunaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD