CHAPTER 2
Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan niya ng smack ang aking labi.
"Gano'n lang?" reklamo ko.
"Di sige 'kaw na lang humalik sa akin." Saad niya. Napakamot.
Pagkakataon ko na ‘yon. Hindi lang smack ang ginawa ko. Isang mainit, maalab at matagal na halik ang iginawad ko sa kanyang labi hanggang sa tinulak niya muli ako sa dibdib. "Tama na. Next time na ha? Ba-bye." Pamamaalam niya.
Nang umalis siya ay lihim kong sinundan. Kita kong may sumundo nga sa kanyang isang bakla. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba. Masyadong maaga na magselos ako pero iyon ang naramdaman ko. Pero sana totoo ang sinasabi niyang tropa lang niya iyon.
Nang pumasok ako sa bahay ay hindi ako mapakali. Kailangan kong alamin kung ano nga ba ang totoo? Ano nga ba niya ang baklang ‘yon?
“Nakita kita. Sinundo ko ng isang bakla. Anong meron?” text ko sa kanya.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mark. Hindi ko alam kung sasagutin ko baa ng tawag ko ika-cancel ko. Ngunit nagtanong na ako, nangialam na kaya kailangan ko nang pangatawanan.
“Hello beyb.”
“Hello.” Sagot ko sa kanya kasi mas nauna pa siyang nag-hello kaysa sa akin.
“Anong yung text mo?”
“Nabasa mo naman hindi ba?”
“Sandali ha, ipakikiusap ko siya sa’yo.”
“Sino ‘yan?” dinig kong tanong ng baklang kasama niya.
“Dyowa ko. Sabihin mo ngang magtropa lang tayo. Mukhang nagseselos nang makita ka.”
“Hello, kung sino ka man, huwag kang mag-alala, Tropa ko lang ang dyowa mo, okey?”
Minabuti kong huwag na lang din sagutin.
“Ano, naniniwala ka na? Sana kung gusto mo magtagal tayo, tanggalin mo ang pagkapraning. Walang magandang maidudulot ‘yan sa atin.”
“Okey. Sorry po.”
“Okey na ‘yon basta huwag mo na akong pag-isipan ng masama. Hindi naman dapat talaga ako sasama dito kung maaga ka lang kanina nag-message.”
“Sige, ingat ka po. Sorry uli.”
“Tulog ka na at may pasok ka pa bukas. Bye.”
Dahil sa kagustuhan kong makaramdam ng pagmamahal at maranasan ang pagkakaroon ng karelasyon, tinanggap ko ang katotohanang kabit lang ako. Araw ng Linggo ay pumunat siya sa akin. Tinupad niya ang pangako niyang pupuntahan niya ako. Niyakap niya ako at hinalikan ako sa labi. Naamoy ko ang amoy alak niyang hininga.
“Lasing ka?”
“Kagabi, nagkayayaan e.”
“Kaya pala wala kang text sa akin magdamag kahit nag-goodnight ako.”
“Huwag mong ugaliin ang mag-text ng mga gano’n. Mabubuking tayo niyan ng girlfriend ko e.”
“So, paano kung gusto kitang kausapin? Maghihintay lang ako?”
“Pupuntahan naman kita e. nagkikita naman tayo araw-araw sa school. Kasabay sa pagmimiryenda sa school canteen. Hindi na kailangan pang mag-texsan o kaya magtawagan.”
Huminga ako ng malalim. “Wala naman palang silbi na may number ako sa’yo kung ganoon.”
“Bakit naman wala, ako ang tatawag sa’yo. Ako ang unang mag-tetext. Di ba ikaw din nag-iingat sa school? Gano’n din ako sa girl friend ko kaya sana give and take lang tayo.”
“Sige, wala naman akong magagawa hindi ba?”
“Good.” Hinila niya ako at niyakap. Humalik siya sa aking leeg. “Marunong ka bang magluto?”
“Marunong naman, bakit?”
“Gusto kong sabaw. Ipagluto mo naman akong tinola na maraming luya.” Lambing niya sa akin.
“Sige. Ipagluluto kita.”
“Yown. Paano, do’n muna ako sa kwarto mo ha? Itulog ko lang ‘tong hang-over ko kasi masakit pa talaga ang ulo ko.”
“Sige, gigisingin na lang kita mamaya o gusto mo dadalhin ko na lang sa kwarto ang pagkain mo?”
“Sige, do’n na lang sa kwarto mo.”
“Okey. Pahinga ka na muna.”
“Salamat beyb ko.”
Habang nagluluto ako ay ramdam ko yung saya. Ganito pala ang pakiramdam na may ipinagluluto, may pinagsisilbihan at may nasasabing mahal sa buhay. Dahil sa pagdating ni Mark, may nakakausap ako, may kasamang kumain at may kayakap sa pagtulog. Nang ipinasok ko ang tray ng kakainin niya ay pinagmasdan ko siyang himbing na himbing sa pagtulog. Para siyang anghel na bumagsak sa langit. Napakaamo ng kanyang guwapong mukha. Napakakinis ng maputi niyang katawan. Napalunok ako. Naramdaman kong bahagyang tumigas ang aking kaselanan.
“Beyb, gising na. Luto nang pagkain mo.” Tinapik ko ang kanyang malambot ang mamula-mulang pisngi.
Dumilat siya. Ngumiti. “Bango ng tinola mo ah.”
“Kain ka na.” inilapag ko sa maliit na mesa sa kwarto ang dala kong pagkain.
Uminat siya. Nakita ko ang may kalaguan niyang pubic hair. Nakaragdag iyon ng init sa aking katawan lalo na nang makita ko ang may kalakihang bumabakat na iyon sa kanyang short. Tumayo siya at umupo sa maliit na mesa. Kumuha ng kanin at humigop muna ng sabaw ng tinola.
“Panalo ah. Sarap. Kain na tayo beyb.”
“Ikaw na lang muna. Busog pa ako e. Sandali ha, kuha lang akong tubig.”
“Gusto kong softdrinks, yung malamig na malamig ha.”
“Naku, wala akong stock ng softdrink sa ref. Juice lang.”
“Tsk! Ano ba ‘yan. Gusto ko ngang softdrink.”
“Sige, labas na lang ako diyan sa store sa labas.”
“Bilisan mo ha? Hintayin ko.”
“Okey po.”
Dahil first time kong magka-boyfriend gusto ko perfect ang lahat. Okey lang kung nagmumukha akong alila. Okey lang din na gawin ko ang lahat para sa kanya. Masaya kasi ako sa ginagawa ko. Hindi ako mapapagod na pagsilbihan ang taong mahal ko. Ibubuhos ko ang lahat ng pagmamahal, mag-work lang ito. Umaasa kasi ako na kung makita ni Mark na mahal na mahal ko siya at handa kong gawin ang lahat sa kanya, baka iiwan niya ang girl friend niya at ako ang pipiliin niya. Maling umasa ngunit kung nagmamahal ka, gagawin mo ang lahat maagaw at masolo mo lang ang pinakamamahal mo.
“Busog din. Sarap talaga ng luto mo beyb. Ngayon may isa na namang dahilan kung bakit ako mapapadalas dito sa bahay mo.”
“Talaga? Gusto ko ‘yan.”
“Pahiram akong tuwalya, Liligo lang ako.”
“Sige pumasok ka na sa banyo, dadalhin ko na lang doon.”
“Okey.”
Kinatok ko siya nang dinala ko ang tuwalya sa kanya.
Binuksan niya ang banyo at nakita ko ang buong katawan niyang basa. Kumikislap ang maputi at makinis niyang katawan sa tama ng ilaw. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa nakatayo niyang ari. Iba ang dating no’n. Parang gusto ko na agad itong lantakan.
Hinaplos haplos niya ang kanyang kaselanan at nakita ko ang pinkish na ulo at ang walang kauga-ugat nitong alaga. Sobrang init na ng pakiramdam ko. Kung pwede ko lang pasukin ay ginawa ko na ngunit dahil may katiting pa rin akong respeto kaya nagpigil pa rin ako.
Lumabas siyang walang kahit anong suot. Ang tuwalya ay nakasampay lang sa balikat niya kaya kitang-kita ko ang kanyang kahubdan at ang tigas na tigas pa din niyang p*********i. Dahan-dahan siyang tumihaya sa aking kama. Nakapikit niyang hinahaplos ang kanyang dibdib. Nilalapirot niya ang kanyang mamula-mulang u***g. Kinakagat niya ang kanyang labi. Alam kong hinihintay lang niyang patungan ko siya. Iyon na baa ng hudyat na may mangyari sa amin?
