Kabanata 13

1304 Words
Tapos ng maligo si Hendrick, pero nananatili pa rin siyang nakatayo sa shower room. Wala ni anumang saplot habang pinagmamasdan ang sariling repliksyon sa salamin. Gulong-gulo siya sa kanyang sarili, ang tindi ng pagnanasa niya sa asawa. Pero paulit-ulit niyang sinasabi na kailangan niyang pigilan ang kung anumang mararamdaman niya para sa babae dahil kinukuha pa nga niya ang loob nito. Ayaw niyang matakot sa kanya si Alondra at isipin nito na pinipuwersa niya ito sa gawaing batid naman niya na labag sa kalooban nito. Pero pagmulat niya ng kanyang mga mata at masilayan na niya ang magandang mukha nito kanina. Lalo na ang mamula-mula nitong labi na bahagya pang nakabuka kanina ay hindi na talaga niya napigilan ang kanyang sarili. Ang balak lang sana niya kanina ay hahalikan lang niya ito ng mabilisan. Iyon bang parang bumabati lamang siya ng good morning sa kanyang asawa tapos sabay bigay ng smack kiss dito. Mabilisan lang talaga sana, kaya lang kasi ng ganap na lumapat ang kanyang labi sa labi nito. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na hindi maghangad pa ng sobra. Talagang napakasarap, napakatamis ng halik nito at napakalambot pa ng labi nito. Kaya naman nawalan siya ng lakas na pigilan pa ang sarili. Agad niyang inangkin ang labi ng kanyang asawa at halos lamunin na niya ang labi nito dahil sa napakasarap talagang halikan. Hanggang sa maramdaman niya na tumugon na rin ito sa paghalik niya. Sobrang ligaya niya ng sandaling iyon, pakiramdam niya ay nasa alapaap siya kahit na halata sa kilos nito na hindi ito sanay na humalik. Kya naman doon niya napagtanto na siya ang unang lalaki sa buhay nito. At sa isiping siya ang first kiss ni Alondra, para tuloy siyang nakatama sa lotto. Pakiramdam niya ay napakaswerte niyang masyado dahil siya ang naging first kiss ng babae. Pero ng tumagal ng halos 2 minuto ang paghahalikan nilang iyon ay kakaibang init ang nararamdaman niya sa kanyang katawan. Lalo pa at halos magkadikit ang kanilang mga katawan kaya naman gumawa siya ng paraan para makalayo dito. Sinabi lamang niya kanina na narinig niya ang kasambahay na sinabi na ready na ang breakfast nila. Pero ang totoo wala siyang narinig na sinabi ng kahit na sino. Gumawa lamang talaga siya ng paraan para makaiwas dahil baka hindi na niya mapigil ang kanyang sarili lalo pa at kakaiba na ang hatid ng halik na iyon kanina. Nandoon ang kagustuhan na mas higit pa doon ang gawin niya, nararamdaman din niya sa kanyang sarili na kakaiba na epekto ni Alonra sa buong pagkatao niya. Ayaw niya ng ganoon, ayaw niya na sapilitang kuhain ang bagay na iyon dito. Sabihin man na may karapatan siya dito dahil asawa na niya ito at kinasal silang dalawa pero mas masarap pa rin na maangkin mo na walang pagtutol at may pagmamahal siya at syempre mahal ka rin ng babae. Iyon bang hindi na lamang basta pagnanasa ang nararamdaman ninyo sa isa't isa kundi may pagmamahal na. Alam din niya na hindi pa ready si Alodra ramdam na ramdam pa nga niya ang pagkailang nito sa kanya. Lalo na yung kapag magkalapit sila animo bilang na bilang ang pagkilos nito, kaya ayaw muna niya kahit na halos mapraning na siya sa pagpipigil kanina. Mas masarap pa rin na gagawin nila ang bagay na iyon na bukal sa kalooban nito. Buti na lang talaga nakagawa siya ng paraan para makalayo dito dahil kung hindi baka kung ano na ang nagawa niya sa babae. Baka ngayon ay pagsisihan niya kung may nagawa man siyang hindi tama dito dahil natitiyak niya na lalong lalayo ang loob nito sa kanya. Kagabi matapos nitong humiga ilang sandali lang ay humihilik na agad ito. Akala naman niya eh hindi na mauulit iyong nangyari na nalaglag ito sa ibabaw niya pero napapapikit pa lamang siya ay bigla na naman gano'n ang nangyari. Kasama ang dalawang unan na ginawa nitong pangharang nalaglag ito sa mismong tabi niya kung hindi siguro siya medyo lumayo-layo sa kama ay siguradong babagsak na naman ito sa ibabaw niya. Paghiga kasi niya muli ay inaayos na niya ang pagkakahiga medyo lumayo-layo na siya sa kama dahil sumakit talaga ang kanyang katawan sa biglaang pagbagsak nito kanina. Hindi na lamang niya ito ginising dahil kahit na nalaglag na ito ay tulog na tulog pa rin ng babae. Napakalakas pa nga ng hilik na animo wala lang nangyari dito samantalang nalaglag na ito sa tabi niya. Ang ginawa niya kinuha na lamang niya ang unan na nalaglag nito, ginamit niya ang isa at ang isa sana ay ilalagay niya sa ulo nito para unan. Pero biglang tumagilid ang babae at agad na yumakap sa bewang niya. Nagulat pa nga siya sa ginawa nito pero minabuti niya na ayusin na lamang ito ng pagkakahiga, sa braso na lamang niya ito pinaunan at tila ba mas nasiyahan pa siya sa ganoong posisyon nilang dalawa. Hindi man nila nagawa bilang mag-asawa yung bagay na ginagawa ng isang bagong kasal ay masaya na rin siya dahil katabi niyang matulog ang babae at nakakulong pa nga ito ngayon sa kanyang bisig. Parang napaka-sweet nga nilang tingnan na dalawa at dahil doon parang naging payapa ang kanyang puso at ilang sandali lang ay nahimbing na rin siya sa pagtulog. Masarap talaga sa pakiramdam na katabi niya ito at kayakap pero sa nangyari baka iyon ang una at huli dahil sinabi na rin naman nito kagabi na kailangang sa ibang kwarto na siya matulog. Kaya papano pa iyon maangyayari ulit kung nais nito na sa ibang kwarto na siya matulog. Sinipat niya ang kanyang sarili sa repleksyon ng salamin. Hindi pa siya nasiyahan pero inilapit pa niya ng husto ang kanyang mukha tsaka sinipat iyon ng mabuti. Magandang lalaki naman siya, maputi din naman siya at hindi rin naman siya masamang tao. Tsaka kahit na halos 12 years ang gap ng edad nila, halos hindi naman nagkakalayo ang itsura nila. Dahil hindi pa naman siya mukhang 30, parang nasa early 20's pa nga lang sya eh. "Pogi naman ako ah, tsaka macho naman kahit papano. Bakit kaya hindi niya ako magustuhan?" Kausap niya sa repliksyon niya sa salamin. Nasabi niya ang mga bagay na iyon dahil halata naman kay Alonra na hindi siya nito gusto talaga. Wala itong kahit katiting na special na nararamdaman sa kanya. Sabagay hindi pa naman siya nito kilala ng husto at hindi man lamang niya ito naligawan base na lamang din sa mga kwento ng magulang nito tapos diretso na silang kinasal na dalawa. Kahit siguro sinong babae ay hindi magugustuhan ang ganoon kaya naman dapat tanggapin na talaga niya sa kanyang sarili na hindi siya magugustuhan ng babae. Patunay na nga lamang ang palaging pagkakamali nito sa pagtawag sa kanya. Palagi siya nitong natatawag na Uncle imbis na asawa ko o kahit na ano manlamang na tawagan ng mag-asawa ay wala man lang. Medyo nakakasakit din minsan feeling tuloy niya napakatanda na niya dito at talagang alangan siya para sa babae. Napatingin din siya sa alaga niyang medyo galit, hindi rin naman iyon mapipintasan ni Alondra kung sakaling hayaan na siya nitong angkinin siya. Blessings para sa ibang babae ang gano'n kalaki at kahabang alaga. Kagabi nga ng pabaliktad na nahulog si Alondra, talagang nangalit ito ng husto na tila handa ng bombah*n ang lagusan ng kanyang asawa. Kaya lang bawal eh, hindi niya maaaring pwersahin si Alondra. Kaya kahit na pinagpala siya sa size niyon ay mukhang mababakante lamang iyon ng matagal dahil parang walang balak ang babae na tanggapin siya ng tuluyan bilang asawa nito. Napabuntunghininga na lamang siya at minasdan pa ang sarili sa salamin. Napapailing at tila timang na patuloy pa rin na kinakausap ang sarili. Hanggang sa nagsawa at nagpasya ng tapusin na ang paliligo dahil baka hinihintay na siya ni Alondra para mag-almusal. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD