Kabanata 3

1521 Words
Matapos ang konting salo-salo nagtungo sila sa isang hindi naman kalakihang bahay pero iyon ay sa kanilang lugar lamang. Maganda ang bahay, moderno ang pagkaka-disenyo, hindi niya alam kung bahay bakasyunan ba iyon ng lalaki o ito talaga ang bahay nito. Pero sa pagkakaalam niya, nasa isang exclusive subdivision ang bahay nito at iyon ay sa Quezon City. Kaya papanong magkakaroon ito ng bahay dito sa probinsya. Hindi kaya plinano din ito ng kanyang mga magulang. "Hon, pansamantala dito muna tayo titira ha. Ito rin kasi ang sinabi ng mga magulang mo na bahay bakasyunan ko. Alam mo na medyo hindi pa maayos ang kalagayan ko kaya nais kong magpahinga muna," nakangiting wika nito sa kanya. Hindi siya sumagot pero bahagya na lamang siyang ngumiti dito para hindi na ito maghintay pa ng sagot niya. Ngunit agad na ginagap nito ang palad niya at hindi siya nakahuma ng dalhin nito iyon sa mga labi nito at marahang hagkan. Agad na namula ang kanyang pisngi at mabilis na nabawi niya ang palad dito. "I'm sorry, nagtatampo ka ba dahil hindi na tayo nakapag set ng place para sa honeymoon natin?" nakangiting tanong nito. "Ho?! Hindi ah!" agad na sagot niya dito, pakiramdam niya ei umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang mukha. Kaloka,talagang iniisip pa ng lalaki na gano'n ang inaasal niya dahil wala silang honeymoon! Nasisiraan na ba ito, isipin pa nga lang niya pinaninindigan na siya ng balahibo eh. Pero agad na tumatak sa isipan niya ang sinasabi nito tungkol sa health nito, mukhang may dinaramdam ito. Parang nais na niyang tanungin ito tungkol sa totoo nitong kalagayan. Magsasalita pa sana ito ngunit natigilan dahil tinawag siya ng kanyang Mama. Kaya naman agad siyang nagpaalam dito para lumapit sa ina. Wala naman itong nagawa pero sa tingin niya ay nais pa siya nitong makausap. Ngunit mas ikinatuwa niya iyon na nakaiwas dito dahil talagang naiilang siya ng sobra. "Ayusin mo ang pakikisama mo sa asawa mo ha. Kung may mga nais siyang ipagawa sayo, sundin mo. Maging mabuti ka sa kanya, gampanan mo ang tungkulin mo sa kanya bilang asawa. Maging sunod-sunuran ka sa mga nais niya dahil ganyan ang gawain ng isang matinong maybahay, iyon ay ang sumunod sa lahat ng naisin ng kanyang asawa," seryosong wika ng kanyang Papa, talagang kailangan pa nitong magbilin sa kanya. Nag-iisip ba ang mga ito, nais ng mga itong gampanan niya ang pagiging ulirang asawa sa kanyang uncle?! Gawain ba iyon ng matinong tao? Hindi tuloy niya mabatid kung matino ba talagang mag-isip ang kanyang Papa. "Nais nyo pong gampanan ko tungkulin ko sa kanya bilang asawa? Papa, okey lang po ba kayo? Baka po nakakalimutan nyo na uncle ko ang taong ipinakasal ninyo sa akin. Huwag ninyong sabihin okey lang na maging imoral ako para lamang sa perang hinahangad ninyo?" di makapaniwala na tanong niya dito. "Oh, ano naman ang problema mo don? Ipaligo mo na lang pagkatapos, ang mahalaga mapasakamay natin ang pera ng asawa mo!" nakataas naman ang kilay na wika ng kanyang Mama. Napaawang ang kanyang mga labi ng marinig ang sinabi ng kanyang Mama. Hindi niya matanggap na sa mismong bibig pa iyon ng kanyang Mama narinig. "Ma, b-bakit po kayo ganyan? Ano po ba ang n-nagawa kong kasalanan? Bakit po nagagawa ninyo akong ipagpalit sa pera? Iyon na lamang po ba ang mahalaga sa inyo? Kahit sarili kong dangal pa ang kapalit o-okey kang sa inyo?" lumuluha ng tanong niya dito. "Tigilan mo nga ang kaartehan mo na iyan Alondra! Ibibigay mo rin naman iyan sa walang kwenta mong boyfriend, ei bakit hindi na lang sa mapapakinabangan mo na! Diyan kay Hendrick, kapag tuluyang na-inlove iyan sayo, mapapasayo na ang lahat ng pag-aari niya dahil kasal na kayong dalawa. Magkakaroon ka ng limpak-limpak na salapi at mapapasunod mo pa siya sa lahat ng gusto mo. May amnesia ang lalaking iyan kaya habang hindi pa siya nakakaalala dapat samantalahin mo na!" muling turan ng kanyang Mama. Napapailing na tumingin siya dito, parang gusto niyang ipangalandakan sa mukha nito na hindi niya kailangan ng pera. Ang totoo, ang mga ito lang naman talaga ang naghahangad ng ganong bagay. Pero may magagawa pa ba siya? Una na siyang nalinlang ng mga ito na kesyo may problema ang mga ito sa business nila, na kesyo nagkautang ito sa malaking kompanyang sinasabi ng mga ito, sabagay totoo naman ang mga iyon. Pero ang totoo pala, pera ng lalaking ipinakasal sa kanya ang habol ng mga ito at iyon ay ang kanyang Uncle Hendrick. Ngayon niya napatunayan na wala talaga siyang halaga sa kanyang mga magulang. Ang iniisip lamang ang mga ito ay pera. Oo batid naman niya na hindi talaga siya mahal ng mga ito pero kahit sa panaginip ni hindi niya naisip na magagawa ng mga ito na hayaan siyang maging imoral. Paano niya maatim na gawin ang bagay na nais ng mga ito. Gampanan ang tungkulin niya bilang asawa? Paano niyang gagawin iyon, malinaw sa kanya na ang Uncle niya ang kanyang napangasawa. May amnesia ito kaya wala ito alam sa totoong kaugnayan nila kaya paano niya maaatim na hayaan itong may gawin sa kanya na batid niyang pagsisisihan lang din naman nilang dalawa sa huli. Ang masakit nga lang parang paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ng kanyang Mama. Pinagtutulakan pa siya nito na gawin ang bagay na iyon. Parang gusto niyang humagulgol na mga oras na iyon at sumbatan ang mga ito. Ngunit hindi talaga niya magawa, para bang napakalaking takot niya na gawin iyon. Pero kung pwede lang sana, tumakas na lang siya para matapos na. "Sige na, aalis na kami. Iyong mga bilin namin sa iyo ng iyong Mama ha. Tatawag kami sayo sa mga susunod na araw. Sundin mo kung ano ang sasabihin ko sayo ha, kung ayaw mong malintikan matuto kang sumunod!" bilin ng kanyang Papa. Hindi pa man lang siya nakakasagot ei tumalikod na ang mga ito at nagtungo kay Hendrick para magpaalam. Naluha na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang mga ito. Kinagabihan Abot-abot ang kaba ni Alondra habang hinihintay niya ang kanyang Uncle Hendrick na pumasok sa silid na inuukopa niya. Kanina sinabi na ng kanyang Mama na ito ang kanilang silid. Kung maaari nga lang sana na doon siya sa kabilang kwarto tumuloy pero hindi niya magawa dahil may dalawang kasambahay na iniwan ang kanyang Mama at batid niya na sinadya nitong maglagay ng kasambahay na tiyak na hawak nito para magmamanman sa kanya. Kanina sa hapagkainan nakokonsensya siya dahil napakabait sa kanya ni Hendrick. Ginagampanan talaga nito ang pagiging mabuting asawa sa kanya. Kung maaari lamang sana na ipagtapat niya ang totoo dito pero sigurado naman na tuluyan na siyang itatakwil ng kanyang mga magulang kapag ginawa niya iyon. Kung normal lamang sana sila mag asawa sigurado na kahit sino ay kikiligin agad dito sa unang beses pa lamang na pagsabay nilang kumaing dalawa. Napaka-gentleman ito nilalagyan pa ng kanin ang kanyang plato, pinagbalat pa siya nito ng malaking sugpo at pinaghimay ng alimango. Kulang na nga lamang ay subuan siya nito. Ngayong nasa silid na siya, halos manginig siya sa kaba, pinanlamigan din siya ng pawis at napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Ito ang first night nila, hindi maaaring may mangyari sa kanila dahil Uncle niya ito pero wala naman siyang lakas ng loob na tumanggi. Maya-maya ay narinig niya ang mahihinang katok sa nakapinid na pinto. Mas lalo siyang kinabahan pero dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon pero mabilis din siyang bumalik sa kama at umupo doon. Hindi niya magawang tumingin dito lalo pa at ramdam niya ang bahagyang pangangatal ng kanyang buong katawan. Napapikit siya ng mariin mabatid niya na papalapit na ito sa kanya, pero handa na siya kung anuman ang mamagitan sa kanila sa gabing iyon. Tulad nga ng sinabi ng kanyang Mama, idadaan na lang niya sa paligo para kahit papano malinisan niya ang kanyang katawan. Pero batid naman niya na isang kasinungalingan iyon, kapag may mangyari sa kanila kaylanman ay hindi na siya muling magiging malinis pa. "Okey ka lang ba dito honey? Wag kang matakot, I know what you feel. Nagtungo lamang ako dito para alamin kung maayos ka ba dito sa silid na ito," nakangiting wika nito, agad namang napaangat siya ng paningin at kunot-noong tumitig dito. Hindi rin niya nagawang magtanong dito basta nakatitig lang siya sa abuhin nitong mga mata. "Asawa kita, hindi ka prostitute," muling wika nito na lalo lamang nagpakunot ng kanyang noo. Hindi niya maintindihan ang nais nitong sabihin sa kanya. "Kapag pinilit kitang angkinin ngayong gabi, wala ka ng pinagkaiba sa isang prostitute. Kaya naman naisip ko na hingin ang bagay na iyan sa iyo kapag ready ka na, iyon bang kilala na natin ang isat-isa at kapag gusto na nating dalawa. Syempre sa araw na iyon, natitiyak ko na I will make love to my wife, not having s*x with a stranger." muling pahayag nito sa kanya, sabay talikod at tuluyan ng lumabas ng silid. Napaawang naman ang kanyang mga labi at namamanghang nasundan na lamang ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng pinto. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD