PART 5

1696 Words
JAROH's POV... . . . "So, kumusta na si Sue? Nasabi mo na na ayaw ko siyang maging kaibigan?" tanong agad sa akin ni Edz nang nagkita kami sa paborito naming coffee shop. "Yeah, pero ayun baliw na baliw sa'yo. Ang kulit, dude," I answered poutingly to him. "Baliw talaga ang best friend mo, noh? Dalhin mo na kaya sa mental." Nag-wave si Edz na parang may mahaba siyang buhok. Pero trip lang niya 'yon dahil same kami ni Edz na ganito pa rin kami na sa kabila ng lahat ay pa-men pa rin. "Umayos ka nga baka may makakita sa'yo," saway ko sa kanya. I scanned my gaze around. Nagkibit-balikat naman siya, may pagmamaktol. Gustong-gusto na kasi niyang mag-out pero alang-alang sa akin ay hindi pa niya magawa. Napakahirap kasi ng ganitong relasyon namin patago. Para kaming kriminal na nagtatago sa ibang pagkatao 'wag lang mahusgaan ng ibang tao makikitid ang utak, at lalo na na huwag kaming ikahiya ng mga taong mahalaga sa amin. "Hi," maya-maya ay bati sa amin ng boses babae. Pagtingin namin ay si Carrie pala, ang isa sa mga classmate namin. May dalang tray ito ng pagkain. Biglang ayos kaming dalawa ni Edz sa pagkakaupo. "Hi, Carrie," napilitang bati ko rin sa dalaga, na ngayon ay mas lalaking-lalaki na ang aking boses. "Puwedeng maki-share ng table?" Pagpapaalam ni Carrie sa amin na ngiting-ngiti. Lihim na napairap si Edz nang sulyapan ko siya. Ang dami namang bakanteng upuan. "Sure," sagot ko na kaya wala na siyang magawa. Napahimas ako sa aking batok pagkatapos. Alam ko kasi na crush ako m Carrie. May nagpaabot na sa akin at hindi yata ikinaiila ni Carrie dahil panay pa rin ang lapit niya sa akin. "Thanks." Inilapag ni Carrie ang dala niyang tray ng pagkain. Ang laman n'on ay isang plate ng spaghetti anf fruit shake. "Anyway, ready na ba kayo for interview sa inyo next week?" tanong niya sa amin habang umuupo. "Oo," tipid na sagot ko dahil hindi nagsasalita si Edz. Hindi na ako nagtataka kasi snob talaga si Edz sa mga babae. Magkagayunman ay madami pa ring humahanga sa kanya sa basketball team namin. Siya pa rin ang star ng team namin, maliban kay Junaid na MVP. And about sa tinanong ni Carrie ay tungkol iyon sa article raw na gagawi para sa next issue ng school magazine. Isa kasi si Carrie sa writer doon. Isa yata siya sa mag-i-interview sa amin. "Buti naman." Matamis ang ngiting tumingin si Carrie kay Edz. Kunwa'y sumimsim si Edz ng kanyang cappuccino. Alam ko na paraan iyon ni Edz para hindi magkaroon ng chance na magtagpo kahit tingin nila ni Carrie. Naiiling naman ako. "Close talaga kayo noh?" Tumango ako. "How about Sue? Bakit hindi mo 'ata siya kasama?" tanong na naman Carrie sa akin. Halata na parang nag-o-open lang ng topic upang may mapag-usapan lang. "Ang cute niyo tingnan 'pag magkasama kayo, eh. Pwede ko ba siyang isama sa tanong ko about sa'yo?" Sa pagkakataong iyon ay alangan na ako kung ano ang ire-react. "Kung hindi puwede ay okay lang. Alam mo kasi ay team JaSue ako. Ang sweet niyo kasi," madaling sabi ni Carrie nang nahalata niyang na-awkward ako." "Plastic!" Umubo si Edz. Buti at hindi malinaw. "Friends lang kami ni Sue," tipid na sabi ko. "I know, sorry. Ako nama'y umaasa rin na sana kayo na lang ni Sue tulad ng ibang fans niyo rito sa school," sabi ni Carrie kahit na halata sa kanyang mukha talaga na she's only pretending. Napatingin ako kay Edz dahil naramdaman ko ang  pasimple pagsipa niya sa paa ko sa ilalim ng lamesa. Sinasabing umalis na lang kami kaysa makipagchikahan sa madaldal na si Carrie. "Hindi pupunta rito si Sue?" tanong na naman ni Carrie. "Busy siya sa art club," tipid na sagot ko. Hindi ko pinansin si Edz. Sa lahat ng iniiwasan ko ay ang makahalata ang mga tao about sa amin ni Edz kaya mas gusto ko na usapan na lang ay tungkol kay Sue, kahit pa ayaw nilang maniwala na magkaibigan kami ni Sue. "Um... dude, 'di ba may i-re-reseach pa tayo sa library? Let's go?" Nga lang ay singit na ni Edz sa amin. "Excuse us, Carrie. Okay lang?" "Gano'n ba, sige, okay lang." Halatang ayaw pa sana ni Carrie na umalis kami. Pilit na pilit kasi ang ngiti niya. Tumayo na si Edz. "Ingat sa pagpunta sa library," sabi ni Carrie sa akin. "Ano kami bulag?" matabang na sabi ni Edz. At diretso na ang tingin nito na naglakad palabas. Napangiwi naman ako. Sa lahat talaga ay kay Carrie naiinis si Edz. Malandi raw kasi. Masyadong obuse sa pagtingin niya sa akin. "Pasensya na." Ako na lang ang humingi ng pasensya kay Carrie. "Okay lang. Sanay na ako kay Edz. Buti ka pa kaibigan mo siya. Pero alam niyo bagay talaga kayong magkaibigan ni Edz, parehas kasi kayong guwapo. Kaya kilig na kilig din sa inyo ang mga ibang girls, eh," parang wala lang na sabi ni Carrie o pa-impress lang siya sa akin. Dunno. "Ang pinagtataka ko? Bakit wala pa kayong mga girlfriend?" Doon ako biglang nasamid. "Ikaw, Jaroh? Bakit 'di mo nililigawan si Sue? Bagay kaya kayo. Saka maganda raw 'yon kapag bestfriend mo ang makakatuluyan mo," giit niya pa rin sa nais niya kuno. Hindi na lang niya sabihin na siya ang ligawan ko. Mga babae nga naman. Muling napaubo ako. Kinuha ko ang coffee at ininom. Buti na lang at 'di napansin ni Carrie na kape pala iyon ni Edz. "Hindi ako nagbibiro, Jaroh. Maraming nag-aabang sa inyo ni Sue kung saan patutungo ang relasyon niyo." "Hanggang doon na lang 'yon dahil ang totoo ay parang kapatid ko na rin si Sue," panlilinaw ko. "Pero sayang naman kasi kapag naging kayo, naku, kayo na ang magiging the best love team ng campus," giit ni Carrie. Pasalamat ito at wala si Sue kundi nasabunutan na ito ni Sue. "Lahat ng girls ay payag na magka-girlfriend ka basta si Sue." "Mag-best friend lang kami n'on, magkababata, kaya hindi mangyayari 'yon." "Ganoon naman talaga, eh, pero time will come na mari-realize niyong dalawa na mahal niyo pala ang isa't isa. Parang sa mga teleserye. At sa mga nababasa ko sa libro, lalo na sa online reading platform na w*****d at Dreame." "Sa mga story lang 'yon pero sa totoong buhay, hindi," katwiran ko. At totoo 'yon kasi ang laswa naman kung sa totoong buhay ay magkatuluyan ang parang magkapatid na. "No, sigurado ako ro'n, Jaroh. Tingnan mo si Sue, maganda, mabait kahit medyo childish pero 'di ba 'yon naman ang type niyong mga lalaki, 'yung makulit na girl?" Isang pirasong nabilog na tissue ang tila sinadyang ibinato sa mukha ni Carrie. Gulat na gulat tuloy kaming dalawa na napatingin kung saan galing iyon. "Sorry, dapat kay Jaroh ko itatapon. Nahangin," sabi ni Edz nang mapatingin kami sa kanya. "Ang tagal mo kasi, dude, akala ko nakasunod ka. Ang layo na ng nilakad ko. Bumalik pa tuloy ako," ta's sabi niya sa akin. Natatawa na lang ako ng lihim kay Edz. Alam ko sinadya niya iyon. . . . ******** SUE's POV...... . . . "Oh, bakit wala pang kahit ano riyan sa canvas mo? Ba't hindi ka nagpi-paint? Patapos na ang mga kasama mo, ah?" puna ni Ivee sa akin nang dumating siya sa art room. Sabay kasi kaming uuwi ngayon kaya nandito siya, at puwede siyang pumasok dito dahil member din siya ng Art Club. Hindi lang siya kasali ngayon sa activity namin dahil busy raw siya. Ang activity kasi namin ngayon ay gumawa ng painting for a cause. Ibebenta namin ang gagawin naming art sa College Fest at lahat ng malilikom ay mapupunta sa isang estudyante na may cancer daw. Ang goal ngayon namin ay tulungan ang kapwa estudyante namin na iyon dahil naging member din daw iyon ng club namin. "Wala akong gana," mahaba ang ngusong sabi ko. Nakatitig lang ako sa blangko ko pang canvas. "Bakit naman?" Tumabi si Ivee aking kinauupuan. Kinuha niya akin ang brush at siya ang nag-umpisang nag-paint. "Nakakainis kasi si Jaroh. Ayaw talaga niyang tulungan na mapalapit kay Edz," malungkot ko na sabi. Hinayaan ko na siya na mag-paint para sa akin. Nakusot ang mukha niya. "Edz na naman? Lakas din talaga ng tama mo sa lalaking 'yon, noh?" Ang haba ng naging buntong hininga ko. Malakas nga ang tama ko kay Edz pero hanggang doon lang dahil hindi naman niya ako nakikilala. Magkakaroon lang ako ng pag-asa kay Edz kapag nagkalapit na kami, hindi tulad ngayon na kahit konting sulyap ni Edz ay wala. Ang ilap kasi ni Edz. Ang suplado. "Ba't kasi hindi mo na lang ibaling sa iba ang pagtingin mo kay Edz? Hindi ka nga niya pinapansin 'di ba?" Nakagawa agad ng hugis mukhang babae si Ivee. Ang taas ng cross arms ko at lalong humaba ang mga nguso ko. "Siya lang ang gusto ko, eh." "Bakit kasi hindi na lang si Jaroh?" Kunot ang noong nilinga ko siya. "Tigil-tigilan mo nga ako sa pinagsasabi mom Kinikilabutan ako. Yuck!" "Bakit hanggang best friend lang ba talaga ang feelings mo kay Jaroh? Hindi ba talaga hihigit?" "Oo, at alam niya 'yon. Parang kapatid nga lang niya ako. Sabi nga niya hindi ako dapat ma-in love kay Edz kasi masasaktan lang daw ako. Oh, 'di ba? Parang kuya ko lang." Ang hindi ko inasahan ay nanlaki ang mga mata ni Ivee. "Really? Sinabi ni Jaroh na ayaw niyang nagkakagusto ka kay Edz?" Kahit wala si Jaroh ay inis na inis ako na tumango kay Ivee dahil sa kanya. "Eihhhhh!" Nga lang ay bigla namang impit na natili si Ivee. "Problema mo?" angil ko sa anya. "Oh, come on, insan, hindi mo ba nage-gets?" "Ang alin?" "Na isa lang ang ibig sabihin niyon." "Ang ibig sabihin niyon ay bunsong kapatid ang turing sa akin ni Jaroh kaya prinuprutektahan niya ako," eksplenasyon ko. "No, mali ka. Sapagkat ang totoong ibig sabihin niyon ay ayaw ka niyang ma-in love kay Edz kasi may gusto siya sa'yo. Lihim na may gusto sa iyo si Jaroh." Ang lakas ng "Huh?" ko. Kasi naman ay lalo akong naguluhan sa paliwanag ni Ivee. Ang labo, eh...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD