Kabanata 2

1509 Words
"Anak, halika ka muna gusto kang makausap ng Papa mo." nangiting wika ng kanyang Mama sa kanya. Hinawakan siya sa braso at inaya siya nitong lumapit sa kanyang Papa na nasa isang sulok ng simbahan na matalim na nakatingin sa kanya. Mas tamang sabihin na sapilitan siya nitong isinama palapit doon, hindi na nito pinansin ang katabi niyang lalaki na nakakunot noo lamang na nakatingin sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali, ang kanyang Uncle Hendrick iyon. Ilang beses pa lamang niya itong nakita, at malayo talaga ang loob niya dito. Napakasungit nga nito noon sa family reunion, napansin kasi siya nito noon ng dumaan siya sa tapat nito at hindi sinasadyang masagi niya ang kamay nitong may hawak na wine. Nagmura pa nga ito noon at sinamaan pa siya ng tingin. Tsaka tiningnan siya mula ulo hanggang paa, napakalamig din ng paraan ng pagtitig nito sa kanya pakiramdam nga niya noon, sinusukat nito ang buo niyang pagkatao. Na-conscious tuloy siya sa kanyang suot ng gabing iyon, hilig niya kasi ang magsuot ng crop top shirt at maikling short. Strikto man kasi ang kanyang mga magulang pero pagdating sa pananamit ay hindi naman siya pinapakialaman ng mga ito. Mukhang hindi nagustuhan ng kanyang Uncle Hendrick ang style ng suot niya, kaya hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Pero napapaisip siya, bakit kakaiba ang ikinikilos nito ngayon? Iniisip din niya na bakit ito pumayag na maikasal silang dalawa eh batid naman nito na magka-dugo sila. Nakangiti pero halatang pilit lamang ang ngiting iyon ng kanyang Papa habang papalapit sila ng kanyang Mama. Kinuha nito ang kanyang kamay pero ng magdaop ang kanilang kamay agad siyang napangiwi ng pasimple nitong pilipitin iyon. "P-Pa, masakit po!" naiiyak na wika niya dito. "Talagang mas tatamaan ka sa'kin kapag dika tumahimik! Kung hindi ka naman talaga tonta! Tawagin mo ba namang uncle ang asawa mo!" mariing wika nito sa kanya. Nanlilisik ang mata nitong nakatuon sa kanya, kung wala lamang ibang tao siguradong dinuro-duro na nito ang sintido niya. Tumulo na ang luha niya, sobrang trauma na nga sa kanya ang natuklasan, parang kasalanan pa niya ngayon ang lahat para sa kanyang Papa. Malamang na tawagin niyang uncle ang lalaki dahil Uncle naman talaga niya ito. Gusto niyang sumbatan ang mga magulang sa ginawa ng mga ito sa kanya. Panong naaatim ng mga ito na gawin iyon sa kanya? Baboy ba ang tingin ng mga ito sa kanya? Sarili niyang dugo, nagawa ng mga itong ipakasal siya? "Pa, Ma, b-bakit? Si Uncle Hendrick naman talaga siya diba? Hindi ko lang kanina napansin dahil hindi ako tumitingin sa kanya, sa pag-aakalang totoo ang lahat ng mga sinasabi ninyo. Iniisip ko na matanda ang mapapangasawa ko at dahil sa iniisip ko kayo at ang pinakamamahal ninyong kompanya na ewan ko nga kung totoong nalulugi na eh pumayag po akong magpakasal! Pero Pa, h-hindi po ako baboy! Uncle ko sya eh, magkamag-anak po kami, b-bakit naman po kayo g-ganyan sa akin?" umiiyak ng pahayag niya sa mga ito. "Ouch! Ma!" daing niya ng maramdaman niya ang pinong kurot ng kanyang Mama sa tagiliran niya. "Tumahan ka na! Wag ka ngang mag-iskandalo dito. Okey na ang lahat, guguluhin mo pa. Manahimik ka, kapag nagalit si Hendrick makikita mo, itatakwil kita bilang anak ko! Sira ulo kang bata ka! Ano naman kung sipingan ka niya, madadaan naman iyon sa ligo. Oo uncle mo sya, pero magpinsan lang naman kami, ang isipin mo napakayaman ng lalaking iyan. Isipin mo kung mapasakamay natin ang kayamanan niya. Kaya tumahimik ka na ha, sa bahay na lang tayo mag-usap kapag dumalaw na kayo doon. Wag mo kaming galitin ng Papa mo, malilintikan ka talaga sa amin!" galit na banta sa kanya ng kanyang Mama. Kaya kahit na parang gusto niyang pumalahaw ng iyak ng mga sandaling iyon ay pinigilan niya. Kayamanan lang pala ang dahilan ng lahat, talagang wala siyang halaga sa mga magulang dahil kung meron man, hinding-hindi ng mga itong maaatim na ipakasal siya sa sarili niyang dugo. Marahas na iwinaksi ng kanyang Papa ang kanyang kamay, napahawak naman siya doon at bahagyang hinaplos dahil masakit ang pagkaka pilipit doon ng kanyang Papa. Gusto pa sana niyang tanungin ang mga ito tungkol sa kakaibang ikinikilos ng kanyang Uncle Hendrick pero minabuti niyang wag na lang lalo pa at nakita niyang papalapit na sa kanya ang lalaki. "Hon, it's time to sign our documents and after picture-taking na, kaya maaari bang mamaya na lamang kayo mag-usap ng iyong mga magulang?" narinig niyang wika nito sa kanya. Pasimpleng naman niyang pinahid ang kanyang luha at inayos ang sarili. Hindi siya makapag salita at parang nanindig ang kanyang mga balahibo ng tawagin siya nitong hon. Sino bang hindi tatayo ang balahibo ng gano'n, na iyong uncle mo na sobrang sungit at halos hindi ka pansin ay biglang asawa mo na ngayon at tinawag kang honey. Nanggigilabo talaga siya pero wala siyang nagawa ng abutin nito ang kanyang kamay niya at hawakan iyon, tsaka hinarap ang kanyang mga magulang. "Maaari ko ba siyang hiramin muna siya sa inyo Mama, Papa?" paalam nito sa kanyang mga magulang. Pero napansin niya na medyo napangiwi ang kanyang mga magulang ng tawagin nito sa gano'n. Pero mas nangingilo siya pagkarinig niya doon, dahil sa kasakiman ng kanyang mama at papa, ngayon hinahayaan din ng mga ito na tawagin ng gano'n ng kanyang uncle. "Ay oo naman a-anak, sige na maaari na kayong umalis, pasensya na. Nalulungkot lamang kasi kami ng iyong M-Mama dahil ito ang unang beses na mawawalay sa amin ang aming anak," kunwa'y nauutal at pinalungkot pa ng kanyang Papa ang anyo para siguro makatiyak na hindi ito mabubuko. Parang gusto na naman niyang maiyak ng mga sandaling iyon. Naiisip kasi niya na sana lang talaga ay hindi iyon pagkukunwari ng kanyang papa. Sana kahit katiting na katotohanan sa sinabi nito ay okey na sa kanya, masisiyahan na sana siya kahit papano. Kaya lang batid niya na iyon ay pagbabalat-kayo lamang ng kanyang Papa dahil nais itong maging mabango sa kanyang Uncle Hendrick na ngayon ay asawa na niya. Para nga naman mas mabilis ng mga itong makamkam ang kayamanan na nais ng kanyang mga magulang. Napakasakit lang isipin na ang kanyang mga magulang pa ang naglagay sa ganitong sitwasyon sa kanya. Pakiramdam niya ay lugmok na lugmok siya ng mga sandaling iyon at hindi niya alam kung paano pa makaahon. Nagsimula na nga silang pumirma ng mga documents na kailangan nilang pirmahan. Hindi na nga malaman kung para saan iyon, basta pirma na lang siya ng pirma. Sa totoo lang naghuhurumintado ang kanyang puso ng mga sandaling iyon. Pero pinilit niyang hamigin ang kanyang sarili. Ayaw niyang gumawa ng gulo sya lang din naman ang magiging kawawa sa huli siguradong sasaktan siya ng kanyang Papa at baka mas malala pa ay itakwil na siya nito bilang anak. Ngayon lang din niya napansin ang mga bisita nila ay puro kamag-anak ng kanyang papa. Wala siyang makitang kamag-anak mula sa side ng kanyang mama, si Hendrick lamang ang nag-iisang kamag-anak nito. Napakaraming gumugulo sa kanyang isipan, napakaraming tanong na nais niyang malaman sa kanyang mga magulang pero batid naman niya na hindi siya sasagutin ang mga ito. Kaya minabuti niyang manahimik na lamang at hayaang matapos ang selebrasyon na iyon na maituturing niyang hindi talaga selebrasyon dahil sa araw na iyon pakiramdam niya ay niyurakan ang kanyang buong pagkatao ng dalawang taong pinakamamahal niya sa buong mundo, iginagalang at iyon ang kanyang pinakamamahal na mga magulang. Matapos mapirmahan nila ang lahat ng documents na kailangan nilang pirmahan ay kanya-kanya na ang pagkuha ng pictures sa bagong kasal. Kung maaari nga lang sana na tumanggi na magpa-picture dito pero batid niya na hindi papayag ang kanyang mga magulang. Baka nga masaktan pa siya kapag nagpumilit siyang tumanggi. Matapos ang kanilang picture taking, tumuloy na sila sa kanilang bahay, kasama ang mga kamag-anak ng kanyang Papa. Doon ginanap ang reception pero konting salo-salo lamang iyon sa kanilang bahay. Kaya pala walang malaking handaan, kasi kung talagang normal na kasalan iyon siguradong bongga. Sa ugali ba naman ng kanyang Mommy na mahilig magyabang sa mga amiga nito, pinapangalandakan na mayaman sila. Kahit sa totoo naman ay baon sila sa pagkakautang kaya nga humatong sa ganito ang sitwasyon niya. May negosyo sila pero kung totoo man ang sinasabi ng kanyang mga magulang na nalugi at kesyo may pagkakautang ang mga ito, hindi na siya magtataka dahil pareho naman nalulong sa sugal ang kanyang mga magulang. Ilang na ilang siya sa mga hawak ng kanyang Uncle Hendrick. Natitiyak niyang wala ito sa sarili dahil imposibleng pumayag ito sa nais ng kanyang mga magulang. Isa pa lahat ng ikinikilos nito ngayon ay talagang taliwas sa dating Hendrick na kilala niya. Hindi rin niya maintindihan kung bakit tila wala lang din sa kanyang ibang kamag-anak ang nangyayari, sabagay hindi naman kilala ng mga ito ang kanyang Uncle. Lahat ng bisita, side ng kanyang Papa kaya talagang malakas ang kutob niya na may kakaiba sa kanyang Uncle at iyon ang dapat niyang alamin. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD