Kabanata 11

1402 Words
“Ufffff!” Bulalas ni Alondra nang sa pagmulat ng kanyang mga mata ay matuklasang katabi niya ang kanyang Uncle. At talagang nakaunan pa siya sa braso nito, habang nakapulupot naman ang isa nitong braso sa bewang niya. Ang bilis tuloy ng t***k ng kanyang puso. Hindi niya mawari kung nasisiyahan ba, kung kinikilig o naiinis. “Gag*! Panong nangyaring katabi ako ni Uncle! At talagang feeling asawa ang peg, kaloka ang higpit ng yakap!” palatak niya sa kanyang sarili. "At aba eh mukhang kinikilig ka pang luka-luka ka!" Palatak muli niya sa kanyang sarili. Napadako ang kanyang mga mata sa matipunong dibdib nito na nakahantad at halos dumikit na ang kanyang mukha doon. Kitang-kita niya ang mga muscle sa braso nito at sa dibdib nito, parang napakasarap humilig doon. Hindi niya akalain na napaka-macho talaga ng lalaki. At parang hindi siya makahinga dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang katawan na ewan siguro dahil sa napakalapit niya sa dibdib nito. Halos mabingi na nga siya sa lakas ng t***k ng puso nito, idagdag pa na parang napakasarap haplosin ng medyo mabalahibong dibdib nito. Bigla niyang naipilig ang kanyang ulo dahil kung ano-ano ang kalokohang pumapasok sa kanyang isipan. Kaya nag-isip niya na kailangan na niyang makaalis sa pagkakayakap nito sa kanya. Pero hindi naman niya magawang kumilos para gisingin sana ang lalaki dahil nahihiya siya dito. Yun nga lang tanghaling tapat na, mukhang napasarap ang tulog nila dahil maliwanag na sa labas at medyo matingkad na rin ang araw. Kaya sa tingin niya ay malapit nang magtanghali kaya naman sobra na ang kaba ng kanyang dibdib. Ang lakas talaga ng t***k dahil sigurado siyang makakarinig na naman siya ng masasakit na salita at pagmumura mula sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang mama. Pinapakiramdaman niya ang mga tao sa labas iniisip kasi niya na baka nandiyan din ang kanyang Mama at Papa pero mukhang tahimik naman at may panaka-naka kasing naririnig mukhang boses ng kanilang mga kasambahay. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang hindi siya makakarinig ng malulutong na mura mula sa kanyang mama. Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa payapang natutulog na kanyang Uncle Hendrick. Animo asawa talaga niya ito sa itsura nilang dalawa dahil para bang isa itong makisig na asawa na yakap yakap ang misis nito. Animo pinagkakait siya nito kung kanino dahil sa higpit ng yakap nito sa bewang niya. Para tuloy nais niyang kiligin ng bongga. Naiilang siya ng husto pero hindi mawala ay ang kakaibang damdaming iyon sa kanyang puso na tila ba nasisiyahan siya habang nakamasid sa gwapong mukha ng kanyang Uncle. Talagang napakagwapo pala nito sa malapitan, noon kasi halos hindi niya mapansin ang itsura nito dahil hindi siya makatingin sa mga mata nito. Napakasungit kasi nito dati at talagang sisitahin ka ng lalaking ito kapag tiningnan mo siya. Wala kasing preno ang bibig ng kanyang Uncle Hendrick dati. Sinasabi nito ang lahat ng nasa isipan nito kahit pa iyon ay makasakit ng damdamin ng kapamilya. Hindi pala nakakasawang tingnan ang mukha nito lalo na ang pilikmata nito na makapal at mahaba. Mamula mula din ang pisngi nito na kahit nanggaling sa matinding aksidente ay hindi man lamang nagalusan. Lalo na ang pisngi nito, may mga galos ito sa braso na peklat na nga lang ngayon at meron din sa tagiliran. Buti na lang talaga hindi nadamay ang pisngi nito. Hindi niya alam ang buong detalye kung ano ba talaga ang nangyari dito dahil ang kanyang mga magulang lang naman ang talagang nakakaalam kung ano ba talaga ang pinagdaanan ng kanyang Uncle. Basta ang alam lamang niya ay naaksidente ito. Napilitan nga lang ang kanyang mga magulang na sabihin sa kanya ang totoo. Nakakaawa ang lalaki pero kasi hindi naman niya maaaring suwayin ang kanyang mga magulang. Para sa kanya mas okay na rin na ganito ang kanyang Uncle hindi katulad noon talagang maiiyak ka na lamang kapag nagbitaw na ito na masasakit na salita. Ang sarap sarap ng pagmasdan ng lalaki habang nakapikit para bang mas payapa ito kapag tulog. Kapag kasi gising ito ay hindi mawala ang lungkot sa mga mata nito. Tapos sa tuwing titingnan niya ito tila ba naguguluhan ito sa mga nangyayari. Hindi biro ang nararamdaman nito sakit pero parang hindi lamang nito iyon pinaparamdam sa kanya. Para bang cool lang ito sa tuwing haharap sa kanya. Pero kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niya na maraming gumugulo sa isipan ng lalaki. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng kanyang mga magulang para lamang makuha ang lahat ng kayamanan ng kanyang Uncle Hendrick. Kaya naman dapat masunod niya ang tamang oras ng pagpapainom ng gamot sa lalaki. Mas okay na iyong mapainom niya ito ng gamot para gumaling na ito at ng mapigil na rin ang kalokohan ng kanyang mga magulang. Kaya pala palaging nasa sugalan ang kanyang mga magulang ay dahil nakakuha ito ng malaking pera sa kumpanya ng kanyang Uncle. Alam na alam ng kanyang mga magulang na mali ang ginagawa ng mga ito. Pero wala siyang magagawa kung gano'n ang nais gawin ng mga magulang niya. Sana lamang ay matauhan agad ang mga ito at bumalik na rin ang alaala ng kanyang Uncle Hendrick. Para matigil na sa kasamaan ang kanyang mga magulang na pati siya ay ginagamit ng mga ito na panangga lang. Para mas lalong makahuthot ng pera ang kanyang mga magulang sa lalaki. Nakononsenya siya pero ano bang magagawa niya. Pero sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam na sa unang pagmulat ng iyong mga mata ay ganito ka gwapong mukha ang makikita mo sa araw-araw. Kung maaaring nga lang sana na angkinin na niya ito bilang tunay na asawa ay ginawa na niya dahil napakasuwerte naman ng babaeng mamahalin ng kanyang Uncle. Lalo na kung magiging asawa na nitong totoo. Bukod sa napakagwapo na, bumait na rin ito at mukhang maalaga na rin ito. Syempre napakayaman nito. Kaya lang hindi niya alam kung hanggang saan ang nais kuhain ng kanyang mga magulang sa kayamanang pinaghirapan ng lalaki. Papaano na lamang kung ubusin ng kanyang mga magulang ang pinaghirapan nito. Pero iyon naman ang hindi niya mapapahintulutan pa. Ang ubusin ng kanyang mga magulang ang pinaghirapan ng kanyang Uncle Hendrick. Gagawin ng mga ito iyon sa pamamagitan niya kaya siguro pinilit siyang ipakasal sa lalaki, kayang-kaya nga naman niyang maangkin ang lahat ng kayamanan nito dahil kasal sila. Pero ipinapangako niya sa kanyang sarili na hindi niya hahayaan na ubusin, na lustayin ng kanyang mga magulang ang lahat ng kayamanang meron ang kanyang Uncle. Kahit papaano ay kailangan niyang mapigilan ang mga magulang dahil siguradong sa kulungan ang bagsak ng mga ito kapag bumalik na ang alaala ng kanyang Uncle at siguradong pati siya ay damay dahil sasabihin ng kanyang uncle na kasabwat siya ng mga magulang. Pero kung mangyari man iyon ay buong puso niyang tatanggapin ang parusa dahil sa totoo lang maaari naman talaga siyang tumanggi. Pero dahil sa takot at pagmamahal niya sa kanyang mga magulang ay naging sunod-sunuran siya sa mga ito kahit alam naman niya na mali. Muli siyang napatitig sa gwapong mukha ng kanyang Uncle at tila ba inaaya siya ng makinis at mamula mula nitong pisngi na haplosin iyon. Kaya naman marahan niyang iniangat ang kanyang palad at hinaplos ang pisngi nito. Iyon naman ang biglaang pagmulat ng mata ng kanyang Uncle Hendrick. Nagulat pa siya at bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata dahil huling huli siya nito ng haplosin niya ang pisngi nito. Pero agad namang napangiti ng maluwang ang kanyang Uncle. Tsaka tinitigan siya nito sa mga mata at halos tumalon ang kanyang puso dahil tumitig din ito sa kanyang labi. Ramdam tuloy niya ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso dahil sa ginawa nitong iyon tsaka muli siya nitong tiningnan sa mga mata. “Good morning honey.” Bati nito sa kanya na nakapagkit ang napakagandang ngiti sa mga labi at nagulat siya ng biglang dinukwang nito iyon. Napamulagat na lamang siya ng tuluyang lumapat ang labi nito sa kanyang labi. Hindi siya nakagalaw, natulala na lamang siya ng tuluyan habang nakamulagat ang kanyang mga mata. Hanggang sa maramdaman niya na gumagalaw ang labi nito na nakalapat sa kanyang labi. Gustong tumutol ng kanyang isipan, pero hindi ang kanyang puso. Kaya naman ang nakamulagat niyang mga mata ay unti-unting pumikit at hanggang sa ninamnam na lamang niya ang tamis ng halik ng kanyang Uncle. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD