Patuloy lamang sa paghalik sa kanyang labi ang kanyang Uncle Hendrick. Tila ba tuluyan na siyang nalunod sa tamis at sarap ng halik na iyon sa kanya.
Nawala na siya ng tuluyan sa kanyang sarili at nawala na rin sa kanyang isipan na hindi nila maaaring gawin iyon. Dapat siya ang pumigil pero imbis na pigilan niya heto at mukhang nalulunod na siya sa sarap na dulot ng halik nito.
Nakakainis pa, ito ang first kiss niya,tapos ang Uncle Hendrick lamang niya ang kumuha ng first kiss na iyon. Matagal niyang iningatan yun eh kahit na ang ex-boyfriend niya ay hindi niya naibigay ang first kiss. Tapos sa Uncle Hendrick lang pala niya mapupunta.
Pero sa totoo lang, kunyari pa siya pero heto at nakapikit pa nga siya habang tinutugon ang halik ng lalaki. Hindi nga niya alam kung tama ba ang kanyang ginagawa dahil ito ang unang beses na naranasan niyang makipaghalikan.
Malay ba niya kung tama ang kanyang ginagawa pero ramdam na ramdam niya na tila nasasarapan din ang kanya Uncle.
Pero baka tama din ang kanyang ginagawa kasi ginagaya lang naman niya ang ginagawa ng kanyang Uncle, sa tingin naman niya ay expert ito sa larangan ng halik.
Imposible namang wala rin itong alam, ang alam niya kabi-kabila ang mga chiks nito kaya sa tingin niya ay tama naman ang halik niya dahil kung paano nito ginagawa, ay gano'n din ang kanyang ginagawa.
Ngunit bigla nitong binawi ang labi na nakalapat sa labi niya. Pero akala niya ay inilayo lamang nito kaya naman isinunod niya ang labi niya para sana magdikit ulit iyon.
Pero tuluyan na itong lumayo sa kanya, kaya naman agad siyang napamulat ng mata. Ayaw niyang itigil nito ang paghalik sa kanya dahil nasasarapan nga siya eh.
“Ready na daw ang breakfast hon, halika na kumakalam na ang sikmura ko eh. Tsaka gusto ko na ring maligo, nanlalagkit na ako hindi man lang ako nakapag-shower kagabi.” Biglang wika nito sa kanya.
Sabay inalis nito ang kamay na nauunanan ng ulo niya tsaka nauna na ito bumangon.
Hindi naman siya makapaniwala sa inasal nito, para tuloy napahiya siya na ewan. Siya ang babae dapat siya yung pumigil pero baliktad ang nangyari ito pa talaga yung malakas ang loob na itigil l. Akala niya dalang-dala na ang lalaki. Kaya di talaga siya makapaniwala na nakaya nitong itigil na lang basta iyon.
Ang nakakahiya pa, hinabol pa niya ang labi nito. Pakiramdam tuloy niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang mukha. Siguradong pulang-pula ang kanyang pisngi dahil sa inasal nito.
Naisip tuloy niya na baka wala lang dito ang halik na iyon, baka nga smack lamang ang halik na dapat ibibigay nito sa kanya kaya lang napasubo na ito dahil tumugon nga naman siya.
Ngayon tuloy parang gusto niyang batukan ang kanyang sarili kasi parang siya pa yung lumalabas na sabik sa halik.
“Bakit hindi ka pa bumabangon diyan honey, hindi ka ba sasabay sa almusal?” Tanong pa nito sa kanya na tila wala man lang itong pakiramdam kung ano ang nararamdaman niya.
Samantalang siya ay pulang-pula na ang mukha dahil sa matinding kahihiyan.
“Pwede bang mauna na kayo Uncle, ay I mean Hendrick. Gusto ko kasing maligo muna din, para fresh mag-almusal. Ahmm alam mo na masarap kasi na mag-almusal ng fresh na.” Sagot na lamang niya dito pero hindi siya makatingin ng diretso.
“Ah sige bilisan mong maligo ha, sabay tayo mag-almusal maliligo lang din ako. Tama ka mas masarap kasing kumain na fresh lalo na at gusto kong humigop ng mainit ng kape. Iyon kasing kagabing kape hindi natin naubos eh.” wika nito sa kanya habang nakangiti na nakalabas pa nga ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin.
“S-Sige, bibilisan ko lang promise.” Nakangiti ng tugon niya dito kahit na naiilang pa rin siya.
“Goods, okay bye hintayin kita.” Nakangiting sagot nito sa kanya.
Pagkuwa'y naglakad na ito palabas ng silid, siya naman ay bumangon na para iligpit ang kanyang hinigaan at maging ang hinigaan ni Henry na naging higaan din pala niya ng hindi nalalaman.
Ngunit hindi pa nakakalabas ang lalaki ay muli itong nagsalita.
“Aahmm Honey?” tawag nito sa kanya.
“Oh?” Kunyari walang pakialam na tanong niya dito.
Tapos patuloy lamang siya sa pakunyaring pagtiklop ng kumot.
“Salamat sa masarap at matamis na halik. Kahit halatang first time mo.” Biglang wika nito sabay ngiti ng may kapilyuhan.
Automatiko namang namula ang kanyang pisngi dahil sa sinabi nito, hiyang hiya talaga siya. Talaga palang mapapansin nito na first time niya ang halik na iyon. At nag- thank you pa ang pasaway.
Ngumiti na lamang siya dito bilang tugon pero mas tamang sabihin na pagngiwi dahil hindi niya alam kung anong maging reply niya sa mga sinabi nito.
“Bye, honey.” Wika ng lalaki sabay kaway pa sa kanya.
Kung may iba pang nakakilala sa kanyang Uncle Hendrick ay talagang magtataka ito sa ikinikilos ng lalaki. Malayong malayo ang pag-uugali nito ngayon sa dati nitong ugali. Ngayon kasi mabait na ito, palabiro at may pagka-jolly din.
Samantalang dati palagi itong galit. Animo, pasan-pasan nito ang mundo kaya talagang inis na inis siya dito dati. Halos ayaw nga niya itong makita dahil one time nasaway na siya nito at talagang sinabon siya ng husto.
Nang matiyak na niya na nakaalis na ang kanyang Uncle ay mabilis niyang linapitan ang pinto at ini-lock iyon. Sabay takbo pabalik sa kanyang kama at doon bigla niyang ibinagsak ang katawan at tila praning na pumadag-padag sa gitna niyon.
“Bruha kaaaa! May paayaw-ayaw ka pang luka-luka ka! Tapos isang halik lang bibigay ka naman pala agad! Hayysss Alondraaaaa, nababaliw ka ng talaga!”
Parang nababaliw na wika niya sa kanyang sarili habang walang habas sa paggulo sa sariling buhok.
Tapos bigla siyang napatigil at naalala na naman niya iyong biglang pagtigil ng halik ng kanyang Uncle na para bang hinabol pa niya ang labi nito l. Nakakahiya talaga dahil parang kung iisipin ay para bang siya iyong sabik na sabik sa halik nito.
Pero bigla din sumagi sa kanyang isipan kung gaano kasarap at kung gaano kalambot ang labi ng kanyang Uncle habang hinahalikan siya. Napasadahan pa niya ng daliri ang labi niya at napakagat labi pa nga. Bigla niyang naipilig ang kanyang ulo dahil sa naisip at may pasapak pang nalalaman sa sariling pisngi.
“Hoy babae! Uncle mo yon hoy! Uncle mo!” Paulit-ulit na wika niya na parang timang pasipa-sipa pa ang kanyang paa sa kama na imbis na aayusin na sana niya ay lalo lamang nagulo.
“Ano baaaa…. Nakakahiya talaga waahhhh….” Muli niyang tili.
Wala namang nakakarinig sa kanya dahil mukhang busy ang mga kasambahay sa kusina at ang kanyang Uncle naman ay baka naliligo na.
Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya sa nangyari kanina, hi abol pa niya ang labi ng kanyang Uncle. Ang lakas ng loob niya iyon pala halata na hindi siya marunong humalik.
Bigla niyang naisip na papaano siya napunta sa tabi nito at nagising siya na nakaunan mismo sa braso nito. Papaano siya napunta doon? Sabagay hindi naman talaga niya naaalala kung ano ang nangyari kapag natulog siya. Minsan nga nagising siya na may mga pasa sa hita o kaya ay sa braso dahil napatama na sa kung saang bagay ay hindi pa siya nagigising.
“Gaga nakakahiya, kung pwede lamang na manatili na lamang ako dito sa silid. Haysss.... Kaasarrr!" Parang timang na wika ulit niya.
Pero hindi naman kasi pwedeng gawin niya iyon sa kanyang Mama at Papa, kapag ginawa niya iyon kaya no choice siya kundi ang lumabas ng silid.
Minabuti niya na bumangon na sa pagkakahiga at inayos na niya ang kanyang kama.
Sa kanila kasing bahay kahit na may mga katulong sila ay nasanay talaga siya na ayusin ang kanyang higaan. Hindi na niya iyon inaasa pa sa mga kasambahay dahil kaya naman niyang gawin iyon.
At matapos nga niyang ayusin ang kanyang higaan pati na ang inilatag niyang hinigaan ng kanyang ang Uncle Hendrick ay nagpasya na siyang maligo. Para makalabas na siya ng silid dahil baka hinihintay na siya ng kanyang Uncle para mag-almusal.
ITUTULOY