“Huwag kang mag-alala honey hindi naman ako nangangagat at saka hindi naman kita papakialaman kung ayaw mo pa. Diba nag-usap na rin naman tayo kanina? Wala naman akong ibang tutulugan alangan namang doon ako matulog sa silid ng mga kasambahay hindi ba?” Kunot ang noong wika ng kanyang Uncle Hendrick.
“Hindi naman po sa gano'n Uncle , kaya lang po kasi hindi po kasi ako sanay na may katabi sa pagtulog. Lalo na po at lalaki kaya naman nagulat po ako.” Sagot niya dito.
“Huwag kang mag-alala hindi ako tatabi sayo sa kama diyan na lamang ako sa lapag matutulog pahingi na lamang ako ng unan tsaka kumot para kahit papaano ay makatulog din ako ng maayos. Bukas lilipat na lamang ako doon sa kabilang silid, ewan ko ba kung bakit bigla na lamang iyong na-lock nandoon pa naman ang mga gamit ko.” Wika muli nito sa kanya.
Batid niya kung ano ang rason bakit bigla na lamang na-lock ang silid na iyon, alam niya na mga magulang na naman niya ang may pakana niyon. Siguro inutusan ng mga ito ang kasambahay, talagang namomonitor ng mga ito ang bawat kilos nilang dalawa.
Na talagang ng dahil sa pera ay para bang ipinapain siya ng mga ito sa kanyang Uncle. Nais pa yata ng mga ito na may mangyari talaga sa kanilang dalawa. Papaano na lamang kung magbunga ang kalokohan ng kanyang mga magulang.
Parang wala lamang sa kanyang mga magulang kung ano man ang mangyari sa kanya dahil sa pera. Talagang kahit isakripisyo niya ang kanyang buhay ay tila ba wala lang sa mga ito.
“Sige po Uncle pero paano po iyan wala naman po tayong aircon at iisa lamang po ang electric fan? Hindi po kasi ako sanay matulog na walang aircon or kahit electric fan lang eh. Okay lang po ba na matulog kayo na mainit, medyo maalinsangan pa naman ang panahon kaya baka mahirapan po kayo.” Wika muli niya sa lalaki.
“Okay lang, ikaw na lang mag-electric fan tsaka no choice naman ako eh. Ako yung makikitulog kaya syempre ako yung dapat magsapripisyo. Ayaw mo naman na katabi ako sa kama, safe ka naman sana sa akin eh. Hindi naman ako masamang tao at saka nakakahiya naman kung may gagawin ako sayo. Tapos tinatawag mo pa akong Uncle, kaya talagang maiilang ako sa iyo niyan. Pero sana naman mawala na yung pagtawag mo sa akin ng Uncle kasi mag-asawa na tayo. Nakakahiya tuloy feeling ko napakatanda ko ng masyado.” Wika ng lalaki sa kanya na pati ang pagtawag niya ng uncle dito ay na pansin na nito hindi kasi niya maiwasan.
Sobrang nakakahiya naman kasi kung tatawagin niya ito ng honey, nakakapanindig balahibo. Isipin pa lamang niya na tatawagin niya ito ng gano'n. Siya itong nasa katinuan ng pag-iisip kaya dapat lamang na siya ang gumawa ng paraan para maiwasan nila ang makasalanang bagay na iyon.
Pero iyon nga lang mukhang naiinis na rin ito sa pagtawag niya dito ng Uncle. Sabagay nagmumukha nga naman itong matanda sa kanya ng di hamak dahil sa ginagawa niyang pagtawag dito.
“Sorry na H-Hendrick nasanay lang kasi ako na u-uncle ang tawag sa mga nakakatanda sa akin. Tsaka alam mo naman hindi ba na ito ang unang araw tayong nagkita. Kaya hindi pa talaga ako sanay. Uhmm.. teka lumabas ka muna ng silid magbibihis lang ako tapos aayusin ko lang hihigaan mo para makahiga ka na rin anong oras na kasi, maaga pa tayo bukas.“ Sagot na lamang niya sa lalaki.
Mukha kasing nakalimutan na ng lalaki na hindi pa siya nakakabihis dahil talagang nakatitig na ito sa kanya tila naman natauhan ito sa sinabi niya at agad na nagpaalam sa kanya tsaka ito lumabas ng silid. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil makakapagbihis na siya sa wakas.
Pagkapinid ng pinto ng kanyang Uncle Hendrick ay minabuti niya na magbihis na ng mabilisan para maiayos na rin niya ang hihigaan nito. Yun nga lang wala manlang extra kutson sa silid na iyon.
Tanging comforter lamang at isang unan ang meron kaya kahit papaano ay nakukonsensya siya dahil alam niya kung ano ang lifestyle na meron ang kanyang Uncle Hendrick na ng dahil sa kasakiman ng kanyang mga magulang heto at nagsasakripisyo din ang lalaki.
Napatingin siya sa kama na nandoroon isa iyong queen size bed na sobrang sobra pa kung matutulog din doon ang kanyang Uncle Hendrick. Kahit magkatabi sila ay hindi pa rin sila magdidikit doon kaya lang kasi maiilang talaga siya na may ibang tao siyang katabi dahil kahit na babae ay ayaw na
Ayaw talaga niya may katabi sa higaan. Alam din iyon ng kanyang mga magulang pero ito nga ang sitwasyon na kinasadlakan niya. Na batid ng mga ito na mahihirapan siya pero wala na siyang magagawa dahil tapos na ang lahat.
Hinihintay na lamang ng kanyang mga magulang na matupad ang pangarap ng mga ito At iyon ay ang makuha o magpasasa sa kayamanan ng kanyang Unccle Henrik.
Medyo maalinsangan ang gabing iyon at sigurado na pagpapawisan ang lalaki pero hindi rin niya kayang isakripisyo ang kanyang sarili. Ayaw niyang ibigay dito ang electric fan dahil siguradong hindi siya makakatulog kapag wala nga siyang electric fan na nakatutok sa kanya.
Kaya minabuti niya na kumuha na lamang ng isang cartoon na nasa may gilid at inilagay niya iyon sa may ulunan ng lalaki para kapag nainitan ito ay papaypayan na lamang nito ang sarili.
Tiniyak niyang muna na okay ang lahat pati na ang kanyang hihigaan. Hindi masyadong malaki ang silid na iyon kaya naman sa may gilid ng kama ang ginawa niyang higaan ng kanyang Uncle.
Kesa naman sa may paanan ng kama na malapit na iyon sa cr. Para bang sinadya na malaking kama ang ilagay sa gitna niyon para siguro walang matulugang ibang lugar ang kanyang Uncle Hendrick. Pati na nga sofa na dapat meron din sa loob ng silid ay wala. Mukhang sinadya kaya naman wala siyang pagpipilian kundi sa may gilid ng kama ito latagan para mahiga.
Nang matiyak niya na maayos na ang lahat saka niya ito tinawag para pumasok na sa loob ng silid, Hindi na rin siya nag-abala pa na lumabas para inumin ang kapeng tinimpla nito dahil inaantok na rin talaga siya at isa pa baka kasi makarating sa kanyang mga magulang na tanghali siyang gumising.
Isa kasi iyon sa pinaka-hate ng kanyang mga magulang kaya dapat kahit na anong oras na siya natulog ay maaga pa rin siyang gigising. Kailangan niyang sundin iyon kaysa naman makatikim siya ng malulutong na mura at masasakit na salita mula sa mga magulang.
Maya-maya ay may kumatok na sa kanyang silid. Napalunok muna siya ng laway bago niya binuksan ang pinto. Nakangiting mukha ng kanyang Uncle ang kanyang nabungaran. Kinakabahan siya sa presensya nito, pero no choice naman siya kundi ang hayaan itong matulog sa silid niya.
ITUTULOY