Kabanata 4

1357 Words
Halos magtatalon sa tuwa si Alondra. Ligtas siya, akala talaga niya ay may kung ano nang plano ang kanyang Uncle Hendrick sa kanya. Hindi talaga niya alam kung ano ang gagawin, hindi pwedeng may mangyari sa kanila. Aba, hindi siya baboy na katulad ng kanyang mga magulang. Buti na lang talaga at ito na ang gumawa ng paraan para walang mangyaring anumang kababalaghan sa kanilang dalawa. Kung nagkataon baka siya na ang pinakamaduming babae sa balat ng lupa. Hindi tamang makipagniig siya sa lalaking hindi niya mahal at mas hindi tamang makipagniig siya sa lalaking kadugo niya. Ilang sandali pa siya na nakaupo sa sulok na iyon ng kanyang kama hanggang sa nagpasya na ayusin na ang pagkakahiga dahil batid niya na bukas na bukas ay ibang buhay na ang kanyang kakaharapin. Kahit na tutol siya sa mga pangyayari sa kanyang buhay ay wala siyang magawa kundi ang tanggapin na lamang lahat at maging ang panibagong buhay na kanyang haharapin kaya naman alam niya na kakailanganin niya ng lakas araw-araw. Pero ilang oras na siyang nakahiga sa kanyang kama ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Naririnig na nga niya ang pagtilaok ng manok sa labas ng bahay pero hindi pa rin talaga siya makatulog. Mukhang namamahay siya kaya baka hindi na siya makatulog pa. Pero pinilit pa rin niya dahil kailangan niyang magising ng maaga dahil bawal na bawal sa kanyang mga magulang na gumising ng tanghali. Ang sabi ng mga ito ay kamalasan daw iyon, masyadong kasing perfectionist ang kanyang mga magulang. Dami pang pinapaniwalaang pamahiin ang mga ito na talagang nakakairita na. Ngunit naubos lang ang kanyang oras sa kakabaliktad sa kama kaya minabuti niyang bumangon na lamang para uminom ng malamig na tubig. Nais niyang uminom ng malamig na malamig na tubig para naman kahit papaano ay mahimasmasan siya. Baka iyon lang ang tanging paraan para kahit papaano ay dalawin siya ng antok. Nakiramdam muna siya kung may tao sa labas bago nagpasyang buksan ang pinto. Pagbukas niya ng nakapinid na pinto ay sinalubong siya ng malamig na dapyo ng hangin sa kanyang pisngi. Napansin niya ang isang bintana sa sala na nakabukas at mukhang doon nanggagaling ang malamig na hangin kaya minabuti niya na lapitan ang bintana dahil mukhang hindi iyon naisara ng kasambahay. Akmang isasara na niya iyon ng biglang… "Huwag mo iyang isara, hayaan mo lang na nakabukas, Nais ko kasing sumagap ng sariwang hangin kaya lang hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya naman hindi ako lumalabas ng terrace.” Biglang wika ng lalaking nakaupo pala sa sofa hindi niya napansin ito. Napapikit na lamang siya at napahawak sa dibdib dahil sa pagkagulat. “T-Tit…ay este H-Hendrick?" Patanong na tawag niya sa pangalan nito muntik pa siyang madulas. “Ako nga honey, may gumugulo sa aking isipan kaya nais kong tumanaw sa kagandahan ng langit.” Wika pa ito sa kanya. Sabagay sa kinauupuan nga naman nito ay makikita ang kagandahan ng kalangitan lalo na mga bituin at napakaaliwalas niyon ngayon. “Ah sige maiwan na kita ha kukuha lang kasi sana ako ng tubig para uminom kaya lang napansin ko yung bintana hindi ko naman agad napansin na nakaupo ka pala diyan.” Ipaliwanag niya sa lalaki. “Pwede bang mag-request sa'yo honey.” Wika nito sa kanya at para na namang nagtayuan ang kanyang balahibo dahil sa tinawag nito sa kanya. “Uhmm.. Sige ano iyon?”Tanong niya dito. “Gusto ko sana uminom ng kape, Maaari bang ipagtimpla mo ako at kung nais mo magtimpla ka tapos sabay tayong dalawa.” wika nito sa kanya na tila ba nakikiusap. “Ah ganun ba sige pagtitimpla kita kaya lang inaantok na kasi ako eh okay lang ba na itimpla na lamang kita tapos iwan na lang kita dito? Maaga pa kasi akong gigising bukas kaya kailangan kong matulog na, bale naalimpungatan lang kasi ako at nakaramdam ng matinding pagkauhaw kaya lumabas ako dito.” Pangangatwiran niya sa lalaki para hindi lamang siya mapilit nito na manatili sa tabi nito at magkape kasama nito. “Bakit naman kailangan mong gumising ng maaga bukas wala ka namang gagawin dito at saka may mga kasambahay naman na magluluto ng ating almusal kaya bakit kailangan mong gumising ng maaga. Sige na alam mo ba na sobrang down na down ako ngayon. Pero hindi ko rin talaga maipaliwanag kung bakit kaya napakalungkot ng nararamdaman ko. Dapat nga masaya ako kasi araw ng kasal natin at first night natin na magkasama diba?" Wika pa nito sa kanya na tila ba nakiki-usap. May lungkot din sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya kaya naman nakaramdam siya ng awa dito. Alam niya na may sakit ang lalaki at nahihirapan na ito sa kalagayan nito. Lalo at ang alam niya, na ang amnesia ay walang maalala na kahit na ano at nakakaramdam ng kakulangan sa puso kaya siguro nais nito ng kausap. “S-Sige kung iyan ang nais mo. Saglit ha timpla lang ako ng kape nating dalawa. Nais mo rin ba ng makakain siguro naman may stock na tinapay sa pantry, saglit kukuha lang ako?” Wika niya dito na kahit naiilang ay kailangan niyang kausapin nito. "Thanks hon," nakangiting wika nito sa kanya. Ngumiti lamang siya ng bahagya pero sa totoo lang ilang na ilang siya lalo na sa tawag nito sa kanya. Biruin mo, uncle niya ito pero honey ang tawag sa kanya. Iyon nga lang, pansin niya ang kakisigan ng lalaki, lalo na ang sa may part ng abs nito. Parang may anim na pandesal doon na animo nagmamalaki sa kanya. Pano ba naman nakahubad ang kanyang uncle at labas na labas ang kakisigan nito. Nakahubad kasi ito at para bang hindi nito alintana kung nandiyan siya o wala. Parang normal lamang dito na may ibang tao sa paligid. Buti na lang talaga tulog na ang mga kasambahay. Kung hindi baka masilaw din sa abs nitong nakabuyang-yang. Agad din niyang iniiwas ang kanyang paningin sa boxer nito. Kapansin-pansin kasi ang nakabukol doon. "Ahemmm.... Honey, wag mo akong tingnan ng ganyan. Sige ka, baka magbago ang isip ko. Biglang hingin ko na ang honeymoon natin ngayong gabi." Biglang wika nito na nagpagising sa kanya. "N-Naku, sorry po. I mean, s-sorry ano lang kasi... Uhmmm sabi ko nga magtitimpla na ako ng kape diba?" Kandabulol na turan niya dito. Bigla naman itong napahagalpak ng tawa. Tila aliw na aliw sa kapalpakan niya. "H-Hendrick naman eh!" Kunwa'y naiinis na wika niya dito pero natatawa na rin siya. "Biro lang, pero bakit Hendrick lang? Pwede bang sanayin mo na ang sarili mo na t-tawagin akong honey. Or kahit anong nais mong itawag sa'kin bilang asawa mo. Ano kasi eh, iba ang dating kapag name ko ang tawag mo sa akin eh." Hirit nito sa kanya. Medyo nasamid siya dahil sa sinabi nito. Pano ba naman niya magagawang tawagin ito sa nais nito ay siya ang nakakaalam kung ano talaga ang tunay na relasyon nilang dalawa. Pero naalala niya ang bilin ng kanyang mga magulang na sundin ang kahit na anumang naisin nito. "Sige h-honey." Tipid na wika niya, halos hindi nito marinig iyon dahil parang pabulong lang. Napangiti ito ng marinig iyon. "Sarap sana pakinggan pero alam ko na hindi mo iyon nais kaya hindi kita pipilitin. Ikaw ang bahala kung ano ang nais mong itawag sa akin. Ayoko naman na pilitin ka sa mga ayaw mong gawin." Nakangiting wika nito. Nakahinga tuloy siya ng maluwag, para kasing labas lang sa ilong iyong pagbanggit niya ng honey kaya siguro napansin nito na hindi niya gusto. "Pero sana dumating ang araw na kusa mo na akong tatawagin sa endearment na iyan." Wika pa nito. "Hmmmm.." tugon na lamang niya sabay ngiti tsaka tumalikod na siya para magrungo sa kusina. Pero pagtalikod niya, agad siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil may kung anong mainit na bagay ang humaplos doon. Ewan niya pero parang nagugustuhan niya iyong ugali nito na napaka-gentleman pag dating sa kanya. Hindi siya pinagsasalitaan ng masama at minumura gaya ng kanyang Daddy. Dahil don nakangiti siya habang patungo sa kusina at hanggang sa magtimpla na siya ng kape nilang dalawa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD