bc

The Wildest Revenge Of Divora

book_age4+
2.6K
FOLLOW
17.8K
READ
drama
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Si Divora ay ang babaeng punong-puno ng pagkamuhi sa kanyang buong katawan dahil sa napaka-lagim na dulot ng nakaraan.

Divora loses her Twin Dianara and even her Mom and Dad dahil sa napaka-sakim na lahi ng mga Grego. Dahil sa trahedyang nangyari sa buhay ni Divora ay naghintay s'ya ng maraming taon para balikan ang mga taong nag tulak sa kanya sa kadiliman.

Bumalik si Divora sa bayan ng San Gabriel de Oro bilang isang mahalagang panauhin ng mga Grego at isa-isa n'yang inaakit ang mag amang Grego gamit ang ganda at katawan.

Pero paano kung sa likod ng pagkamuhi ay may namumuong pagmamahal mula sa kanyang puso para kay Lucas Grego ang lalaking hindi tatablan ng kanyang pang-aakit subalit may lihim ring pagtingin sa kanya.

Divora: I'm here to destroy all of the Grego and not to love a Grego.

chap-preview
Free preview
The Wildest Revenge Of Divora
Chapter-1 Bumaba si Divora mula sa kanyang kotse at itinapak na n’ya ang kanyang mga paa sa lugar ng San Gabriel de Oro. Ang lugar na kanyang inaasam asam na babalikan, at ang lugar kung saan nakapako ang kanyang puso sa sobrang pagkamuhi sa pamilya ng mga Grego. Tinanggal ni Divora ang kanyang eyeglasses at pinilik ang kanyang mga buhok habang binabaybay ng kanyang paningin ang kalawakan ng bahay ng mga Grego na nasa kanyang harapan. “Welcome Divora, to the land you hate,” mahinang bigkas n’ya sa kanyang sarili at bahagyang ngumiti. “Grego family,” she says and smirk. “The beautiful snake is about to bite.” aniya habang nakatitig sa mansyon ng mga Grego. Lahat ay nagtinginan sa dalaga. At lahat ng taong napapadaan ay ang tanging tanong ay kung “Sino siya? “lahat ay napapatingin sa dalaga. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa babaeng napaka-sexy at napakaganda, na parang latina. She’s wearing a fitted red dress na talagang hapit na hapit sa kanyang maliit na beywang, at magandang balakang. Luwa pa ng kaunti ang kanyang cleavage with mole in between. Matapos baybayin ni Divora ang kapaligiran, ay bumalik na si Divora sa loob ng kanyang kotse. At nagmaneho sa isa sa lugar ng San Gabriel de Oro kung saan mayroon s’yang mga alaala na hinding-hindi n’ya makakalimutan kahit kailan. Muling bumaba si Divora sa kanyang sasakyan at sinuyod ng kanyang paningin ang isang lumang lugar subalit sariwa pa sa kanyang alaala na parang kahapon lang. Tumulo bigla ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata habang sinasariwa ang masakit at malagim n’yang alaala sa San Gabriel de Oro. Divora had a twin Dianara. At halos wala silang pinagkaiba ng kanyang kambal bukod sa kulay, at maliban doon ay wala na. Lahat ay namamangha sa ganda ng dalawa na manangmana sa ganda ng kanilang ina na si Divina. Napaka- matipunong lalaki rin naman ng kanilang ama na si Diorie. Matangkad ito at gwapo at napakakisig ng pangangatawan nito. Isa itong lawyer at napakatanyag na lawyer ng kanyang ama. Marami itong naipanalong mga kaso at hindi lang ‘yon. Napakabait din ng kanyang ama. Sa San Gabriel din isinilang ni Divina ang kanyang kambal na anak na sina Divora at Dianara. Masaya ang pamilya ng mga Matsunaga pero biglang isang delubyo ang dumating sa kanilang pamilya. Hindi kalayuan sa malaking bahay ng mga Matsunaga, ay matatagpuan ang isang batis na kinagigiliwan ni Divina,ang ina ng kambal. Bukod kasi sa napakalinaw ng tubig, ay napakalamig din ng tubig doon. At napakasarap damdamin sa balat. Naaaliw si Divina doon dahil sa napakaganda ng mga tanawin doon, at dahil napakaganda ng mga ligaw na bulaklak ang mga namumulaklak doon, at sa bawat punta ni Divina sa batis na ‘yon ay kasama n’ya ang kanyang dalawang kambal na anim na taong gulang pa lamang. “Dianara saluhin mo to!” sigaw ni Divora sa kanyang kambal sabay hagis ng kulay puting bato. Hindi ‘yon nasalo ni Dianara at pinulot na lang ito ni Dianara sa ilalim ng tubig. “Divora ang ganda ng batong ito, napaka puti at napaka ganda parang Ikaw,” sabi ni Dianara sa kanyang kambal. “Talaga ba Dianara?” sagot ni Divora sa kambal at naghanap ng isang kulay brown na bato sa ilog. “Ito Dianara,” aniya sabay lahad ng kulay brown na bato sa kakambal. “Ang batong ito ay parang ikaw, kulay kayumanggi pero napakakinis, at kahit anong dumi sa’yo ay hindi ka magbabago. Gaya ng pagmamahal ko sa’yo Dianara, hindi magbabago.” dugtong pa ni Divora . Kinuha ni Dianara ang kayumanggi bato mula kay Divora at itinabi ‘yon sa kulay puting bato. “Divora, ang balat mo ay sobrang puti, pero alam mo ba na ang puti ay pwedeng maging itim o haluan ng ibang kulay?” sabi pa ni Dianara sa kanyang kambal. “Gusto ko Divora na dalhin mo itong dalawang bato kahit saan ka magpunta, dahil ang batong iyan ay ako at ikaw na hinding-hindi maghihiwalay.” Ngumiti si Divora sa kanyang kambal at kinuha ang dalawang bato. “Aalagaan ko ito Dianara at Dadalhin ko ito sa kahit saan ako magpunta.” sagot n’ya rito. Habang si Divina naman na ina ng kambal ay masayang nakangiting nakikinig sa kanyang mga anak. Masaya s’ya dahil mahal ng dalawa ang isa’t isa. Kambal sina Dianara at Divora pero kahit na magkamukhang-magkamukha ang dalawa, ay may tinataglay ang mga ito na magkaibang ganda. Si Divora ay mistisa at namumula ang pisngi nito kapag naarawan at sobrang kinis pa ng kutis nito. Habang si Dianara naman ay kayumanggi at hindi rin maitatanggi na napakagandang bata rin nito, na parang barbie kahit na kayumanggi ang kulay nito. “Divora, Dianara,” tawag attention ni Divina sa kanyang mga anak. “ Aalis muna ako ha, wag kayong makulit na dalawa. Kukuha lang ako ng shampoo ninyo, wag kayong aalis dito ha.”kabilin-bilinang sabi ni Divina sa kanyang mga anak. “Yes mommy, dito lang kami ni Dianara.” sagot ni Divora sa kanilang ina. At iniwan na sila ng kanilang ina at uuwi na muna ito sa kanilang bahay na hindi lang naman malayo sa batis. Habang naglalakad si Divina ay bigla na lamang s’yang kinabahan, pakiramdam n’ya ay may nakatingin sa kanya. Minadali ni Divina ang kanyang paglalakad dahil hindi na tama ang kanyang pakiramdam at panay ang kanyang paglingon sa kanyang likuran. “Divina!” panggugulat na sambit ni Lucio. “Ay d’yos ko!” biglang gulat sigaw ni Divana ng bigla na lang sumulpot si Lucio sa kanyang harapan. “I-ikaw pala sir Lucio, ba-bakit ka na-narito?” utal na bigkas ni Divina rito dahil hindi pa nawawala ang kanyang kaba at pagkailang kay Lucio. Napapadalas yata kasi ang pagkaligaw nito sa dapit ng kanilang bahay at lupain. Nagmamadaling inihahakbang ni Divina ang kanyang mga paa palayo kay Lucio. “Oh, Divina! Bakit parang nagmamadali ka yata?” sigaw tanong ni Lucio habang sinusondan ang paglalakad ni Divina. “May gagawin ka pa ba? Baka naman pwede tayong mag-usap?” sambit pa nito. “Wa-wala ito, marami pa kasi akong gagawin, ma-maiwan na kita Lucio,” nagmamadaling sabi ni Divina habang pabilis ng pabilis ang kanyang paghakbang. “Teka sandali!” muling sigaw ni Lucio sabay inabot ang isang kamay ni Divina mula sa likuran, at hila nito si Divina paharap sa kanya, at agarang sinunggaban n’ya ito ng mapupusok at mararahas na halik sa labi. Marahas ring kinabig ni Lucio ang beywang ni Divina at halos hindi na makagalaw si Divina sa sobrang higpit ng pagkakapit nito sa kanyang beywang . Pinilit ni Divina na maitulak si Lucio, humogot s’ya ng puwersa at buong lakas na itinulak si Lucio mula sa kanya at agad itong sinampal. “Ano ba Lucio! Utang na loob, may asawa ako!” mariing sabi ni Divana. “Wag na wag ka ng magpapakita dito dahil pag ako nainis sa’yo, isisiwalat ko ang ginawa mo rito at tignan ko lang kung iboboto ka pa ng mga taga San Gabriel de Oro, bilang Mayor dito!” mariin n’yang sabi kay Lucio sabay talikod. Hinapuhap ni Lucio ang kanyang mahapding pisngi na sinampal ni Divina, habang tinitigan n’ya ito ng malaswa habang naglalakad palayo. “Makukuha rin kita Divina, maaangkin din kita, makikita mo Divina makikita mo,” wika ng isipan ni Lucio habang giliw na giliw ang kanyang mga mata sa kakatitig sa likuran ni Divina. “Nakaka-panghinam ka talaga Divina.” mahinang bigkas nito sabay alis sa ‘di kalawakang lupain ng mga Matsunaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.7K
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook