Kabanata 6

1328 Words
“Hayyyss… Bakit ba sobrang green flag naman masyado ngayon ni Uncle Hendrick?” Naiinis na wika niya sa kanyang sarili. Sa totoo lang kasi sobrang layo talaga ng ugali nito sa dati nitong pag-uugali. Para sa kanya parang hindi ang kanyang Uncle Hendrick ang kanyang kasama ngayon. Alam kasi niya noon sa mga kwento na rin ng mga pinsan niya at mga kamag-anak nila sa side ng kanyang mommy ay mahilig sa babae ang kanyang Uncle Hendrick. Sabihin man na napakaistrikto nito at laging masungit pero mahilig daw talaga ito sa babae. Kahit may long time girlfriend daw ito na nasa ibang bansa ay hindi nito maiwasan na hindi maghanap ng fling. Iyon bang bagong babaeng gagawin lang nitong parausan. Kaya nakakapagtaka talaga, sobrang nahihiwagaan siya sa pag-uugali ng kanyang Uncle. Sabihin man natin na may amnesia ito pero kapag kasi alam mo yung tunay na ugali ng isang tao talagang maiibanhan ka kung paano ka nito tratuhin dati at paano na siya nito tratuhin ngayon. Pero ngayon, napaka gentleman na nito at tila ba iginagalang nito ang mga babae. Iyong tipong kahit na nakita siya na nakahubad na halos sa harapan nito eh wala man lang naging reaksyon ang katawan nito. Samantalang sa mga kwento ng kanilang mga kaibigan ay kapag gano'n daw, siguradong mababaliw na agad ang lalaki kapag nagkataong hindi sinasadya na makita ang mga dapat hindi makita nito. Pero ang kanyang Uncle Hendrick, parang normal lamang sa pagpupunas hindi lang niya alam kung bakit bahagya itong nanginginig kanina siguro dahil sa natatakot ito na baka mahawakan ang nakahantad niyang dibdib. Na taliwas sa dapat maramdaman nito dahil normal itong lalaki at isa pa hindi naman nito alam na pamangkin siya nito. Kaya dapat maaakit man lang ito kahit konti sa kagandahan niya. Pero agad na natampal niya ng wala sa oras ang kanyang sarili dahil na-realize niya na bakit yata parang naiinis pa siya na walang ginawa sa kanya ang kanyang Uncle Hendrick kahit na halos nakahubod na siya sa harapan nito. Dapat nga maging masaya pa siya dahil mukhang ginagalang nga siya ng lalaki at ligtas siya sa dapat na mangyari sa mga mag-asawa. “Yucckk… Alondra! Kadiri ka sa mga iniisip mo!” sita niya sa kanyang sarili. Muli niyang pinagmasdan ang kanyang hubad na katawan sa salamin. “P-Pero Hindi nga ba attractive ang katawan ko kaya parang wala lang sa kanya? Sexy naman ako, malusog naman ang hinaharap ko, tsaka wala naman akong peklat ah.” tila timang na kausap niya sa kanyang sarili. Tsaka niya iniaangat ang dalawa niyang braso at tig-kabilang inamoy ang kanyang kilikili. “Ohh.. Wala rin naman akong anghit o kahit na nga amoy pawis man lang wala eh… hayyyy… Isa lang ang sagot talaga diyan. Siguro hindi talaga ako attractive para sa kanya, baka nga ang tingin niya sa akin eh bata. Sabagay napakalayo nga naman ang agwat ng edad naming dalawa.” Nanunulis pa ang nguso na kausap niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Pero maya-maya ay parang timang na tinakpan niya ang kanyang bibig at medyo nanlalaki pa ang kanyang mga mata. “Hala eh bakit ko ba pinoproblema na hindi napansin ni Uncle Hendrick ang katawan ko?” Muling tanong niya sa kanyang sarili tapos bahagya pa siyang kinilabutan dahil sa kanyang iniisip. Hindi kasi katanggap-tanggap ang naglalaro sa kanya isipan at sa kabaliwan niyang iyon heto at para bang naninikip tuloy ang kanyang dibdib at bahagya pang nag-iinit ang kanyang katawan. “Maghunos dili ka Alondra, kung hindi ka ba naman baliw!” inis na wika ulit niya sa kanyang sarili at parang baliw na kinakausap talaga ang kanyang sariling repleksyon sa salamin with action pa nga. Maya-maya ay minabuti niya na ilabas na lamang ang kanyang towel mula sa kanyang maleta na mismong kanyang mga magulang ang nagdala sa bahay na iyon. Hindi nga niya alam na may mga gamit na pala siya doon na para bang pinagplanuhan na ng mga ito ang lahat. Naglabas na rin siya ng panibago niyang pantulog para makapagbihis. Mainit pa naman kanina kaya hindi maiwasan na maligo siya sa pawis. Kaya lang kasi kanina hindi siya nag-shower dahil iniisip niya na baka doon din tutuloy sa silid na iyon ang kanyang Uncle Hendrick. Pero sobrang nagpapasalamat nga siya ng mabatid niya na ang silid na ginamit nito ay iyong silid sa kabila na kakatabi lang din naman ang kanyang silid. Ngunit ang alam kasi niya, ang silid na tinutuluyan niya ay ang master bedroom at akala niya ay doon mag-i-stay din ang kanyang Uncle dahil nandon ang mga gamit. Ngunit ayon nga siniguro nito sa kanya na hindi ito doon matutulog at hahayaan siya doon na mag-isa para sa privacy nilang dalawa. Ilang sandali lang ay nakababad na siya sa bathtub parang may naka-ready na kasi doon, may mga petals pa nga ng rose sa loob at natitiyak niya na iyon ay pakana ng kanyang mga magulang. Para bang iniisip na ng mga ito talaga na maliligo silang dalawa sa loob ng cr na iyon. At magkakaroon ng maiinit na tagpo doon, base na lang sa pagkakalagay ng mga petals at candles. Napailing na lang siya at nainis sa mga pakulo ng kanyang mga magulang. Pero bigla ay parang bang sumagi sa kanyang isipan kung sakaling may mamagitan sa kanila ng kanyang Uncle. Ang makisig nitong braso, ang matipunong dibdib nito na parang napakasarap sandigan. Ang mga abs nitong parang napakasarap hawakan. "Hayyyy.... Pano nga kaya kapag nagkagano'n?" Parang wala sa sariling wika niya tsaka marahang hinaplos ang dalawang bundok niya sabay pisil sa malarosas niyang dalawang dunggot doon. Kakaiba ang hatid ng ginawa niyang iyon sa sarili. "OMGGGG! Wake up Alondra, nahihibang ka na naman!" Bigla niyang suway sa kanyang sarili. At agad na umahon sa bathtub na iyon para mawala na ang kalokohang naglalaro sa kanyang malaswang isipan. Minabuting tapusin na agad niya ang paliligo, naalala din kasi niya na ipinagtimpla nga pala siya ng kanyang Uncle ng panibagong kape. Baka hinihintay siya nito sa terrace. Naalala niyang iniwan nga pala niya ang towel sa ibabaw ng kama. Kaya minabuti niyang maglakad na lamang ng nakahubad dahil tiwala naman siya na mag-isa lamang sa kanyang silid. Kaya naman wala siyang pag-aatubiling lumabas ng bathroom ng wala ni anumang saplot habang ang kanyang buhok naman ay pinipiga gamit ang maliit na towel na para sa buhok. “Honey bakit ang….. Ohhh sh****tttt!!!” Biglang wika ng kung sinong pangahas na nagbukas ng pintuan. “Ay anak ng tipaklong!” Bulalas naman niya habang nanlalaki ang mga mata at agad na tinakbo ang tuwalya na nasa ibabaw ng kama. “Uncle naman eh!” palatak niya dito habang hindi maganda totoo na takpan ang kanyang kahubaran. “S-Sorry akala ko kasi nakatulog ka na…. At…. uhhmmmm….” “Uhhmmm what?!” naiinis na sita niya dito. Pano ba naman nauutal ito na ewan, nakakainis kasi… Bakit kailangang, pumasok ng basta at ni hindi kumakatok. “A-Ano kasi, naka-lock iyong silid diyan sa katabing room. Hindi ko alam paano na-lock eh, kaya sasabihin ko sana sayo na kung inaantok ka na huwag mo lang i-lock itong pinto.” kandabulol na wika nito. Pero iniiwas nito ang paningin siguro hindi nito nais makita ang kanyang kahubaran o baka naman wala lang talaga dito ang alindog niya. “Ha? Paanong naka-lock tsaka bakit ko naman hindi ila-lock itong pinto ng room ko, eh room ko ito hindi ba?” Kunot noong tanong niya dito. “Hindi ko nga rin alam kung bakit naka-lock na eh samantalang pumunta pa ako doon kanina. Tsaka kaya hindi ko ipinapa-lock sayo syempre wala akong tutulugang iba kaya dito ako matutulog sa kwarto mo.” wika nito sa kanya. “ANO DITO?!” Bulalas niya na bahagya pang nanlalaki ang mga mata. Tumango naman ng bahagya ang lalaki tsaka napakamot pa ito sa ulo na tila nahihiya sa kanya dahil sa naging reaksyon niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD