bc

MARRYING MY STRANGER UNCLE

book_age18+
2.6K
FOLLOW
9.9K
READ
billionaire
possessive
arranged marriage
arrogant
CEO
drama
bxg
city
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG

"Asawa kita, hindi ka prostitute," wika ng lalaking pinili ng mga magulang ni Alondra na maging asawa niya.

Napakunot noo naman siya, hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin dahil na rin siguro magulo ang isip niya ng mga sandaling iyon. Syempre kahit sino naman ang nasa kalagayan niya, mawawala din sa sarili. Biruin mo ipakasal ka ba naman ng mga magulang mo, sa isang taong hinding-hindi mo maiisip na mapapangasawa mo, at ang masaklap pa, kanina lang din niya nalaman ang lahat sa mismong araw ng kasal niya.

Ipinakasal siya kay Hendrick Flores, ang pinsan ng kanyang Mama na itinuturing niyang Uncle. Hindi kasi ito malapit sa kanila, lalo pa at ubod ito ng sungit. First night nila ngayon, kanina pa niya iniisip ang bagay na iyon, paano niya masisikmurang makipag-s*x sa kanyang Uncle?

"Kapag pinilit kitang angkinin ngayong gabi, wala ka ng ipinagkaiba sa isang prostitute. Kaya naisip ko na hingin ang bagay na iyan kapag ready kana. Kapag gusto na nating dalawa. At sa araw na iyon natitiyak ko na, I will make love to my wife, not having s*x with a stranger," seryosong wika nitong muli sa kanya.

Siya naman ay awtomatikong napaangat ang mukha, awang ang mga labing napatitig na lamang dito.

"Bye, wife." paalam nito, sabay halik sa kanyang noo bago tuluyang lumabas sa kanyang silid.

Naiwan naman siyang natitigilan.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Magpapakasal ka kahit hindi mo mahal ang lalaki?!" eksahederang tanong ni May kay Alondra. Nasa isang fastfood sila noon kumakain dahil naabutan sila ng lunch sa daan. Balak kasi nilang mag unwind sa beach ng mga ito sa Batangas. Gusto kasi niyang maliwanagan ang kanyang utak, medyo mahirap sa kanya ang gagawin pero kahit kelan kasi hindi pa niya nakuhang sumuway sa kagustuhan ng mga magulang. Strikto ang mga ito, oo nag-iisang anak lang siya pero ang tingin ng mga ito sa kanya ay walang pakinabang. Pabigat, kesyo bobo daw siya, kesyo wala daw siyang naitulong sa pamilya. Nais ng mga itong mag aral siya bilang lawyer pero hindi iyon ang nais niya. Isa pa hindi talaga siya gano'n katalino para kayanin ang kursong iyon. Iisa lang talaga ang nais niyang gawin, ang magsulat ng mga love stories. Sa madaling sabi, maging isang writer, ngunit tutol ang mga magulang sa nais niya. Gawain lang daw iyon ng mga taong walang patutunguhan. Palagi na lamang galit ang mga ito sa kanya, pero ginagawa naman niya ang lahat para mabago ang pananaw ng mga ito sa kanya. Kaya lang minsan alam niya na sumusobra na ang mga ito. Bale kahit na anong kakainin niya pinapakialaman pa ng kanyang Mama. Ang Papa naman niya animo sundalo kung magsuweto sa kanya. Nag-iisa lamang siyang anak kaya kung tutuusin, dapat hindi gano'n ang turing ng kanyang mga magulang sa kanya. Minsan naiisip nga niya na baka ampon lamang siya pero imposible naman iyon dahil natitiyak niya na ito ang tunay niyang mga magulang. Ang hindi lamang niya matanggap ay ang nalamang desisyon ng mga ito sa kanya. May problema pala ang kanilang negosyo at dahil doon kabi-kabila ang naging utang ng kanyang ama. Dahil na rin siguro sa lulong ito sa sugal pati na ang kanyang Mama. Sa kawalan ng makukuhaan ng pambayad sinabi ng kanyang mga magulang na nais daw ng may ari ng kompanya na kuhain ang kanilang negosyo bilang kabayaran sa malaking pagkakautang nito. Ngunit hindi pumayag ang kanyang mga magulang. Kahapon pagdating niya galing school kinausap siya ng mga ito. Ipapakasal daw siya ng mga ito sa may ari ng kompanyang pinagkakautangan ng mga ito. Parang bombang sumabog iyon para sa kanya. Hindi kaagad siya nakapagsalita. Napakabata pa niya, grade 12 student palang siya. Pinag iisipan na nga niyang sundin ang mga ito na kuhaing kurso ay ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Kakayanin niya iyon kahit pa mahirap gusto lang kasi niyang matuwa naman ang Mama at Papa niya sa kanya, pero ano to? Bakit agad-agad, gusto ng mga itong ipakasal siya sa lalaking ni hindi pa nga niya nakikita? May ari daw ito ng kompanya, so it means matanda na, baka nga kasing edad ito ng kanyang Papa. Nakiusap siya sa mga ito, umiyak siya ng umiyak. Halos maglumuhod pa nga siya sa harapan ng kanyang Mama at Papa para lamang hindi gawin ang nais pero sadyang matigas ang kanyang ama. Mas gugustuhin pa daw nitong ipakasal siya o ipambayad kesa ang kompanya nito ang mawala. Mas mahalaga daw ang negosyo nitong minana pa sa mga magulang kesa sa kanya. Hindi nga niya maintindihan kung ano pa bang halaga dito ng negosyo nila halos hindi nga ito nagtutungo doon. O baka naman, nais lang talaga ng kanyang mga magulang na mai-dispatsa siya. Naiwan siyang luhaan noon sa sala, naitanong tuloy niya sa kanyang sarili. Anak ba talaga siya ng mga ito? Bakit ganon na lamang kadali sa mga ito na ipambayad utang siya. Halos buong magdamag siyang umiyak. Kinabukasan tinawagan niya si May ang kanyang bestfriend. Hindi sila magkasing edad, mas matanda ito sa kanyang ng limang taon nagkataong naging malapit sila sa isa't-isa dahil marami silang similarities at isa pa magkapit-bahay lamang sila. Mas mayaman ang pamilya ng mga ito, kaya nga ito ang naisipan niyang tawagan para humingi ng favor dito na magtungo sila sa beach resort na pag aari ng pamilya nito sa Batangas. Gusto talaga niyang makapag-isip at i-relax na rin ang katawan. Alam niya na sa pagbabalik niya, naayos ng lahat ng kanyang pamilya ang kanyang kasal sa lalaking ni hindi pa niya nakikita. "Wala akong magagawa May, alam mo naman ang mga magulang ko diba?" malungkot na sagot niya dito. "Haller! May bibig ka! At saka eighteen kana! May karapatan ka ng magdesisyon para sa sarili mo!" tila naiinis na sabi nito. "Mas mahalaga ang negosyo nila kesa sa'kin May, at isa pa ayaw ko ring mas mamuhi pa sakin ang Papa kapag tuluyang nawala ang ipinamana sa kanya ni lola," napapasinghot-singhot na sagot niya dito. "Hindi mo kasalanan iyon! Ano ka ba?! Ang Papa mo ang nagpapalakad ng negosyo n'yo kaya hindi mo problema o kasalanan na malugi iyon!" mas nainis ito sa sinabi niya. "Kahit na May, magulang ko pa rin sila dapat ko silang sundin," malungkot niyang pahayag dito. "So pano na si Jeffrey? Halos mag iisang taon na rin kayo ng boyfriend mo gano'n na lang iyon, iiwan mo nalang siya ng basta-basta," sabi muli nito. Napaluha na siya dahil sa tinuran nito. Kaklase niya si Jeffrey, naging masinop ito sa panliligaw hanggang sa sagutin na nga niya ito. Mag iisang taon na rin sila at may mga plano na sila kapag naka-graduate ng high school. Balak nilang mag aral sa iisang school para hindi pa rin sila magkahiwalay. Pero ngayon malabo na iyon, sa pagbabalik niya makikipagbreak na siya dito. Kesa naman patuloy niya itong paasahin pa. Siguro hahayaan nalang niyang maging alipin ng matandang magiging asawa niya. Siguro biyudo na ang lalaki kaya maaari na naman itong magpakasal muli. Pero ang kinakatakutan niya ay ang unang gabing makakasama niya ito. Tila naduduwal siya kapag naiisip ang eksena habang nakikipagtalik siya sa matanda. "Hindi siguro kami para sa isa't-isa May, sa pagbabalik natin sa Manila makikipagbreak na ako sa kanya," naluluha pa rin niyang sabi. Napailing na lamang ito at saka niyakap siya. Sobrang bigat talaga ng kanyang dibdib hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang desisyong ito. Mabuti nalang nandiyan palagi si May para pagaanin ang kanyang kalooban. Halos tatlong araw ding namalagi sila sa beach house ng mga ito bago sila nagpasyang bumalik sa Manila. Hindi nga siya nagkamali, sa loob ng tatlong araw naisaayos na lahat ng kanyang mga magulang ang mga kakailanganin sa kasal. Parang hinahabol ang mga ito, akala mo eh tatakasan niya. Nasampal pa nga siya ng kanyang Papa pagdating nila ni May. Paulit-ulit daw kasi itong tumatawag sa kanya pero hindi daw niya sinasagot ang tawag. Totoo naman iyon, ayaw na muna niya itong makausap. Buong araw lamang siyang nagkulong sa kwarto. Kinabukasan pinatawag siya ng kanyang Mama. Oras na daw ng traning niya para sa mga dapat at hindi dapat na gawin ng babaeng may asawa. Napapailing na lamang siya sa mga ito. Katakot-takot na bilin ang sinabi nito pati na rin ang kanyang ama. Ang nais ng mga ito ay maging perpektong asawa daw siya sa Hendrick na tinatawag ng mga ito. Parang pamilyar sa kanya ang pangalang iyon pero hindi niya maalala kung saan. Likas na talaga sa kanya ang tumango na lamang sa mga nais ng mga ito. Maging sa pagsisiping, nabanggit pa ng kanyang ina. Kapag daw sa unang gabi ng mag asawa ay hindi tinabihan ng lalaki ang babae. Isang kahihiyan daw iyon sa babae, at sa pamilya na rin ng babae. Parang isang malaking pagkakamali niya iyon at insulto para sa pamilya niya. Muli lang siyang napailing sa tinuran ng mga ito. Minsan parang wala na sa tamang pag iisip ang kanyang mga magulang kung umasta Pero kailangan pa rin niyang sumunod sa mga ito. May mga sinabi din ang kanyang ama, parang pinalalabas nito na maging sunod-sunuran lamang siya sa kanyang magiging asawa, dahil nga daw iyon ang papel ng babae sa mga lalaki. Hindi na lamang siya umimik, hinayaan na lamang niya ang mga ito. May pagbabanta pa ang kanyang ama na makakatikim dito ng parusa kapag nalaman nitong pumalpak siya. Para tuloy gusto niyang sumbatan ang mga ito pero alam niyang mali iyon kaya nanatili na lamang siyang tahimik. Araw ng kasal. Nakaharap siya sa salamin suot ang napakagandang gown na ipinadala ng kanyang magiging asawa. Inayusan na rin siya ng make up artist na ang Mama niya mismo ang umupa. Napakaganda niya sa repleksyon sa salamin. Maamo ang mukha na animo anghel na nakasuot ng puting gown. Marami naman ang nagsasabing napakaganda niya, napakaamo ng mukha animo daw hindi siya makabasag pinggan. Mahal siya ng lahat at hinahangaan ng lahat lalo na sa kanilang campus. Pero bakit gano'n nalang siya kung ituring ng kanyang mga magulang. Masahol pa siya sa basahan, tsaka mas mahalaga pa nga ang mga alaga nilang aso kesa sa kanya. Mas nayayakap at nahahalikan pa ito ng kanyang Mama at Papa. "Ano ba Alondra! Kasal mo ngayon dapat masaya ka diba?" sabi niya sa sarili, habang kanina pa pinipigilan ang mga luhang nais ng pumatak. Tumingala siya at hinamig ang sarili baka kasi kapag nasira ang make up niya magalit nanamn ang kanyang Ina. "Aba Alondra! Wala ka bang balak lumabas sa kwarto mo! Bilisan mo na diyan at hinihintay ka na ng groom mo sa simbahan!" galit na sigaw ng kanyang Mama sa labas ng kanyang kwarto. "Lalabas na po." sagot niya. Huminga siya ng malalim bago lumabas ng kwarto. Wala siyang imik sa kotse habang ang kanyang Mama naman ay walang tigil sa kakabilin ng kung ano-ano. Sa totoo lang, takot na takot siya. Kung mapupwede lamang sana siyang tumalon sa bridal car na ito gagawin niya ei. Pero hindi naman niya kayang biguin ang magulang. Ilang sandali lamang at nasa tapat na sila ng simbahan. Muli siyang napahinga ng malalim ng bago tuluyang pumasok sa simbahan. Pumailanlang ang isang tugtugin, hindi na niya iyon maunawaan ang nasa isipan niya, tuluyan na siyang mapapasakamay ng matandang huklubang magiging asawa niya. Sumenyas ang kanyang Mama na oras na para sila ay maglakad sa aisle. Hinawakan siya ng ina sa braso at ng kanyang ama. Tila naninigas kasi ang kanyang mga paa, ayaw niyang lumakad. Ayaw niyang magpakasal! Pero hindi siya maaaring tumanggi. Natatakot siyang tumingin sa may unahan ng altar. Natatakot siyang makita ang matandang nakatakda niyang maging asawa. Nakatungo siya habang papalapit sa lalaki. Halata ng mga bisita ang kanyang asal, napansin naman iyon ng kanyang ina kaya walang pakundangang kinurot siya sa tagilian. Napalakas ang pag aray niya, kaya naman narinig iyon ng lalaking nasa unahan. Tumungo siya lalo ng mapansing papalapit ito sa kanila. "Akin na po ang kamay niya, maupo na ho kayo ako na ang bahala," wika ng lalaki sa baritonong boses, iyon bang lalaking-lalaki. Napapaangat na siya ng mukha pero hindi pa rin niya ginawa. Alam niyang gano'n lamang itong magsalita dahil may ari ito ng malaking kompanya. Syempre dapat talaga kagalang-galang ito at medyo dapat katakutan ang boses nito, powerful voice kumbaga. Kahit nga Papa niya ay mukhang tiklop dito dahil napatikhim na lamang ito bago iniabot dito ang kamay niya. Inalalayan naman siya nito patungo sa unahan ng altar, gustong-gusto niyang bawiin ang kamay dito. Tila kasi may kung anong bagay ang meron ang kamay nito. Animomay kuryenteng nanunulay sa kanyang balat ng magdaiti ang kanilang balat, ewan ba hindi niya maipaliwanag. Parang naging robot siya, sunod-sunuran hanggang sa narinig niya na tinatanong na siya ng pari kung tinatanggap niya ang lalaki, sumagot nalang siya ng oo na ni hindi man lang iniangat ang mukha para makita ang lalaki. Nakakatawa nga eh, siya lang yata ang babaeng kinakasal na ni hindi pa nakikita ang mukha ng groom. Matatapos nalang ang kasal pero hindi pa niya alam ang itsura nito. Pero syempre batid niyang matanda na ito, baka nga mas matanda pa sa kanyang Papa. Bigla siyang kinabahan ng marinig ang pag anunsyo ng pare na mag-asawa na sila at maaari na siyang halikan ng lalaki. Pumikit siya ng mariin, tila nangatog ang kanyang tuhod sa narinig. Biruin n'yo hahalikan siya ng lalaking hindi naman niya kakilala at matanda pa. Naramdaman niya ang paghawi ng belo niya, hinawakan nito ang pisngi niya at sumunod niyon ang paglapat ng kung anong mainit na bagay sa kanyang labi. Malambot, mainit at higit sa lahat masarap! "Sh*t! Nasasarapan ako sa halik nya!" gulat na bulong niya sa sarili. Gumalaw ang labi nito at mas lalong pinag-igi ang pag-angkin sa labi niya. Litong-lito siya sa kanyang sarili, bakit siya nasasarapan sa halik ng matanda? Nakakapagtaka pa, kusang tumugon siya sa napakasarap na halik na iginawad nito. Itinigil na nito ang paghalik sa kanya, parang gusto pa nga niyang tumutol, animo nakulangan pa pero nahiya siya ng maranig ang masigabong palakpakan ng mga dumalo sa kasal. Unti-unti naman niyang iminulat ang kanyang mga mata at gano'n nalang ang panlalaki niyon ng ganap na masilayan ang lalaking nasa kanyang harapan. "Oh my God! h-hindi sya matanda at... At...ang gwapo nya!" bulalas niya sa isipan. Pero agad siyang napakunot noo parang pamilyar ang lalaki sa kanya kaya pinilit niyang inalala kung saan ito nakita. Biglang sumagi sa isipan niya ang family reunion ng pamilya ng kanyang Mama at gano'n na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng maalala niya kung sino ito. "U-Uncle Hendrick?!" bulalas niya. Bigla itong napatingin sa kanya, at napawi ang magandang ngiti sa mga labi. ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

His Obsession

read
88.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook