JARO'S POV....
.
.
.
"Edz, this is my best friend, si Sue. Sue, this is Edz, one of my teammates sa basketball," pakilala ko sa dalawa. I have no choice. Isa pa ay na-realize ko na wala naman sigurong masama.
At kitang-kita ko nga na sobrang kinikilig na si Sue. Kulang na lang ay himatayin na. Napailing na lang ako.
"Hi," bati ni Sue kay Edz, extending her hand for handshake.
Tipid na ngumiti lang naman si Edz, walang balak na makipagkamay kay Sue. Nakapamulsa pa rin kaya kinusutan ko siya ng mukha. Sinenyasan ko siya na makipag-shakehands para hindi ma-offend si Sue. Ayaw ko na ng sakit sa ulo.
Thank God at kahit napilitan, Edz stuck out a hand. He reached out and took Sue's hand. "Nice meeting you, Sue."
They shook. At mas kinilig na talaga si Sue. Kahit nasa harap niya si Edz ay hindi niya itinago ang kilig.
Ako nama'y lihim na nakahinga. Napakamot ako sa batok. Daig ko talaga ang may alagang bata sa katauhan ni Sue, pero okay lang. Mahalaga sa akin si Sue, parte na siya sa buhay ko kaya handa ko pa rin gawin ang ikakabuti niya.
"Ang ganda ng bahay niyo," sabi ni Sue para siguro may masabi lang.
"Thanks," tipid na wika lang ni Edz.
"Gusto niyong mag-mall?" napilitan ko rin na sabi nang natahimik na ang dalawa. Nagkakailangan.
"Sure," sang-ayon ni Edz.
"Oo, masaya 'yon, lalo na kung dalawa lang sana kami ni Edz. Wala ka bang gagawin, Jaroh?" Ang hindi ko lang inasahan ay tapatang sasabihin ni Sue.
I frowned her for telling that I'm disappointed with her. Ano bang iniisip niya? Na por que pormal na magkakilala na sila ni Edz ay magiging okay na sila? Ang sarap talagang kutusan ang babaeng ito, Diyos ko.
Ngumuso si Sue. "Ah... eh... Ako nama'y nagpapaalala lang at baka may nakalimutan kang gagawin o pupuntahan. Nakakakahiya na kasi sa'yo. Sinamahan mo na ako rito kay Edz, pinakilala, tapos magiging chaperone ka pa namin sa first date namin, parang mali naman yata."
I took a deep breath and tried to control my annoyance with her. Alam ko na kasasabi ko lang kanina na handa kong gawin ang ikakabuti ni Sue pero parang gusto ko nang bawiin ngayan na. God, bakit ba ako talaga biniyayaan ng ganitong kaibigan?
"Wala akong pupuntahan," sabi ko sa kanya.
"Eh 'di wala." Bumasungot si Sue.
Kinabahan ako. Kabilugan ba ng buwan mamaya? Paktay ako mamaya nito if oo. Sigurado aawayin niya ako mamaya dahil halatang na-badtrip na naman sa akin. Pero alangan namang iwanan ko sila? Kawawa naman si Edz.
Yeah, kay Edz ako nag-aalala hindi kay Sue. Ugh!
"I changed my mind. Tinatamad pala akong lumabas ng bahay ngayon. Dito na lang tayo," paniningit na ni Edz sa usapan namin.
"Anong gagawin natin?" Umaliwalas ang mukha ni Sue. Naging malambing ulit.
"Movie marathon?" suhestyon ko.
"Shoot," sang-ayon ni Edz Buti naman nakisama. "Tara sa entertainment room?"
Lumuwa ang mga mata ni Sue. "Talaga? May entertainment room kayo?"
Ngumiti si Edz kay Sue at tumango.
"Wow." Lalong nagningning ang mga mata ni Sue. "Walang-wala ka kay Edz," bulong pa sa akin. Kinumpara pa talaga sa akin si Edz.
Tiningnan ko siya nang masama.
Iningusan niya naman ako na parang bata.
"Let's go," anyaya sa amin ni Edz.
Feeling close na lumapit si Sue kay Edz. Sabay silang naglakad. Ako nama'y naiiling na lang na sumunod sa kanila.
"Ang gara! Pangmayaman!" Manghang-mangha si Sue sa entertainment room nina Edz. Kung anu-ano ang kinakalikot at tinitingnan. Aakalaing galing probinsya na ngayon lang nakakakita ng malaking flat screen TV.
"Ba't mo naman dinala rito 'yan?" pasimpleng tanong ni Edz sa akin nang makatyempo. Sinamantala niya ang pagkakataon habang abala si Sue sa pagtingin-tingin ni Sue sa paligid.
Hindi ako nakasagot agad kasi lumingon sa amin si Sue. "Saan makikita if pipili ng movie?"
"Ayun ang remote. Just press the on button at automatic na 'yan," tugon ni Edz.
"Ah, okay." Mas nag-enjoy si Sue sa pakikialam ng mga gamit nina Edz.
"Kung hindi ko dinala 'yan dito, eh, baka baha na ang buong bahay nila sa kakangawa niya ng iyak," mahina ang boses na tugon ko na kay Edz ng busy ulit si Sue. Kapwa kami nakapamulsa habang pinagmamasdan lang si Sue.
"Pero ako naman ang masisiraan ng ulo nito? Okay lang sana kung hindi mo nasabi sa akin na may gusto siya sa akin, pwede ko rin sana siyang ituring na kaibigan lang or kapatid lang. Nakakailang, dude."
"Sorry, dude, pero sana panindigan mo na lang ang pakikipagkaibigan sa kanya?" Nakikiusap ang tono ko. "Kahit ganyan 'yan na luka-luka ay mahalaga pa rin 'yan sa'kin. Mabait din naman 'yan. Makulit lang."
Napapikit sa mata ni Edz saka napabuga ng hangin. Alam ko frustrated na siya. Gayunman ay alam ko na hindi niya pa rin ako mahihindihan.
"Please?" pakiusap ko pa rin sa kanya.
Napangiti na si Edz. "Pa-kiss muna?" nga lang ay biro niya.
"Tss!" Itinulak ko siya sa braso.
Tumawa si Edz. "Joke lang," at aniya bago humakbang palapit kay Sue. Una'y sinadyang penakendeng-kendeng pa ang puwet habang pasulyap-sulyap sa akin, pero nang makarating sa kinauupuan ni Sue ay parang make-up tranformation lang na naging lalaki bigla ang kilos.
"May napili ka na?" tanong ni Edz kay Sue, sinadya niyang ilapit ang mukha sa dalaga.
Kitang-kita ko naman na nag-blush si Sue. Kung alam lang sana si Sue na hindi sila talo ni Edz.
I sighed. Sana lang ay tama itong ginagawa ko.
"Wala pa, eh," pa-cute ni Sue na sagot. Isinabit niya ang buhok sa tainga niya. At 'di makatingin ng diretso sa kanyang crush.
"I'll help you," pagkukusa ni Edz. Sinadya niya ulit na magkalapit ang kamay nila ni Sue. Nagkiskisan ang kanilang mga braso.
Alam ko na rumigodon ang t***k ng puso ni Sue sa ginawang iyon ni Edz kasi nalaglag ang kanyang panga. Kumukutikutitap din kasi ang mga mata niya habang nakatitig sa mukha ni Edz.
Kinabahan ako, dahil ngayon pa lang ay tingin ko ay lalong na-in love na si Sue kay Edz. Paano pa sa mga susunod na nga araw.
Napailing ako. Mukhang pinalala ko lang ang sitwasyon na aminin kay Sue ang totoo naming pagkatao ni Edz? ..........