SUE's POV...
.
.
.
"Dito tayo," biglang hila ko kay Ivee.
Imbes na dumiretso kami patungong canteen ng school ay kumanan kami. Nagtatakang tumalima si Ivee.
"Si Jaroh iyon, ah?" tanong ni Ivee sa akin.
Si Jaroh kasi dapat 'yung makakasalubong namin. Kasama niya ang isang ka-team niya sa basketball. Pasalamat ko at hindi si Edz ang kasama niya. At umiwas ako kasi ayoko siyang makita at makausap na.
"Nakita ko, kaya nga umiwas ako," sagot ko.
"At bakit naman?" Lalong nahiwagaan si Ivee.
Umasim naman ang mukha ko bago sumagot. "Paano ay tama ka yata na may gusto nga siya sa'kin."
"Really? Paano mo nalaman?" Kinilig agad si Ivee. Muntik pa siyang mapatili.
I heaved a deeply sigh. "I confronted him last night."
"Anong sabi niya?" Nagningning ang mga mata ni Ivee.
"Hindi naman siya umamin pero naasar siya nang tinanong ko siya. Guilty siya."
"Sabi ko naman sa'yo, eh. Kasi imposible naman kasi talaga na gano'n na lang kung maka-care sa'yo si Jaroh kung walang dahilan maliban sa friendship. Magkapatid nga hindi ganyan ka-close tulad niyo, eh. Suwerte mo if siya ang magiging jowa mo if ever." Kilig na siniko niya ako sa tagiliran. Akala naman ay natutuwa ako sa pinagsasabi niya.
Nilabian ko siya. "Hindi mangyayari ang sinasabi mo dahil wala naman akong gusto kay Jaroh."
"Gaga, ano pa bang ayaw mo sa kaibigan mo na 'yon? Mayaman, check. Guwapo, check. Mabait, check. Caring, check na check."
Hindi ako nakakontra kasi tama naman lahat ang sinabi ni Ivee.
"Don't tell me na mas hihingin mo kay Lord na magkajowa ng iba kaysa kay Jaroh?"
"Oo naman at sana si Edz 'yon. Mas bagay kaya kami ni Edz. Mas guwapo kay Jaroh, check. Mas mayaman kay Jaroh, check. Baka mas mabait kay Jaroh, check. Baka mas caring kay Jaroh, check." Ako naman ang kinilig nang naalala ko na naman ang ultimate crush ko.
"Baliw, iyong kay Edz may 'baka' pa lahat. Malay mo masama talaga ang ugali niyon. Remember, snob si Edz. Ni parang walang pakialam sa mundo iyon, eh, so paano mas magiging mabait at caring iyon compare kay Jaroh?"
"Huwag kang judgemental, insan. Hindi mo kilala 'yung tao," saway ko sa kanya.
"Hindi naman sa judgemental ako, nagsasabi lang ako ng possibilities kasi iyon ang tingin ng mga kapwa estudyante rito sa campus."
"Eh, kung totoo ang rumors na 'yan, bakit hanggang ngayon ang dami-dami pa ring nagkaka-crush sa kanya?"
"Kasi nga guwapo," ayaw patalo na sabi ni Ivee.
"Ang sabihin mo ay baka may iba pa siyang katangian na nakita na ng iba kaya hanggang ngayon minamahal at hinahangaan pa rin siya. At saka naniniwala ako na kaya siya kaibigan ngayon ni Jaroh ay dahil mabait siya. Knowing Jaroh, insan, mapili iyon sa kakaibiganin," pagtatanggol ko pa rin kay Edz.
"Ay ewan. May diperensya nga talaga ang puso mo," talo na sabi ni Ivee. Wala na siyang maipanlaban sa akin.
Para naman akong nakarating sa alapaap na nag-imagine. In-imagine ko na kami na ni Edz. Kilig na kilig ang puso ko.
"So, iiwas ka na lang kay Jaroh, gano'n? Kasi si Edz ang gusto mo?" pamumutol ni Ivee sa aking pag-i-imagine.
Sunod-sunod na tango ang ginawa ko. "Kung ayaw niya ako ilakad kay Edz dahil nasasaktan siya ay bahala siya. Ako na lang maglalakad sa sarili ko. Gagawa ako ng paraan para magkakilala at maging close rin kami ni Edz."
"Pa'no naman aber? Eh, biglang sulpot lang 'yun dito sa campus. Kapag nandito naman ay kay hirap lapitan. Ikaw na ang mahihiya, eh."
"Basta. Akong bahala," tiwala ko na sabi.
"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Bakit kasi hindi na lang si Jiroh ang nagustuhan mo?"
"Paulit-ulit? Sinabi ko naman sa'yo kapatid ko lang siya--" Natigil ako sa pagsasalita dahil natanawan akong guwapong lalaki na makakasalubong namin ni Ivee. Kumabog talaga nang husto ang puso ko.
"Insan, si Edz! Si Edz, makakasubong natin siya!" mahinang sabi ko kay Ivee na may kasama pang yugyog sa kanyang balikat.
Nang mga sandaling iyon ay feeling ko palapit sa akin si Cha Eun-Woo. Muntik na akong maihi sa aking panty. Ayiee!
"Oy, si Edz!" Kahit ang mga nakapansin na kay Edz na ibang estudyante ay natili na rin sa kilig.
Gusto ko silang simangutan dahil mga papansin sila, pero hindi ko magawa dahil nakapagkit na ang tingin ko sa guwapong mukha ni Eds. Maliit at maamong mukha, kabaliktaran sa kanyang pagiging snob. Matangos at maliit na ilong. Mapupungay na mga mata na animo'y laging naka-smile. At ang kanyang killer lips na daig pa ang aking lips sa pink.
"Mas guwapo pa rin si Jaroh. Maputi lang kasi," naibigkas ni Ivee por que anti-Edz ang bruha.
Dinedma ko rin siya kasi palapit nang palapit sa amin na si Edz. Parang sa amin talaga ang tungo niya at nababahala na ako. Nanlamig ang mga palad ko. Anong sasabihin ko 'pag sa akin talaga siya pupunta?
Hi?
O
Hello?
Napangiwi ako. Ang hirap ng choices, ah!
Lalong nakilig pa ako nang nakita kong ngumiti sa akin si Edz. O! M! G! Parang gusto kong mahimatay, pero mamaya na. Ayokong masayang ang moment dahil lang mawawalan ako ng malay. This is the moment na.
"Excuse me." Kaya lang ay biglang may asungot na umentra. Gitla ako nang dumaan sa gitna namin ni Ivee si Jaroh.
Napanganga ako dahil sinalubong ni Jaroh si Edz. Siya pala ang nginingitian ni Edz, hindi ako.
"Dude, may practice raw tayo mamaya, ah," sabi ni Jaroh kay Edz na narinig ako.
"Ouch, ang sakit," kantyaw sa akin ni Ivee kaya hindi ko narinig ang sinagot ni Edz.
At nagwagi si Ivee sa kantyaw niya sa akin dahil nagsalubong na ang mga kilay ko. Tumaas ang dibdib ko at nakuyom ko ang mga kamao ko. Pinakaayaw ko sa lahat ay maetsapwera ako.
"Nakakainis ka!" saglit lamang ay malakas na sigaw ko kay Jaroh.
Nagtakang napalingon sa akin sina Jaroh at Edz. Pati si Ivee na nasa tabi ko ay takang napatingin din sa akin.
Malalaki ang hakbang na lumapit sa kanila. Daig ko pa inagawan ng asawa ang hitsura ko dahil gusto ko talaga ay sabunutan si Jaroh.
"Anyare sa'yo?" parang wala lang na tanong sa akin ni Jaroh. Walang pakiramdam ang hinayupak.
Lalong nainis ako. Naglaho na nang tuluyan ang pagiging dalagang marikit ko. Hindi ko na sasayangin ang chance na ito kahit na magmukha pa akong desperada.
"Ipakilala mo ako sa kanya! Dali!" parang batang utos ko may Jaroh. Itinuro ko si Edz.
Napatanga sa isa't isa sina Jaroh at Edz.
"But he knew you already," sabi ni Jaroh.
"Kahit na! Gusto ko magshake-hands kami!" pasuplada na sabi ko. Sinapian na talaga ako ng masamang ispiritu, but at least ito na ang pagkakataon para maging kaibigan ko ang crush ko.
"Umayos ka nga Sue!" saway ni Jaroh sa akin.
Ngumiti naman na sa akin si Edz. Siya na ang lumapit sa akin. "Hi," tas pa-cute niyang bati sa akin. Inilahad niya ang isang palad niya sa harapan ko, dahilan para magbalik ako sa huwisyo. Bigla na akong nakaramdam ng hiya.
Ano itong nagawa ko? s**t!
"You are Suezane Villarez, right?"
Nanlaki talaga ang mga mata ko napatitig kay Edz. Totoo ba ito? Totoo ba na binanggit ni Edz ang complete name ko? Ngayon ko lang nalaman na ang ganda pala ng complete name ko kapag si Edz ang bumabanggit. Nakakakilig.
Woaahhhh!
"Lagi ka kasing nababanggit sa'kin ni Jaroh. Nice meeting you, Sue," sabi pa ni Edz.
Muntik na talaga akong nahimatay. Myghad! Ang crush ko alam na nga ang complete name ko, alam din niya ang nickname ko.
"Eiiihhhhhhh!" Narinig ko na mahabang tili ng kaluluwa ko.
From now on, ayoko na ng Sue. Gusto ko ay Suezane na ang itawag sa akin.
"Jaroh! Edz! Tawag na tayo ni sir!" Malakas na boses ni Brix.
"Let's go, dude." Tinapik ni Jaroh sa balikat ni Edz. "Kita na lang tayo sa bahay niyo, Sue," at sabi naman niya sa akin.
Isang ngiti muna ang ginawad ni Edz sa akin bago siya sumunod kina Jaroh at Brix.
"Nga nga!" kantyaw naman ni Ivee sa akin. Siguro ay dahil wala man lang akong nasabi kay Edz.
"Ang ganda ng pangalan ko. Tawagin mo akong Suezane," sabi ko na parang nasa alapaap pa rin. Pinagdaop ko pa ang mga kamay ko sa dibdib ko.
"Nabaliw na," naibulalas ni Ivee.........