“Mama naman, Alam niyo naman ho na bawal kaming magkaanak ni Uncle. Nag-iisip pa po ba kayo ng tama? First cousin ninyo si Uncle Hendrick. Ibig sabihin magkadugo kaming dalawa pinakasal mo na nga ako sa kanya ng hindi ko nalalaman eh. At nais ninyo pa na may mangyari sa amin at kasabi-sabi nyo pa na dadaanin lamang sa paligo. Tapos ngayon ang nais ninyo pala ay mabuntis niya ako para lamang makuha ang lahat ng kayamanan ni Uncle Hendrick? Ma, ano bang ginagawa ninyo? Kayamanan na lang ba niya talaga ang mahalaga sa inyo? P-Paano naman ako?” Mangiyak-iyak ng wika niya sa kanyang ina.
Hindi maitago ang sama ng loob niya habang nagsasalita. At hindi na rin talaga niya makontroo ang kanyang pagluha.
“Dami mong kaartehan babae ka obligasyon mo iyan na gawin dahil asawa mo siya. Aba kinasal kayong dalawa so ibig sabihin, obligasyon mo na bigyan siya ng anak. At ano bang sinasabi mo na masama eh meron ngang magkapatid diyan na naiinlove pa sa isa't isa at nag-aasawahan. Kayo pa kaya ng Tito mo, eh tito mo lang siya, first cousin ko lang pwede na yun basta pag tiyagaan mo na lang. Basta ang mahalaga makuha natin lahat ng kayamanan niya. Anong gusto mo umabot pa kami sa puntong kailangan naming pumatay para makuha lahat ng kayamanan niya. Hindi ba't hindi mo naman gusto na maging kriminal kami?Pwes gawin mo ang tungkulin mo, para matulungan mo kami ng iyong papa!” pahayag pa ng kanyang mama hindi maitago sa boses nito ang galit sa kanya.
Doon na siya na pabunghalit ng iyak hindi talaga niya maintindihan ang kanyang mga magulang kung bakit napakalupit naman ng mga ito sa kanya lalo na ang kanyang mama parang hindi babae.
Parang okay lamang dito na gawin siyang sanggalan para makuha ang kayamanan ng kanyang Uncle kahit pa ang kapalit niyon na ang kanyang puri, at ang kanyang dangal.
Nais pa ng mga ito na maging ina siya ng anak ng kanyang Uncle, saan na ba napunta ang utak ng kanyang mga magulang. Lalo na ang kanyang Mama.
Nabanggit nito na pumatay, ibigsabihin ng dahil sa pera sumasagi na rin sa isipan ng mga ito na gawin ang bagay na iyon sa kanyang Uncle? Napailing siya, sobrang nakakatakot na talaga ang kanyang mga magulang.
Sa katulad nitong ina, kung mahal talaga siya nito. Hindi nito gagawin ang mga bagay na iyon sa kanya. At hindi normal yung tatanungin pa siya kung nakipag-s*x sa kanya ang kanyang Uncle.
Hiindi ba dapat at pinagtatanggol siya nito? Hindi ba dapat tinututuwid nito ang mga pagkakamali ng kanyang Papa? Pero bakit ganun, bakit kailangan siyang isakripisyo?
Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang pero bakit hindi man lamang niya maramdaman ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. Kahit katiting na pagmamahal wala talaga.
Parang hindi na nga siya itinuturing na tao ng mag-asawa kung matino ang mga ito hindi nito gagawin ng bagay na iyon sa kanya nakakasuka kung iisipin.
Nais niyang magalit sa mga ito, nais niyang isumbat sa mga ito ang mga ginagawa sa kanya pero hindi niya magawa. Hindi siya marunong magtanim ng galit lalo na pagdating sa kanyang mga magulang dahil sabik siya na maramdaman ang pagmamahal ng mga ito.
"Mama, please! Okey na ako doon sa ipinakasal ninyo ako sa kanya. P-Pero ang makipagsiping at mabuntis, sobra naman na po yata iyon Ma. Please, wag naman pong ganito, m-maawa naman po kayo sa akin." Umiiyak na pakiusap niya sa ina.
“Tigilan mo nga ang kaiiyak mo diyan, wala namang namatay para umiyak ka dami mong kaartehan! Kung talagang nais mong makatulong sa amin ng Papa mo, umayos ka gawin mo ang trabaho mo at kailangan next month buntis ka na! Hindi yung ganyan masyado kang pa inosente hindi ko nga alam kung virgin ka pa oh hindi na eh. Alam ko na na may boyfriend ka, hindi ako tanga Alondra. Kaya huwag ka na mag malinis, bubukaka ka lang naman eh. Sigurado naman ako na masasarapan ka kahit papaano. Pagkatapos non okay na, mabubuntis ka na at kung ayaw mo na makipagsiping kay Hendrick. Okay lang, kahit huwag mo munang gawin ulit basta ang mahalaga ay mabuntis ka muna niya.” Galit na pahayag sa kanya ng kanyang Mama.
Lalo siya umiiyak ng husto dahil sa mga sinabi nito na hindi talaga kayang tanggapin ng kanyang sikmura. Parang wala sa katinuan kung mag-isip. Gusto niya itong sigawan, pero nagtimpi pa rin siya.
At minabuti na lang niya na patayin na lamang ang call, wala siyang pakialam kahit na magalit ito ng husto sa kanya. Basta wala siya sa mood na sumagot pa at baka masumbatan pa niya ang kanyang ina.
Pagka-off niya ng tawag, humiga na lamang muna siya sa kama at magtalukbong ng kumot tsaka umiyak siya ng umiyak doon. Gusto niyang ilabas lahat ang sama ng loob niya sa mga magulang.
Lalo na sa kanyang ina, ayaw niyang humarap sa kanyang Uncle Hendrick na naiiyak pa dahil sigurado magtatanong sa kanya ang lalaki, madali pa namag mamaga ang kanyang mata kapag umiyak siya.
Pero hindi kasi niya mapigilan ang hindi umiyak gusto niya kahit papaano ay gumaan ang kanyang nararamdaman dahil siguradong kapag kaharap niya ang kanyang uncle.
Baka patuloy na tumulo pa ang kanyang luha, napakababaw kasi ng kanyang luha. Lalo na kung may masasakit na salita siyang naririnig.
Paulit-ulit na nagri-ring muli ang kanyang phone ang kanyang mama iyon, pero hindi niya sinagot minabuti niyang tuluyan ng i-off ang kanyang cellphone.
Wala siyang pakialam kung magalit ito ng husto, tama lamang din siguro na iparamdam niya dito ang galit niya. Wala siyang pakialam kung magtungo ito sa kanilang bahay at saktan siya.
Pero batid naman niya na hindi nito iyon magagawa dahil sa takot nito sa kanyang Uncle Hendrick kahit kasi may amnesia ang kanyang uncle ay halata pa rin na natatakot dito ang kanyang mga magulang.
Katulad dati para bang laging sunod-sunuran ang kanyang mga magulang dito. Lalo na kapag may sinasabi ang kanyang uncle at inuutos ay talagang nagkukusa pa ang kanyang papa na sumunod dito.
Nagpatuloy lamang siya sa pag-iyak para bang may nakadagan sa dibdib niya na ewan, hindi niya maintindihan na kahit pa napakarami na niyang nailuha ay tila ba wala pa ring kabawasan ang bigat ng kanyang dibdib.
Nag-uumpisa pa lamang siya sa ganitong setup ng bagong buhay niyang kinasadlakan parang hindi na niya kakayanin pa.
Habang umiiyak, naalala niya ang kanyang Uncle Hendrick. Napaisip siya na ano kaya kung ipagtapat na lamang niya dito ang totoo. Pero naiisip naman niya ang kanyang mga magulang dahil tiyak niya na makukulong ang mga ito kapag ginawa niya iyon.
Gulong-gulo talaga ang kanyang isipan, nananakit na rin ang kanyang ulo dahil sa kakaiyak pero wala namang mangyayari kung iiyak lang siya ng iiyak.
Gano'n at gano'n pa rin ang buhay niya at siya lang din ang mahihirapan doon kung hindi siya titigil sa kakaiyak.
Habang buhay na siyang magiging asawa ng kanyang Uncle Hendrick, iyon ang buhay na niya ngayon. Pero sisikapin niyang makawala sa ganoong buhay, hindi pa niya kaya sa ngayon, pero darating ang panahon na makakawala din siya. Iyan ang pinapangako niya sa kanyang sarili.
Bumangon na siya sa pagkakahiga sa kama at nagtungo siya sa banyo para maghilamos, para kahit papaano ay mahugasan ang kanyang mukha na hilam sa luha.
Nakailang hilamos na siya ng malamig na tubig sa mukha ay para bang hindi pa rin siya nahihimasmasan. Agad siyang napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin na nasa kanyang harapan. Mugto na nga ang kanyang mga mata at halatang malungkot din iyon.
Sana Lang hindi mapansin ng kanyang Uncle para hindi na siya nito usisain pa kung ano ang nangyari. Kung maaari kasi ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kasamaan ng ugali ng kanyang mga magulang.
Baka hindi siya makapagpreno ng bibig at masabi niya sa lalaki ang tungkol sa lihim ng kanyang mga magulang.
Nang matiyak niya na okay na talaga siya saka siya nagpasya na lumabas na baka kasi nasa kusina na ang kanyang Uncle at baka hinihintay na siya para mag-almusal.
“Ano nangyari bakit umiyak ka? Pinagalitan ka na naman ba ng iyong mama?” Tiimbagang na tanong sa kanya ng kanyang Uncle.
Na noon ay nasa silid na pala niya, at printing nakaupo sa gilid ng kama.
“Ha? Hindi ah hindi ako umiyak. Ano ka ba, kung ano-ano na lang ang nakikita mo. Mabuti pa halika na mag-almusal na tayo medyo kumakalam na po kasi ang sikmura ko.” Nakangiting wika niya dito tsaka inaya na lamang itong mag-almusal.
Hindi ito nagsalita pero tinitigan lamang siya nito na tila ba pinigil na lamang ang sarili.
“Sige halika na ng makakain na tayo, kailangan ko pa kasing uminom ng gamot.” Sagot nito sa kanya tsaka lumapit ito at nagulat na lamang siya dahil inalalayan siya nito sa paglakad.
Nais sana niyang tumutol sa paghawak nito sa kanyang baywang pero hinayaan na lamang niya dahil baka mapahiya pa ang lalaki. Kahit na sobrang naiilang talaga siya sa inasal nito.
ITUTULOY