PART 8

1524 Words
IVEE's POV.... . . . "Patahanin mo nga 'yang pinsan mo na 'yan, Ivee. Ano bang nangyari riyan at kung makaiyak, eh, wagas? Binasted na ba 'yan ni Jaroh?" inis na utos sa akin ni Tito Ruel, ang papa ni Sue. Nakailang beses na labas at pasok na kasi sa bahay ito pero ganoon pa rin kung makangawa ng iyak ang kanyang unica hija. Naiirita na si Tito Ruel kay Sue, parehas kami. "Wooaaaaaaaahhhhhhhhhh!" Lalong lumakas naman ang iyak ni Sue. May pasuntok-suntok pa siyang nalalaman sa unan na yakap-yakap. Kanina sa school ay okay pa naman siya, ninanamnam ang pagpansin sa kanya ni Edz. Parang adik na paulit-ulit sinasabi na ang ganda pala raw ng name niya na Suezane. Ang kaso nang nakauwi na kami ay nag-umpisa nang nanghinayang sa moment daw. Bakit daw hindi siya nakapagsalita kanina? Bakit daw hindi niya kinausap si Edz? Sinayang daw niya ang moment. Kung ano ang moment na sinasabi niya, ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay may tupak na naman ang pinsan ko. "Naagdradrama lang po, Tito." Kakamot-kamot sa batok ako na sumagot kay Tito Ruel. "Patigilan mo 'yan at baka mapaano na 'yan," sabi niya na nag-aalala na. Kung hindi kasi titigil si Sue ay baka sumpungin siya ng sakit niya. Kapag sinumpong pa naman siya ng sakit niya ay nakakatakot. Hindi siya kasi makahinga dahil sa heart problem niya. Mas malala pa sa may hika dahil agad siyang nagba-violet. Iyong parang bangkay na. Kaya nga tulad ni Jaroh ay lagi rin ako nakaalalay sa pinsan kong ito dahil sa sakit niya na napaselan. Takot na takot din ako na baka may mangyari sa kanya kahit pa gaano siya kapasaway. "Opo," nakangiwing sabi ko kay Tito Ruel. Spoiled si Sue kay Tito Ruel pero nanaig din minsan ang pagka-istrekto nito, palibhasa pulis. "Alis muna ako. Ikaw muna ang bahala sa kanya. Tawag ka na lang sa akin." "Sige po." Kumaway ako kay Tito Ruel pero ang isa kong kamay ay pasimpleng sinasabunotan na si Sue. "Araaayyy annnnng sakiiiittt!" Nga lang ay pagngawa lalo ni Sue. "Ang OA mo na!" Itinulak ko na siya nang wala na si Tito Ruel. "Hindi ka naman inano ni Edz, ah! Kung maka-aray sakit ka naman diyan!" "Gaga!" Binatukan naman niya ako. "'Yung pagsabunot mo ang inaarayan ko!" Napangiwi ako. Nagkatinginan kami nang masama. "'Kaw naman kasi ang arte-arte mo, eh, 'andiyan pa naman ang papa mo. Mamaya ma-highblood 'yon sa'yo. Tumigil ka na," saway ko sa kanya. "Hayaan mo siya," walang ano mang sabi niya palibhasa ay wala siyang takot sa Papa niya. Spoiled nga, eh. "Naiirita na siya sa'yo. Tumahan ka na," pag-alo ko pa rin sa kanya. Sisinghot-singhot na umayos na nga si Sue ng upo. Inabutan ko siya ng tissue. Suminga siya ng marami kaya napangiwi ako. At akala ko'y titigil na nga siya. Aba'y muling umatungal ulit ng iyak ang gaga. "Woah! Edz koooo! Sayang! Sinayang ko ang pagkakataon! Ang tanga-tanga ko, mylabs!" "Bahala ka na nga riyan!" Naiiling na lang ako na tumayo at iniwan siya. Tutal ay wala naman na si Tito Ruel. Mag-bibihis na lang muna ako sa bahay kaysa mabaliw rin ako sa kagagahan ng aking pinsan. 'Di bale at bibilisan ko naman. Babalikan ko rin ulit siya. Okay naman siya. At saka sanay na ako kay Sue. Minsan kapag inaalo ay lalong tinutupak. Sana lang pagbalik ko mamaya ay okay na siya. . . . ******* JAROH's POV.... . . . Masiglang bumaba ako ng hagdan. Gigimik kami ngayong gabi ni Edz. Sabado kasi bukas, walang klase kaya kahit maglasingan kami ay puwede. At kasama namin sina Brix at Junaid, mga kasama namin sa team. After ng practice kami kanina nagkayayaan. "Son..." Ang 'di ko nga lang inasahan ay tawag sa akin ni Dad na nasa living room. Napatingin ako sa dako niya at napalunok ako ng laway nang nakita kong naglilinis si Dad ng kanyang baril. "Tumawag dito si kumpareng Ruel. Umiiyak daw si Sue. Anong ginawa mo na naman do'n sa kaibigan mo?" hindi tumitingin sa akin na tanong ni Dad. Nagsalubong ang mga kilay ko, pero madali ko ring inayos bago pa makita ng aking Dad. Alam ko kasi na kung mayroon mang kakampihan si Dad sa amin ni Sue, ay si Sue iyon kahit na ako ang anak niya. Sipsip kasi si Sue kay Dad. "Puntahan mo nga 'yung batang 'yon at baka kung mapaano na naman. Alam mo namang ikaw lang ang makakatahimik sa kababata mong 'yon, eh." Napahimas ako sa aking batok. "Naman, oh!" at naibulong ko. Gusto kong umangal kasi may pupuntahan ako pero huwag na lang dahil alam ko naman na wala akong magagawa. Isa pa, ngayong nalaman ko na may tupak na naman ang babaeng iyon ay hindi rin ako mapapakali hangga't hindi ko nasisiguro na magiging ayos lang siya. "Ano pupuntahan mo ba?" Tumingin na sa akin si Dad. Napatuwid ako ng tayo. "Yes, Dad." "Sige na, bilisan mo kung gano'n." Dahil sa inis ko, imbes na gamitin ko ang kotse o motor ko ay pinili kong naglakad papuntang bahay nina Sue. Para matagalan ako. Ano na namang kaartehan kaya ang ginagawa ni Sue? Malapit ko na talagang masabunotan ang gaga na 'yon. Mapependiho na naman ang lakad namin ni Edz dahil for sure magtatagal na naman akong suyuin siya. Pasaway! "Jaroh!" Bungad ni Carrie. "Sa'n punta mo? Kina Sue ba?" Ngumiti lang ako sa kanya. Tanong niya, sagot niya na, eh. At saka naiinis din ako sa kanya. Parehas lang sila ni Sue na ang kulit. Paano ko naman magugustuhan ang ganitong klaseng babae? Hindi nahihiya na magpapansin? Tsk. "Sabay na tayo kung gano'n. Doon din kasi ang way ko." "San ka ba pupunta?" "Doon sa bahay ng tita ko. Malapit sa bahay nina Sue." Tumango ako. Kahit naman ayaw ko ay magiging kasabay ko pa rin siya sa paglakad. Do I have a choice? "Bakit ka nga pala naglalakad lang? Nasa'n 'yong kotse mo?" "Ah... Eh... Sa sobrang taranta ko na puntahan si Sue ay nakalimutan kong may kotse ako," rason ko. Kahit na alam kong hindi kapani-paniwala. Mas issue naman kasi kapag sasabihin kong sinadya kong maglakad para matagalan ako na  puntahan si Sue. Baka ma-misinterpret pa niya. "Naks, ang sweet mo naman kay Sue," kinilig na turan ni Carrie. Napa-Toinks ako sa isip-isip. Ang plastik. "Ang suwerte talaga ni Sue kasi kahit magkaibigan pa lang kayo ay parang may boyfriend na siya." "Huh?" Naguluhan ako sa kanya. "Sacrifice baga? Kasi nagsa-sacrifice ka for her. Gawain na kasi ng boyfriend ang mga ginagawa mo sa kanya." Nailing ako. Ang babaw na talaga ng mga tao ngayon. Kahit ano na lang ay pinag-iisipan ng ibang kahulugan. Ay naku. "Alam mo naalala ko tuloy ang bestfriend ko noon sa'yo." Napangiti lang ulit ako sa kanya. Ngiti na pilit. Ngiting aso. "Lalaki rin siya." Hindi pa rin ako umimik. Gusto ko nga bilisan ko na ang lakad ko para maiwanan siya, kaso kabastusan naman 'yon. "Kaya lang nagkalayo kami." "Sa'n siya pumunta?" tanong ko, may masabi lang. "Kinuha siya ng mommy niya sa Canada." "Ah, okay." "Kakalungkot nga, eh, kasi nang umalis siya ay saka lang namin na-realize ang tunay nararamdaman namin para sa isa't isa." "Anong ibig mong sabihin?" Echosera rin pala ang Carrie na ito. Ang alam ko kasi ay si Shema ang best friend niya. "Na ano... na in love pala kami sa isa't isa. More than friends gano'n. Tulad niyo ni Sue na akala namin noon ay friends lang ang nararamdaman namin sa isa't isa pero hindi pala. Alam mo 'yung kasabihan na absence makes your heart grow fonder? Ganoon ang nangyari sa amin." Napatanga ako. Sumilay ang manipis na ngiti sa labi ni Carrie. "Sayang noh? Kung sana sinabi na namin noon ang nararamdaman namin sa isa't isa, siguro masaya kami ngayon bilang nagmamahalan. Kaso wala na, eh, ang layo na namin sa isa't isa. Nabalitaan ko na rin na may girlfriend na siya roon. Ang hirap kasi ng LDR." Wala na akong reaksyon. Pumamulsa lang ako habang naglalakad. Pero sa isip-isip ko, ano bang pakialam ko sa kwinikuweto ng babaeng ito? Ngayon na ako nagsisisi bakit hindi ako nagkotse. Tss. "Kaya dapat ikaw, Jaroh, 'pag may pagtingin ka na kay Sue na higit pa sa pagkakaibigan ay sabihin mo na. Mahirap ang magsisi sa huli. Advice ko lang." Napangiwi ako. Sinasabi nito? Baliw na ba siya? Si Sue ba talaga ang sinasabi niya o ang sarili niya? "Huwag mong hayaang mapunta si Sue sa iba, sayang 'pag magkataon. Bagay pa naman kayo." Pinilit kong ngumiti, ngiting napipilitan pa rin. "Sige, dito na pala ako. Daanan ko muna iyong friend ko pala rito. Ingat ka," hindi nagtagal ay paalam ni Carrie sa akin. Kumanan na siya ng lakad imbes na straight. Naiwan ako na sobrang naginhawaan. Salamat at wala na ang makulit. At kung paano ko narating ang bahay nina Sue ay 'di ko na namalayan. Ang alam ko lang pawis na pawis ako. "Waaaahhh!" malakas na ngawa ni Sue na narinig ko  kahit nasa labas pa lang ako ng bahay. Okay, magpapatahan na naman ako ng baby, na asal baby rather..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD