bc

Open Relationship

book_age18+
754
FOLLOW
2.3K
READ
drama
tragedy
sweet
bxb
heavy
serious
mystery
betrayal
cheating
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang pagkakagustuhan ay nagsimula lang sa isang chat? Isang one night stand na "No String Attached" pero tuluyang nagkagustuhan. Sa sunud-sunod na pinagdaanan na pagkabigo ni Clyde, hindi na siya naniniwala pa sa tunay na pag-ibig, ngunit si Jinx na minsan lang nagmahal, naniniwala siya sa mmonogamous relationship. Paano kung handang magmahal ang isa ngunit ang isa ay laro na lang lahat dahil sa mga sakit at pagkabigong pinagdaanan? Paano maitatama ng tunay na pag-ibig ang maling kinasanayan nang pusong mapaglaro? Posible pa ba sa mga alanganin ang monogamous relationship o dapat buksan ang isip at puso para yakapin at tanggapin na ang Open Relationship para maiwasang magkasakitan sa huli. Tunghayan ang isang kakaibang kuwento ng pag-ibig na siyang pupukaw sa kamalayan at tataakay tungkol sa sakit na AIDS/ HIV.

NOTE FROM THE AUTHOR: PLEASE READ EVERYTHING I HAVE, CHAKKA, NANG LUMUHOD SI FATHER AT STRAIGHT BAGO SIMULANG BASAHIN ITO DAHIL ANG MGA IYON ANG UNANG BOOK NG NOBELANG ITO. BASAHIN AYON SA NABANGGIT NA PAGKAKAAYOS.

chap-preview
Free preview
ENDING A RELATIONSHIP (PROLOGUE)
 Open Relationship  AUTHOR'S NOTE Kung minahal mo ang tambalang Gerald at Mario ng Everything I have, nina Lando at Terence sa Inibig mo’y Pangit, Rhon at Aris ng Nang Lumuhod si Father, Straight na kinatatampukan nina James at Xian, paniguradong mamahalin at iiyakan mo din ang kuwento nina Jinx na kapatid ni James at ang kanyang buhay pag-ibig kay Clyde. Ito ang huling aklat nang mga nasabing mga nobela. Dito ay muling matutunghayan ang mga inibig at iniyakan ninyong mga tauhan sa mga nasabing kuwento ng pag-iibigan. Muli silang samahan sa huling aklat na ito kung saan naglalahad ng tunay na nangyayari sa buhay ng relasyong lalaki sa lalaki. Isasalaysay dito ang fidelity, love and trust at alam kong siyang sumasalamin sa totoong takbo ng relasyon ng karamihang mga bakla. Prologue Clyde Point of View   "Di ko na kaya!" galit na galit na singhal ni Jinx sa akin. “Sobra na ang ginagawa mo sa akin, hindi na tama! Hindi na makatao!” Minabuti ko paring hindi magsalita. Pagod na ako. Ayaw ko nang sumagot. Para lang kasi paulit-ulit ang aming pinag-aawayan. Ano naman ang isasagot ko? Katulad parin ba ng dati? Gagawain ko pa rin ba ang lahat ko nang nagawa? At pagkatapos naming magsigawan at mag-away, aamuin ko siya, yayakapin at hahalikan? Nakakasawa na rin. Kung hindi na niya kaya, aba e, mas lalong ganoon din naman ako! Pero sa madalas naming pag-aaway nauuwi rin lang sa pagkakaayos at ano ang kasunod? Kakalimutan ang sanhi ng di matapos-tapos naming bangayan. Ilang araw ang dadaan, muling gagawin ang sanhi ng palagi naming pinagtatalunan. "Ano na! Sumagot ka naman! Pinagmumukha mo na kasi akong tanga. Clide, ano ba ako sa’yo? Ano na lang ba ako?” Nanatiling tikom ang aking mga labi. Naglagay ako ng headset sa aking tainga. Namili ng magagandang kanta sa Spotify at pilit kong nilakasan iyon nang hindi ko na marinig pa ang kanyang pagdadrama sa akin. Bigla siyang lumapit. Hinablot niya sa tainga ko ang aking headset. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kailangan kong kumalma. Ayaw kong darating sa puntong magkakapisikalan pa kaming dalawa. “Kausapin mo ako ng para naman ako hindi nagmumukhang tanga." singhal niyang muli sa akin. Nakita ko sa kaniyang mukha ang nagpupuyos niyang damdamin. Tumayo ako at tinungo ang pintuan. Mas tumindi ang nararamdaman kong inis. At kung hindi pa siya titigil sa kasisinghal sa akin ay baka hindi ko na rin makontrol ang aking sarili. Masasapak ko siya panigurado. Kilala ko si Jinx, kung kakantiin mo siya, paniguradong gaganti siya. Magkakasakitan lang kami kami. Ayaw kong magkasalubong ang galit namin kaya minarapat kong ako na muna ang iiwas. Pagbukas ko palang ng pintuan ay hinawakan niya ang balikat ko at marahas niya iyong hinila. Napaharap ako sa kaniya. Nanatiling walang reaksiyon ang aking mukha. Mistulang manhid. Pakiwari ko'y pagod na pagod na rin ako. Hindi lang pagod na pagod, sawang-sawa na sa mag ganitong bangayan. "Ano ha! Lalayasan mo ako? Hindi ka na nga lang sumasagot, lalayasan mo pa ako! Ginagawa mo kasi akong tanga!" Tinulak niya ako pabalik sa loob. Hindi man kalakasan iyon ngunit dahil nawalan ako ng balanse kaya ako natumba at tumama ang ulo ko sa gilid ng mesa. “Putang-ina! Putang- ina mo! Tumigil ka! Umiiwas na ako kaya please lang tumahimik ka na!” sigaw ko sa kanya. Parang sa isang iglap ay sumambulat ang sinusupil kong galit. Sumasabog na ang dibdib ko. Tuluyang namula ang aking mukha, sumungaw ang luha at noon ay tuluyan ng bumulwak ang naipong galit sa aking dibdib. Sa tulad kong naiinis na't napupuno at ganoon ang gagawin ay hindi puwedeng hindi makaganti. Mabilis akong tumayo. “Tang ina mo, ayaw mo tumigil ah!” Isang malakas na sipa ang kasabay ng pagmumura kong iyon dahilan para sumadsad siya sa gilid. Mabilis kong pinulot ang kutsilyo na nakita ko sa mesa at nanginginig ko iyong itinutok sa kanya para itarak na sa kaniyang dibdib kung magpupumilit pa siyang lumapit. Nakita ko ang mabilis na pagbago ng ekspresyon ng kanyang mukha. Napalitan ng takot at pagmamakaawa ang galit na galit niyang mukha kanina. Bigla akong bumalik sa aking katinuan. Binitiwan ko ang kutsilyo. "Sorry." Nasambit ko. Sunud-sunod ang pagbunot ko ng malalalim na hininga. Sandali akong napatda. Nang kumalma ay tumalikod ako. Tinungo ko ang kama. Humiga ako. Hinila ko ang kumot at nagtalukbong. Malaya kong pinakawalan ang pagbuhos ng aking mga luha. Naisip kong bakit humantong sa ganito ang dati ay malugod namin pinag-usapang ugnayan. Bakit kami nagkakasakitan kung talagang mahal nga namin ang isa't isa? Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kayang tagalan pa ang halos araw-araw namin pag-aaway. Yun bang kahit katabi ko siya ay hindi ko parin maiwasang isiping may ginagawa rin siya. Iyon bang lumabas lang siya kahit ilang sandali lang ay alam kong naglalaro siya at dahil pakiwari ko ay kailangan kong pantayan kung anuman ang ginawa niya kasama ng iba. Ngunit nakakapagod din... nakakasawa...napapasuko niya ako...mahal ko siya... Paano nga ba isasalba ng pagmamahal ang relasyong tinitibag na ng kawalang tiwala? Paano nga ba muling paigtingin ng pagmamahal ang pagdududa? Napakagulo ng sitwasyong sinimulan ng mali naming desisyon. Sitwasyon na sa akin nagmula. Desisyon na akala ko magpapabuti sa aming pagsasama. Kung gaano kasi kataas ang pagmamahal ko sa kaniya ay ganoon din katayog ang kawalan ko ng tiwala. Kaya paano ako matatahimik kung ang puso kong puno ng pagmamahal ay binalutan naman ng puro pagdududa. Tama ngang kung wala ng tiwala ang relasyon ay kailangan na ring wakasan dahil para lang itong kalawang na tuluyang sisira kahit pa gaano katalas ang isang itak. Naramdaman ko ang kanyang pagpasok sa kuwarto naming. Pumikit ako. Nagtutulug-tulugan. Hindi ako gumalaw. Wala akong balak na harapin pa sana siya. "Mag-usap nga tayo ng masinsinan" mababa na ang tono ng kaniyang boses. Naramdaman ko ang banayad niyang pag-upo sa kama. “Uyy ano ba?” niyugyog niya ako. “Hindi tayo magkakalinawan kung hindi mo ako haharapin at kakausapin. Please?” Huminga ako ng malalim. Tatlong beses. Kailangan kong kumalma. Tama, kailangan na naming mag-usap at tapusin na kung may kailangan tapusin. Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ko. Iniwasan kong tignan siya. Sa kisame nakatutok ang aking paningin. Pinakalma ko pa rin ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbunot ko ng malalalim na hininga. "Pwede bang harapin mo naman ako? Tignan mo ako.” “Kailangan ba? Nakikinig naman ako ah.” “Umupo ka. Humarap ka sa akin. Kailangan nating mag-usap na magkaharap." Bumangon ako at tinungo ko muna ang ref. “Tignan mo ‘to. Irespeto mo naman ako kahit ngayon lang.” sumunod pa rin siya sa akin. Kumuha ako ng malamig na tubig. Isinalin ko sa baso at sinaid ko ang laman niyon. Bumunot ako ng malalim na hininga para mabawasan pa ang bigat ng aking nararamdaman. Kahit kasi anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim, hindi naiibsan yung galit na naipon sa dibdib ko. Bumalik ako sa kama. Banayad akong umupo paharap sa kanya ngunit iniwasan ko paring tignan siya sa mukha. "Okey ka na?” “Hindi. Hindi ngayon, hindi bukas. Hindi kahit kailan.” “Puwede na ba tayong mag-usap?" tanong niya uli. "Jinx ano ba? Hindi k aba nagsasawa?” “Nagsasawa. Kaya lang baka kahit ngayon lang, mag-usap tayo.” “Ano pa ba ang pag-uusapan nating bago ngayon?" boses kalmado kong sagot habang nakayuko ngunit hindi kalmado ang pakiramdam ko. "Wala namang bago.” “Wala naman pala e. Anong pang gusto mong pag-uusapan?” “Wala nga naman talagang bago pero siguro kailangan lang nating tapusin na ang mga lumang iyon...” huminga ito ng malalim. Halatang pinipigilan niyang umiyak kasi nakita ko ang pagtingin niya sa taas at ang bahagya niyang pagpikit. “Okey? Nakikinig na ako. Sabihin mo na lahat ang mga gusto mong sabihin sa akin.” “Alam ko kasi pagod ka na...” “Hindi lang ako pagod, sawang-sawa na rin ako." “Alam ko. Nararamdaman ko.” "’Yun naman pala e, ikaw ba hindi?” “Clyde, sinong hindi magsasawa sa ganitong nangyayari sa atin? Oo, inaamin ko, kagaya mo, sawang-sawa, sukong-suko, sukang-suka na ako sa ganito.” Napangiti ako. Sarkastikong ngiti. “Clyde, nagmamahalan tayo pero bakit mas madalas ang pag-aaway natin kaysa sa masaya tayo?” “Naisip ko na din ‘yan. Hindi ba, halatang-halata na may mali na talaga sa atin, sa pagsasama natin?" "Iyon na nga e. Sobrang nasasaktan na natin ang isa't isa. Hindi kaya ibig sabihin no'n kailangan na nating itigil ito?" "Anong ibig mong sabihin?” “Gusto mo bang tapusin na lang natin ang walang patutunguhang relasyon na ito?" Tumingin ako sa kaniya. Namumula ang kaniyang mga mata. Alam kong pinipigilan niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. “Ikaw? Ano sa tingin mo?” balik-tanong ko sa kanya. "Nagkakasakitan na tayo Clyde.” “Tama.” Tumatango-tango ako. “Mas marami pa yung araw na nagkakasagutan tayo, nagsusumbatan, nagbubulyawan kaysa yung mga araw na tayo ay masaya at naglalambingan." “Tumbok mo. Sa tingin mo, anong mali?” Hindi siya sumagot ngunit iba ang tingin niya sa akin. Tinging parang gusto niyang isisi sa akin ang lahat nang maling nangyayari. "So, sinasabi mong ako ang mali?” “Wala akong sinasabi.” “Wala ka ngang sinasabi pero yung facial expression mo, ‘yon ang tinutumbok mo, na mali ako. Di ba nga ikaw yung..." biglang tumaas ang boses ko. Sa lahat ng ayaw ko ay yung ako ang sisisihin. "Sige, ako ang mali.” “Talaga!” “Ako lagi ang mali. Ako ang may kasalanan sa lahat-lahat na nangyayari ngayon sa atin.” “Okey, mabuti naman at alam mo.” “Wala akong isinisisi sa ‘yo, Clyde.” “Tama ka nga siguro mas mainam na itigil na natin 'to.” Huminga siya ng malalim bago siya muling nagsalita. “Sa tuwing nag-aaway tayo hindi ko alam kung paano itigil at kontrolin ang lahat. Iyon bang hindi ako makapagsabi ng masakit sa'yo. Ayaw kitang saktan.” “Ayaw mo akong saktan? Talaga ba?” “Ayaw kong makapagbitaw ng hindi mo magugustuhan. Kasi pagkatapos nating mag-away alam kong pagsisihan ko lahat ang mga nasabi ko noong galit ako sa'yo. At habang tumatagal tayo sa sitwasyong ganito ay lalo kitang nasasaktan pati na rin ang sarili ko." "So, ano ngang desisyon mo? Tama na yung mga drama na ganito kasi hindi ko na mabilang kung ilang beses na natin ginawa ito, Jinx. Anong gusto mong tumbukin?" maalumamay kong tanong. "Alam kong gusto mo na rin matahamik.” “Okey, tapos?” pang-aasar ko. “Alam kong pagod ka na rin sa di na matapos-tapos nating mga away.” “Andami mo pang sinasabi, diretsuhin mo na lang kaya ako.” “Okey, gusto mo ng diretsuhan. Tama na. Itigil na ‘to.” “Yownm natumbok mo din.” “Kailangan na nating ipahinga ang ating mga sarili. Matagal na rin tayong nag-aaway at pakiramdam ko, nahihrapan na tayong ayusin pa ito dahil hindi natin kayang magsimulang muli dahil alam nating pareho mali ang ating naging simula." "Kung ‘yan na ang desisyon mo, iyon na rin ang gusto ko." matapang kong sagot. "Clyde, mahal na mahal kita. Pero ang ideyang mahal kita at mahal mo ako ang tanging pumipigil sa atin noon para magdesisyon na tapusin ito. Marami tayong mga issues na hindi natin nabibigyan ng solusyon at natatakot ako na isang araw ay tuluyang mawala ang pagmamahalan natin sa isa't isa at ang tanging nalalabi ay ang galit at pagkasuklam." "Sige. Kung iyan ang tingin mong tama. Hindi kita pipigilan." Dahil siya na rin lang ang nagdesisyon, alam kong hindi ako ang magsisisi. Sa lahat kasi ng ayaw ko ay ako iyong magdedesisyon ng break-up at pagkaraan ng ilang araw ako rin yung babalik. Ilang beses ko nang nagawa iyon sa mga ex ko iyon at pinangako ko sa sarili kong hindi ko na muli pang lulunukin ang pride ko. Kaya nga, kahit gaano pa kasalimuot ang relasyon naming ni Jinx ay hindi ko naisip na ako ang unang magsabi sa bagay na iyon. Kahit pa nawawalan na ako ng pag-asang maayos ang gusot namin ay hindi ko tinangkang iwanan o kaya ay palayasin siya. "Hindi ko alam kung tama ako sa ginagawa ko Clyde ngunit nasaksaktan na tayong dalawa. Mahal kita ngunit sinisira ng kawalang tiwala ang pagsasama natin kaya hindi tayo nagkakaayos." "So, paano, this is it na. Kanya-kanya na ba tayo?" paninigurado ko sa kaniya. Andami pa rin kasi niyang sinasabi. Gusto ko na kanina pa na matapos ang lahat ng kadramahan. Said na ako. Stress na stress na! Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin. Basa na ng luha ang mukha. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Mahal kita e.” Hinila ko ang kamay kong hawak niya. “Masakit sa aking gawin ito,” pagpapatuloy niya, “ngunit kung ito ang paraan para kapwa matahimik ang buhay natin ay gagawin ko.” “Perfect! Naiintindihan kita at suportado ko ang kagustuhan mo.” “Sana sa paraang ganito ay matigil na nang tuluyan ang pagsasakitan natin.” “Sigurado ‘yon.” “Hindi ko alam kung paano akong magsisimulang muli ngunit alam kong makakaya ko ng paunti-unti." Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa kisame. Nagsimulang gumalaw ang kaniyang mga balikat hanggang sa narinig ko ang kaniyang paghagulgol. Hinila niya ako. Niyakap ng mahigpit. Ngunit hindi ako naiiyak. Kahit gaano ko kagustung damayan siya sa kaniyang pag-iyak ay hindi ko magawa. Mahigpit niya akong niyakap at niyakap ko rin naman siya. Ngunit ilang beses na bang nangyari ang ganito? Ilang beses na ba niyang sinabing maghihiwalay na kami. Kaya siguro hindi ko na kayang umiyak pang muli. Nasanay na rin siguro ako. Nauudlot lang ang napipintong paghihiwalay namin dati dahil kinausap ko siya. Dahil pinigilan ko siya. Ngunit sa ngayon, buo na ang loob kong hayaan siya. Pinapalaya ko na rin siya. No more bargaining. Hindi na ako mangangako, hindi na mag-sosorry. Kaya malakas ang loob niyang makipaghiwalay dahil alam niyang susuyuin ko siya. Pigilang huwag nang ituloy ang pag-eempake sa damit niya. Kaya lang pagod na akong gawin iyon. Tama na. Huli na nong nakaraan. Ilang saglit pa ay tinungo na niya ang lagayan ng kaniyang mga damit. Maingat niyang tinanggal ang mga iyon sa aming cabinet at ipinatong sa kama. Pinagmasdan ko lang siya. Ilang beses ko na rin nasaksihan ito. Di na kumakagat pa sa akin. Nang mailabas niya lahat ang mga damit ay kinuha niya ang mga maleta niya sa silong ng aming kama. Tahimik lang ako. Pero nakakapagod din pala siyang panoorin sa ganoon kaya kinuha ko ang remote sa tabi ng tokador at sinimulang manood ng TV. Hinayaan kong tapusin niya ang pag-eempake. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Pinilit kong itinutok ang konsentrasyon ko sa pinanonood kong ASAP. Hanggang narinig ko na ang malakas na pagsara ng zipper ng kaniyang bag. Nagtanggal siya ng damit at short. Tanging brief na lamang ang naiwan sa kaniya. Napalingon ako. Hindi na katulad dati ang katawan niya. Lumobo na nang bahagya ang katawan. Tumaba na siya dahil sa nakaugalian niyang pag-inom. Natigil na rin kasi sa pagpunta sa gym dahil sa mahigpit naming pagbabantay sa isa't isa. Wala na nga siyang sarap. Di na ako tinitigasan sa lumobong hubog ng katawan niya. Muli kong tinutok ang mga mata ko sa TV. Mas mainam pang ibalik na lang ang tingin ko kay Sam at Piolo kaysa sa kanyang mukhang napabayaan na sa kusina. Nang makapagpantalon at nakapagsapatos na ay tumingin sa akin. Dahan-dahang lumapit at hinawakan niya ang kamay ko. Di na naman bago iyon sa akin. Nangyari na ito ng ilang ulit noon. Narinig ko ang kaniyang buntong hininga. "Sana patawarin mo ako kung may mga nasabi man akong hindi mo nagustuhan. Kung sakali mang may nagawa akong mga pagkakamali, sorry." "Ayos lang 'yun. Sana ako rin mapatawad mo." Simple kong sagot. "Clyde, sana malaman mong walang iba. Hinding-hindi ako nagkaroon ng iba." "Talaga lang ha." "Alam kong hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Pero malinis ang konsensiya kong sabihin iyon sa'yo. Hindi ko sinasabi ito para pigilan mo ako. Sinasabi ko ito dahil iyon ang totoo." "Sige. Kung iyan talaga ang sa tingin mo ay totoo, e di iyon ang totoo." "Sana ako rin lang? Sana ako lang." Napangiti ako. Gusto kong sabihin sa kaniya na gusto niyang siya lang ngunit ni hindi niya maamin sa sariling may ginagawa rin siya. Hindi ako mag-rereact ng ganito kung wala akong alam o hinala. Sige sabihin na natin iyong ang malakas kong hinala ngunit ilang beses na ba akong naloko at iniwan ng iba’t ibang klase ng lalaki. Kaya alam ko kung kailan na ako niloloko at kailan sineseryoso. "Sana mapagkatiwalaan mo ako. Iba ako sa kanila Clyde. Hindi ako katulad ng mga nauna mo. Sana hindi mo magawang lahatin kami." "Narinig ko na 'yan, Jinx." Tinignan niya ako sa mukha. Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin. Bumagtas ang luha sa kaniyang pisngi. Nagawa na niya ito dati. Wala na ring bago sa akin iyon. Ngunit kung sa kaniya walang bago. Sa akin meron. Kung dati ay niyayakap ko siya. Hahalikan sa labi at sabihing, "sorry na, tama na to, aayusin natin at magsisimula muli tayo ah?" Ngayon ay niyakap ko siya at sinabihang... "Good luck, God Bless and Goodbye" Casual lang ang pagkakasabi ko. Walang malalim na damdamin, walang lungkot at walang pagdadalamhati. Kasabay ng paghalik niya sa bibig ko ang pagbagsak ng mainit niyang luha sa aking pisngi. Nakita ko ang kaniyang pagpikit at mariing yakap sa akin. "Goodbye rin. Salamat sa lahat lahat." Pagkasabi niya iyon ay tumingin muli sa akin saka siya tumayo. Kinuha ang bag at tinungo ang pintuan. Inaasahan kong lilingon siya. Muling magpapaalam. Maghihintay na pipigilan ko siya. Kung hindi ako sasagot ay uulitin niyang sabihing… “Aalis na ako. Alagaaan mo ang sarili mo ha?” Ngunit walang gano’n. Kung dati ay lumilingon siya na para bang nagpapapigil ngayon ay diretso na niyang binuksan ang pintuan. Hindi huminto o kahit man lamang lumingon. Mabilis siyang lumabas at mabilis din niyang sinara ang pintuan. Bago iyon sa akin. Kaya may halong gulat. Ngunit dahil nabigla ako ay hindi ako tumayo para sundan at pigilan siya. Pinigilan ako ng pride ko para gawin iyon. At tulad ng sabi niya, siguro dahil pagod na rin ako. Siguro totoong nagsawa na rin siya. Ngunit sa paglipas ng ilang minutong hindi na muli pang nagbukas ang kanina'y binuksan niyang pintuan ng kuwarto namin ay tuluyan nang nawala ang konsentrasyon ko sa pinapanood ko. Mabilis akong lumabas sa kuwarto, sinubukang silipin siya sa sala ngunit wala na siya roon. Nang masigurado kong wala na nga siya sa sala ay mabilis ang mga paa kong bumaba sa hagdanan. Sumilip ako sa kurtina ng bintana namin para makasiguro kung nasa labas pa siya ngunit nakita ko ang mabilis niyang pagsakay sa kotse nang pinagseselosan kong kaibigan daw niya. Hindi ko na pinigilan pa. Muling tumaas ang galit ko. Muli akong nainis kaya mabigat ang mga hakbang kong bumalik sa aming kuwarto at paulit-ulit akong nagmura. “Tang-ina mo! Nagmamalinis ka pang hayop ka e sasama ka rin naman pala sa kanya! Paiyak-iyak ka pa kanina hinayupak ka. Ag landi mo! Ang landi-landi mong punyeta ka!” singhal kong mag-isa. Hanggang kusang umagos ang luha. Umiyak ako nang wala na siya sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay sa galit. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw at manuntok at nang di ko na makontrol ang sarili ko ay buong lakas kong tinulak ang maliit na tokador sa gilid ng aming kama. Tumilapon ang laman niyon at tumambad sa akin ang isang gustung-gusto kong picture ni Jinx. Iyon ang primary picture niya sa f*******: niya noon kaya ko siya napansin at nagmessage sa kaniya na naging dahilan ng isang pagsisimula. Dahil sa litratong iyon ay muli kong natagpuan ang sarili ko sa nakaraan. Ang simula, ang isang masalimuot naming simula...  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
389.1K
bc

My Brother's Wife [GxG]

read
89.0K
bc

NINONG II

read
633.2K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.1K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.1K
bc

BAYAW

read
76.0K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook