THE THIEF (CHAPTER 4)

3381 Words
CHAPTER 4   Tuluyan na akong iniwasan ng lalaking unang minahal ko. Mahirap, masakit at halos para kong ikamatay ang bawat pagdaan ng araw na di ko siya kasama o nakakausap. Bumaba ang timbang ko. Napabayaan ko ang pagtuturo ko hanggang tuluyan akong natanggal dahil na rin sa mga kumakalat na video na pagwawala ko sa bar at ang pagwawala ko sa mismong apartment nina Mark. Pinagpistahan nila ang buhay ko. Kinutya ng netizen ang katangahan ko. Napakaraming basher sa f*******: ko. Pinagtatawanan nila ang aking pagkatao. Nag-deactivate ako para lang tigilan na nila ako. Hindi ako nag-f*******: ng Ilang buwan para lang makaiwas na mabasa ang kanilang mga pamba-bash. Ang lahat ng sakit na ginawa ni Mark sa akin ang naging sandata ko para makapag-move on. Buwan din ang binilang bago muling nakabangon. Tinanggap ko na lang na hindi na nga ako babalikan pa ni Mark. Na hindi naman talaga niya ako minahal. Na pera-pera lang namang yung sa amin. Ako lang yung tangang nagmahal. Ang nagpakagumon sa di naman talaga akin. Nang pakiramdam ko, okey na uli ako. Naisipan kong mag-aaply na uli ng trabaho. Natanggap ako bilang IT sa isang malaking telecom company. Mas malaking sahod, mas magaang buhay. Nakalimutan ko na ang pagmamahal kay Mark ngunit hindi ang sakit ng kanyang ginawa sa akin. Ang tanging alam kong paraan para gantihan siya ay ang ayusin ang aking buhay. Gusto kong ipakita na hindi pa din ako talunan. Gagantihan ko siya sa paraang lalo pang pagpapayaman. Umayos ang buhay ko kasabay ng pag-angat ng aking career. Hindi nga talaga natutulog ang Diyos. Pinagpapala niya ang mga sinaktan at inapi. Napalitan ko ang lumang kotse ko na namana ko pa sa aking mga magulang. Isang magara at mamahaling SUV ang napili ko.  Nang minsang may nakita akong nagtitinda ng buko juice ay ipinarada ko ang aking sasakyan. Ibinaba ko ang salamin para bumili. “Kuya, pabili hong buko juice.” “Tigsampu po ba o… Clyde?” nanlaki ang mga mata ng nagtitinda ng buko. “Tang-ina, ikaw nga Clyde!” Napalunok ako. Hindi ko inaasahang makita ko siyang muli sa ganoong pagkakataon at sa ganoon niyang sitwasyon. Natameme ako. Wala akong maapuhap na sasabihin. Itinaas ko ang aking salamin. Bumunot ako ng malalim na hininga. Nagulat lang ako sa biglaan naming pagkikita. Kinatok niya ako. Bakit nga ba ako iiwas? Bakit ako ang kailangang mahiya? “Mark.” Tumango lang ako. “Yung buo na lang, lagyan na lang sana ng straw kung meron?” magalang kong sabi. “Okey.” Matipid niyang sagot. Pinagmasdan ko siya habang kumukuha siya ng isang buong buko sa kariton niya. Wala na yung kapogian nito. Bungal na siya at sunog na ang kanyang balat. Sadyang napakabilis ng karma. Ang dating hinangaan kong kakisigan at kapogian niya ay pinanis na nang panahon at hirap ng buhay. May naulinigan akong iyak ng bata. Hinanap ko kung saan galing iyon. Nakita ko ang kasama niyang babae na noon ay may kargang sanggol bukod pa sa isang batang humihila sa blouse niya. Ang dating magandang girl friend niya, ngayon ay parang magbabasura na lamang. “Magkano?” tanong ko. “35 lang Clyde.” “Heto. Ingat at baka matapunan ka.” Magalang niyang pag-abot sa akin sa buko. Nakita ko ang panginginig niya. Hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso. “Hinahanap kita e. Kumusta na.” pinunasan niya ang kamay niya sa likod ng kanyang maong at kupasing short. “Bayad oh.” Inabot ko sa kanya ang isangdaan. “Keep the change.” Itinaas ko ang salamin ng aking kotse ngunit kumakatok siya. Ibinaba ko muli ang salamin. “Yes?” tanong ko. “Kumusta na? Baka pwedeng makuha ang number mo.” “Para saan?” “Para namang wala tayong pinagsamahan niyan e.” “Meron ba?” Pinilit pa rin niyang ngumiti. Kita ko ang kanyang pagkabungal. Biglang naisip ko kung ito na ba yung lalaking iniyakan ko noon at halos ikamatay. Hindi pala talaga siya worth. “Big time ka na pala talaga. Sa dati ka pa din ba nakatira?” “Pinaparentahan ko na ‘yon.” “Kaya pala iba nang nakatira nang pumunta ako do’n.” “Pumunta ka ro’n?” “Oo. Nagbabakasakali lang na hanapin ka.” “Hanapin ako? Bakit?” “Wala lang, baka lang…” “Baka lang pwedeng maging tayo pa? Baka lang babalikan pa kita?” “Oo, alam ko namang mahal mo talaga ako e.” “Yung isang bakla mo, anong nangyari.” “Wala, kumalas din nang araw na inaway mo sa bar. Lalo na nang nalaman niyang nabuntis ko na si Lhyne.” “Lhyne? Yang asawa mo?” “Oo. Ano kita tayo mamaya?” “Mark, hindi sa iniinsulto kita ha pero tignan mo nga hitsura mo at hitsura ko, hindi ka ba nakaramdam man lang ng panliliit o kaya di ka ba tinatablan man lang ng hiya?” matapang kong sagot. Iyon na hiihintay kong pagkakataon. Ibiibigay na ng langit sa akin na ibalik sa kanya ang lahat ng sakit na ipinadama niya sa akin nang panahong hawak pa niya ang buhay ko. “Mark ano ba! May mgabibili. Yung mga anak mo, gutom na wala pa tayong kita. Punyetang buhay ‘to oh!” singhal ng asawa niya. “Tang-ina naman, sandali lang! Sampalin kita diyan e!” Napailing ako. Huminga ng malalim. “Batuhin ko yang sasakyan na ‘yan punyeta ka!” singhal pa rin ng babae. “ Tang ina mo! Anong ginagawa mo diyan, ikaw ang magbenta!” Muli kong itinaas ang salamin ng aking sasakyan. Kahit pa kinakatok niya ako ay inabante ko na ang aking sasakyan. Kitang-kita ko pa ang lakad-takbo niyang paghabol sa akin. Itinapon ko sa nakita kong drum ang binili ko sa kanyang buko juice. Justice had been served. Bulong ko sa aking sarili.   Ngunit sadyang hindi ka talaga napapasaya ng career mo lang at pera. Nang naghilom ang sugat at alam kog naghihirap na si Mark ay muli kong binuksan ang puso ko sa ibang tao. Minsan mapaglaro talaga ang tadhana. Makikilala mo ang taong mamahalin mo minsan sa mga lugar na di mo inaasahan. Sa Comfort Room ng mall ko nakilala ang pangalawang pag-ibig ko. Para siyang lango sa alak noon dahil nakalabas nga ari niya na nakatutok sa urinal pero medyo nakaharap sa akin. Nakapikit siya. Napatitig ako noon sa alaga niyang sadyang talagang malaki at mataba. Hindi maugat katulad ng iba. Para akong asong laway na laway sa buto. Titig na titig ako dahil gusto kong ma-picture iyon sa utak ko. Biglang dumilat ang estrangherong lalaki at huli na nang ibaling ko sa iba ang aking paningin. Nakikiramdam siya dahil ang namumungay niyang mata ay nakatingin sa akin. Hindi ko na siya noon maiwan lalo pa't nakita ko na ang napakagandang hubog ng alaga niya, patay na patay ako sa lalaking-lalaki niyang tindig. Dahil may hitsura ako kaya nagiging pihikan din ako sa pagpili sa panlabas na anyo ng lalaking aking magugustuhan. Ang sa akin noon, basta guwapo at lalaking-lalaki, magiging patok iyon sa akin. Para makaiwas ako sa kanyang mga malalagkit na tingin, mabilis akong humarap sa salamin. Nagkunwarian akong inaayos ang buhok ko. Sumunod din siya habang inaayos niya ang kaniyang pantalon. Tinignan ko siya sa salamin. Tumingin din siya sa akin. Ako ang unang nagbaba ng tingin dahil kahit papaano ay nakaramdam din ako ng hiya at takot. Mukha kasing lasing pa siya. Ngunit sadya yatang may kapusukan talaga ako. Naghugas ako ng aking kamay at pasimple ko siyang tinignan ngunit nasa tabi ko na siya. "Pasensiya ka na sa nakita mo kanina tol. Medyo hilong-hilo pa ako galing sa party." Buo ang boses. Lalaking-lalaki. Kinilig ako. "Ayos lang." matipid kong sagot. "Di bale, pareho naman tayong lalaki ano?" binuksan niya ang faucet sa harap niya at naghugas ng kamay. Patapos na din ako noon kaya tinungo ko ang lagayan ng tissue na malapit sa kaniya. Ngunit halos nagkasabay pa ang mga kamay namin. "Sige, ikaw na muna." Magalang niyang sambit. "Salamat." Sagot ko. Pagkatapos naming mapunasan ang aming mga kamay at tatalikod na sana ako nang narinig ko siyang muling nagsalita. "Raymond nga pala pangalan ko tol. Ikaw?" nakangiti siya. Buo ang mapuputi niyang ngipin. Lalo tuloy siyang pumogi sa paningin ko. Nakita kong nakalahad na ang kaniyang kamay. "Clyde." Inabot ko ang palad niya. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil. “Clyde,” tumango siya. “Magandang pangalan.” “Sige, Raymond. Una na ako.” Lumabas na ako ng CR ngunit sumabay siya sa akin. "May place ka?" diretsuhan niyang sagot. "Ha? Anong place?" hindi sa hindi ko alam ang tinutumbok niya. Nagulat lang ako na diretsuhan niyang pagsasabi ng ganoon sa akin. "Room? Condo? Bahay?” “Bakit?” “Sorry, baka nagkakamali ako ng akala pero nakita ko kasi kung paano ka tumingin kanina sa akin." Napakunot ako ng noo. Hindi ko kasi alam kung kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Muli akong naglakad at sumabay pa rin siya sa akin. "Okey. Sorry. Mali nga ako ng akala.” Tumango lang ako. “Nice meeting you, Clyde." Umiba na siya ng direksiyon. Parang bigla na naman ako nataranta. Paano kung siya na nga at ito lang yung chance na magkrus ang aming landas? Hindi ko basta pwedeng pakawalan ang isang pagkakataon. Hindi maaring pagsisisihan ko ang sandaling ito. "Ahm, Raymond, right?" Tawag ko. Hindi siya lumingon. Mukha yatang hindi na ako narinig. Binilisan ko ang aking paglakad para habulin siya. "Raymond! Wait!" Hinawakan ko ang braso niya. Mainit iyon. May kung anong kuryenteng naglakbay papunta sa akin. Huminto muna siya sa paghakbang. Lumingon at ngumiti. Kinindatan niya ako. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. “Bakit?” “You were asking kanina, if may place ako, right?” “Yes, I did.” “Yeah, meron ako.” “And?” “Baka lang gusto mong makita?” “Ah okey, sure.” “Let’s go.” Nasa pintuan palang kami ng aking condo ay bigla ko na lang siyang niyapos. Nagtagpo an gaming mga labi. Palaban din siya. Ginawa niya akong parang babae. Siya ang naghubad sa aking damit. Siya din ang masigasig na rumomansa sa akin. Nagkalat an gaming mga sapatos, medyas, pantalon, brief at tshirt sa floor papunta ng aking kama. Doon ay pareho na kaming walang kahit anong saplot na naiwan. Ramdam kong ang mainit at hubad niyang katawang dumampi sa akin. Siya ang agresibong umibabaw sa akin. Naramdaman ko ang kanyang dila at labi sa aking dibdib. Nakikiliti at napapahalinghing ako sa sarap ng ginagawa niya sa aking mga u***g. Napapamura ako sa pagdaan ng dila niya sa aking tagiliran papunta sa aking maputing singit. Tumitirik ang aking mga mata sa kanyang pagdila sa aking mga hita hanggang sa pilit na niya akong pinadadapa. “Condom, may condom ka?” bulong niya sa akin habang dinidilaan niya ang aking tainga. Hindi ako sumagot pero inabot ko sa kanya ang condom na mabilis kong kinuha sa drawer sa tabi ng kama. Hindi ko na iyon nagawang isara pa kahit naroon ang aking mga mamahaling alahas at cash. Naramdaman ko na lamang ang kanyang pagpasok sa akin. Dahan-dahan. Pulidong-pulido. Hanggang sa naramdaman kong isinagad na niya iyon. HInahalikan niya ako sa labi habang maingat siyang umiindayog. Nilalaro niya ang akin habang nakaluhod ako pataliko sa kanya. Bumilis na bumilis ang kanyang pagbabayo. Bumilis din ang kanyang paglalaro sa aking alaga. “Lapit na ako ohhh! Sabayan mo akohhh! Sabay tayoooh!” ungol niya. Hanggang sa naramdaman kong idiniin niya ang kanyang alaga sa akin at ako man ay tumulong na din para mapadali din ang aking pag-abot sa rurok ng kaligayahan. Segundo lang ang agwat naming. Halos sabay naming naabot ang kaligayahan. Ibinagsak naming an gaming katawan sa kama na may ngiti sa labi. Our first s*x was indeed great. Pinagmasdan ko siyang nakatihaya. Nagawa niya ang hindi nagawa ni Mark sa akin noon. Niroromansa niya akong parang babae. Hinahalikan niya ako sa buong katawan maliban sa isubo ako. Hindi siguro niya kaya pero sapat na sa akin na pinaliliguan niya ang buo kong katawan ng nakakakiliti at masarap niyang halik. Iyon para bang sinasamba niya ang buong katawan ko habang niroromansa niya ako. Masarap din ang ginawa niyang pagpasok sa akin. Hindi ko naramdaman ang hapdi. Hindi ako natakot sa laki no’n. magaling siya sa kama. Hindi ko alam kung kababawan ngunit dahil doon ay nakuha niya ang kiliti ko. Iba naman ang kuwento ng buhay ni Raymond. Pinag-aral daw siya sa Maynila ngunit nabarkada hanggang tuluyang nadrop-out sa pinapasukang university. Nalaman iyon ng kaniyang mga magulang kaya itinigil ang pagpapadala sa kaniya ng allowance niya. Sa barkada at  sa inuman kasi nauubos ang pera niya. Nang araw na nakilala ko siya ayon sa kaniya ay pinalayas siya ng kaniyang inuupahang kuwarto dahil wala na siyang maibayad. Wala na din siyang malapitan sa mga kaibigan niya. Kinaibigan lang daw naman yata siya nang meron pa siya at nang natigil ang sustento sa kanya ng mga magulang niya ay bigla na din silang nawala. "Can I stay here for a couple of days?” “Sure.” Mabilis kong sagot. “Lilipat din ako kapag makahanap na ako ng trabaho." "Ano ka ba, hindi naman kita pinaalis ah. Lalo na't wala din naman akong kasama dito sa bahay." "Thanks.” “No worries.” “Ayaw ko lang kasi munang uuwi sa probinsiya." "E, di dumito ka na muna habang naghahanap ka ng trabaho." "Salamat Cylde." Niyakap niya ako. Nagsimula na naman siyang halikan ako. Nilalabas niya ang kaniyang dila na para bang kinikiliti nito ang pang-itaas kong labi hanggang sa maglalakbay ang kaniyang dila sa aking leeg at magagawi sa aking dibdib. Didila-dilaan niya ang aking u***g habang nilalaro niya ang aking alaga. At kung tuluyan na akong tinitigasan ay saka bababa ang kaniyang dila sa aking tiyan hanggang dadaan ito sa aking mga hita. Muli niyang idadaan ang kaniyang dila sa aking tagiliran hanggang sa muling lalaruin ng kanyang dila ang aking u***g. At pagkatapos noon ay ako na ang parang nagwawala sa kakaibang sarap na pinalalasap niya. Ako ang magiging agresibo. Ako ang iibabaw sa kaniya at gagawin ko naman sa kanya ang kaniyang ginagawa. Isusubo ko siya ng buum-buo habang nilalaro niya ang aking alaga. Saka niya ako sasabihan kung malapit na niyang marating ang tugatog ng sarap para sabay namin itong mararating habang matiyaga niyang hintayin ang aking pagsuko. Siya sa aking bibig at ako sa kaniyang mga kamay. Naging masaya kami sa mga sumunod na araw. Nabago ang schedule ng aking trabaho. Ginawa akong panggabi kapalit ng mas mataas na sahod at position. Dahil pang-gabi na nga ako, maiiwan ko siya at sa madaling araw na ako nakakauwi. Nang unang mga Linggo ay puwede ko lang siyang gisingin para ipaghain niya ako. Pagkatapos niya akong ihainan ng pagkain ay katawan niya naman ang kaniyang inihahain sa akin. Nakakaya ko pa namang gawin iyon dahil mas mabilis na akong makatulog dahil sa pagod sa trabaho at sarap ng aming pagtatalik. Pangatlong buwan na nang sa madaling araw ay umuuwi akong naabutan ko siyang lasing na lasing at sa sofa na lamang siya nakatutulog. Inaakay ko na lamang siya sa kama. Bumabawi din naman siya bago ako pumasok sa trabaho sa gabi. “Bakit hindi ka na nakapasok ng kuwarto?” bulong ko sa kanya. “I’m sorry. I’m wasted.” Bulong niya. Inalalayan ko na lamang siya hanggang sa aming kama. Kumuha ako ng tuwalya at mainit na tubig. Pinunasan ko siya. “Clyde?” bulong niya. “Yes, I’m here.” “Do you know how much I love you?” “Talaga?” “Yes, I love you.” Hindi ko alam pero napaluha ako nang marinig koi yon. “Ohh, he’s crying. Are you crying?” “No.” pinunasan ko ang luha ko. “You don’t need to cry. I am always here for you basta huwag mo akong palalayasin at ipagpapalit ha?” “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” “Kasi you know, I am always sober and wasted.” “Okey lang ‘yon basta ba ako lang.” “Of course naman. Ikaw at ikaw lang.” Hinila niya ako at hinalikan sa labi. Nagpaubaya ako. “I love you Ray,”bulong ko. “I love you more.”sagot niya Sa bisig niya ako nakatulog na may ngiti sa aking labi. Tanda na kuntento na ako sa pagmamahal na ibinibigay niya kahit pa sabihing hindi siya perpekto.   Kung noon ay nagsasabi siyang maghahanap ng trabaho, nang mga sumunod na buwan ay hindi ko na siya naringgan pa tungkol doon. Hindi ko alam kung balak ba niya talaga magtrabaho o nasasarapan na siya sa buhay na ibinibigay ko. Sa akin, wala namang problema sa ganoon basta ba ibigay din niya ang hilig ng katawan kong tanging siya lamang ang nakapagbibigay. Sa ilang buwan naming pagsasama ay alam kong minahal ko siya. Malayo sa karanasan ko noon kay Mark. Kay Raymond, wala akong kahati, wala akong kinatatakutan na kasiping o kasama niya sa tuwing hindi kami magkasama. Naniwala ako noon na dumating na nga ang taong para sa akin. Hindi man siya nagtratrabaho, hindi ko man siya maipagmamalaki sa aking mga kaibigan ngunit sapat na na masaya ako sa piling niya. "Mako, pwede bang dito na lang kami mag-inuman ng mga tropa ko mamaya?" tanong niya sa akin bago ako pumasok sa trabaho. Siya ang namili ng tawagan namin. Mako. Shortcut daw ng Mahal Ko. Kinikilig pa din ako sa tuwing tinatawag ako ng ganoon. "Sige, dito na lang kayo basta behave lang Mako ha?" "Oo naman. Mag-aapat na buwan na tayo Mako. Wala ka pa bang tiwala sa akin?" "Nagtitiwala naman ako sa'yo pero syempre hindi ko pa naman ganoon kakilala ang mga kaibigan mo." "Basta Mako. Ako ang bahala. Wala kang dapat ikatakot. Pahalik nga ako sa Mako ko?" "Mwah! Sarap!" saka niya ako kikilitiin hanggang sa hindi ako makahinga. Ang minsan inumang iyon kasama ng mga barkada niya ay naging palagian na.  Ang pagtambay ng kaniyang mga tropa sa aking bahay ay hindi na nakakatuwa ngunit hindi ako nagreklamo sa kanya. Wala siyang narinig sa akin. Lalo pa't nililinis naman niya ang kanilang mga pinag-inuman. Nauubos lang ang stock naming pagkain sa ref at iba pang groceries naming ngunit ayon lang sa akin iyon. Basta ang mahalaga sa akin ay ako lang ang karelasyon niya at wala ng iba pa. Nag-iiwan ako ng pantoma nila pati pampulutan basta huwag na huwag siyang aalis ng bahay. Dahil sa kaniyang pagmamahal ay ipinagkatiwala ko ang lahat-lahat sa kaniya. Alam niya din kung saan ko inilalagay ang aking kaperahan, atm at iba pang mga mamahaling gadget ko. Dahil ni singko naman ay hindi niya ginagalaw ay nagiging kampante ako. Minsan nga dahil sa pagod ko at wala na din akong oras na mag-grocery at mamalengke ay siya na din lang ang naglalabas ng pera sa atm ko. Naibibigay niya sa akin ang pera na walang kulang kasama ng resibo ng kaniyang mga pinamili. Noon ay alam kong siya na nga ang lalaking para sa akin. Ang lalaking siya kong mamahalin habang buhay. Hanggang isang madaling araw na umuwi ako galing sa trabaho ay nakabukas na ang bahay. Kinabahan ako. Hinanap ko siya baka lang nakaligtaan niyang isara dahil sa kalasingan. Ngunit wala siya sa sala, sa kusina, sa kwarto pati na rin sa beranda at banyo. Mabilis kong tinignan ang alahas sa drawer ko at ang cash ko doon ngunit wala na. Tinawagan ko siya ngunit out of coverage area na ang phone niya. Pati ang kanyang f*******: ay deactivated na. Naglaho na siya kasama ng iba ko pang mamahaling kasangkapan. Hindi pa din ako naniniwala noon na nagawa sa akin ni Raymond ang bagay na iyon sa akin. Nalimas na lahat ng gamit ko, lahat ng naiwang cash sa aking pinaglalagyan at pati ang atm ko na iniwan ko sa kaniya dahil sinabi niyang kailangan niyang maggrocery para sa pagkain namin ng buong Linggo. Hindi na niya pinatawad pati ang mamahalin kong mga damit, sapatos at gadgets. Nilimas ng pangalawang lalaking minahal ko at pinagkatiwalaan ang lahat ng pwedeng ibenta. Nanghina ako noon. Nang una ay hindi ko magawang umiyak dahil sa pagkabigla. Naupo ako sa sahig. Nanginig ang tuhod ko at nanlamig ang buo kong katawan. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang luhang umagos sa aking pisngi. Umiyak ako dahil ganoon lang ang isinukli niya sa tiwalang ipinagkaloob ko sa kaniya. Tiwala at pagmamahal ang isinugal ko pero iyon pa ang ganti niya sa akin. Nasaktan ako ng sobra-sobra at ipinangako ko sa aking sariling hindi ko na hahayaang mahulog pa sa isang straight. Hinding-hindi na ako magpapakatanga. Mahirap ngunit sinikap kong muling tumayo sa sarili kong mga paa. Kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Kailangan kong muling lumaban. Nagawa ko na ito noon kay Mark, magagawa ko uli kay Raymond.   Dahil sa mga nangyaring iyon ay natutunan kong umiwas na muli pang magkagusto sa mga straight. Madami naman ang nagkakagusto sa akin lalo na sa mga katrabaho ko ngunit pihikan lang siguro talaga ako lalo na kung mas bakla pa sa akin ang nagkakagusto. Turn-off ako sa kilos beki o kaya ay boses k**i. Kahit pa gaano kaguwapo kung halatang-halata ang kaniyang kabaklaan ay hindi ko talaga mapilit ang sarili kong magustuhan. Ngunit nakikipaglaro ako. Naghahanap ng per-kilo. Puwedeng makipag- one night stand pero huwag muna sa relasyon. Hindi na muna ako nangmahal ng basta-basta. Iwas ako sa straight. Gusto kong masubukan sa mga paminta. At higit isang taon mula nang nagawan akong pagnakawan ni Raymond ay may dumating na namang bago sa buhay ko. Ang lalaking siyang pupuno at nagig malaking bahagi ng aking buhay. Lalaking siyang nagpadama sa akin ng tunay nang pagmamahal.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD