Kabanata 8

1511 Words
Ilang oras ng nakahiga si Hendrick pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Kanina naiilang talaga siya lalo pa at mukhang hindi talaga nais ni Alondra na nandoon siya sa silid na iyon. Hindi lamang ito makareklamo dahil alam nito na wala siyang ibang tutulugan. Ewan ba niya kung bakit ayaw nito kahit nakiusap na siya dito. Hindi rin siya sanay na matulog ng maliwanag, okey pa san akung lampshade man lang ang naka-open pero hindi eh. Main light talaga ng silid kaya sobrang liwanag. Kaya naman pabiling biling lamang sa higaan si Hendrick, hindi talaga siya makatulog dahil naiinitan siya sa kinahihigaan. Isa pa, matigas din ang kanyang higaan dahil nilatagan lamang iyon ni Alondra ng manipis na tela. May unan naman at kumot pero pakiramdam ni Hendrick ay nalulunod siya. Hindi kasi siya sanay na matigas ang hinihigaan. Ngunit isa pang pangunahing dahilan ay ang presensya ni Alondra na natutulog lamang sa katabi niyang kama. Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang nasaksihan niya kanina. Kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan ng dalaga. Hindi kasi niya akalain na mapapasukan niya ito na walang saplot sa katawan. Kakaiba ang attraction na nararamdaman niya sa babae pero dahil nga sa hindi normal ang naging set-up nila bilang bagong mag-asawa ay iginagalang niya ito. Nais niya na kusa itong lumapit sa kanya at hindi iyong lalapitan niya ito dahil sa kagustuhan niya. Sa totoo lang hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin siya sa kanyang buhay. Isang araw nagising na lamang siya na walang naaalala na kahit na ano. Maging pangalan niya ay hindi niya matandaan. Tanging ang parents lamang ni Alondra ang tumulong sa kanya. Napakabuti ng mag-asawa sa kanya pinaalala sa kanya yung mga dapat niyang maalala. Lalo na buong pagkatao niya na matagal na pala siyang engage kay Alondra na anak ng mga ito. Sinabi din ng mama ni Alondra kung ano ang buhay niya bago ang aksidenteng naganap sa kanya dalawang buwan na ang nakararaan. Ang mag-asawa pala ang nagma-manage ng negosyong silang tatlo ang nagtayo. Noon daw na hindi pa siya naaksidente, siya lamang ang nagmamanage niyon. Pinagkatiwala daw sa kanya ng mag-asawa ang lahat ng tungkol sa negosyo at noong maaksidente siya ay nagpasya ang mga ito na magmanage kesa malugi ang kanilang negosyo. Mahigit isang buwan din siyang naratay sa ospital. Ang sabi ng mama ni Alondra wala na pala siyang mga magulang. Tanging siya na lamang sa mundo at wala rin pala siyang mga kapatid. Nag-iisa lamang daw siyang anak ng kanyang mga magulang. Napaniwala naman siya ng mga ito dahil nandon ang mga picture at mga patunay na talagang mag-isa na lamang siya sa buhay. At ang negosyong sinasabi ng mga ito na pag-aari nilang tatlo ay maayos naman na napapatakbo ng mag-asawa. Hindi niya matandaan pero ang sabi ng mama ni Alondra ay magkakakaibigan silang tatlo ng mga magulang nito. Napagkasunduan noon na ipapakasal ang anak ng mga ito na si Alondra sa kanya. Noong una ay parang nais niyang tumanggi dahil napakalayo ng agwat ng edad nilang dalawa ni Alondra. Kahit na ba dati na palang napafkasunduan iyon hindi pa rin tama na ipilit niya ang kanyang sarili sa isang di hamak na mas bata sa kanya. Pero ng makita niya ang babae sa picture ay para bang may kung anong mainit na bagay na humaplos sa kanyang puso. Parang ayaw niyang mapunta sa iba ang babae lalo na sa pinakitang picture ng mag-asawa. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ng dalaga. Doon na nagsimula na para bang naakit siya sa babae parang nandoon ang kagustuhan na alagaan ito, na mahalin ito para hindi na malungkot pa si Alondra. Kaya naman kahit na batid niyang hindi siya magugustuhan ng babae lalo pa at sinabi ng mga magulang nito na hindi pa alam nito ang tungkol sa kasal at hindi pa siya nito nakita. Alam niya na magkakaproblema doon na baka hindi siya matanggap ng dalaga pero nagulat siya ng tumawag ang mga magulang ni Alondra na okay na. Na pumayag na ang babae na makasal sa kanya at sa lalong madaling panahon ay idadaos na ang kanilang kasal. Kaya naman nagpasya siya na kahit anong mangyari ay gagawin niya ang lahat para makuha ang loob ng babae at batid naman niya na baka matakot ito sa kanya. Patunay na nga iyong pagtawag nito sa kanya ng Uncle. Hindi pa naman siya gano'n katanda para tawagin nitong Uncle. Lalo na sa itsura pero naintindihan niya ang babae. Iyon nga lang may mga napapansin siya sa mga magulang ni Alondra. Mukhang napilitan lamang talaga ang dalaga na tanggapin siya bilang asawa nito. Siguro ay pinilit ng mga magulang nito kaya naman ayaw niyang maramdaman ng babae na pinipilit din niya na gawin nito ang mga ayaw nitong gawin sa piling niya. Lalo na ang dapat sana ay ginagawa nila ngayon. Ang honeymoon, sa nakita niyang takot sa mga mata ng kanyang asawa kanina. Sapat na rason na iyon para pigilan niya ang kahit na anong nararamdaman para dito at lalo na iyong pangangailangan ng kanyang katawan. Sa totoo lang naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit siya nakakaramdam ng ganito sa babae. Iniisip tuloy niya na hindi kaya napakamanyak niya pagdating sa mga babae bago pa ang mangyari ang aksidente. Dahil sobrang lakas talaga ng dating sa kanya ni Alondra, samantalang wala namang pinapakita na kahit na anong motibo sa kanya ang babae. Parang ngang takot na takot pa ito sa kanya. Parang wala lang dito ang karisma niya, samantalang gwapo din naman siya at maganda ang pangangatawan. Kanina sinabi nito na hindi ito sanay matulog na may ibang tao sa iisang silid pero heto at ang lakas humilik na akala mo eh humihilik na biik sa sobrang himbing nito sa pagtulog. Kay gandang babae at talaga namang napaka-sexy pero wagas kung humilik. Pero ang nakakagulat ay tila ba musika sa kanya ang paghilik nito, ang sarap pakinggan na kahit na malakas iyon na tila ang humihilik na biik ay nasisiyahan ang kanyang puso na pakinggan. Hindi talaga siya makatulog kahit na anong gawin niya hindi niya alam ang reason kung bakit kaya minabuti niya na bumangon na lamang mula sa pagkakahiga. Sumandal siya sa pader habang nakaupo na paharap sa natutulog na si Alondra. Nakasuot ito ng damit pantulog yung parang polo at maigsing short na manipis kaya kitang kita niya ang kaputian at kakinisan ng legs nito nakabukas kasi ang ilaw sa silid na iyon. Nakaharap din sa kanya ang babae kaya naman kitang kita niya ang kagandahan nito. Medyo nakabuka pa ang bibig habang humihilik ito pero napakasexy nitong tingnan kahit na gano'n ang itsura nito. Ilang beses pa siyang napabuntong hininga habang nakatingin sa dalaga ibang-iba talaga ang pakiramdam sa kanyang puso kapag nasisilayan niya ang kagandahan nito. Lalo na kanina noong maayos na sila nag-uusap at tumatawa na ito ng bahagya. Iyon bang parang kahit konti ay nawala na ang takot nito at pagkailang sa kanya. Parang napakasarap haplusin ng makinis at mamula-mula nitong pisngi. Ilang sandali pa nga siyang nakamasid lamang sa babae habang himbing na natutulog hanggang sa para bang kusang kumilos ang kanyang mga paa. Tumayo naglakad patungo sa gilid ng kama at ilang sandaling pinagmasdan niya muli ang magandang mukha ni Alonra hanggang sa hindi na niya napigilan. Dahan-dahan siyang naupo sa kama at marahan nyang inilapit ang kanyang palad sa pisngi nito at hinaplos iyon ng may pag-iingat. Napapangiti siya ng kusa habang hinahaplos ng marahan ang pisngi ng asawa. Hanggang sa napangiti siya dahil ngumuya nguya pa ang babae na tila ba may kinakain ito sa panaginip. Ang cute cute talaga nitong pagmasdan lalo na't gumalaw ang medyo maumbok nitong pisngi. Akmang aalisin na niya ang kanyang kamay dahil balak na niyang mahiga. Hindi kasi maaari ang ganoon na pagmasdan lamang niya ito buong magdamag dahil baka kung ano pa ang magawa niya na hindi dapat. Ngunit bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa pisngi nito. Tapos nangingiti ito habang hawak-hawak ang kanyang palad at tila ba isiniksik pa nito ang pisngi doon. Halos lumunsag tuloy ang kanyang puso dahil sa ginawa nito natakot siya na baka ito magising ngunit mukhang hindi. Mahimbing pa rin ang babae sa pagtulog para bang nananaginip lamang ito kaya nito nagawang hawakan ang kanyang kamay. Napangiti siya at iniisip kung ano kaya ang nasa panaginip ng babae. Nakangiti kasi ito at bahagya pang namula ang pisngi tapos hindi nawawala ang ngiti sa labi nito. Pero agad ding napalis ang kanyang ngiti dahil naisip niya na baka boyfriend nito ang nasa panaginip at iyon ang nais ni Alondra na humaplos sa pisngi nito. Sa naisip, tila ba may dumagan na mabigat na bagay sa kanyang puso kaya ang ginawa niya ay dahan dahan niyang inalis ang kanyang kamay at ng magtagumpay siya ay dahan-dahan na siyang bumalik sa lapag kung saan siya nakahiga kanina. Pero sa totoo lang nalilito din ang kanyang puso kung bakit siya nakakaramdam ng ganito. Para bang nais na niyang ipagkait si Alondra samantalang hindi naman niya ito pag-aari. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD