PART 9

1025 Words
SUE's POV... . . . "Where are we? Ano'ng gagawin natin dito?" Ang haba ng nguso ko. Ang ganda-ganda nang pag-iiyak o pag-i-emote ko kanina, bigla ba naman kasi akong hinila palabas ng bahay ni Jaroh. Tapos ay sumakay kami sa kotse niya at dinala rito sa hindi ko alam kung kaninong bahay. Basta ang alam ko ay bahay na maganda, pang-rich. Yayamanin. "Gusto mong maging kaibigan si Edz, 'di ba?" sagot ni Jaroh sa akin habang pinipindot ang doorbell ng malaking bahay. Mukha siyang badtrip. Nairita na yata sa akin kanina kakaiyak ko at kakasumbat sa kanya na may gusto siya sa akin kaya kontrabida siya sa love story namin ni Edz. "Talaga? At sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? Alam ko gusto mo lang palubagin ang damdamin ako," ingos ko sa kanya. Tumulo ulit ang mga luha ko. "Puwede ba, Sue, tama na kakaiyak mo. Nandito talaga tayo sa bahay nina Edz. Dito na kita dinala para hindi na siya makatanggi, isang desisyon na alam kong ikakagalit niya. Wala na kasi akong choice. Mas ayaw ko na masiksik sa isipan mo na may gusto ako sa iyo dahil nakakasuka na." Natigilan ako dahil parang totoo naman yata ang sinasabi ni Jaroh. Namimilog ang mga mata kong nagtanong, naniniguro pa rin. "Really? Bahay 'to nina Edz?" "Oo nga," pabalang niyang sagot. "Ang kulit mo!" Natutop ko na ang bunganga ko. Kinilig na ako. Humalukipkip naman si Jaroh habang hinihintay namin na pagbuksan kami. Hindi ako nakatiis. Kinalabit ko pa rin siya. And so kung makulit ako? "Bahay nina Edz 'to?" paniniguro ko. Hindi ako makapaniwala. At sa weh? Ayaw nga niya akong ipakilala dadalhin pa kaya sa bahay nina Edz? Impossible! Tumango lamang si Jaroh. Napipilitan lang. Tila sa isip nito ay, "Naku, kung 'di lan kita kaibigan na lukaret ka ay kakainin na lang sana kita ng buhay! Arte arte mo!" Hindi ko pinansin ang pagkakabusangot niya. "Eiiiiihhhhhh! Hindi nga?! Nandito talaga tayo sa bahay nina Edz?!" Sa halip ay nagtitili ako. Biglang nag-iba ang mood ko. Kilig na kilig akong yumakap sa bisig ni Jaroh habang tinitingala ng tingin ang malaking bahay. "Ang yaman pala nila!" mas namamanghang sambit ko pa. "Sir Jaroh, kayo pala. Pasok po. Pasok po." Katulong ang nagbukas sa kanila. Kilalang-kilala na si Jaroh. Nainggit ako. Sana all. Pero hindi bale at magiging close ko na rin naman na si Edz. Tapod magiging boyfriend. Hindi magtatagal at mas welcome na ako sa bahay na ito kaysa kay Jaroh. "Pasok po, Ma'am," sabi rin ng katulong sa akin. Lalong namangha ako nang napagmasdan ko ang katulong. Naka-uniporme kasi siya, as in complete uniform. "Astig!" kako na sinipat-sipat ang uniporme ng katulong. Natatawa na lang sa akin ang katulong na nahihiya. "Salamat po, manang. Si Edz po?" tanong ni Jaroh sa katulong habang pasimpleng inakbayan ako para mapigilan ako sa kakulitan. Hinead-lock lang niya ako. "Ano ba nasasakal ako?!" angal ko na pilit tinatanggal ang braso ni Jaroh sa aking leeg. Ang sama niya talaga. "Umayos ka kasi! Maging pormal ka rito dahil hindi 'to ang bahay niyo o bahay namin," mahina at madiing sabi ni Jaroh sa may bandang tainga ko. Para akong bata na sinasaway niya. Ano bang masama sa ginawa ko? Pinuri ko nga ang katulong, eh? Tss. Pero napalabi na lang ako. Naunawaan ko naman ang gustong ipabatid niya. Syempre bisita lang kami rito. "Nasa loob po si Sir Edz. Pasok na lang po kayo," magalang na sabi ng katulong kay Jaro. "Sige po, manang. Salamata." Lumakad na si Jaroh nang bitawan niya ang kamay ko. Sinamantala ko iyon para makipagkulitan sa katulong. Tinanong ko kung mamahalin ang uniform niya. Kung magkano ang sahod niya. At syempre kung may girlfriend bang dinadala si Edz dito sa bahay nila. Hindi nga lang na nasagot ni Manang ang huling tanong ko kasi binalikan at hinila na ako ni Jaroh papasok ng bahay. Sayang. "Close na kayo ng mga katulong nina Edz, ah? Eh, 'yung mga parents niya? Close ka rin sa kanila?" tanong ko na ngayon naman ay manghang-mangha naman sa mga mamahaling display ng bahay. "Syempre barkada kami 'di ba? Pero laging wala sila rito sa Pilipinas dahil sa mga negosyo nila abroad." Lumuwang ang pagkakangiti ko. "Kainggit ka naman. Sana maging close rin kami ni Edz." "Kaya nga tayo 'andito 'di ba?" Kinilig ako, at muli na namang naging malikot ang tingin ko sa bawat madadaanan naming parte ng magarang bahay. "Ang ganda talaga!" hindi ko napipigilang bulalas. Lalo na nang paakyat kami sa maluwang at mataas na hagdanan ng bahay. Parang hagdanan 'yon kasi sa mga fairy tale na napapanood ko. Tulad nina Cinderella at Snowhite. Tapos in-imagine ko na nagsasayaw kami ni Edz doon sa itaas. Ayeii! "Anong ginagawa mo?" Pero biglang natapos ang sayaw namin ni Edz nang biglang umentra ang kontrabidang si Jaroh. At siya na ang kasayaw ko. Yuck! "Ew!" Napangiwi at napaatras. Tiningnan ko si Jiroh mula ulo hanggang paa na parang nandidiri. Napailing naman si Jaroh. "Baliw ka na talaga!" sambit niya. Itinulak niya ako sa noo. Masakit iyon pero benaliwala ko na lang. Sanay na akong tawagin ni Jiroh ng baliw at itulak, iduro at sabunutan. Ako rin naman sa kanya. "Jarih!!" ang tinis ng boses ni Edz mula sa isang silid. Lumaki ang mga mata ni Jaroh. Kitang-kita ko. Haban ako ay napatingin naman sa papalapit na si Edz nang nakita ko siya. Nakunot ang noo ko. Si Edz ba 'yung tumili ng parang tiling bakla? Mas malaki ang mga mata ni Edz nang makita niya ako. Malamang ay nagtaka siya na kasama pala ni Jaroh. Awtomatiko itong umayos sa sarili. "Hi," ta's pormal na bati na niya sa akin. Ang asim ng mukha ko. Nahimas ko ang aking batok. Bakit gano'n ang naging tili ni Edz? "Edz!" mayamaya ay matinis na tawag din ni Jaroh kay Edz. Lumapit pa siya kay Edz at nakipagbeso-beso. Saka sila nagtawanan. Tumirik ang mga mata ko. Alam ko na, nagtritrip ang dalawa. Kalaunan ay nagtatawa na rin ako. "Hindi bagay sa inyo. Ang papanget niyo," tas nakatawang kako. Paano ay lalaki nilang tao ta's mga bakla. Hindi talaga bagay. Nakakasuka..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD