"Here's your coffee." Nakangiting wika niya ng makabalik na sa sala.
Dala-dala niya ang dalawang tasa ng kape at tasty bread mula sa isang kilalang bakeshop sa kanilang lugar.
Mukhang ang kanyang Mommy ang namili ng mga kakailanganin nila sa bahay. Mula sa grocery at desinyo ng bahay na ito ay lahat taste ng kanyang Mommy. Talagang planado ng mga ito ang lahat, kung pwede lang talagang takasan ang lahat ng ito.
Kaya lang naaawa naman siya sa kanyang Tito Hendrick dahil maiiwan itong mag-isa baka kung ano ang kahinatnan nito kapag umalis siya.
Ewan ba niya, pakiramdam niya sa kanyang sarili ay nagkaroon siya bigla ng pasanin dahil sa lalaking ito. Na bagama't hindi man naging mabuti sa kanya ay iginagalang pa rin niya ito.
"Thanks hon, uhmm pwede bang sa terrace tayo mag-usap. Napansin mo iyong puno ng mangga napakaraming alitaptap hindi ba? Ang ganda nilang pagmasdan parang nakakarelax. Pwede bang samahan mo ako doon, diyan lang naman tayo sa terrace habang nagkukuwentuhan nakatanaw sa puno na iyan at syempre sa mga bituin." Hirit nito sa kanya.
"Aahh... s-sige, tayo na sa terrace." Tipid na sagot na lamang niya dito.
Kinuha nito ang hawak-hawak niyang tray na may tasa ng kape at tinapay na may palaman. Gusto sana niyang tumanggi pero wala na siyang nagawa.
Pero napakagat labi pa siya dahil hindi niya akalain na gagawin nito iyon sa kanya. Samantalang ang kanyang Daddy ay walang pakialam sa kanya.
Utos dito, utos doon kapag nasa bahay siya at kung murahin siya nito kapag nagkamali ay sobra. Pero ngayon ang lalaki mismo ang nagdala ng kape na ito mismo ang nag-utos. Ibang iba sa ugali ng kanyang Daddy, gano'n din naman kasi ang kanyang daddy sa Mommy niya.
Wala itong pakialam kahit na magkanda kuba kuba na ang kanyang Mommy sa mga dala-dala nito. Hindi man lamang ito tulungan ng Daddy niya kaya ngayon lahat ng ipinapakita sa kanya ng kanyang Uncle Hendrick ay tila ba tumatagos sa kanyang puso at tila nagugustuhan niya na kasama ito sa bahay.
Kakaiba din ang mga trip nito, sa panahon ngayon may lalaki pa ba na nais manood ng bituin sa kalangitan habang nagkakape at kasama ang asawa nito. Maging sa mga alitaptap na nagliliparan sa puno ng mangga ay nais pa nitong panoorin habang nagkakape at kasabay siya.
Parang nakakataba ng puso iyong ganoon parang kakaiba at sa tingin niya hindi na mararanasan ng mga kabataan iyon sa ngayong panahon. Puro gadget na lamang ang nagpapasaya sa bawat isa, ito sa ilang oras nilang magkasama hindi man lamang niya napansin na humawak ito ng gadget nito.
Sa terrace ay may pabilog na lamesa doon at meron bakal na mga upuan inayos nito ang isang upuan at saka pinaupo siya nito doon. Matapos niyang umupo ay inilagay nito ang kape sa harapan niya at umupo naman ito sa katabing upuan niya.
Walang imik itong humigop ng kape habang nakatingin sa kalangitan. Siya naman ay humigop na lamang din ng kape at akmang kukuha ng tinapay para palamanan ito.
Pero agad nitong kinuha ang kutsara sa kamay niya at kumuha ito ng tasty tsaka ito na ang nagpalaman ng tinapay.
Naipagsalikop na lamang niya ang kanyang kamay dahil hindi rin niya inaasahan na gagawin nito iyon. Palagi niyang nakikita sa kanyang Mommy at Daddy na ang Mommy niya ang gumagawa niyon at minsan nabubulyawan pa ng Daddy niya ang kanyang Mommy kapag babagal-bagal ito.
Hindi pa kasi nakakahuma sa ginawa nito, binigay na nito sa kanya ang tasty na nilagyan nito sa palaman.
"Hmmm... Masarap ang peanut na ito ha. Saan kaya ito nabili ni Manang?" Turan nito sa peanut butter na isinubo nito ang isang kutsara.
"Oh, mahilig ka rin pala sa peanut butter Uncle... Ay este H-Hendrick." Wika niya dito, nadulas na nanaman siya.
Kapalpakan talaga ng dila niya kahit kelan. Sigurado kapag pumalpak talaga siya at nabuking ang lihim ng kanyang mga magulang ay siguradong siya ang mananagot at baka itakwil na siya ng mga ito kapag nangyari iyon.
Natawa ito at napailing...
"Kanina mukhang nais mo akong tawaging Tito, ngayon naman Uncle. Hindi pa naman ako gano'n katanda ah." Natatawang wika nito sa kanya.
Napakagat labi tuloy siya at wala sa loob na humigop ng kape.
"Aayyy...ang init! Inittt...." Daing niya at pabagsak na nailapag niya ang tasa ng kape ngunit tumilapon ang laman niyon sa kanyang dibdib.
"Jesus Christ! Honey naman, hindi ka kasi nag-iingat!" Nag-aalalang wika nito.
Sabay walang babalang hinawakan ang labi niya, tiningnan kung may paso iyon. Sabay hubad ng damit niyang pantulog. Gulat na gulat siya sa ginawa nito. Nakabuyang-yang na kasi ang malusog niyang dibdib sa harap nito.
"Ayyyy!!!!" Tili niya.
Bigla siya nitong binuhat at wala na siyang nagawa doon, ikinawit na lamang niya ang braso sa leeg nito at pumikit na lamang ng mariin.
Hinayaan ito na dalhin siya kung saan, pero sa totoo lang kinakabahan siya baka may gawin ito sa kanya. Pero ano pa bang magagawa niya kung hangarin nga nitong angkinin siya, first night nila bilang mag-asawa.
"Uhhmm.. Hendrick s-sabi mo hindi mo ako p-pipilitin? Pero bakit ga—, awww...." Wika niya na hindi na natapos dahil kinaltukan na siya nito sa noo.
"Ano bang akala mo sa akin ha? Manyak? Pasaway ka, nandito na tayo." Wika nito, sabay baba sa kanya.
Namula naman ang kanyang pisngi ng mapagtantong nasa kusina sila ng bahay. Agad itong kumuha ng malinis na towel tsaka iyon binasa at idinampi sa may dibdib niyang bahagyang namumula dahil sa mainit na kape.
Hiyang-hiya talaga siya sa pagsita niya dito na mali naman pala ang hinala niya. Nais niyang kuhain ang towel sa kamay nito dahil naiilang talaga siya pero nahihiya naman siyang gawin iyon.
"Ayan, saglit lalagyan ko lang ng ointment tsaka ka magpalit na sa room mo ha. Tapos bumalik ka sa terrace dahil ipagtitimpla na lang kita ng bagong kape. Mag-iingat ka kasi ha, mamaya magkapano ka. Nagalit pa sa akin sina Mommy at Daddy." Wika nito.
Okey na sana eh, pero pagkabanggit nito sa Mommy at Daddy niya ay napangiwi na naman siya. Ang sagwa kasi talagang pakinggan, alam naman niya na ang tawag nito sa kanyang Mommy ay Ate dahil pinsan nga ito ng kanyang ina at mas matanda lang dito ng sampung taon ang kanyang Mommy.
Gano'n din naman ang kanyang Daddy. Kaya nakakapanindig talaga ng balahibo kapag tinatawag nitong Mommy at Daddy ang kanyang mga magulang. Lalo naman na ang tawag nito sa kanyang honey.
"Ayan, kahit papano di ka na makakaramdam ng hapdi sa ointment na yan. Sige na, p-pumasok ka na sa room mo at magpalit ka na." Nakangiting wika nito sa kanya.
Pero napansin niya ang tagaktak na pawis nito sa noo at bahagyang panginginig ng kamay na humahaplos sa ibabaw ng dibdib niya.
Hindi niya alam kung bakit ito nagkakagano'n pero siya ay nakaramdam ng tila panlalamig sa buong katawan. Lalo pa at ramdam niya ang dulo ng daliri nitong nagkakalat pa rin ng ointment sa balat niya.
Bigla tuloy siyang napalayo dito.
"Aahh....ehh... M-Magpapalit na po ako Un—ay Hendrick pala." Paalam niya dito tsaka tumalikod na at patakbong bumalik sa silid niya.
Naiwan naman si Hendrick na tila naguguluhan, tsaka napabuga muna ito ng hangin bago nagpasyang ipagtimpla ng bagong kape ang asawa.
ITUTULOY