The Wildest Revenge Of Divora-7

1471 Words
The Wildest Revenge Of Divora-8 Sa masalimuot na karanasan ni Divora ay hindi naging madali para sa kanya ang lahat. Gabi-gabi sa kanyang pagtulog ay dinadalaw s'ya ng mga imahe ng kanyang mga mahal sa buhay, nakikita n'ya pa rin hanggang sa kanyang panaginip kung papaano pinatay ng mga Grego ang kanyang buong pamilya. Lagi s'yang umiiyak sa bawat pagsapit ng gabi, o madaling araw man sa bawat pagkakataon na napapanaginipan n'ya ang mga ito. Ang anak naman ni Jojo na si Alberto ay kinupkop ni Don Eduardo at maging si Jojo na rin. Madalas tulala si Divora sa bawat araw ng kanyang pag gising at tila wala ito sa sariling kaisipan na parang naiwan sa San Gabriel De Oro ang kanyang kaluluwa. Nasa sala si Divora ngayon at tulala pa rin s'ya at nasa malayo ang isipan, muli na namang nasilayan ni Alberto ang tulalang si Divora at nilapitan n'ya ito. "Bata, Divora ang ngalan mo diba?"anito. "Alam mo ilang beses na kitang sinubukang kausapin pero ang tahimik mo, hindi ka pa rin ba mag sasalita? Pipi ka ba? anong nangyari sa'yo, bakit ka ganyan? Ayaw mo ba akong kausap? Hindi mo ba ako gusto? Kasi ako, gusto kong kausapin ka, sana magustuhan mo rin akong kausapin," wika pa ng batang si Alberto sa batang si Divora. Biglang namilog ang bibig ni Alberto ng bigla s'yang hinarap ni Divora at tinitigan s'ya nito sa mga mata. "My Nanay ka pa ba?"Malungkot na sabi ni Divora. Umiling-iling naman si Alberto sa tanong ni Divora sa kanya. "Akala ko meron kang Mama, gusto ko sanang manghiram," dugtong pa ni Divora. "Eh, kakambal meron ka ba?" Muli na namang umiling si Alberto sa tanong ni Divora sa kanya. "Meron lang akong tatay pero wala akong Nanay at kakambal, patay na ang nanay ko."sagot pa ni Alberto. Muli na namang tumingin si Divora sa bintana at napaka-layo na naman ng tingin nito at halata sa mga mata nito na napaka-lalim na naman ng iniisip into. "Buti ka pa, may tatay ka pa. Ako kasi wala na,"aniya sa batang si Alberto na may halong ingit s'yang nararamdaman para dito. "Ako, nawalan ako ng pamilya at tahanang babalikan, at saka andito ako sa matandang nagsasabi na lolo ko raw s'ya, hindi ko naman masasabi na sinungaling ang taong 'yon dahil sa naglalakihan ang mga frame ng Mommy ko rito sa bahay n'ya. Ang ganda ng Mommy ko diba?"sabi n'ya habang nakatitig sa frame ng kanyang ina sa pader na malapit lang sa kanyang kinauupuan, itinuon naman ng batang si Alberto ang kanyang tingin sa naturang frame kung saan nakatitig si Divora. "Nanay mo s'ya?" tanong n'ya sabay baling ng tingin kay Divora. "Kaya pala magkamukha kayo ng binibini na 'yan kasi nanay mo pala s'ya,"ani pa nito sa namamanghang tinig sabay ibinalik ang kanyang tingin sa picture frame ng babaeng napaka-gandang si Divina. "Yung Daddy ko gwapo din, at saka mahal n'ya ang Mommy ko at mahal n'ya rin kami ng kakambal ko. Masaya kami, masayang-masaya sana kami."wika pa n'ya habang nagbabadya na ang mga luhang papatak mula sa kanyang mga mata, at hindi nag tagal ay napayuko ang batang si Divora sabay tuluyang kumawala mula sa kanyang mga mata ang naglalakihan n'yang mga luha at sunod-sunod pa itong dumadaloy sa kanyang pisngi. "Masaya kami eh," dugtong pa ni Divora at humikbi ng humikbi sa harapan ni Alberto. "Mahal ako ng daddy ko at ng mommy ko eh, kita mo ito? Itong bato na ito, ka-kakambal ko ito eh, kita mo iyan? Ito?" aniya at pinapakita kay Alberto ang batong laging n'yang bit-bit. "Magkasama kami eh, pe-pero, bu-buti pa ang mga batong ito magkasama, pero ka-kami ng kambal k-kooo hi-hindi na," hikbi n'ya sabay punas ng kanyang luha gamit ang kanyang siko. "Alam mo, ito, itong buhok ko, lagi itong suklay ng mommy ko tapos lagi akong karga-karga ng daddy ko, pero wala na," aniya sa halos ayaw na n'yang ituloy ang pag kwento ng maganda n'yang alaala na iniwan sa kanya ng kanyang pamilya, bago pa makapag-salita ulit si Divora ay naunahan na s'ya ng kanyang pag hagulhol at tila umuulan na ang kanyang mga luha na nag uunahan pang tumolo mula sa kanyang mga mata. "Wa-wala na akong mommy at daddy ngayon ka-kasi pi-pinatay sila eh, pi-pinatay," sabi pa n'ya at hindi na s'ya nakapag-salita pa at puro hagulhul na lang ang lumalabas mula sa kanyang mga labi. Iyak ng batang nangungulila sa kanyang buong pamilya. Nalungkot naman si Alberto ng makita ang itsura ng batang si Divora at maging s'ya ay umiiyak na rin sabay yakap sa batang si Divora. "Wala na sila, iniwan na nila ako," sabay patak ng malalaking butil butil ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Wala na sila,wala na akong kasama. Wala na akong mommy, wala na akong daddy, wala na rin akong kapatid, wala na, hindi ko na sila makikita pa kahit kailan. Wala na akong yakap galing kay Daddy, wala na rin yung haplos ni Mommy, wala na ang ngiti ng kakambal ko. Lahat 'yon wala na, alam mo dati noong buo pa kami, lagi si Mommy yumakap sa akin, si Daddy din at Mameta ko."aniya sa umiiyak na mga mata at nasasaktang damdamin ng isang batang ulila. Naawa si Alberto kay Divora kaya pinahid n'ya ang luha ni Divora at niyakap itong muli ng sobrang higpit at pinaramdam rito na naiintindihan n'ya ang kawalan ni Divora, dahil gaya n'ya ay ulila rin s'ya sa ina. Pero ang pinag-kaiba lang n'ya kay Divora ay wala s'yang maalala tungkol sa kanyang Ina, pero si Divora ay tanda pa nito ang sakit mula sa kahapon. Umaagos naman ang sipon ni Loling kasabay ang kanyang mga luha sa nasasaksihan n'ya sa dalawang batang ulila. Panay ang pag punas ni Long sa kanyang mga luha at ayaw pa rin nitong maputol-putol, naaawa s'ya sa dalawang batang nagdadamayan. "Wag kang mag-alala Divora," wika pa ni Alberto."Nandito lang ako,pwede mo akong maging kaibigan at karamay, hindi kita iiwan pangako 'yan, hindi ka na mag-iisa dahil simula sa araw na ito ay nandito lang ako sa tabi mo, hinding-hindi kita iiwan pangako 'yan." "Babalikan ko sila, magbabayad sila, sisingilin ko sila sa lahat ng kasalanan nila sa akin at hinding-hindi ako papayag na hindi ako makaka-gante sa kanila,"sabi ni Divora habang nakayakap kay Alberto at nanalim pa ang kanyang mga mata na akala mo ay may kung anong apoy ang liliyab mula sa mga mata nito. Tinapik ni Don Eduardo ang balikat ni Loling para damayan ito sa nararamdaman nito para sa mga bata. "Saan kaya dadalhin ng kapalaran ang mga batang ito?"sambit ni Loling sa Don. "Yan ang hindi ko masasagot Loling,"tugon nito sa kasambahay habang nakatingin sa kanyang apo. "Sa tingin ko, hindi ako ang dapat ang mag higante sa pamilyang 'yon, sa tingin ko ay may mas karapatang mag higante sa mga Grego ang apo ko. Sana gabayan ka ng mga tong nakapaligid sayo apo, dahil konti na lang ang natitira kong oras dito sa ibabaw ng mundo."sambit ng isipan ng Don. Habang ang bangkay naman nina Divina, Diorie at Dianara ay nakalibing na katabi sa puntod ng Ina ni Divina na si Dalia. Nakuha ni Don Carlos ang bangkay ng kanyang Anak,Apo at manugang gamit ang ibang pangalan ng sa gayon ay kung sakali mang hanapin ng mga Grego ang natitirang Matsunaga ay hindi nila ito matatagpuan maging ang mag amang sina Jojo at Alberto at kaligtasan ng mga ito ang nasa isip ng Don. Lumipas ang 17 years ay namayapa na rin ang Don Eduardo dahil sa katandaan at dahil na rin sa sakit nitong Cancer. Divora loses a one precious family again in her life. Sa konting panahon na nakasama n'ya ang kanyang Lolo ay agad n'ya itong minahal at napalapit na ng tudo ang kanyang puso sa matanda. Matapos mamayapa ng kanyang lolo, ay napunta kay Divora ang lahat ng yaman ni Don Eduardo sa kanya . Ang Television company at maging ang hacienda nito ay napunta na kay Divora at maging ang mansyon. All Don Eduardo's Wealth goes to his granddaughter Divora Carlos. At bago tuluyang namayapa ang matanda ay tanda pa ng dalaga ang mga katagang binitawan nito sa kanya. "Apo,you are wealthy enough to possess the power, and also you own too much hate inside of your heart. Apo nilalamon ka na ng poot at galit, akala ko ang paghihiganti ay susi sa namatay mong puso, hindi ko rin masasabi na itigil mo 'yan dahil alam ko rin na hindi ka magiging masaya kapag hindi ka nakaganti sa lahi ng mga taong pumatay sa mga magulang mo at kapatid, ang akin lang apo na sana mahanap mo ang katahimikan d'yan sa puso mo at matuto ka na sana magmahal ng ibang tao sa buhay mo, gusto kong matuto kang magpatawad balang
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD