“Here, super yummy niyan honey. Sabi ni Manang tapang kalabaw daw iyan, hindi ko sure kasi parang first time ko lang nakakain niyan eh. Bagay na bagay sa sinangag at kapeng barako.” Masayang wika sa kanya ng kanyang Uncle Hendrick sabay abot ng tapang kalabaw.
Nais sana niyang sabihin sa lalaki na hindi iyon ang unang beses na nakakain ito ng tapang kalabaw dahil natatandaan pa niya na kapag umuuwi ito sa lugar ng kanilang mama ay nagre-request talaga ito ng tapang kalabaw. Kaya lang hindi niya maaaring sabihin iyon dahil nga sa lihim ng kanyang mga magulang.
“Thank you.” Pasasalamat niya dito sabay abot ng tapang kalabaw na ibinibigay nito.
Pero nagulat siya ng paglapag niya sa kanyang plato ay hiniwa pa nito iyon para mas madali niyang makain.
Nakakagulat para sa kanya dahil sa edad niyang 18 years old, hindi pa niya naranasan na may isang taong mag-alaga sa kanya.
Natandaan niya noong bata pa lamang siya ay sanay na siyang mag-isang inaasikaso ang kanyang sarili sabi kasi ng kanyang yaya ay mas mainam na may alam na siya sa lahat ng gawaing bahay.
Kung paano alagaan ang sarili, at kung papaano rin niya pangalagaan ang mga bagay na pag-aari niya. Mahal naman siya ng kanyang yaya pero ang nais lamang kasi nito ay maging independent siya.
Iyon bang kahit siya na lang mag-isa ay makakaya niya dahil kahit ito ay nararamdaman ang pagkadisgusto ng kanyang mga magulang sa kanya. Na kahit sariling anak siya ng mga ito ay hindi man lamang maalagaan.
Hindi nga yata man lang siya nabuhat ng kanyang Mama at Papa noong baby pa lamang siya, tanging ang kanyang yaya lamang noon ang nag-aalaga sa kanya.
At halos ito na nga ang tumayong ina sa kanya. Kaya sinabi nito sa kanya na dapat marunong siyang mag-alaga sa kanyang sarili dahil hindi naman daw habang buhay ay kasama niya ito. Fifteen years old siya ng mag-resign na ito sa trabaho.
Kinailangan na kasi nitong umuwi sa probinsya dahil may sakit daw ang magulang nito, iyak nga siya ng iyak noon dahil nawalan siya ng kakampi. Tanging ang yaya na nga lang niya ang nagtatanggol sa kanya.
Lalo na kapag pinapagalitan siya ng kanyang mama pero nawala pa at iniwan siya kaya lang naintindihan naman niya ito mas mahalaga pa rin syempre ang magulang.
Hindi na rin ito nakabalik dahil nagkaroon na rin ito ng sariling pamilya. Pero may kontak pa rin siya dito. At lagi naman niya itong nakakausap, kapag hindi ito busy.
Nagsusumbong siya sa mga problema niya kaya lang ito kasing ginawa ng kanyang mama ay hindi maaaring ipagsabi kahit na kanino dahil natitiyak niya na ikapapahamak iyon ng kanyang mga magulang. Kilala niya ang kanyang yaya, hindi talaga papayag na ganito ang mangyari sa kanya.
“Ayan, done na. Kain ka ng marami Hon. Kailangan mong kumain ng marami para mabawi mo ang lakas mo. Hindi mo man lang kasi sabihin sa akin ang problema mo. Alam ko na umiiyak ka kanina, kitang-kita diyan sa mga mata mo. Pero hindi na ako magtatanong, hahayaan kitang kusang sabihin sa akin kung ano ang problema mo." Wika pa nito sa kanya ng matapos nitong hiwain ang tapang kalabaw sa kanyang plato.
Kinuha din ito ang sawsawan at iniabot sa kanya.
“S-Salamat Uncle, uhmm Hendrick pala.” Tipid na lamang na pasasalamat dito. Hindi talaga niya magawang maalis ang pagtawag dito ng Uncle.
Pero sa mga ginawa nito sa kanya ngayon, kahit nais nitong magtanong ay nanatili na lamang na tahimik ito at halata rin na nag-aalala ito sa kanya. Kaya medyo naninibago talaga siya tapos inaasikaso pa siya nito ngayon sa pagkain. Ilang taon na hindi niya nararanasan mula sa ibang tao. Kaya inaamin niya at sa totoo lang nasisiyahan ang kanyang puso sa mga pinaparanas nito sa kanya.
At alam niyang mali na hangarin niya na sana ay palagi na lamang ganito ang kanyang Uncle Hendrick dahil ibang-iba talaga ito sa dati. Napakamaalaga nito ngayon at maalalahanin pagdating sa kanya para bang ayaw na niyang matapos ang sandaling ito.
Gusto niya na parati na lang na kasama ang lalaki at nais niyang maramdaman ang pagmamahal at pag-aalaga nito.
Iyon nga lang hindi niya alam kung pagmamahal ba iyon bilang isang lalaki nagmamahal, bilang isang asawa o dahil sa obligasyon nito na alagaan siya kaya ginagawa nito iyon. Kahit na ano pa ang ibig sabihin niyon, basta ang alam niya ay masaya siya sa mga pinaparanas sa kanya ng kanyang Uncle.
At sa mga ikinikilos nito kahit papaano yung bigat sa kanyang dibdib dahil sa sama ng loob sa kanyang mama ay tila napapalitan ng kahit katiting na kasiyahan.
“Huwag mo na akong tawaging Uncle naiilang talaga kasi ako kapag tinatawag mo ng gano'n eh. Okay na kung tawagin mo ako kahit sa pangalan na lang. Huwag na yung uncle kasi naiilang talaga ako. Tsaka mag-asawa na tayo nakakahiya naman kapag may makarinig sa ating dalawa na magkasama tayo tapos tatawagin mo akong uncle. Pero ako hayaan mo ng honey ang tawag ko sayo dahil iyon naman ang dapat hindi ba?” Nakangiting wika nito sa kanya.
Halatang nagbibiro lang pero batid naman niya naka kahit papaano ay may bahid na katotohanan ang sinasabi nito siguro talagang naiilang ito sa uncle.
“Sige, Hendrick na lang ang itatawag ko sayo. Kain na tayo diba iinom ka pa ng gamot, hindi mo maaaring kaligtaan ang gamot mo na iyon para gumaling ka na kaagad at ng makaalala ka na. Kapag nakaalala ka na siguradong magbabago na ang lahat kaya kumain ka na diyan.” Nakangiting wika niya dito.
“Ha? Paano magbabago na ang lahat?” Kunot noong tanong nito sa kanya pero patuloy na ito sa pagkain.
“Syempre magbabago na ang lahat dahil makakaalala ka na. Baka nga hindi ka na mag-i-stay dito sa bahay, baka bumalik ka na sa opisina. “ Paliwanag niya dito habang kumakain kahit kailan talaga ang kanyang bibig pero hindi naman nito iyon mahahalata na may iba siyang ibigsabihin sa sinabi niya.
“Ahhh… no way, dito pa rin ako sa bahay.” Sagot nito sa kanya.
“Bakit naman? Ang alam ko workaholic ka daw dati, halos sa opisina ka na daw tumira eh. Iyan ang pagkakaalam ko na sinabi ng aking Mama at Papa.” Wika niya dito at meron din agad na paliwanag dahil baka isipin nito na kilala na niya ito dati pa.
Ang sabi sa kanya ng kanyang mga magulang ang alam nito ay hindi niya ito kilala at hindi pa niya ito nakita kahit isang beses.
“Ah gano'n ba, pero kahit na bumalik ang alaala ko sa dati. Hindi ko pa rin gagawin na manatili sa opisina dahil nakakalimutan mo yata na honeymoon natin ngayon. Kaya magsawa ka sa pagmumukha ko dahil hindi ako lalayo sayo.” Pilyong wika nito sa kanya sabay kindat pa.
Awtomatiko naman na napatingin siya sa dalawang kasambahay na nakatayo sa harapan nila. Napansin nila na tila kilig na kilig ang dalawa at nagbubulungan pa nga.
Mukhang iniisip ng dalawa na may nangyayari ng kababalaghan sa kanila sabagay isa sa mga ito ang siguradong nag-lock ng silid sa kabila para ang kanyang Uncle Henry ay matulog sa kanyang silid.
Pero kahit siya ay bahagyang kinilig sa tinuran ng kanyang Uncle dahil kinikilig pa ang lalaki habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ang cute kasi nito habang nagsasalita namumungay pa ang mga mata. Tapos parang lumukso ang puso niya ng kumindat pa ito sa kanya.
Hindi na lamang siya sumagot dito naiiling na lamang siyang ipinagpatuloy na ang pagkain pero mamaya kakausapin niya ang dalawang kasambahay tungkol sa pag-lock ng silid kagabi. Ayaw naman niyang konprontahin ang mga ito sa harapan ni Uncle Hendrick niya dahil baka magalit ang lalaki.
Baka kausapin ang kanyang mga magulang sa tingin niya hindi iyon magugustuhan ng kanyang mga magulang baka tanggalin pa sa trabaho ang dalawang kasambahay.
Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain. Ang kanyang Uncle Hendrick ay maganang kumain at tila nasisiyahan ito na kasabay siya. Nang matapos nagpaalam na ang kanyang Uncle na magbabanyo muna kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na kausapin ang dalawang kasambahay.
“Manang bakit ninyo po ini-lock yung isang silid kagabi? Doon po kasi nais matulog ni Hendrick kaya lang no choice siya kaya napilitan po siyang sa master bedroom matulog. Baka naman po pwede mamayang gabi ay huwag ninyo ng i-lock dahil nahihirapan po si Hendrick na may katabi eh.” Palusot na lamang niya sa mga ito na kunyari ang kanyang Uncle Hendrick ang ayaw ng may katabi para iyon ang dahilang sabihin ng mga ito sa kanyang mama.
“Ako po ang nag-lock Senorita. Tumawag po kasi kagabi ang inyong Mama at iyon ang sinabi sa akin na gawin. Ang sabi po kasi niya sa akin kung hindi po ako susunod tatanggalin niya ako sa trabaho. Kailangang kailangan ko po ang trabaho dahil may sakit po ang aking anak. Ang bilin po niya sa akin tuwing gabi ko iala-lock ang katabing silid ninyo. Please po Senyorita, maawa ka sa akin, kilala mo naman po si Senyora hindi ba? Siguradong kapag sinabi niya ay tototohanin niya kaya please maawa ka po sa akin. Ayokong mawalan ng trabaho. Kaya mamaya kahit ayaw ninyo ila-lock ko pa rin ang silid na iyon dahil kapag hindi ko ginawa iyon siguradong bukas na bukas mawawalan na ako ng trabaho.” Mahabang paliwanag ng kasambahay na halos mangiyak-ngiyak na nga ito sa paghingi ng tawad sa kanya. Pero naintindihan niya ito dahil ganun talaga ang kanyang mama.
Ayaw naman niyang magkaproblema ito kaya no choice siya kundi sundin na lamang ang nais ng kanyang Mama. Lalong sumama ang loob niya ng husto sa kanyang mama dahil pati ang mga walang kamuwang-muwang ay pinagbabantaan pa nito para maisakatuparan nito ang masamang plano sa kanilang dalawa ng kanyang Uncle Hendrick.
“Sige po Manang, hayaan ninyo po gawin ninyo na lamang po ang inuutos ni Mama at ako na po bahalang magpaliwanag kay Hendrick.” Nakangitim wika niya sa ginang.
“Naku, maraming salamat Senyorita. Salamat sa pang-unawa mo.” Maluha-luhang pasasalamat ng Ginang sa kanya.
Tumango na lamang siya dito bilang tugon at minabuting bumuhat na mula sa kanyang kinauupuan para mailigpit na ang kanilang pinagkainan ng kasambahay.
ITUTULOY