Pinanood ko lang muna siyang nilalaro niya ang alaga niya habang nakatingin siya sa akin. Gusto ko ang ginagawa niyang inaakit ako. Gusto kong lalong tumaas yung level ng aking nararamdamang libog. Yung parang gugutumin niya ako sa pagkatakam. Lumapit ako sa kanya. Tinanggal ko ang kanyang kamay na lumalaro sa kanyang alaga. Hinawakan ko ang nag-uumigting na iyon habang dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Maalab ang aming naging halikan. Nang una ay ako lang ang humahalik sa kanya ngunit nang naglaon ay inilalabas na din niya ang kanyang dila. Hanggang sa hinawakan na niya ang batok ko. Nilamutak niya ang malambot kong mga labi.
“Sarap mo.” Bulong ko sa kanya.
“Dilaan mo ang u***g ko.”
Ginawa ko ang sinabi niya. Pinagbuti ko ang pag-ikot-ikot ng dila ko sa u***g niya at manaka-nakang pagsipsip. Ramdam kong sinabunutan na niya ako. Humahalinghing siya sa sarap. Napapamura siya ipinapalasap ko sa kanyang kamunduhan.
Bumaba ang labi ko sa kanyang tiyan. Sinuyod ng dila ko ang kanyang tagiliran. Hanggang sa nagtagal ako sa pagdila sa kanyang singit. Doon ay lalo siyang nanginig sa sarap. Lumakas ang kanyang pagmumura at halos ingudngod na niya ako sa kanyang kaselanan.
“Isubo mo na please.” Pakiusap niya sa akin.
Ngunit hindi ko muna iyon ginawa. Nilaro-laro muna ng kamay ko ang nag-uumigting niyang kargada habang dinidilaan ko ang kanyang singit. Muli kong ibinalik ang aking pagsuyod gamit ang aking labi at dila hanggang sa kanyang u***g habang taas-baba ang ginawa kong paglalaro sa kanyang alaga. Hanggang sa itinutulak na niya ang ulo ko sa kanyang kaselanan. Pinagbigyan ko siya. Naamoy ko na ang kanyang alaga. Gusto ko ang amoy nito. Lakaking-lalaki. Hanggang sa pikit-mata kong isinubo iyon. Sa laki ay halos mabilaukan ako. Hanggang sa tinutulungan na niya ako sa parang ritmo niyang pag-indayog. PInagbuti ko ang ginagawa ko kahit pa halos maduwal na ako at mabilaukan sa pagsagad niya ng alaga niya hanggang sa aking lalamunan. Hanggang sa bumilis ng bumilis ang kanyang ritmo. Palakas ng palakas ang kanyang mga halinghing. Sumambulat sa bibig ko ang mainit-init niyang katas kasabay ng kanyang mahaba-habang pagmumura.
“Huhhh! Putang ina! Ang sarap mo!”
“Paano ako?” tanong ko.
“Hindi mo ako sinabayan kanina?”
“Hindi.”
“Oh, paano ‘yan ngayon. Hindi ko naman gagawin yung ginawa mo sa akin. Dapat nilaro mon a lang sa’yo nang sinusubo mo ako.”
“Ganoon na lang ‘yon?”
“Aba, next time diskartehan mo ang sarili mo. Hindi mo ako maasahang gawin ko din ang ginagawa mo sa akin. Straight ako. Di ako sumusubo.”
“E, di halikan mo na lang ako habang nilalaro ko yung akin.”
“Di na uy. Matalsikan mo pa ako.”
“Grabe ka naman.”
“Sandali, hugas lang ako. Bahala ka kung magsariling-sikap ka habang nagbabanyo ako. Pagbalik ko dapat matulog na tayo ha?”
“Okey.” Dismayado kong sagot.
Hanggang gano’n lang ang nangyayari. Ako lang ang nagpeperform. Ako lang ang parang gumagawa ng lahat sa kama. Naroon lang siya. Nakatihaya. Nagpapakasarap sa ginagawa ko ngunit hindi ko siya mapilit na gawin niya sa akin ang ginagawa ko sa kaniya. Hindi raw niya kaya. Straight daw siya at iyon lang ang kaya niyang gawin, ang magpasubo. Para hindi kami mag-away ay hindi ko na din lang siya pinilit. Ginawa ko na lang ang sinabi niya. Nilalaro ko na lang ang sarili ko. Para hindi ako mabitin, inuunahan ko na lang siya o kaya sinisikap ko siyang sabayan. Iyon na lang ang tanging alam kong paraan para hindi na naming pag-aawayan pa ang s*x.
Dahil ako ang may trabaho at siya ay patambay-tambay lang, natural na sa akin galing ang pan-date nila o nireregalo niya sa girl friend niya tuwing monthsary nila. Nang una, tanggap ko iyon, parang wala lang sa akin lalo pa't ako naman ang lagi niyang kasama sa loob ng aming campus hanggang sa pag-uwi. Sa akin din siya sa araw ng linggo. Minsan kahit Friday ay akin na din. Kung tutuusin ay mas marami siyang oras sa akin kaysa doon sa girl friend niya.
Sa mga unang buwan ay nakaya ko pa rin naman. Ngunit dumadating din pala sa puntong makakalimutan mong kabit ka lang. Nawawala ka sa katinuan at mawawala sa isip mong ikaw ang nagpumilit isiksik ang sarili para mabahagian ka ng kapipiranggot na saya. Masaya na ako sa kapipiranggot na ambon ng saya sa piling niya, noon. Noong hindi ko sobrang mahal. Alam ko pa ang lugar ko ngunit nang lumaon, para na akong naaadik sa kanya. Kasabay ng paglalim ng aking nararamdaman ang pagkitid ng aking utak. Puso na ang pinaiiral ko, hindi na ang isip. Nasa puntong hindi ko na mapigilan ang sarili kong kunin o kaya tuluyan siyang agawin sa girl friend niya ng buung-buo. Doon na nagsimula ang aming pag-aaway.
“Nakita kita sa mall kanina, kasama mo na naman siya. Kaya pala humingi ka ng 2,000 kanina para pan-date mo sa kanya! Ang kapal ng mukha mo.”
“High blood ka na naman. Ano k aba, date lang ‘yung sa amin, ikaw eto ako oh. Kakainin mo magdamag. Kayakap mo hanggang umaga kaya huwag ka nang magselos do’n. Babae naman ‘yon e.”
“Porke ba babae, okey lang na mag-date kayong madalas.”
“Sabi ko naman sa’yo date lang ‘yon eh. Halika nga.” Hinila niya ako. Pinilit halikan kahit itinutulak ko siya.
“Sorry na beyb ko. Mahal naman kita eh.” Panunuyo niya sa akin.
Dahil sadyang may karupukan lang akong taglay kaya bibigay lang uli ako sa kanyang mga romansa. Simpleng pambobola lang niya sa akin, mahihilo na ako sa kanya at tuluyang susuko sa lahat ng kanyang gusto. Muli niya akong pagbibigyan sa sarap ng kaniyang p*********i. Kakalimutan ko ang dahilan ng pinag-awayan at kinabukasan, kahit hindi siya humihingi ng katapat na pera ay kusa ko siyang binibigyan. Alam ko naman din ang kalakaran. Hindi man sana katanggap-tanggap ngunit lalaki siya at walang trabaho. Maraming pangangailangan at dahil ako ang may kakayahan, ibibigay ko ang lahat ng kanyang kagustuhan.
Hanggang sa biglang napapansin ko na lamang na mas madalas na silang magkasama ng girl friend niya. Kapag tinatawagan ko siya ay pinapatayan na niya ako ng celphone. Kapag naman magtetex ako ay hating-gabi na kung siya ay magreply. Hanggang sa.. "Good night na lamang ang reply niya na may kasamang muwahh." Iyon ay bayad lang ng mga pasaload o load na pinadadala ko sa kaniya. Sa tuwing hindi kasi nagrereply at masigurong may panreply siyang load sa akin ay ako na kusa ang nagpapaload sa cellphone niya ngunit ..."Salamat sa load. Lav u." iyon na lang ang sagot niya kahit sangkatutak pa ang aking mga tinatanong.
Hindi na din kami halos magkasabay magmiryenda sa tuwing natatapos ang klase namin. Minsan nagmamadali siyang lumabas para hindi ko na siya maabutan. Hindi ko naman kasi puwedeng ipahalata sa ibang mga students ko na hinahabol ko siya. Kahit alam nilang palagi kaming magkasama bilang tropa ay hindi nila alam na mas higit pang namamagitan sa aming dalawa. Minsan nga hindi na niya pinapasukan ang klase ko. Magtetex sa akin ng, "Ikaw na bahala sa grade ko beyb ko ha? Lav yu! Mwah!"
“Nasaan ka ba?”
Hindi na siya sumasagot.
“Kahit last Friday at Sunday hindi ka na rin bumibisita. May problema ba tayo?” muling tanong ko.
Sinubukan kong tawagan ngunit nakatatatlong ring palang ay maka-cancel na ang tawag ko. Nagngingitngit ako sa galit lalo pa’t alam kong magkasama sila ng girl friend niya. Sinisira na ako ng pagseselos. Hindi ko na nagagawa ang dapat ginagawa ng isang instructor. Minsan pumapasok ako sa classroom ko na wala akong alam sa lesson. Nagiging pabaya na ako pati sa aking katawan.
Ang masakit ay yung makakasalubong ko siya sa school ngunit iiwas siya. Alam kong pinapasukan niya ang ibang klase niya ngunit hindi sa akin. Bakit? Dahil alam niyang kahit hindi siya papasok sa klase ko ay papasa naman siya sa akin at iyon ang hindi ko nagugustuhan. Binabale-wala na niya ako. Kaya nang minsang nakasalubong ko siya ay hinawakan ko agad ang balikat niya.
“Bakit ka ba umiiwas?” galit kong tanong.
“Anong umiiwas ang sinasabi mo?”
“Hindi ka pumapasok sa klase ko, bakit?”
“Lasing ako kagabi. Ang aga kasi ng klase ko sa’yo. Di ko magawang magising ng maaga.”
“Bakit, dati naman nagagawa mo ah. Gusto mo bang ibagsak kita?”
“Ibabagsak mo ako? Weehh, talaga?”
“Oo at huwag mo akong hinahamon.”
“Sige kung gusto mo akong ibagsak e, di gawin mo. Sanay na ako bumagsak kaya nga ako nandito pa rin dahil sa kagaya mong nambabagsak. Pero tandaan mo ha, kung gagawin mo ‘yan, huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin.”
“Hinahamon mo pa talaga ako ah.”
“Hindi kita hinahamon, sinasabi ko lang ang pwedeng magyari at huwag mo akong sisisihin.”
“Isa pa, akala mo ba hindi kita napapansin? Nakikita kitang umiiwas sa tuwing makakasalubong mo ako.”
“Ano bang pinagsasabi mo? Walang gano’n. Mamaya usap tayo sa bahay mo. Pupunta ako do’n.”
“Siguraduhin mo lang kasi napupuno na ako sa’yo.”
“Oo, pupunta talaga ako.” Tumingin siya sa paligid. Noon lang din ako parang nahimasmasan nang nakita kong nagbubulungan na ang mga estudiyante at ilang instructors na dumadaan at nagmamasid.
At ginawa niya muli ang kanyang pangako. Pinuntahan niya niya ako. Muling pinagsaluhan ang mainit na pagtatalik. Nawala ang aking tampo at galit. Gano’n na gano’n ang nangyayari sa amin. Nakapapagod na. Nakasasawa ngunit mahal ko siya. Mahal na mahal kaya ang hirap para sa akin na bitiwan siya.
Masakit tanggapin ang mga pagbabagong iyon lalo pa't nang second semester ay hindi ko na siya nagiging istudiyante pa. Pinupuntahan pa din naman niya ako sa bahay lalo na kapag nagugutom o kaya walang pantoma. Mahal ko siya e. Tanga na kung tanga pero kung katangahan ang paminsan-minsang paghangad ng kasiyahan sa piling niya, ayos lang magpakatanga habambuhay.
Sa tuwing hindi kami ang magkasama ay nasasaktan ako. Alam ko kasing sila ng girlfriend niya ang magkasama pero kaya ko pa namang tiisin noon ang lahat huwag lang siyang mawala sa akin. Said ang sahod ko, nagkakautang-utang pa ako. Maluho kasi siya sa mga gamit. Halos weekly kung ipag-shopping ko siya. Ngunit iniisip ko na lang lagi no’n, hindi ako mapapaligaya ng pera ko. Si Mark, ang siyang nagbibigay sa akin ng sayang hindi kailanman man matutumbasan ng salapi.
Hanggang dumating an gaming unang anniversary. Tama, umabot ng isang taon ang aking pagtitiis. Isang taong naitago ko sa school ang aming relasyon. Isang taong nagtiis na maging kabit. Usapan namin na magdidinner siya sa bahay kaya naghanda ako ng makakain ngunit ang usapang six ng hapon ay naging alas-otso na ngunit wala paring Mark ang kumatok sa pintuan. Gusto ko siyang tawagan ngunit malinaw ang aming usapan, siya ang unang tatawag at magtetext kaya ang tanging kaya kong gawin ay ang maghintay na maalala niya ako.
Dahil lagpas tatlong oras na akong naghihintay sa oras na usapan naming kaya nag-text na ako. Bahala na pero kailangan kong sabihan siya na may naghihintay sa kanyang pagdating.
“Nasaan ka na? Pupuntah mo pa ba ako?” iyon ang unang text ko. Ilang minuto din akong nag-abang sa pagtunog ng cellphone ko ngunit walang naging sagot mula sa kanya.
“First anniversary natin ngayon. Ikaw pa mismo ang nagsabing puntahan mo ako. Mag-reply ka naman para alam ko.”
Wala pa ring sagot. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na talaga siyang tawagan. Sobra na ‘to.
Nanginginig ang kamay ko nang tinawagan ko siya. Nag-ring lang ng dalawang beses hanggang sa out of coverage na. Muli ko siyang tinawagan ngunit nakapatay na talaga. Lalo akong nakaramdam ng galit. Magkasalitang text at tawag na ang ginagawa ko dahil sa sobrang inis pero mukhang kinalimutan na talaga niya ako.
Biglang tumunog ang celphone ko.
“Hello?” kinakabahan kong pagsagot sa tawag.
"Bespren, hello.”
“Bakit?” matamlay kong tanong sa kaibigan kong nakakaalam sa relasyon namin ni Mark.
“Huwag kang masasaktan ha,” pasakalye niya.
“Masasaktan? Bakit naman ako masasaktan? Ano ba ‘yon?” iba na ang kutob ko.
“Di ba anniversary ninyo ni Mark kaya di ka sumasa amin?”
“Oo, bakit ba? Tapatin mo na lang ako kunng anong meron.”
“Ang Mark mo, nandito sa bar kasama ng isang bakla at sweet na sweet sila.”
“Sigurado ka ba?”
“Oo, sure ako kasi katabi lang namin sila ng upuan.”
“Gagong ‘yan, pinaghanda-handa pa ako sa putang-inang anniversary, yun pala sa ibang bakla lang sasama. Nandiyan pa ba sila?”
“Oo, nandito pa kami. Ano, susunod ka ba?”
“Sige, puntahan ko agad nang magkaalamanan na.”
Huminga ako ng malalim. Dinibdib ko ang lahat. Nilihim ko sa mga kaibigan ko na may girl friend ang boy friend ko pero heto at may bakla pa palang iba? Parang sasabog na ang dibdib ko. Pagkatapos kong iniligpit ang mga inihanda ko para sa anniversary sana namin ay nagmamadali akong nagpalit at tinawagan ang kaibigan ko kung nasaan silang bar para susunod na lamang ako. May isa akong gustong patunayan. Ngayon ko malalaman kung totoo ang sinasabi niyang mahal din niya ako sa text at paminsan-minsan sa tuwing nasa bahay kami. Kahit hirap paniwalaang mamahalin ako ng straight na lalaki ngunit pinaniwala ko ang sarili kong mahal niya ako. Lalo pa't kahit nagbubunganga ako ay tanging halik sa labi at yakap ang ginaganti niya sa akin. Kaya nga naniniwala akong mahal niya nga ako dahil sa umabot din ang amin ng isang taon.
Pagpasok ko pa lamang sa bar ay sinadya kong dumaan sa harapan nila ng baklang sinabi ng mga kaibigan kong kasama niya. Swerte pa ako sa baklang kasama niya dahil alam kong tatlo na kami sa buhay ng lalaking kaharap niya at tanga siya kasi siya mismo ay hindi niya alam na may dalawa pa siyang kahati sa jumbo hotdog ng binoboyfriend niya. Ngunit hindi kaya mas tanga ako dahil alam kong may girl friend na ang binoyfriend ko pero pumasok pa din ako sa gulo? Hindi ba katangahan na nandito ako’t ipinaglalaban pa rin ang lalaking hindi ibinibigay ang deserve kong pagmamahal?
Sinipat ko ang hitsura ng kasama niyang bakla. Pangit. Bukod sa pangit, hindi din bagay sa kanya ang magsuot pambabae dahil mukha siyang sanggano na dinamitan ng pambabae. Masagawa.
Sobrang nagselos ako. Matindi yung galit sa dibdib ko. Alam kong nadama niya iyon. Alam kong nakita niya na ako. Kaya pagkaupo ko sa mesa ng mga kaibigan ko ay bigla akong tumungga ng alak. Pagkatapos ng isa ay isa pa uli hanggang naging sunud-sunod ang aking pagtungga. Gusto kong malasing agad. Yung sana malunod na ako sa alak at mawala yung hapdi sa dibdib na aking nararamdaman. Gusto kong makita niya kung paano niya ako sinaktan sa kanyang ginagawa.
Hanggang sa hindi na ito nakatiis pa. Lumapit siya na parang barkada ang turing sa akin at sa mga kaibigan ko. Nagpadagdag iyon ng galit lalo na nang may sinabi sa barkada ko.
"Iuwi niyo na ‘yan. Susunod ako.”
“Bakit naman. Nag-iinuman lang naman kami ah. May problema ba doon?” sagot ng kaibigan kong si Mon.
“Baka gagawa lang iyan ng katarantaduhan dito e. Kaya please, ayaw ko ng eskandalo" Pakiusap niya sa mga kasama ko. Hindi ko siya tinitignan pero matalim ang mga mata kong nakikipagtitigan sa kasama niyang bakla na nakatingin na din sa amin.
"Clyde, mag-usap nga tayo.” Pabulong niyang sinabi sa akin.
“Mag-usap ba? Kanina, tinatawagan kita pinatayan mo ako. Naka-ilang text na ba ako, sinagot mo ba?”
“Babaan mo nga ang boses mo. Nakakahiya.”
“Tang-ina mo! Nakakahiya? E yung ginagawa mo sa akin sa tingin mo, ayos lang ‘yon?”
“Tang-ina mo rin! Akala ko ba malinaw na ito sa atin.”
“Malinaw? Oo malinaw tayo do’n sa girl friend mo pero yang putang-inang baklang kasama mo sa araw ng anniversary natin, iyon ang sobrang labo.”
“Huwag kang magsimula ng gulo tarantado kang bakla ka lalo pa't sa harap ng maraming tao."
Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. Tumayo ako. Mabilis ang hakbang ng aking mga paa. Naramdaman ko ang tama ng alak. Nahihilo ako ngunit kaya kong kontrolin ang aking sarili. Wala akong naririnig sa paligid. Wala akong tanging nakikita kundi ang mukha ng baklang noon ko pa gustong sapakin.
"Hoy! Mag-usap nga tayo.”
“Bring it on, b***h!” sagot niya sa akin na para bang siya pa ang nagmamalaki. Nang nalapitan ko siya parang pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko lang matandaan kung kailan at saan ko nakita.
“Iwasan mo ang boy friend ko kung ayaw mong masira ang buhay mo!" panduduro ko sa mukha niya. Buhos-buhos ang pagbulwak ng naipon sa dibdib kong galit. Wala akong matandaan na expression sa mukha ng bagong bakla niya. Dahil sa isang iglap ay isang malakas na suntok sa panga ko ang dumapo na dahilan para mapaupo ako dahil sa lakas at dala na rin siguro ng aking pagkalango. Aambaan pa sana ako ni Mark ng sipa ngunit mabilis na umawat ang mga guwardiya at ako naman ay pinagtulungang ilayo ng aking mga kaibigan. Ngunit tuluy tuloy lang ang aking pagsisigaw. Kahit pa tinakpan na ang aking bibig ay hindi nila mapigilan ang talas ng aking dila. Minura ko sila. Paulit-ulit. Hanggang tuluyan na akong inilabas ng aking mga kaibigan sa bar at pinagtulungang iuwi sa bahay.
Kinabukasan ay nagsimula na din ang pagguho ng dati ay tahimik kong buhay. At dahil doon ay natuto akong magmakaawa para huwag lang tuluyang iwan. Dahil sa nangyaring iyon ay nagiging simula ng masalimuot kong buhay pag-ibig. Sana nga hindi na lang ako sumubok pang magmahal.