Chapter Four

1634 Words
Hindi na siya nagdalawang isip na umalis ng matanggap niya ang isang text mula sa isang unknown number. Alam na niya kung sino iyon at kung ano ang kailangan nito. Dahil sa sobrang pagkataranta ay hindi na niya nagawa pang maligo. Nagpalit na lang siya ng damit pagkatapos ay kaagad na dinampot ang kanyang clutch bag bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Alam niyang magagalit ang asawa sa sandaling malaman nitong umalis siya na hindi kasama si Mang Kulas. Tsaka nalang siya magpapaliwanag pagkabalik niya. She badly need to get there. She must. Agad siyang sumakay sa nakaparadang sasakyan sa di kalayuan. Good thing na may mga tunay siyang kaibigan na alam ang tunay niyang sitwasyon kaya nakahandang tumulong ang mga ito. Alam na rin ng mga ito ang gagawin just in case something happens like this. Mabuti nalang at wala rin si Mang Kulas ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay mahihirapan siyang takasan ito. Nakahinga lang siya nang maluwag ng makalayo na at mukhang wala namang sumusunod sa kanya. Habang nagmamaneho ay hindi siya mapakali. Hindi maalis ang kaba at takot na kanyang nararamdaman. Sari-saring imahe ang nabubuo sa kanyang kaisipan na lalong nagdaragdag sa takot na nararamdaman. Mahigpit ang kapit niya sa manibela, waring doon kumukuha ng lakas. Isang malalim na buntunghininga ang kanyang pinakawalan upang kahit paano ay payapain ang sarili. She may have been in this situation for so many times but the fear and pain she's been experiencing just intensifies even more. Hindi na niya mabilang kung ilang sasakyan na ang kanyang nilagpasan marating lamang ang sinasadya. Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan nang makarating siya sa paroroonan. Halos liparin na niya ang kwarto na kinaroroonan ng taong pinakaimportante sa kanya. Ang isang taong siyang dahilan kung bakit nagtitiis siyang makapiling ang asawa. Kung asawa nga ba siya nito o isang tropeo na kailangan nitong ibandera sa mundo. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinahihigaan nito. Ginagap niya ang kamay nito marahang pinisil iyon. Dinala niya sa kanyang bibig ang kamay nito at mabini iyong hinalikan. Bilang isang ina, napakasakit para sa kanya ang makita ang anak sa gaanong kalagayan. Sa bawat araw na dumaraan ay unti-unti siyang pinapatay sa kaalamang naghihirap ito pero wala siya sa tabi nito. Ngunit alam ng Diyos ang rason kung bakit kailangan niyang panandaliang lumayo sa anak. Ayaw niyang madamay ang anak sa gulo ng mundong kanyang ginagalawan. Ayaw niyang dagdagan pa ang sakit na nararanasan nito. Gustuhin man niyang samahan ito at huminto na lang sa pagtratrabaho ngunit paano naman ang mga pangangailangan nito? Paano ang mga gamot at medikasyon nito? "Kanina ka pa niya hinahanap. Mabuti nga at nakatulog kaagad." Nilingon niya si Nanay Lolit na siyang nag-aalaga sa anak magmula nang maisilang niya ito. Ninang niya ito at retired nurse kaya alam niyang hindi nito pababayaan ang kanyang anak. Lumapit ito sa kanya at banayad siyang hinalikan sa ulo. "He'll be safe. Gagawa tayo ng paraan upang gumaling siya. Hindi tayo pababayaan ng Diyos lalo at alam niya kung ano ang pinagdaanan mo at ninyong mag-ina kaya manalig lang tayo sa kanya. Pasasaan ba at matatapos din 'to!" Pag-aalo nito sa kanya. Hindi na niya napigilan ang luha nang mamalisbis ito sa kanyang magkabilang pisngi. Saksi ang Diyos sa sakit at paghihirap na pinagdadaanan ng kanyang anak at bilang ina, doble naman ang sakit na dulot noon sa kanya. May mga pagkakataon na gusto na niyang sumuko at piliing makasama ang anak ngunit hindi niya magawa. May mga bagay siyang dapat gawin para sa ikabubuti nito. Para sa kaligtasan nito. Labag man sa kanyang kalooban na mapalayo rito, kailangan niyang tiisin. Kailangan niyang kumita upang matustusan ang mga pangangailangan ng anak. Kailangan din niyang makalikom ng malaking halaga sakali mang kailanganin ito ng anak. Binigyan na siya ng ultimatum ng mga doctor. Kailangang magamot ang kanyang anak sa lalong madaling panahon. Pigil niya ang sarili na huwag mapahagulhol ng iyak. Ayaw niyang makita ng anak ang sakit at paghihirap na nararamdaman niya para rito. Naaawa siya sa kalagayan nito ngunit kailangan niyang magpakatatag dahil alam niyang sa kanya lang ito humuhugot ng lakas. Bilib din siya dahil sa tapang nito na harapin ang sakit nito. Naiintindihan din nito ang sitwasyon kung bakit kailangan niyang mapalayo rito. Alam ng Diyos na araw-araw niyang hiniling dito na sana, siya na lang. Na sana, siya na lang ang nasasaktan at nahihirapan. Kung pwede nga lang sana. Kaagad niyang pinalis ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi ng makitang unti-unting nagmulat ng mata ang anak. "Hey, baby! Andito na si Mama," malambing niyang wika. Ngumiti ito ng makita siya. Mahigpit nitong kinapitan ang kanyang kamay, wari'y doon kumukuha ng lakas. "You came, Mama...I miss you so much." Halata ang katuwaan sa mga mata nito nang makita siyang nakaupo sa tabi nito. "I miss you too, baby. Pasensya na at madalas wala si Mama. Alam mo naman ang sitwasyon natin di ba? Kailangang makaipon ni Mama ng malaking halaga upang matustusan ang medical expenses mo. Kunting tiis na lang anak, ha? Will you do that for me, hmm?" Hinalik-halikan niya ang kamay nito pagkatapos ay ididikit iyon sa pingi niya. "Yes, Mama," matapang nitong sabi. "Laban lang nang laban. Basta alam kong nandiyan ka sa tabi ko, kakayanin ko po. And besides, I had someone to look forward to." Mapait na ngumiti ang kanyang anak. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. And she couldn't blame him. Marahil ay nangungulila ito sa ama nito. Habang buhay siguro niyang dadalhin ang nangyari ng gabing iyon. Kung paanong nabuo ang kanyang anak sa di inaasahang pagkakataon. Pero kung meron mang magandang naidulot ang pangyayaring iyon, iyon ay nang ibigay ng Panginoon ang kanyang anak. Sa edad na trese anyos, alam niyang may sarili na itong desisyon. Mature na itong mag-isip kumpara sa mga ka-edaran nito. Kaya hindi niya masisi ang anak na ganoon ang nararadaman nito. Masyado itong matalino para sa edad nito. "Okay ka lang ba? Masakit ba, anak?" tanong niya nang makitang nasasaktan ito. "Okey lang po ako, it's bearable, Mama. Pero sana po gumaling na ako agad. Nababawasan na kasi ang kagwapuhan ko nito eh. Nakaburo na ako dito sa loob ng bahay, hindi man lang makapanligaw." Kunwa ay maktol nito sa kanya. Napangiti din siya dahil sa sinabi nito. Nagagawa pa talaga nitong pagaanin ang sitwasyon sa kabila ng lahat. "Don't worry, baby. Ginagawa ni Mama ang lahat ng makakaya para sa'yo. Ayaw kitang nakikitang nahihirapan kaya kahit galugarin ko ang buong mundo, the universe rather ay gagawin ko." It was her turn to make him laugh. Sinabayan niya pa ng pag-wave ng kamay ang sinabi niya. "Kaya ikaw, dapat magpalakas ka at magpahinga upang maging malakas ang resistensya mo. Malay mo, sooner or later ay bigla na lang mag-miracle tapos gagaling ka na. Lets just not lose hope, hmm?" "Opo, Mama," Kahit kailan talaga, nakapalambing nito. "I love you more, baby. So much. Magpahinga ka na, ha?" "I will, Mama. Come back sooner, okay?" A lone tear scape from her eye ng marinig ang sinabi ng anak. He knew that she can't come back the next day or even at a ramdon day kaya come back sooner palagi ang sinasabi nito. Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan sa noo bago umalis. Kinailangan pa niyang makailang beses na huminga nang malalim upang payapain ang sarili. Baka kung mapaano pa siya sa kalsada dahil sa intensidad nang kanyang nararamdaman. Takip-silim na nang makabalik siya sa bahay nila. Nakadagdag pa ang traffic kaya lalo siyang natagalan sa pag-uwi. Hindi man niya gusto ang nararamdaman ngunit puno ng takot ang kanyang dibdib ngayon. Takot na alam niyang hindi naman niya dapat maramdaman dahil wala naman siyang ginagawang masama. Nang maiparada niya sa tapat nila ang dalang sasakyan ay atubili siyang pumasok. Huminga siya malalim bago binuksan ang pinto. "Where have you been?" A cold menacing voice came from her husband. Prente itong nakaupo sa sofa habang may hawak na kopita ng alak. Salubong ang kilay nito. Halata ang pinipigil na galit base sa pag-iigting ng mga bagang nito at sa higpit ng hawak nito sa kopita. Pinilit niyang maging kaswal lang kahit pa kumakabog ang dibdib niya at nanginginig ang kanyang mga tuhod. "I just needed some fresh air, that's why I went for a work." ani niya. "Nang ganoong katagal? You left early...kahit si Mang Kulas ay tinakasan mo." "He's nowhere this morning..." sagot niya. "Di sana ginising mo ako. Hindi iyong tatakas ka para lang makipagkita sa kung sino-sinong lalake." Napapitlag siya sa biglaan nitong pagsigaw. "Lalake? Sa tingin mo may oras pa akong makapanlalake gayong nakamonitor lahat ng galaw ko bukod pa kay Mang Kulas na palaging nakasunod sa akin ? Really, Lance?" Hindi na rin niya napigilang magtaas ng boses. Ngumiti ito ng mapanuya. "So, may balak ka ngang manlalake?" Napailing siya. "You're impossible, Lance!" Tinalikuran niya na lang ito at hindi na sumagot pa. Hahaba lang ang walang kwenta nilang usapan. "Don't walk out on me, wife!" sigaw nito. Nahinto siya sa paglalakad ng marinig ang sinabi nito. Wife. Sounds good. Fake news nga lang. "What do you want? Kailangan ko ng magpahinga. Pagod ako,"untag niya rito. Kung nasa ibang sitwasyon lang siguro sila, masasabi niyang naaakit ang asawa niya sa kanya base sa klase ng pagtitig nito sa kanya. "Pinagod ka ba niya?" "Huh? What!" Hindi niya agad nakuha ang ibig nitong ipahiwatig. "Magaling ba siya? Pinaligaya ka ba ng husto? Masarap ba?" tanong nito habang nakatitig sa hawak nitong kopita ng alak. "Yes. I love it when he fvck me from behind. The hard way." Hindi niya alam kung bakit niya pinatulan ang init ng ulo nito. Narinig na lang niya ang ang pagkabasag ng kung ano bago siya pumasok sa kanyang kwarto. Lintik! Nagkalat na naman ang gago!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD