Open Relationship
Chapter 1
Clyde's Point of View
Kung buong pamilya ang sukatan ng pagiging masaya, ako na siguro ang pinakamalungkot sa mundo. Ulila na kasi akong lubos. Nag-iisa akong anak kaya wala ding kapatid na matakbuhan. Namatay si papa noong nasa Elementary ako at sumunod si Mama noong High School na ako. Lumaki ako sa lola kong biyuda ngunit noong nasa huling taon ako ng kolehiyo ay sumunod na din siya sa aking mga magulang. May kapatid ang papa ko ngunit sa Canada na siya nakatira. Ang kapatid naman ni Mama ay sa malayong probinsiya sa bahagi ng Samar na tumira.
Ngunit hindi ang kuwento ng pamilya ko ang sentro ng aking kuwento. Malungkot na kung malungkot ang walang masabing pamilya ngunit sanay na ako. Sinanay ko ang sarili kong mag-isa. Naging independent ako sa lahat ng bagay kaya naman hindi mababanaag sa akin ang kalungkutan. Pero hindi naman ako bato. Sa tuwing nakakakita ako ng kumpletong pamilya at masayang kumakain at namamasyal, napapaisip din ako, paano kaya ang buhay na may nasasandalan sa tuwing tinitira ako ng walang patumanggang kalungkutan? Ano nga bang pakiramdam nang may nag-aasikasong ina pagpasok sa trabaho sa umaga at may ama na may magtatanong sa gabi kung kumusta ang buong araw sa trabaho. Yung sabay-sabay na kakain habang nagtatawanan, nagkukuwentuhan at nagkabibiruan. Ngunit alam kong hanggang pangarap na lang iyon. Hindi na babalik si Mama, Papa at lola para iparamdaman pa iyon sa akin. Ang tanging ipinagpapasalamat ko na lamang ay nag-iwan sila sa akin ng mga ari-ariang nagagamit ko para mabuhay ng marangya. Sa kabila ng kawalan nila physically, inihanda naman nila ang kinabukasan ko financially.
Nang nawala si Lola ako na lang mag-isa sa aming bahay sa Makati. Hindi man kami masabing sobrang yaman pero alam kong mas nakakaangat kami sa iba. Dahil sa sipag at tiyaga ay nakapag-aral ako at nakatapos. Noong graduation ko, sobrang naramdaman na ako na lang pala talaga. Wala akong kasamang nagmartsa papuntang entablado. Walang akong pinaghahandugan ng aking diploma, walang kasamang nagpakita ng kasiyahan sa nakamit kong tagumpay. Walang kapamilyang pumapalakpak sa akin. Noon ko naramdamang ulilang lubos na talaga ako. Umiyak ako no’n dahil wala pala talaga akong masabing pamilya. Akala ko kasi okey na ako. Akala ko, kaya ko na. Iba pa rin pala talaga ng may masabing pamilya. Walang karamay sa problema at wala din kasamang magdiwang sa ligaya. Natagpuan ko na lang na kinakausap ko ang puntod nina Mama at Papa. Andaya-daya nilang iniwalan na akong mag-isa at di man lang sila gumawa ng kapatid ko n asana magiging kasangga. Inialay ko sa kanila ang aking diploma at nangako ako sa puntod nilang kahit mag-isa na lang ako sa buhay, lalaban ako. Aayusin ko at balang araw, may tao ding magmamahal sa akin at ituturing kong kasangga. Kung iniwan ako nina Papa, Mama at Lola, ang mamahalin kong tao ay hindi ako iiwan hanggang sa huli kong hininga.
Bukod sa nangyari sa mga magulang ko, wala naman na akong mga nakaraang hindi maganda sa buhay ko lalo pa't dalawa lang namin kami ni lola sa buhay at ibinigay din naman ni lola ang lahat para hindi ko maramdaman ang kakulangan ko. Naging mas spoiled pa nga ako kay lola kaysa sa aking mga magulang. Lahat ng kailangan ko o kahit mga bagay na gusto ko lang, ibinigay iyon ni lola kaya naman nang nawala siya sa akin, parang naging mas doble ang sakit no’n kaysa nang nawala sina Mama at Papa. Kasi siguro, si lola na lang ang huling meron ako, kinuha pa ng Diyos sa akin ng maaga.
Kinausap naman ako ng kapatid ni Papa kung gusto kong sumama sa kanya sa Canada ngunit tumanggi ako. Hindi kasi kami close dahil noong namatay lang si lola kami nagkita. Isa pa sanay na ako sa Pilipinas at ilang buwan na lang magtatapos na din naman ako sa aking kurso. Hindi naman din siya nagpilit pa. Iyon na yung una at huli naming pag-uusap. Yung kapatid naman ni Mama sa Samar, hindi din siya close dahil na din sa nakita ko lang din siya noong pumanaw si Mama. Hindi na ako kinontak pa mula noon. Hindi man lang din ako naalalang kumustahin.
Dahil sa ramdam kong kakulangan ng pagmamahal ng pamilya at dahil solo na din naman ako sa buhay, naging desperado akong makahanap ng makakasama. Kaya siguro naging sunud-sunod ang mga sakit na pinagdaanan ko dahil sa pagmamadaling magkaroon ng masabing partner sa buhay.
Batikan na akong maituturing sa mga tikiman lang. Dahil laking Makati, madali lang sa akin ang lumandi. Ngunit hanggang landi lang iyon noong high school at college ako. Hanggang sa nang nagtapos ako at alam kong handa na din naman akong magmahal, kaya relasyon na ang tinutuan ko. Nasanay din naman ako sa saglit na mga relasyon. Yung kayo ngayon dahil nagtalik at bukas makalawa, magbe-break na o wala nang paramdaman. Ngunit kung kailan ako nagdesisyong makipagrelasyon saka naman ako paulit-ulit na nabibigo. Tanging pagluha lang aking dinanas.
Kapag daw nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Kung ayaw mong masaktan, huwag kang magmahal. Simpleng alituntunin sa buhay. Paano ka nga ba masasaktan kung wala kang nararamdaman? Ngunit minsan kahit pilitin huwag magmahal, dumadating talaga yung puntong nahuhulog ka na lang nang hindi mo sinasadya. Okey lang sana kung may sasalo sa tuwing nahuhulog tayo, paano kung wala?
Nang una, sa straight ako unang nagpakatanga. Nangyari ito noong nagturo ako sa isang hindi gaano kilalang College School. Unang trabaho ko iyon noon kaya naman pinahalagahan ko ng husto ito. Isa ako sa mga Computer instructors dahil nga nakatapos ako ng Computer Engineering. Istudiyante ko noon si Mark ngunit magkaedad lang kami. Pareho kaming 22 years old. Kumukuha lang siya noon ng earning units niya sa programming. Dahil bata pa, mabilis akong nahuhulog sa kagaya ni Mark na guwapo at maputi. Hindi man siya katangkaran ay akma naman sa kaniya ang katamtamang hubog ng pangkama niyang pangangatawan. Allergic lang siguro ako sa mga matatangkad dahil hindi naman din ako katangkaran kaya sa kagaya ni Mark ako naa-atrract. Tama, hindi din naman ako matangkad. Hindi din naman ako kaputian ngunit taglay ko naman ang maamo at malakas ang dating na mukha. Matangos ang ilong ko, maganda ang hulma ng labi, nangungusap na mapungay na mga mata at may kakapalang kilay. Hindi din naman ako binigyan ng magandang pangangatawan ngunit hindi din naman ako mataba at hindi naman payat. Tama lang din lang na pangkama. Kaya alam kong may pangabog din naman ako kung hitsura lang din naman ang pag-uusapan.
Nang unang araw ng klase namin ay napansin ko na agad siya. Hindi lang dahil sa kakaibang karisma niya na pumukaw sa akin kundi dahil sa kakaibang mga titig niya sa akin. Hindi lang ako nagpahalata ngunit alam kong ramdam niya ang malagkit kong mga titig sa kanya. Alam kong alam niya na napapadalas ang pagtingin ko kapag nagsasalita ako. Minsan ako pa yung nahihiya dahil sa kindat at ngiti niya sa akin. Nawawala tuloy ako sa aking mga discussions. Nabablangko ako.
Nang matapos ang klase namin ay siya ang lumapit sa akin. Napreskuhan ako sa pag-iimbita niyang magmiryenda sa aming school canteen. Siguro dahil alam niyang magkasing-edad lang kami kaya hindi siya nahiyang ituring at kausapin akong parang kaklase o barkada lang niya.
"Tara Sir, miryenda tayo." Pabulong niyang sabi sa akin habang inaayos ko ang mga gamit ko.
“Bakit ililibre mo ba ako.”
“Sir naman.” Nagpa-cute siya.
"Anong sir naman ka diyan. Ikaw ang taya kasi ikaw ang nag-aaya e."
"Ikaw dapat ah sir. Ikaw nga diyan ang kumikita na e."
"Unang trabaho ko palang 'to, ano ka ba.”
“Mukha ka namang mayaman e. Kita ko nga, ang gara ng wheels mo e.”
“Nakita mo ako?”
“Oo, alam ko nga kung saan ka pumarada.”
“Talaga?”
“Sige na sir, miryenda na tayo.”
“Mamaya makita pa tayo ng admin. Saka na… huwag dito."
"E, di sige, sa labas na lang. Hintayin kita sa labas ng gate.”
“Ayos ka ah. Instructor mo pa rin ako. Huwag mong kalimutan ‘yon.”
“Ang OA mo naman sir. Miryenda lang. Sige, ako muna ngayon ta's ikaw na sa susunod.”
“Hindi yung bayad ng miryenda ang iniisip ko dito. Yung sasabihin nga ibabg tao.”
“Bakit sir, kapag nakain ba masama agad iisipin ng iba? Bonding lang ‘to sir."
“Sige na nga. Tara na.”
“Yown! Sabi ko na malakas ako sa’yo e.”
“Bibig mo, baka may makarinig.”
“Ay sorry naman. Tara. Akin nang gamit mo, akong bibitbit.”
Habang kumakain kami ay panay ang tingin ko sa kaniya. Kinikilig kasi akong makita siya sa malapitan. Noong nag-aaral ako, may mga naging crush din naman ako, may mga sobrang natipuhang mga barkada o kaya sa mga kasamahan sa mga organization ngunit hindi ko minsan pinagbigyan ang sarili ko sa relasyon. Madalas tikiman lang. One night stand. Pinagtuunan ko ng masyado ang aking pag-aaral at ang lola kong mahina na din noon. Kaya ngayong medyo nagkaluwag-luwag na ay parang gusto ko yung idea na magkaroon at maranasan na ding makipagrelasyon at hindi por kilo o tikim tikiman na lang.
"May girlfriend ka na, Sir?" casual niyang tanong.
"Wala." Matipid kong sagot
"E, kung walang girlfriend, boyfriend sigurado, meron?"
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Ibig sabihin malakas ang pang-amoy niya. Kung malakas ang pang-amoy dalawa lang ‘yan. Nagpapagamit o gumagamit. Kabisado nga niya ang tulad ko lalo pa't mula nang nagsimula ang klase namin kanina ay napansin niyang malagkit ang aking mga tingin ko sa kaniya. Nahuhuli niyang nakatitig ako kaya siguro naglakas loob na imbitahan ako sa isang miryenda.
"Wala din e. bakit?”
“Wala lang, kasi sa gandang lalaki mong ‘yan at wala kang girl friend baka sa boy friend pwede.”
“Pwedeng alin?”
“Pwede kang magka-boyfriend.”
“Pwede naman. Kung mag-apply ka, bakit hindi?" Diretsuhan ko nang tanong.
Ngumiti siya. Kinindatan ako. "Okey ang trip mo sir ah"
"Hinahamon mo ako sa mga tanong mong ganyan, e." sagot ko.
“Napag-uusapan naman ‘yan sir, e”
Nagulat ako sa sagot niya. Mukhang palaban. Napangiti ako.
"Paano 'yan, I still have a class." Simpleng pamamaalam ko. Baka lalalim ang aming maging usapan.
"Agad? Hindi pa ubos ang sandwich eh.”
“Baka hindi ako makapagtimpi e, maligawan pa kita.”
“Open minded ‘to sir. Baka sasagutin kita agad.”
“Loko ka. Sige na, alis na ako. Baka seryosohin mo sinasabi ko e.”
“Ayos lang ‘yon sir.”
Uminom muna ako sa juice saka ako mabilis na tumayo.
“Sige see you around ha. Ingat ka.” Pamumutol ko sa usapan. Kahit vacant ko ay kailangan kong umiwas habang kaya ko pa. May pinirmahan akong bawal magkaroon ng relasyon ang teacher sa isang estudiyante at ayaw kong masira ako sa unang trabaho ko. Sapat na yung lumandi paminsan-minsan ngunit hindi talaga yata tamang makipagrelasyon pa ako.
Mabilis akong naglakad palayo sa canteen.
“Sir.” May humawak sa braso ko.
Paglingon ko, si Mark. “Bakit?” Tanong ko.
Napakamot siya.
“Kunin ko naman ang number mo."
"Aanhin mo ang number ko?" tanong ko kahit medyo kinilig ako. Ngunit sana may iba. Huwag muna sanang si Mark.
"Baka pwede i-text kita sa tuwing may tanong ako sa programming."
"Sure ka para sa programming lang?”
“Oo naman sir.”
“Huwag mo akong ite-text kung hindi tungkol sa lesson ha.”
“Bakit ba bigla kang sumungit?”
“Wala. Ayaw ko lang na sumabit ako sa school.”
“Sasabit? Sa pagbigay mo ng number mo, sasabit ka agad?”
“Sige, ibibigay ko na. Akin ang nang phone mo.”
Luma na ang phone niya. Maraming mga basag. “Sige, ikaw na lang ang mag-enter.” Ibinigay ko ang cellphone number ko sa kanya. “Basta kung magtext ka magpakilala ka ha."
“Sige sir, ingat ka ha?”
Ngumiti lang ako.
“Diyos ko, ilayo mo ako sa tukso habang kaya ko pa.” bulong ko sa aking sarili.
Kinagabihan habang abala akong gumawa ng aking module para sa mga subjects na ituturo ko ay biglang may nagtext.
"Kita tayo sir! Mark 'to."
“Magkita? Bakit?”
“Bonding uli. Sige na. Walang magawa e. Saka Friday naman ngayon e.”
"Saan ka ba? Busy kasi ako ngayon."
"Sayang naman. Isang beer lang. Wala akong kasama.”
“Busy e, may pasok bukas.”
“Sabado bukas, may pasok pa rin?”
“May klase ako kahit Sabado.”
“Okey. Kung busy ka, puntahan kita diyan sa inyo.”
“Huwag na.”
“Sa'n ka ba nakatira sir?”
“May ginagawa nga ako.” Pagdadahilan ko dahil mahigpit ngang ipinagbabawal ang pagkakaroon ng karelasyong istudiyante sa pinagtuturuan ko.
“Diyan na lang tayo uminom ng beer kahit tig-isa lang."
"Huwag na nga muna. Di ba sinabi ko sa’yo, busy ako?"
"Sige na nga. Next time."
Ngunit dahil sa text na iyon ay ako na ang hindi mapakali. Parang nawala na ang concentration ko sa ginagawa ko. Mas lalo kasi ako na-excite na makasama siya sa bahay kaysa sa tapusin ang paggawa ko ng module. Kinuha ko ang cellphone ko.
“Pupuntahan mo ba talaga ako?” text ko.
Ilang minuto na hindi pa rin nag-reply. Panay na tuloy ang tingin ko sa aking cellphone. Nanghihinayang na di ko pa pinatos yung gusto niya. Kung kaya kong itago ang sa amin, baka naman mag-work ito. Subukan ko lang. Bahala na basta gusto ko si Mark at mukhang gusto din naman niya ako.
“Saan ka na ba?” muling text ko nang 30 minutes na at wala pa rin siyang reply.
“Sure ka pwede ako diyan?” reply niya nang nawalan na ako ng pag-asa at nakahiga na.
"Sige, puntahan mo ako dito sa bahay.”
“Saan address mo?”
“Dito sa may Cembo malapit sa may Guadalupe station. Kung nandoon ka na sa may Jollibee sa may tulay, sabihan mo ako at susunduin kita."
"Yown! Sige sir! Ayos!" sagot niya.
Bahala na. One time lang ‘to.
Nang sinundo ko siya ay naka-short lang siya at nakasando ng itim at sumbrero ngunit napakalakas na ng tama niya sa akin. Bumagay sa maputi niyang kutis at magandang hubog ng katawan ang itim na sando. Napalunok ako.
Dumaan kami ng apat na beer sa malapit na store sa bahay.
Nang pumasok kami ay inilibot niya ang kanyang mga mata sa bahay.
“Laki ng bahay ninyo sir ah. Ilang kwarto ‘to?”
“Tatlo? Tara doon tayo sa kuwarto ko.”
“Nasaan parents at mga kapatid mo sir, nandito ba sila?” tanong niya nang papasok na kami sa kuwarto ko.
“Andami mong tanong agad e di pa tayo nagsisimulang mag-inom.”
“Sorry, antahimik kasi e. Pwede ba akong mag-short lang?”
“Sige lang.”
Tanging boxer short na lang ang suot niya. Nakita ko ang mabalbon niyang hita. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan lalo nang tumambad sa akin ang bukol na iyon. Napalunok ako.
“Mag-isa ka lang ba dito?”
"Oo, hindi lang mag-isa dito sa bahay. Mag isa na din ako sa buhay."
"Hindi ba malungkot ang mag-isa niyan?"
"Malungkot pero sanayan na lang din siguro. Pero umaasa pa din ako na may makakasama din ako balang araw."
“Sige, iinom natin ang pagiging huling araw ng pagiging single mo sa buhay.” Binuksan niya ang beer. Ibinigay niya sa akin ang isa at sa kanya ang isa. “Cheers!”
“Cheers!” sagot ko. Pinag-umpog namin an gaming mga bote at sabay kaming tumungga.
Lumalim ang gabi at ang tig-isang bote na beer na usapan namin ay dumami ng dumami. Nagtanggal na siya ng t-shirt. Takam natakam ako sa maputi niyang katawan. Nanginginig ako sa pinkish niyang mga u***g. Napakasarap sigurong halikan ang kanyang dibdib at impis na tiyan. Ano kayang pakiramdam ang mahalikan siya lalo pa’t nakatatakam yung labi niyang laging basa at namumula. Hindi ko alam kung inaakit niya ako. Ngunit sa totoo lang, sumasabog na ako sa kalibugan. Lalo na’t panay ang himas niya sa kanyang dibdib at ang pagkambyo niya sa kanyang alaga. Hindi ako tanga pero lahat iyon ay isang paanyaya na gawin ko na ang first move.
Hanggang sa pakiramdam ko ay lumakas ang loob kong magpalipad-hangin. Sa sandaling iyon, alam kong gustung-gusto ko na talaga siya.
"May naging karanasan ka na sa relasyong lalaki sa lalaki?" pasakalye ko.
"Wala pa, pero parag gusto kong subukan.”
“Talaga? Paano kung ako.”
“Di ba sabi mo, bawal sa school.”
“Bawal kung malalaman nila.”
“Pwede naman sana ako. Kayang-kaya ko naman itago ‘yon kung maging tayo kaso…”
“Kaso ano?”
“Kaso may girlfriend na kasi ako e." Seryosong sagot niya.
Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Oo nga naman. Bakit ko iisiping single ang katulad niyang guwapo na't malakas pa ang karisma.
"Kung wala ka bang girlfriend, puwede mo ba sana sa akin subukan?"
" Bakit hindi. Mabait ka naman sir e, pogi pa.”
“Ang lagay maghihintay ako hanggang wala ka nang sabit?”
“Ikaw?”
“Anong ako?”
“Ikaw kung kaya mo?”
“Maghintay? Hindi siguro.”
“Bakit ka naman kasi maghihintay pa e, pwede naman nating subukan kahit may girlfriend ako.”
“Paano ‘yon? Baka mamaya girlfriend mo pa magpatanggal sa akin sa school.”
“Kung kaya natin ilihim sa school, kaya din natin ‘don sa girlfriend ko. Ano papayag ka ba sa set-up na gano'n."
"Pwede naman. Kaso baka masasaktan lang ako."
"Lahat naman ng nagmamahal nasasaktan. Kahit nga hindi ka magmahal, masasaktan ka pa rin naman.”
“Natatakot lang siguro ako.”
“Ikaw kung ayaw mo, wala naman problemang maging tropa tayo, di ba sir?"
"Oo, naman. Kaso, sana mas higit pa do'n. Kung pwede sana."
"Pwede nga, ikaw lang nga itong may ayaw ng set up na gano'n. Sa akin, ayos lang basta huwag na huwag malalaman ng girlfried ko at sa labas ay parang magtropa lang tayo."
"Pag-isipan ko muna." Sagot ko.
“Sige lang pag-isipan mo.”
“Hindi ba malalaman sa school kung sakali?”
“Bakit ko naman ipahihiya ang sarili ko?”
“Oo nga naman.”
"Magpatugtog nga tayo, Sir. Antahimik. Okey lang?" hindi siya humihingi ng permiso. Sinasabi lang niya iyon kasi mabilis niyang kinuha remote ng TV. Dahil sa tabi ko lang ang remote ay parang sinadya niyang ang kaniyang ari ay tuluyang maidampi sa aking tiyan. Nakatihaya kasi ako at nakasandal at siya naman ay dumapa para maabot ang remote na nasa tabi ko. Biglang nagising ang dati ko nang pananabik. At nang naglapat ang katawan niya sa aking katawan ay tuluyan na akong tinupok ng aking pagpipigil. Kaya bago siya bumalik sa kaniyang pagkakaupo ay pinigilan ko siya. Nagsalubong ang aming mga mata at lumapit ang aking mukha sa kaniyang mukha. Naamoy ko ang amoy beer niyang hininga ngunit mas lalong nakadagdag iyon ng pagkalibog. Nang madampian ng labi ko ang malambot niyang labi ay bigla niya akong itunulak sa dibdib. Ngunit huli na iyon. Kahit saglit lang ang pagkakadampi ng labi ko sa labi niya ay naikintal na sa aking isipan ang sarap ng aming unang halik.
"Bilis ah. Di ka pa nga nakakapagdesisyon kung tayo na, naka-score ka na agad ng halik." Nangingiti niyang biro sa akin habang namimili siya ng kanta sa youtube sa aking Smart TV.
“Sarap mo palang humalik. Pwede isa pa.” muli kong siyang hinila at mabilis na nagtagpo ang aming mga labi. Sa pangawalang pagkakataon mas nagiging agresibo na siya. Parang puputok ang labi ko sa kanyang agresibong pagkagat-kagat. Hanggang sa bigla na lang niyang inilayo ang labi niya sa akin.
“Mamaya na lang uli.” Bulong niya at mabilis na lumayo sa akin. Hinarap niya ang TV. Pumindot sa remote.
Ngunit hindi pa din ako nakuntento. Sinubukan kong lumapit sa kaniya. Niyakap siya at naramdaman ko ang kakaibang init ng kaniyang katawan. Muli kong tinangkang ilapit ang aking labi sa kaniyang labi at hindi din naman siya tumanggi. Hindi man siya lumalaban sa aking halik sa pangatlong pagkakataon ngunit alam kong nagpapaubaya siya. Nagsimulang lumikot ang aking mga kamay. Inapuhap ko ang matigas-tigas niyang dibdib hanggag sa may kalambutan niyang tiyan. Sumasabog na ako sa panggigil. Nang papasok na sa loob ng kaniyang boxer brief ang nanginginig kong kamay ay tumunog ang cellphone niya. May tumatawag. Nainis ako sa istorbo kasi papunta na kami do’n eh!
"Sandali lang ha.”
“Bakit?”
“Kailangan ko nang umalis.”
“Aalis ka pa? Dis-oras na ng gabi. Dito ka na lang matulog.”
“Next time na lang.”
“E, di gawin muna natin yung naudlot?”
“Ano k aba, marami pang araw. Saka na natin gagawin ‘yon. Maghanda muna ako.”
“Maghanda? Saan?”
“Mabaho pa ‘yan.” Ngumiti siya. “Saka may lalakarin pa kasi ako. Mag-aalas dose na din pala."
“Yun na nga e. Hindi ba delikado?”
“Ihahatid mo naman ako sa kung saan mo ako sinundo kanina di ba?”
“Oo naman pero, baka naman dito ka na lang please?”
“Hindi talaga pwede. Hayaan mo sa susunod dito na ako madalas matulog.”
“Sure ‘yan ha?”
“Sure.”
Nabitin ako. Tumayo siya. Inayos niya ang kaniyang sando at short. Sinilip niya ang mukha sa salamin at isinuot niya ang sumbrerong ipinatong niya sa aking kama. Nakita kong nagtext siya. Tumunog ang cellphone. Binasa niya ang text at muling nagreply.
"Kita na lang tayo bukas ano, sir."
"Huwag mo na akong tawaging sir. Beyb na lang kung tayo lang dalawa."
"Beyb?”
“Oo, beyb?”
Natawa siya. “Bakit tayo na ba?”
“Oo, tayo na. bakit ayaw mo ba?”
“Hindi naman kaso akala ko ba pag-iisipan mo muna?"
"Hindi na. Sigurado na ako beyb." napapatawa pa din ako sa tawagan namin.
"Sige beyb. Bukas na lang." nangingiti din niyang paalam. “Huwag mo na pala akong ihatid.”
“Bakit?”
“Sunduin na lang ako ng tropa ko diyan sa labasan.”
“Tropa? Tropa mo yung susundo sa’yo.”
Tumango siya. “Oo, tropa ko lang ‘to kaya huwag na huwag kang magseselos ha?”
“Sabi mo e.”
“Tara na. Hatid mo ako sa pintuan baka maligaw ako sa laki ng bahay mo.”
Hinatid ko siya sa pintuan.
"Huwag kang mag-alala huling lakad na ‘to. Tagal mo kasi sumagot kanina e kaya nakapag-set ako ng ibang lakad kasama mga tropa ko.”
“Sige lang, naintindihan ko.”
“Yown, dapat kung tayo na, lagi kang ganyan para walang away.”
“Oo naman basta behave ka lang.”
“Behave ako promise.”
“Sige ingat ka ha?”
“Okey. Salamat.”
“Saan ang halik ko?" nakangiti kong biro.
HInawakan niya ang baba ko at hinalikan niya ng smack ang aking labi. "Gano'n lang?"
"E, sige 'kaw na lang humalik sa akin." Saad niya. Napakamot.
Hindi lang smack ang ginawa ko. Isang mainit na halik hanggang sa tinulak niya muli ako sa dibdib. "Tama na. Next time na ha? Ba-bye." Pamamaalam niya.
Nang umalis siya ay lihim kong sinundan. Kita kong may sumundo nga sa kanyang isang bakla. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba.