Kabanata 10

1316 Words
Hiyang hiya naman si Alondra dahil sa sinabing iyon ng kanyang Uncle Hendrick, kung nagsisinungaling ito bakit ito bigla na lang tatakbo sa may electric fan para maalis ang amoy na kumakalat sa loob ng room. Kahit siya ay makakapagsabi na talagang may umutot nga dahil kakaiba ang amoy ng silid na iyon para bang may patay na daga na ewan. Imposible namang ang kanyang Uncle iyon tapos ibinintang lamang nito sa kanya. At tsaka alam na alam niya sa kanyang sarili na may ugali talaga siya na umuutot kahit na tulog. Minsan nga namura pa siya ng kanyang mama ng pumasok ito sa kanyang silid. Sakto na umutot siya ng time na iyon tapos pumasok ang kanyang Mama. Kaya naman natitiyak niya na nagsasabi ng totoo ang kanyang Uncle Hendrick. Tsaka imposible namang magsinungaling ito. Kitang-kita pa nga sa mukha nito na talagang nabahuan ito ng husto. At dahil sa nagulat eh napagbintangan pa niya ito na manyak. Pero kung susumahin ang nangyari, siya ang nasa ibabaw ng lalaki at mukhang matindi ang pagpipigil nito na hindi siya itulak. Baka naaawa sa kanya dahil nga tulog na tulog siya. Ang masama lang napag-isipan pa niya ito ng masama at kung ano-ano ang sinabi niya sa lalaki kaya ngayon tuloy hindi siya makatingin dito ng diretso. Kahit siguro sino ay mahihiyang makipagharap dito kaya lang no choice naman siya dahil nasa iisang silid sila. Kaya kahit nais niyang umiwas muna dito ay imposible. Ang lalaki naman ay nakatapat sa electric fan at tila ba doon kumukuha ng hangin para ito ay makahinga ng maayos. Buti na lang talaga hindi na ito katulad ng dati na sobrang sungit at estrikto. Iyon nga lang mahilig itong makipag fling. Hindi tuloy niya napigilan ang kanyang bunganga nasabihin ang mga kapintasan nito kanina. Buti na nga lang hindi nito masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga sinabi niya. Nakakainis lang kasi mukhang umasta na naman ang sobrang kalikutan niya sa higaan. Iyon kasi talaga ang totoong dahilan kaya hindi siya sanay na matulog na may katabi dahil sobrang likot niya. Kadalasan nga kahit na napakalaki ng kama niya sa kanilang bahay ay ilang beses siyang nagigising na nasa sahig na. Ang nakakahiya lang eh nakatulog yata siya sa ibabaw ng kanyang Uncle Hendrick. Tapos ito pa ang napagbintangan niya na manyak na may ginagawang masama sa kanya. Ngsyon tuloy namumula ang kanyang pisngi at pakiramdam niya ang lahat ng kanyang dugo ay umakyat na sa kanyang ulo dahil sa sobrang hiya. “Sorry U-Uncle eh kasi naman, hindi ko sinasadya iyon. Sorry kung nakapagsalita ako na ng hindi maganda. Nagulat lang talaga ako kasi nakahawak ka kasi sa pang upo ko kaya yun. Ang naisip ko ay may nais kang gawing masama. Pasensya na talaga at sorry kung nautot ako habang natutulog. Kaya nga hindi ako sanay na may katabi kasi nahihiya talaga ako sa mga kababalaghang nagagawa ko sa gabi. Kaya sorry talaga o ngayon alam mo na kung bakit ayaw ko na may katabi kaya dapat bukas doon ka na sa kabilang silid ha.” Hiyang hiya niyang paliwanag sa lalaki. “Okay lang iyon huwag ka na mag-alala nagulat lang ako kasi hindi ko talaga kinaya iyong amoy kasi saktong nasa may ilong ko iyong pwet mo kaya swak na swak talaga nung paglabas ng utot. Kaya hindi ako nakapagpigil balak ko sana na alisin ka sa ibabaw ko kaya hawak-hawak ko iyong pang upo mo. Pero wala akong iniisip na kung anong masama, iyon nga lang nagising ka na. At napag-isipan mo pa nga ng masama pero okay lang yan hayaan mo na bukas sisiguraduhin ko na hindi na ako matutulog sa room na ito.” wika ng lalaki ng makabawi na ito sa naranasan nitong disaster mula sa utot niya. “Basta sorry talaga ha, kasi gano'n talaga ang nangyari sa akin eh. Kadalasan nagigising na lamang ako na nasa sahig na, hindi ko alam na nahulog na pala ako. Kaya sana pagpasensyahan mo na lang, kung gusto mo ikaw na lang matulog dito sa kama. Ako na lang diyan sa lapag, nakakahiya ng masyado kung maulit na naman. Okay lang naman ako eh pero pwede ba na sa akin yung electric fan hindi kasi talaga ako makakatulog kapag mainit.” Nahihiyang hinging paumanhin pa rin niya sa kanyang Uncle. “Ah hindi okay lang ako, diyan na lamang ako sa lapag. Basta kung magpapatihulog ka eh pwede bang doon na lamang sa kabila kasi medyo masakit sa katawan eh. Medyo may kabigatan ka pa naman tsaka mabuti man lamang sana kung normal yung pagbagsak mo. Kaya lang ano kasi kakaiba at mukhang magkakasakit ako kapag gano'n kaya doon na lang sa kabila ha.” Nakangiting wika ng lalaki. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinasabi nito o inaasar siya. Pero nakakahiya talaga kapag ma imagine niya ang itsura nila kanina. Kaya pala may matigas na bagay kanina na napapatungan ang kanyang mukha. Hindi lang niya binigyang pansin kasi naka focus siya sa bagay na nakahawak sa pwet niya. Parang naiimagine na niya ang itsura ng kanyang Uncle Hendrick, ibig sabihin hindi talaga ito mapagsamantala. Parang nai-imagine na niya ang itsura ng kanyang Uncle. Ibig sabihin hindi talaga ito mapagsamantala dahil kung ibang lalaki siguro ito baka kung ano na ng ginawa sa kanya. Pero masyado naman yata siyang assuming, alam naman niya na wala siyang dating sa kanyang Uncle at dapat nga ipagpasalamat niya iyon. “Sige po, kayo po ang bahala basta pasensya na talaga sana hindi na ito makarating sa Mommy at Daddy ko. Alam ninyo naman ang mga magulang ko, ayaw nila ng pagkakamali. Masyado silang mga perfectionist, siguradong lagot ako kapag nalaman nila ang ginawa ko sayo.” Nakangiwing pahayag niya dito. “Oo naman walang problema iyon, sa atin na lang mag-asawa iyong mga ganyang bagay. Hindi na dapat ipinapaalam pa sa ibang tao, lalo na sa ating mga magulang. Kaya huwag kang mag-alala safe ka sa akin, alam ko naman na napilitan ka lamang na makisama sa akin kaya wala kang dapat ipag-alala. Hindi kita pipilitin sa mga bagay na ayaw mo katulad ng mga magulang mo kaya huwag kang mailang sa akin. Kaya ko naman kontrolin ang mga bagay lalo na kung hindi mo iyon magugustuhan, hindi ko rin gagawin.” Wika pa ng lalaki. Namula tuloy ang kanyang mukha dahil parang kakaiba ang nais nitong sabihin sa kanya. O masyado lang talaga siyang feeling nagmamaganda. Baka nga naimbyerna pa ito kanina dahil ikaw ba naman ang utotan. Nahihiya talaga siya dito ng husto, gusto na niyang itago ang kanyang pisngi dahil sa sobrang kahihiyan sa lalaki. Kaya naman nagpasya na lamang siya na mahiga na lamang ulit anong oras pa lang naman kasi 4:00 ng madaling araw. May time pa para matulog silang dalawa. Mukhang wala pang maayos na tulog ang kanyang Uncle Hendrick. Batid niya na dahil iyon sa kanya kaya naman nakakahiya talaga ng sobra pero wala naman siyang magagawa dahil gano'n talaga siya kapag matulog. “Maraming salamat po Uncle Hendrick pwede po ba na matulog na po ulit tayo medyo inaantok pa po kasi ako eh.” Nakangiti nga paalam niya dito. “Oo naman sige na mahiga ka na at ako'y mahihiga na rin ng makatulog pa rin kahit konting oras.” Nakangiting sagot naman nito. Iyon lamang at tumalima na siya. Muli siyang humiga sa kama pero ang ginawa niya ay nilagyan niya ng harang sa gitna para hindi siya mapapunta sa dako kung saan nandoon nakahiga ang lalaki. Mahirap ng maulit iyong kanina, baka maisalya na siya nito ng wala sa oras. Ilang sandali lang at naramdaman niya na nahiga na rin ang kanyang Uncle. Kaya naman pumikit na rin siya at ilang sandali lang nakatulog na ulit siya. Todo hilik pa nga. Si Hendrick naman ay napapangiti na lamang habang nakapikit at pinapakinggan ang hilik ng asawa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD