PART 4

1325 Words
JAROH's POV..... . . . "Sue, okay ka lang?" Sobrang nag-aalala na pagsaklolo ko agad kay Sue. Sobrang natakot ako na baka sinusumpong na naman siya ng kanyang sakit. Damn, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag mayroong mangyaring masama sa kanya. Ayaw ko naman na ganunin siya pero anong magagawa ko kung ayaw talagang pumayag si Edz sa gusto niya. Ako naman ang mapapatay ni Edz kapag kukulitin ko siya. "Bulaga!" Nga lang ay biglang dinikwat ni Sue ang aking kwelyo. Um-acting lang pala ang pasaway. "Ano tutupad ka na sa promise mo?" Tumabingi ang labi ko. Tinitigan ko siya nang masama pagkuwa'y tinabig ko na ang kamay niya. "No!" "Jaroh, naman, eh! Gusto mo ba talaga ako mamatay?" pagmamaktol ni Sue. Ang sarap talagang kutusan. "Stop that s**t, Sue! Huwag na huwag mong gagamitin ulit ang sakit mo kung hindi---!" pananakot ko sana kaso mukhang hindi uubra. "Kung hindi ano?" kasi ay paghamon niya sa akin. Hinalukipkipan niya ako ng sobrang taas. Siya na nga ang nakagawa ng mali dahil ginamit niya ang sakit niya ay siya pang matapang. My jaw clenched, pero hayaan ko na lang. Walang sali-salita na iniwan ko siya. "Hi, Jaroh," bati sa akin ng babaeng muntik kong mabangga sa bigla kong pag-atras. "Sorry," sabi ko lang. Iyon pa lang ay kinilig na ang babae sa akin. "Bayot 'yan!" Napangiwi ako nang narinig ko na sabi ni Sue sa babae. Natigil ako sa paglakad at napapikit. Ugh! "Hindi tumutupad sa usapan kaya bayot! Bayot 'yan! Bayot ka, Jaroh!" Patuloy ni Sue. Hindi naman ako naiinis o nasasaktan kapag tinatawag niya akong bayot. Naiinis lang ako kasi kahit ang word na iyon na ay ginagamit niya sa pambu-bully sa akin. But as usual, hindi ko pinansin. Pamarcha na lang akong umalis. At laking pasalamat ko dahil hindi niya ako sinundan. Ni hindi rin nagpunta sa bahay. Wala ring tumawag at sinabing nagwawala siya. Natahimik ang buhay ko kahit paano. "Ano na naman?" Anong gulantang ko nga lang pagkalabas ko sa bahay kinabukasan dahil ang aga-aga, eh, ang ganda nang pagkakangiti sa akin ni Sue. Ang aga-aga, eh, 'andito na sa labas ng gate namin at halatang hinihintay ako. "Magjo-jogging ka?" tanong niya sa akin. Inirapan ko lang siya, hindi na ako nagsalita. Naaamoy ko na na may binabalak siyang hindi maganda. Nahulog ang aking dalang towel, agad 'yon pinulot ni Sue. Mas kinukutuban na ako ng masama. For sure, maghahasik na naman ito ng kakulitan. Kabisado ko na ang mga kilos na ganito ni Sue sa akin. "Here." Pa-cute niya na iniabot sa akin ang towel. Hindi ko kinuha ang towel na iniaabot niya, instead I folded my arms over my chest and I glared at her. "What can I do for you, my princess?" tapos ay pasarkastikong tanong ko. Ngiting-ngiti na napahimas ng batok si Sue. Sabi ko na, eh. Mayamaya ay pablink-blink ang eyes niyang lumapit sa akin lalo. I sighed. Humugot ako ng madaming pasensya. "Grabe naman, hindi ka pa nga nagja-jogging pawisan ka na." Pinunasan ni Sue ang mukha ko. "Drop that crap, Sue. What do you want?" Iniiwas ko ang mukha ko. "If tungkol na naman ito kay Edz, sorry pero ayaw niyang makipagkaibigan daw sa isang babae." "Huwag ka ngang maarte dahil simula ngayon ay ako na ang alalay mo," aniya na parang hindi naapektuhan sa sinabi ko. Napasinghap ako. Anong kabaliwan na naman ito? Jusko! "Ewan ko sa'yo," sabi ko lang. Napailing ako at nag-start nang mag-jogging. Pero anong kusot ng mukha ko nang nakita ko na nakasunod sa akin si Sue. "Ano'ng ginagawa mo?! Bawal sa'yo ang mapagod!" sita ko sa kanya nang tumigil ako. "Tubig?" Nga lang ay alok niya sa akin sa naka-bottle na mineral water. I looked at her questioningly. Ganito na ba kadesparada ang mga babae ngayon para sa kanilang crush. "Kapag may nangyari sa'yo hindi ko kasalanan, ah? Bahala ka!" sabi ko at nag-jog ulit. "Teka lang." Humarang sa akin si Sue. Kunot na kunot ang noo ko dahil pinunas niya ang nag-uumpisa ko pa lang na pawis sa noo. Hinawakan ko ang wrist niya. "I told you, ayaw ni Edz at wala na akong magagawa." "Okay." Agad na sunod-sunod ang naging tango ni Sugar sa akin na ngiting-ngiti pa rin. Lalong nagsalubong ang kilay ko. "Okay lang sa akin, basta pumayag ka na alalay mo na ako simula ngayon para bawat practice niyo sa basketball at laban niyo ay puwede akong sumama sa'yo," sabi na niya. Dismayadong binitawan ko ng marahas ang kamay niya. "Nababaliw ka na ba talaga? Wala kang mapapala kay Edz!" saka inis kong turan. Talagang naiinis na ako dahil gagawin talaga ni Sue ang lahat mapalapit kay Edz. Gets ko na ang binabalak niya. Mas malinaw pa sa tubig na gagamitin niya ako para mapalapit kay Edz. Kinilabutan ako. Ghad, kung sakali best friend ko pa ang magiging karibal ko pala. Buti na lang at akin na si Edz. "Sige na naman please? Kung ayaw niya akong maging kaibigan ay kahit man lang makasama ko siya kapag kasama mo rin siya. Pagbigyan mo na ako," pakiusap sa akin ni Sue. Pinagdaop niya pa ang mga kamay niya sa dibdib niya at pinakawawa niya ang hitsura niya. "Eh, hindi ka nga niya type," prangka ko na sa kanya. Mas masasaktan lang si Sue kung hindi ko ito pipigilan. Humaba ang nguso ni Sue. Pwedeng talian sa haba. "Pa'no mo naman nasabi?" At parang batang nagmaktol na. "Ayaw niya sa babae na katulad m," ang gustong isagot ko pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Dahil may bf na siya, este gf na siya." Nakunot bahagya ang noo ni Sue. Kinabahan naman ako kaya nag-jogging ulit ako. Pinagpawisan ako nang malapot. Nahalata kaya ni Sue 'yung sinabi kong may bf na si Edz? Huwag naman sana. I bit my lower lip. Kung sabagay 'di naman masyado katalinuhan si Sue. "Hindi ako naniniwala sa'yo! Sinisiraan mo lang siya sa'kin!" sigaw ni Sue. Nakiki-jogging ulit pero kusot na kusot na ang mukha niya hindi tulad kanina na akala mo'y walang makakasira sa kanyang magandang mood. Napilitan akong bagalan ang pagtakbo ko para sa kanya. Nakitapat kasi siya sa akin. Baka mapagod nang husto. Bawal sa kanya ang mapagod. "Kasi wala naman akong nakikitang kasama niya babae, eh! Imbento kang bayot ka!" sabi pa ni Sue. I scratched the back of my head. Nagsasabi ka na nga ng totoo, ikaw pa ang masama. Tss. "'Di ba?" Sinuntok pa ako ni Sue sa braso. "Aray!" kunwa'y angal ko kahit na hindi naman 'yon masakit. Tumigil ako sa pag-jog para sa kanya. "Mm!" Pero sinuntok-suntok niya pa ako lalo sa braso. "Sinungaling ka! Imbento ka!" "Secret lang 'yon kaya hindi mo nakikita," kusang nasabi na ng bibig ko habang umiiwas-iwas. "Eh, bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin?" Finally, tumigil siya. "Bakit? Nagtatanong ka ba?" pagrarason ko. Napalabi si Sue. Natumbok ko rin sa wakas. "Sino 'yung girlfriend niya? Kaklase niyo?" "Secret nga, 'di ba?" "Siguro pangit 'yung girl, noh?" Napaubo ulit ko. Ang sakit niya magsalita, ah. "Ano'ng hitsura niya? Siguro mataba? Siguro duling, noh?" "Ewan ko sa'yo!" sabi ko lang bago ko binilisan ang pagtakbo para maiwanan na siya. At nakahinga ako nang maluwag nang nagpaiwan na nga siya. Nagi-guilty ako at naaawa kay Sue pero anong magagawa ko? Mas masasaktan lang siya kapag inamin ko ang totoo, na walang GF si Edz pero may BF siya. At ako iyon. Sa stress ko ay mas binilisan ko ang takbo ko. Nga lang at tumunog ang cellphone ko na nasa armband ko. May tumatawag. Pinindot ko agad ang bluetooth headset ko na nakasuksok sa tainga ko. "Morning, dude, kita tayo mamaya?" Si Edz ang caller. Napangiti ako kasi mukhang hindi na siya nagtatampo sa akin. "Sure, saan mo gusto?" "Do'n sa paborito nating coffee shop?" "Okay, noted," kinilig kong sabi kasabay nang paglingon ko kay Sue. Nakaupo na lang siya kung saan ko siya iniwanan.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD