Ilang sandali pa at nakaramdam na rin ng antok si Hendrick. Marahil dahil din sa pagod kanina kaya iginupo na rin siya ng antok.
Ngunit ilang sandali pa lamang siyang nakakatulog, bigla siyang napadaing ng may mabigat na bagay na dumagan sa kanyang katawan. Kaya naman agad siyang napamulat at nagulat na lamang siya ng makita niya sa ibabaw niya si Alondra.
Ngunit mas nagulat siya at halos mamilog ang kanyang mga mata dahil pataob itong bumagsak sa ibabaw niya, nakabaliktad pa ito. Sapol ang noo ng kwan nito sa bibig niya at mukhang ang mukha nito ay nasa alaga din niya.
Halos mawindang siya sa nangyari, naka boxer pa naman siya at mukhang nagkaroon ng sariling buhay ang bagay na tinatakpan ng boxer niya dahil kusa iyong gumalaw.
At ngayon natitiyak niya na nakabukol na ito doon ng husto kaya pano na lang kung magising ang babae. Saktong-sakto pa naman ang mukha nito doon.
"Oh God, ganito ba ang hindi makatulog kapag may ibang tao sa silid? Ang lala niyang matulog, talo pa ang mantika!" Palatak niya sa isipan.
Pero pinag-iisipan niya kung paano maaalis ang babae sa ibabaw niya ng hindi ito nagigising. Sobrang nakakahiya ang itsura nilang dalawa.
Kapag nagising ang babae baka wala na itong mukhang maiharap sa kanya. Iyon naman ang ayaw niyang mangyari sa kanila, ayaw niyang mailang ito sa kanya ng tuluyan.
Pero ang pagkakalapat ng pisngi nito sa kanyang nangangalit na alaga ay may kakaibang hatid iyon para bang nag-iinit ng husto ang kanyang buong katawan.
Lalo na ang parte ng kanyang katawan na nasa pagitan ng kanyang hita na animo buhay na buhay at handa ng manuklaw.
Pero mas lalong kakaiba ang pakiramdam na hatid sa kanya sa tanawing kanyang nakikita. Paano ba naman napakanipis ng short na pantulog na suot ni Alodra at sa pagkakabukaka nito ay kitang-kita niya ang maputi nitong singit at maging ang kabiyak na labi ng hiyas nito ay nasilip na rin.
Wala pala itong suot na panty kaya naman kitang-kita niya ang maputi nitong singit pati na ang kabiyak ng hiyas nito.
Lalong para na siyang sinisilaban sa sobrang init lalo pa at nakalapat mismo sa labi niya ang noo ng hiyas nito at malayang niyang napagmamasdan ang bagay na tinatakpan ng suot nitong manipis na short.
Kahit sinong santo siguro ay madedemonyo kapag gano'n ang nangyari. At ang matindi pa ay ilang minuto na sa gano'n na posisyon si Alonra pero para bang hindi man lamang nito napapansin na wala na ito sa kama at nasa ibabaw na niya ito.
Hindi tuloy siya makapag-decide kung gigisingan na lamang ito o gagawa na lamang ng paraan para maalis ito sa ibabaw niya. Pero kasi may matinding epekto din sa kanya ang pangyayaring iyon dahil para bang nawalan na siya ng lakas at nagugustuhan din niya ang amoy ng hiyas nito na halos nakadikit na sa kanyang bibig.
Sunod-sunod ang naging paglunok niya sa kanyang laway dahil para na siyang mapapraning ng sandaling iyon. Tila kinakapos na rin siya ng paghinga dahil sa pagpipigil niyang makagawa ng hindi tama.
"Wake up man! Hindi mo pwedeng gawin ang nasa isip mo!" Paalala niya sa kanyang sarili.
Pero parang lalo siyang sinusubok ng husto. Gumalaw ang ulo ni Alondra, parang lalong nanigas ng husto ang kanyang alaga dahil pati alaga niya ay nasaling ng pisngi ni Alondra sa pagalaw ng ulo nito.
"Inhale, exhale, inhale, exhale...." Nakapikit na bulong na lamang niya ng paulit-ulit.
Minabuti niya na pumikit na lamang kaysa makita pa ang napakagandang tanawin na iyon at tila napakasarap papakin. Hindi maaaring makagawa siya ng hindi tama dahil siguradong mas lalayo ang loob sa kanya ni aAlondra at iyon ang ayaw niyang mangyari sa kanila.
Pero ng dahil nga sa tulog mantika ito ngayon ay hindi niya mawari kung hanggang kailan siya magtitiis at hanggang kailan niya mapipigilan ang sarili.
Lalo na at nalalanghap niya ang bango ng bagay sa pagitan ng hita ng babae kitang-kita din niya ang kakinisan at kaputian ng hita nito parang napakasarap paliguan ng halik.
Bilugan ang hita nito, maputi at makinis. Talagang kahit sino siguro ay matutuksong gumawa ng hindi tama. Lalo na at bunos pa ang nakikita niyang nakakatakam sa looob ng shorts nitong medyo maluwang kaya naka-expose ang singit nito.
Pero nananatili pa ring nasa katinuan ng kanyang isipan kaya pigil na pigil niya ang sarili. Ayaw niyang matukso ng gano'n- gano'n na lamang.
Ilang sandali pa sila sa ganoon pagkakaayos. Sinusubukan sana niyang alisin si Alondra pero hindi niya kasi ito magalaw. Natatakot din kasi siya na baka magising ito at kung ano ang isipin.
Kaya balak sana niya na hintayin na lamang itong kumilos at makakuha siya ng tiyempo para maibaba niya ito kahit na lamang sa may tabi niya.
Ang ginawa niya ay nagpatuloy na lang siya sa pagri-relax ng sarili, patuloy siya sa pag-inhale at exhale.
Hanggang sa maya-maya ay kumilos ulit ito pero kasunod niyon ang pag-utot nito ng malakas. Halos masuka siya sa amoy ng utot ni Alondra. Sakto kasi ng pag-inhale niya kaya sulit talaga ang amoy ng utot nito.
"Sh***t ang bahoooo..." malakas na wika niya.
Halos mahimatay siya sa amoy ng utot ng babae. Hindi na talaga niya kinaya kaya naman hinawakan niya ito sa may pang-upo at akmang ibababa na niya ito sa ibabaw niya ngunit doon nagising ang babae.
Parang wala ito sa wisyo kasi nakita pa niya na iginalaw nito ang ulo at inilibot ang tingin sa paligid. Samantalang siya ay di na makahinga dahil sa baho ng utot nito.
"Uhmmm...Bakit? Nasa.... Oh sh*t! Uncle!" Bulalas nito ng mapagtanto kung nasaan ito, lalo na ng makita nitong nakahawak ang kamay niya sa pang-upo nito.
Bigla itong bumangon at mukhang takot na takot ito habang nakatingin sa kanya.
"Bakit? Nahulog ka sa kama at sa di....." Paliwanag sana niya dito kahit napapaduwal na siya dahil sa utot nitong masahol pa sa nabubulok na daga.
"Manyakkkk! Sabi ko na nga ba at hindi kita mapagkakatiwalaan! Napakamanyak mo! Pati sa pagiging manyak mo sa ibang babae, nadadala mo pa dito! Hoy, umayos ka ha. Hindi pwede ang iniisip mo!" Bulyaw nito sa kanya.
Na bagama't nahihintakutan ay kita sa mga mata nitong pinipilit nitong maging matapang para siguro maipagtanggol ang sarili sa inaakala nitong kapahamakan.
Napailing na lamang siya, hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa babae. Agad-agad siya nitong pinaghinalaan ng masama eh samantalang wala naman siyang ginawang masama dito.
Kinapa-kapa pa nito ang sarili at animo pinapakiramdaman kung may nagawa siya sa katawan nito. Siya naman ay abala sa paghahabol ng hininga dahil halos maubos na iyon sa kapipigil kanina.
Sunod-sunod ang litanya ng babae halos di na nga niya maintindihan ang iba.
"Ang baho talaga! Yuckkk!" Napaubo pang wika niya.
"Hoy! Pagkatapos mo akong pagnasaan, sasabihin mong mabaho ako?!" Nakapameywangan pang wika nito.
"Nagkakamali ka Alondra, nahulog ka mula sa kama at sakto ka sa katawan ko. Pero ang malala lang, ang baho ng utot mo! Pamatay ng daga, promise!" Hindi niya napigilang palatak din para matigil na ito.
"A-Ano? Ako umutot?!" Kandautal na tanong nito.
Tumango naman siya at agad na tumakbo sa electric fan para itaboy ang mabahong simoy ng hangin sa silid.
ITUTULOY