PART 6

1365 Words
SUE's POV.... . . . Gumalaw ang kamang kinahihigaan ko. May tumabi sa akin kaya biglang dilat ako ng mga mata at pabigla ring tiningnan ang taong humiga sa kama ko. Ang unang inakala ko ay si Papa. "Eeiiiiihhhhh!" Pero mayamaya ay nagtitili ako at napabalikwas ng bangon. Nagtatakang napatingin naman sa akin si Jaroh. "Ang OA mo naman. Mukha ba akong multo at ganyan ka makatili ka? Wagas na wagas?" "Anong ginagawa mo kasi rito sa kuwarto ko? Bakit ka ba sumulpot na lang sa ganitong oras?" Hinila ko ang kumot ko at pinulopot ko sa aking katawan. Alas onse na kasi ng gabi. "Makikitulog lang. Ang ingay kasi sa bahay, eh," tinatamad na wika niya. Tapos namalungkot na ito para matulog. Feel at home, akala mo ay kanya na ang kama ko. Nabahala ako. For the first time ay nakaramdam ako ng ilang kay Jaroh. Hindi pa rin kasi mawala-wala sa isip ko iyong sinabi ni Ivee kanina na baka may gusto si Jaroh sa kanya. Naduwal ako pero wala namang lumabas. Nagdilat naman ang isang mata ni Jaroh. "Nangyayari sa'yo?" Umasim ang mukha ko. Ever since, kapag may problema sa bahay nila si Jaroh ay dito siya nakikisiksik sa kama ko. At wala lang 'yon sa akin kahit minsan nga ay nagigising kaming magkayakap. Normal lang 'yon. Kahit nga si Papa ay walang problema kahit na minsan ay parang borders na namin si Jaroh. "Are you sick?" tanong pa niya sa akin. Akala na naman yata ay sinusumpong ako ng sakit ko. "Hindi," alangan ko na sagot. Mas itinaas ko ang kumot hanggang leeg ko. Akala mo'y masamang tao si Jaroh na aking kinatatakutan. "Then, let's sleep. Maaga pa ang klase ko bukas," aniya na hindi nakakahalata. Umayos ulit siya ng higa. "No! Hindi puwede! Hindi puwede na magkatabi tayo!" malakas ko nang protesta. "And why? Dati naman natutulog ako rito, ah," angal ni Jaroh na nakapikit na ang mata. Halatang antok na antok na nga siya. Sabagay alas-onse na ng gabi, ano pa bang inaasahan ko. "Hindi nga pwede, eh!" apila ko pa rin. Gamit ang paa ko ay itinulak ko si Jaroh hanggang sa mahulog ang kalahating katawan niya sa kama. "Oy!" Gulat na gulat siya. "Ano'ng ginagawa mo? Ba't mo ako itinulak?" saka reklamo niya sa akin. Ang maamo niyang mukha kanina ay nakabusangot na. "Basta alis! Hindi ka puwedeng matulog dito!" mataray na pagtataboy ko pa rin sa kanya. "What the hell is your problem?! Pati kama mo pinagdadamot mo na sa akin ngayon?" Nagawa ulit ni Jaroh na iayos ang kanyang pagkakahiga. "Hindi na nga puwede na rito ka! Umuwi ka na!" Tinulak ko ulit siya gamit ang paa ko.  Nga lang ay hindi ko na siya magawang ihulog sa kama. Pinatatag na niya ang katawan niya. "Bakit ba?" Padabog na nag-iba ng posisyon si Jaroh, paharap sa akin. Salubong na salubong ang kilay niya. "Di ka ba naaawa sa'kin? Papapalitan ko lang ang eyebags ko, eh. Ang panget ko na, oh." "Sa bahay niyo na lang ikaw matulog! At wala akong pake sa eyebags mo!" I insisted. "Ang ingay nga sa bahay. Nag-iinuman sina daddy," but he still reasoned out. Dumapa naman siya sa aking kama. Ibinaon niya ang mukha niya sa unan ko. Nag-cross arms ako ng mataas, nga lang ay lumaylay rin ang mga balikat ko. Ipagpipilitan ko sana sa paalisin siya pero may kung ano'ng bagay na humaplos na sa puso ko para sa kanya kaya nagbago ang isip ko. Kaibigan ko pa rin si Jaroh. Nagbuntong-hininga ako ng malalim. "Fine, pero last na 'to, ah? Ayaw ko na na nagpupunta ka rito sa kuwarto ko. Hindi ka na welcome rito." Napataas ang ulo ni Jaroh. "Bakit naman? Eh, bata pa lang tayo nakikitulog na ako rito, di ba?" "Malalaki na kasi tayo, Jaroh. Mahirap na baka ma-in love ka sa'kin," katwiran ko. Ayaw ko man ay tumatak na talaga sa isip ko iyong sinabi ng pinsan kong si Ivee, na baka ayaw lang ni Jaroh na mapalapit ako kay Edz kasi may lihim na may gusto siya sa akin. Imposible, oo, pero kung iisipin ko nga na maigi ay may tendency nga na magkagusto sa akin si Jaroh dahil ang ganda-ganda ko. Kung hindi man ngayon ay baka balang araw ay magkagusto siya sa akin. Ayaw kong mangyari iyon dahil wala akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko masusuklian. At baka kung hindi ko siya magawang mahalin din ay ma-depress siya o kaya magpakamatay, kawawa naman si Jaroh. "What did you say?" Nakusot nang husto ang mukha ni Jaroh. Nawala pa nga yata ang antok na niya. "Sabi ko baka ma-inlove ka sa akin, ayaw kong mangyari 'yon kasi magkaibigan lang tayo. Alam mo na si Edz lang ang gusto ko," sagot ko. Mas magandang prangkahin ko na siya para malaman niyang wala siyang aasahan sa akin. Bigla ay hinampas niya ako ng unan. "Huwag kang baliw!" "Aray!" angil ko. "Tigilan mo 'yang iniisip mo! Kadiri ka!" "Bakit pwede naman 'yon, 'di ba? Na ma-in love ka sa'kin? Baka nga in love ka na sa'kin ngayon, eh, inililihim mo lang." Inipit ko ang buhok sa aking tainga at nagpabebe. Hindi ko talaga masisisi si Jaroh kung totoo ang hula ni Ivee, kasi naman maganda talaga ako. I'm one of the goddess. Char. Isang unan pa ang tumama sa mukha ko. "Aray ko naman!" angal ko ulit. "Tigilan mo nga 'yang kagagahan mo. Never akong magkakagusto sa'yo, gaga ka!" "Gaga talaga?" pansin ko sa word na binigkas niya. Tila ay nabahala si Jaroh. "I mean baliw ka. Matulog ka na para matigil ka na sa kabaliwan mo. Kahit ikaw pa ang natitirang babae sa mundo ay hindi ako magkakagusto sa'yo. Keep that in mind." "Ang sakit mo namang magsalita! Akala mo kung sino ka, ah!" Hinampas ko rin siya ng unan. Madaming hampas. "Aray!" angal din niya. "Ang sinasabi ko lang ay mahirap na. Tama sila na baka sooner or later ay magkagustuhan tayo if ganito tayo ka-close. Kung hindi man ikaw sa akin ay baka ako sa'yo at ayokong mangyari iyon kasi kaibigan kita kaya inuunahan ko na. Umiiwas na ako at sana ikaw rin. Kahit alam kong maganda ako at guwapo ka, ay hindi pa rin puwedeng maging tayo kasi kapatid lang ang turing ko sa'yo. Ayoko na masak--" "Sige mag-emote ka pa at itong picture frame na ang ibabato ko sa'yo," gigil na pagpuputol ni Jaroh sa mga sinasabi ko. "Sinasabi ko lang ang totoo," pagdidiin ko pa rin sa mga naiisip ko na puwedeng mangyari. "Then drop that bullshit, Sue. Kung sino man ang may sabi niyan sa'yo na magkakagusto ako sa'yo, I'm telling you, she or he is a huge asshole," madiin na sabi ni Jaroh. Galit na. "Sure ka?" Parang batang humalukipkip ako. At dahil galing na mismo sa bibig niya iyon ay kahit paano nahimasmasan ako. Naginhawaan ako. Thank you, Lord. "Hundred percent sure. Itatak mo riyan sa kukuti mo na hindi mangyayari 'yon." "Sure na sure na sure?" pangungulit ko pa rin. "Oo nga." "Eh, bakit ayaw mo akong ilakad kay Edz? Kung wala kang gusto sa'kin?" "Aisst! Ito na naman ba tayo?" Itinakip ni Jaroh ang unan sa mukha. Umiiwas na naman. "Oh, kitam. Hindi ka makasagot." Inagaw ko ang unan. Kaso kunwari ay nagtulog-tulogan siya. Naghihilik pa. "Ayaw mo sumagot kasi nga may gusto ka sa'kin. Ayaw mo akong mapalapit kay Edz kasi nagseselos ka? Tama ako, 'di ba?" pang-aasar ko rin sa kanya. "Isipin mo ang gusto mong isipin," sabi niya lang bago siya tumalikod ng higa. "Kung ako sa'yo ngayon pa lang ay putulin mo na 'yang feelings mo na 'yan sa akin, Jaroh. Bad 'yan. Nakakadiri. Isusumbong kita kay Papa at kay daddy mo," pananakot ko pa sa kanya. Biglang lingon ulit siya sa akin. Takot lang kasi niya sa papa ko at sa dad niya. "Sinabing wala nga, eh!" at ang lakas ng boses niya na angil sa akin. "Siguraduhin mo lang." Nagbabanta pa rin ang tono ko. "Tss!" ang reakyon lang niya. Pagkuwa'y badtrip na bumangon na siya, walang ano mang lumabas na siya sa kuwarto ko. Asar talo na. "Guilty!" pahabol ko na sigaw. Saglit ay nagtatawa ako..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD