PART 1
JAROH'S POV
.
.
.
"Oh, Jaroh, pasok ka na lang. Nasa kuwarto niya si Sue. Pasensiya ka na at ikaw na naman ang inabala ko," sabi ng daddy ni Sue na si Mr. Ruel Valdez sa akin. Kakababa ko lang sa kotse ko after ko mai-park ang aking kotse sa kanilang carport. Nandito kasi ako sa bahay nila. Dadalawin ko ang aking best friend na tinutupak na naman daw.
"Okay lang, Tito," sensero ko na sabi.
"Ginawa ko na ang lahat pero nagwawala pa rin. Natatakot na ako baka may hindi magandang mangyari na sa kanya."
Tumango-tango ako. "Ako na po ang bahala."
"Salamat, hijo. Sige, puntahan mo na at may bibilhin lang akong gamot. Baka atakehin na naman, wala nang stock na gamot."
"Sige po, Tito. Ingat po." Ngumiti ako at kinawayan ang dad ni Sue. Papasok na sana siguro sa trabaho ang magiting na police pero dahil tinutupak na naman ang kanyang anak ay hindi na lang.
Hindi na sumagot ang mamang police. Itinaas niya lang ang kamay niya at sumibad na siya gamit ang mamahalin niyang motor.
Napabuntong-hininga ako. "Okay, kalma," at payo ko sa aking sarili dahil sigurado ako na sasabak na naman ako ngayon sa matinding gyera. Ano na naman kayang kabalbalan ang makikita kong ginagawa ngayon ng aking makulit s***h maldita s***h pasaway s***h baliw s***h parang bata kong kaibigan? Ugh!
Wala pa man ay sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko alam bakit ba kasi ako binigyan ng kaibigan na ganito? Daig ko pa ang may alagaing ten-year-old na kapatid na hindi tumatanda, hindi nagma-matured.
Napailing-iling ako. Sue is a pain in the groin as ever.
Saglit ay nagdire-diretso na nga ako sa loob ng bahay. What other choice do I have? Wala. Dahil sa mga pagkakataong ganito ay ako lamang ang kailangan para aluhin si Sue. Ako lang ang makakapagkalma sa kanya.
Kanina ay tumawag si Sue sa akin at galit na galit. Kung bakit? I don't have any idea. Malalaman ko lang kapag nakita ko na siya, as usual. Basta alam kong may sayad na naman. Galit na galit talaga, eh. Gustong manakit. Pinagmadali pa akong puntahan dito kundi siya raw ang susugod sa akin. What a brat!
Dati magkapitbahay kami ni Suezane or Sue Valdez, dahilan kaya naging best friend kami. Elementary pa lang kami noon at hindi na kami mapaghiwalay. Napalayo lang kami konti noong lumipat kami ng bahay. Kaya ngayon ay medyo malayo na ang bahay namin dito sa bahay nila. Isang sakay ako noon ng jeep bago ako makarating dito sa bahay nina Sue. Sobrang malayo 'pag lalakarin. Gayunman, tinitiis ko lagi noon para lang mapuntahan si Sue. Kaya naman laking pasalamat ko dahil noong nag-college ako ay niregaluhan ako ng dad ko ng kotse kaya hindi na ako nahihirapan ngayon. Kahit ilang beses pa ako tawagin ni Sue ay agad akong nakakapunta rito sa bahay nila.
Police din ang dad ko, same ng dad ni Sue, at matalik na magkaibigan din. At dahil sa pagiging police rin ng dad ko kaya lumipat kami sa bayan. Nadistino kasi noon si Dad sa ibang bayan noong na-promote. Para malapit lang uuwian ni Dad pagkatapos ng duty niya ay bumili ng bahay roon.
Wala naman akong naging angal noon, si Sue ang umangal kay Dad. Inaway ng pasaway na si Sue ang si Dad noon dahil bakit daw kami paghihiwalayin. Ang kaso wala pa rin nagawa noon si Sue.
"Jaroh, buti dumating ka na. Jusko," bungad ni Ivee nang nakapanhik ako sa second floor ng bahay. Si Ivee ay pinsang buo ni Sue na nasa tapat lang ang bahay. Nandito rin pala ang dalaga. Dinadalaw rin malamang ang pasaway niyang pinsan.
"May tupak na naman ba?" I asked
coldly.
Ivee nodded. "Alam mo na. Kabilugan na naman kasi ng buwan kagabi kaya ganyan na naman," tapos pabulong na sabi niya.
I scratched the back of my head and gave Ivee a small smile.
Sa totoo lang, noon ko pa gusto pagsisihan kung bakit kinaibigan ko noon ang Sue na ten-year-old, hindi ko lang magawa.
Tandang-tanda ko pa na umiiyak noon si Sue dahil napakawalan niya raw ang pusa niya. At dahil mabuting bata ako na eleven-year-old noon ay hinanap ko naman ang kuting na si Puti. Noong nahanap ko ang Rogdoll Cat ni Sue ay doon na nagsimula ang lahat. Nagkaroon na ako ng kaibigan na makulit s***h maldita s***h pasaway s***h baliw s***h parang bata. Na sana hindi na lang pala.
Sue is really a migraine. A pain in the ass ever since.
Kung hindi nga lang mahalaga sa akin si Sue ay hahayaan ko na lang siya sa mga kapraningan niya. Daig ko pa kasi ang may bunsong kapatid na triplets, kahit na only child lang ako. Totoo.
"Sige, check ko na lang. Sana lang hindi malala," nakangiti na may ngiwing sabi ko kay Ivee. This time sa noo naman ako napakamot.
"Bakit ba kasi hanggang kaibigan na lang kayo ng pinsan ko, ha, Jaroh? Ligawan mo na kaya para magtino na? Baka kulang lang sa alaga ng boyfriend?"
Grabe ang naging ngiwi ko sa sinabing iyon ni Ivee. At buti wala akong kinakain o iniinom dahil for sure naibuga ko sana sa kanya. Hindi iyon magandang joke, eh.
"Bagay kaya kayo na maging jowa hindi lang best friend," giit pa ni Ivee sa ideya niya.
"Sakit sa ulo na nga siyang best friend, girlfriend pa kaya? Huwag na," sagot ko naman. Nakangiwi pa rin ako. Hindi ko kasi ma-imagine iyon. Kinikilabutan ako.
Ivee laughed lightly. "Oo na, sabi mo, eh. Sige na, puntahan mo na siya. Doon lang ako sa kusina. Gagawa ako ng miryenda natin."
Pilit na tumawa rin ako pero nang hindi na nakatingin si Ivee ay gusto kong maduwal. Wala pa ring kahit ano na pagkain sa bunganga ko pero parang may nalasahan na akong maasim ang hitsura ko.
"Meow!" Buti na lamang at bumungad si Puti. Nagmadali ang pusa na lumapit sa akin.
"Stress ka na rin ba sa amo mo, Puti?" I asked and scooped him. Ni-rub niya ang ulo niya sa aking pisngi. Ang mga rogdoll ay isa sa mga pinaka-friendly na breed ng pusa, kaya nga love na love ko rin si Puti kasi ang sweet niya. Actually, lagi kong sinasabi kay Puti na hawaan niya ang amo niya ng ka-sweetan para hindi laging may tupak. Akala mo walang sakit, eh.
Yeah, may sakit si Sue. Mayroon siyang Arrhythmia o Heart Ryhthm Problem, isang sakit sa puso gawa nang hindi normal ng pagtibok. Minana raw mi Sue ang sakit niya sa mommy niya na namatay noong isilang siya. Mayroon daw kasing Coronary Artery Disease ang mom ni Sue noon. Na kahit naging maayos ang pagbubuntis ay nagkakumplikasyon naman daw noong nagli-labor na.
Tumalon si Puti mula sa aking pagkakarga at parang gina-guide niya ako papasok sa kuwarto ni Sue. Kahit ang pusa ay parang may alam din sa karamdaman ni Sue kaya parang nag-aalala rin sa pagwawala na naman ni Sue. Bawal kasi dapat kay Sue ang magalit at mapagod, kaso nga pasaway kaya parang walang sakit kung umasta.
Hindi naman at risk masyado ang sakit ni Sue dahil kahit naman sino ay nararanasan ang hindi normal na pagtibok ng puso. Nga lang kasi kapag napabayaan si Sue, iyon ang delikado. Puwede kasing mapunta sa punto na hindi na talaga siya makahinga at ikamatay niya. Kumpara sa normal or healthy na puso ng tao ay mas sensitive ang puso ni Sue, mas fragile kaya dapat ingatan.
Ito ang dahilan kaya hindi ko siya matiis kahit gaano pa siya katupak. Maliban sa mahal ko kasi siya bilang kaibigan ay pinapangalagaan ko rin ang kanyang kondisyon.
"Meow!" ngiyaw ni Puti sabay tingala sa akin nang narating namin ang room ni Sue. Naunawaan ko na kung bakit nasa labas ang pusa, sarado pala ang pinto ng room ng kanyang amo.
Hindi na ako kumatok. Binuksan ko na agad ang pinto. Kaya lang ay may lumipad agad na bagay patama sa aking mukha.
"Oy!" Buti na lang at nasalo ko ang bagay na iyon. At buti na lang unan lang 'yon. Heck!
"Nakakainis ka! I hate you!" Gigil na gigil na sigaw sa akin ni Sue. Nakatayo siya sa ibabaw ng kama.
"Ano na naman ang nagawa ko?" tanong ko na salubong ang mga kilay ko. Naisip ko kasi kung paano if hindi unan iyon. Ugh!
"Mang-aagaw ka! Taksil na kaibigan!" sigaw niya ulit kasabay nang pagbato niya ng isang unan pa niya sa akin.
Nasalo ko ulit iyon. "What are you talking about?!"
"Maang-maangan ka pa!" singhal niya pa rin sa akin na nakapamaywang. Ito ang sinasabi ko na ugali niya na akala mo ay wala siyang sakit. At kapag nagpatuloy siya na high blood ay may tendency na atakehin siya ng Arrhythmia niya.
"Hindi ko nga alam. Ano na naman ba ang nagawa ko?" Dinampot ko ang mga unan at ibinalik sa kama. Pagkatapos ay hinila ko siya. "Umupo ka nga. And can you calm down? Mamaya hindi ka na naman makahinga niyan, eh."
At ito rin ang sinasabi ko na kahit anong inis ko sa kanya ay wala akong magawa dahil kapag kaharap ko na siya ay nawawala lahat ang galit ko. Mahalaga sa akin si Sue. Sobra.
"Tumingin ka sa laptop ko!" mataray na utos niya sa akin. Puwede nang talian ang kanyang nguso na itinuro niya ang laptop na nakapatong sa kama.
Nagtataka ang mukha ko naman na tiningnan nga iyon. Subalit natampal ko ang noo ko nang nakita ko ang larawan doon. Heto na naman kami.
"Ano na naman ang issue riyan?" tanong ko sa kanya nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya. Paano, eh, picture lang naman namin 'yon ni Edz, ang bago kong kaibigan sa school dahil sa basketball.
Sue pouted at nag-cross arms siya nang hanggang kili-kili niya. Isip bata na naman.
"I'm jelous! Kasi buti ka pa nkaka-picture mo siya! Bakit ako hindi?"
Napakamot ako sa sintido ko dahil ilang beses na bang nangyari ang eksena na ito. Hindi ko na mabilang. Crush kasi ni Sue si Edson Manzano.
"Sabi mo hindi kayo close! Eh, bakit sa picture parang close na close kayo?! Ang daya mo! Sinosolo mo si Edz ko!" angil pa niya.
"Syempre barkada ko na 'yong tao. Kasama ko sa basketball team namin kaya hindi maiiwasan na makasama ko talaga sa mga pictures," for the nth time I told her. Tumataas-baba ang dibdib niya sa inis sa akin kaya I tried my best na gawing malumanay ang boses ko. Ayaw ko siyang magalit pa nang husto at baka sa emergency room mapunta ang away na ito. Mas mahirap iyon.
"Ah, basta! Dapat may picture kaming dalawa! Dapat maging friend ko rin siya! Dapat maging close rin kami dahil kung hindi ay ayaw na rin kitang maging kaibigan!" subalit ay pagmamaktol pa rin niya.
"Oo na. Gagawa ako ng paraan para maging friend mo rin siya. Kumalka ka na," sabi ko lang para magtigil na siya.
"Yes!" Her mood changed automatically. Tuwang-tuwa na siya na napayakap sa leeg ko. "Thank you, best friend," at sabi pa bago niya pinisil ang ilong ko.
"Ouch!" angal ko.
Sunod namang pinagdiskartehan ni Sue ang magkabilang pisngi ko kaysa tumigil.
Pinisil niya na animo'y cute na cute siya sa akin. Ako na ang ginawang bata kahit na siya ang isip bata. "Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng best friend na guwapo na ay mabait pa katulad mo."
"Aray naman, eh." Hinawakan ko na ang kanyang mga wrist dahil alam ko na hindi niya ako titigilan. Sweet nga, sobra naman. Mapanakit na sweet.
Nagtatawa si Sue dahil namula agad ang mga pisngi niya. Pati dulo ng mga tainga ko. Masakit naman kasi talaga.
"Sa ginawa mo hindi na! Hindi na ako gagawa ng paraan para maging kaibigan mo rin si Edz!" galit-galitan kong sabi.
Agad siyang pumulupot sa aking braso at malambing na inihilig ang ulo niya sa aking balikat. "Sige na, sorry na. Sorry na po," at paghingi niya ng sorry kahit na tatawa-tawa naman. Hindi sinsero. "Huwag kang mag-alala 'pag may nagustohan ka ring babae tutulungan din kita para maging close mo rin siya at maligawan."
"No, thanks!" Tinulak ko siya sa noo para magtigil siya sa sinasabi niya.........