Nakaupo na sa hapag-kainan si Alondra at hinihintay niya ang kanyang Uncle Henry na lumabas ito sa silid para makapag-almusal na sila ng sabay.
Pero medyo natagalan ang lalaki baka naliligo pa ito sabagay siya kasi mabilis lamang na maligo kaya siguro naunahan pa niya ito.
"Señorita tumatawag po ang inyong mama sa telephone, galit na galit po siya dahil kanina pa daw po siya tumatawag sa cellphone ninyo pero hindi niyo daw po sinasagot." wika ng isang kasambahay na lumapit sa kaniya.
"Ha? Ahh sige Manang, naka-off kasi ang cellphone ko kaya hindi niya ako makontak. Kukuhanin ko lang yung phone ko pakisabi na lang kay Uncle. Ay este kay H-Hendrick, babalik din ako kaagad." wika niya sa kasambahay.
"Sige po Senyorita ako na po ang bahalang magpaliwanag kay Senyorito." nakangiting wika naman ito sa kanya.
"Manang pwede po bang pakialis na po yung Señorita? Okay lang po kapag nandito sina Mama at Papa pero kapag tayo-tayo lang po kahit tawagin ninyo na lamang po ako sa Alondra. Okay na po ako don." nakangiting wika niya sa kasambahay.
Sa kanilang tahanan kasi ay gano'n na ang tawag sa kanya ng mga kasambahay at naiinis talaga siya pero iyon kasi ang kagustuhan ng kanyang Mama.
Kaya ang nais niya ay matigil na ang ganong tawag sa kanya ng mga kasambahay. Isa pa napakabata pa niya tapos mas ginagalang pa siya ng mga kasambahay nila.
Samantalang dapat ay mas ginagalang niya ang mga ito kaya nga mabait siya sa lahat, pero ang kanyang Mama kasi ang may gusto ng ganon. Kaya kahit ayaw niya ay wala siyang magawa.
"Aahhmm... s-sige po." Nahihiyang wika ng Ginang.
"Sige po Manang salamat." Wika na lamang niya at muling nagtungo sa kanyang silid.
Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng table sa may gilid ng kanyang kama. Sinadya talaga niyang i-off ang kanyang cellphone dahil natitiyak kasi niya na tatawag na naman ito ng napakaaga.
Buti na nga lang at ini-off niya ang cellphone dahil baka kung tumawag ito at nalaman na tanghali na siyang gumising.
Pagka-open niya ng kanyang cellphone ay agad-agad na tumunog ang kanyang messenger at ang kanyang mama na nga ang tumatawag.
Nandoon na naman yung pakiramdam na sobrang kinakabahan na ewan kahit na ang t***k ng kanyang puso ay hindi normal habang nakatingin siya sa screen ng kanyang cellphone.
Lalo na at nakikita niya ang mukha ng kanyang mama na para bang sobrang napakaistrikta nito kahit nasa picture. Parang feeling niya kahit nasa picture ay kayang-kaya siya nitong saktan.
Talagang may trauma na siya sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang mama na napakagaan lamang ng kamay nito kung saktan siya.
Tumikhim muna siya nang ilang beses bago niya sinagot ang tawag ng ina.
"P*tang*na kang babae ka! Kaninang-kanina pa ako tumatawag sayo pero hindi ka makontak! Ano bang pinagkagawa mo sa cellphone?! Nag cellphone ka pa akong papatayin mo lang naman, napakawalang hiyang bata ka! Alam mo na tatawag ako sayo pero hinayaan mo na nakapatay ang phone mo. Para ano, para iwasan ako kahit alam mo na tatawag ako. Walang hiya kang babae ka, makapunta lang talaga ako diyan. Kung wala lang diyan si Hendrick talagang sinugod na kita at binugbog kita ng malala para madala ka sa mga pinaggagawa mong hayop ka!" Galit na galit na wika ng kanyang mama sa kanya.
Halos umusok na ang ilong nito at halos hindi na nga niya maintindihan ang bunganga nito dahil parang armalite kung magsalita tapos dinuduro pa siya ng dinuduro kahit na nasa messenger lamang ito.
Hindi tuloy niya maiwasan ang hindi manginig sa takot habang nagsasalita ito. Takot na takot kasi siya sa kanyang mama kapag ganito na ang tono nito.
Kung kaharap siya nito siguradong buong katawan na naman niya ang may latay. Napakagaan talaga kasi ng kamay nito kung saktan na siya 'tsaka kahit anong mahawakan nito ay talagang ihahampas nito sa kanyang katawan.
Minsan nga natatakot na siya sa kanyang mama pero mas nangingibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal sa magulang. Kaya kahit na nakakapag-isip siya minsan na umalis na lamang sa kanilang bahay bahay at layuan lamang ang mga ito ay hindi niya magawa.
Magagawa niya iyon kung gugustuhin niya talaga dahil sa tingin naman ni Alondra ay kaya niyang buhayin ang kanyang sarili.
Pero sa tuwing naiisip kasi niya iyon ay nakokonsensya siya dahil alam naman niya na mahal siya ng kanyang mga magulang. Iyon nga lang dahil marami silang problema kaya parating mainit ang ulo ng mga ito at sa kanya naibubunton ng mag-asawa ang lahat.
Pero kahit na gano'n naintindihan pa rin niya ang mga ito dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang.
"Sorry na po Mama, na lowbat po kasi ang phone ko. Hindi ko na napansin na na lowbat na pala kaya hindi ko naman nai-charge kagabi. Tapos hindi ko rin po hinawakan ngayong umaga dahil nag-e-exercise po kasi ako ng maaga. Kaya hindi ko na po napansin, sorry na po Ma. Hindi na po mauulit palagi ko nang iti-check ang battery ng phone ko." wika na lamang niya sa ina at humingi na rin siya ng tawad dito para hindi na ito magalit pa ng husto. Gumawa na lang din siya ng kasinungalingang dahilan.
Pero hindi niya naisip na baka naireport na ng mga kasambahay kung ano ang ginagawa niya kanina. Kapag ka gano'n, lagot talaga siya dito.
"Aba dapat lang ayusin mo kung ayaw mong masaktan. Alam mo naman napakabilis kong uminit ang ulo at alam na alam mo na ayaw ko ng ganyan tapos ginagawa mo pa rin. Sa susunod na mangyari yan na hindi mo sasagutin ang tawag talagang makakatikim ka na sa akin kahit nandiyan pa ang asawa mo." galit na wika mo dito
"Hindi na po talaga Ma, promise hindi na po mauulit." hinging paumanhin ulit niya dito para matapos na ang usapan.
"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayong dalawa. Siya nga pala nasaan ang asawa mo?" Seryosong tanong nito sa kanya.
"Nasa shower room pa Mama naliligo siya. Hinihintay ko nga po siyang matapos dahil sabay kaming mag-aalmusal." sagot niya sa ina.
Automatiko naman itong napangiti tila nagustuhan nito ang sinagot niya.
"Naku, iyan ang mainam. Mabuti naman at may bonding na kayong dalawa bilang mag-asawa. Uhmmm... Ano, kumusta ang honeymoon ninyo? Nakipag-s*x ba siya sa'yo?" Wika nito na halos manlaki ang kanyang mga mata sa tinanong nito sa kanya.
"Mama! Ano bang klaseng tanong iyan?!" Hindi niya napigilan ang hindi sumagot dito at bahagya pang tumaas ang kanyang boses.
"Bakit?! Anong masama sa tanong ko? Tinatanong ko lang naman ang honeymoon ninyong dalawa, tinatanong ko para masigurado ko kung may nangyari sa inyo dahil kailangan mong mabuntis! Hindi sapat ang pagpapakasal mo lang sa kanya para makuha mo ang kayamanan niya, kailangan mong mabuntis para may tagapagmana siya. Ang hina talaga ng kokote mong bata ka!" Galit na galit na namang wika ng kanyang Mama at halos umusok na naman ang ilong nito.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang Mama, papano nito nasasabi ang bagay na iyon sa kanya? Noong una nais lamang ng mga ito na sipingan niya ang kanyang Uncle Hendrick pero ngayon nais naman ng mga ito na mabuntis siya ng kaniyang Uncle.
Parang may tama na sa utak ang kanyang mga magulang, nais pa ng mga ito na mabuntis siya kahit alam naman ng mga itong isang malaking kasalanan iyon. Sukdulan na talaga ang kasamaan ng mga ito.
ITUTULOY