Chapter Five

1739 Words
 Maaga siyang nagising ng araw na iyon upang maghanda ng almusal. Kahit naman masama ang loob niya sa asawa ay hindi niya  matiis na hindi ito ipaghanda ng agahan. Nakasanayan na rin niya ang pagsilbihan ito. Masaya rin naman siya sa ginagawa niya. Kahit nga sa ibang tao, gusto niya ang pinagsisilbihan ang mga ito. Nature na niya ang maging maalalahanin at maalaga. She prepared scrambled eggs, bacon and tapa  for him. Favorite nito ang fried rice lalo na kapag madaming bawang. Naggawa rin siya ng fresh orange juice. She's almost done when she saw him walking out from his room. Ang presko nitong tingnan sa suot nitong khaki na pantalon at polo shirt na light blue. Bagong paligo ito base sa mamasa- masa pa nitong buhok at sa naamoy niyang after shave na gamit nito.       "Breastfast's ready," yaya niya ritong kumain. Bahagya lang siya nitong tinapunan ng tingin pagkatapos ay naupo na ito sa katapat na upuan. Wala silang imikan habang kumakain. Sabagay, palagi namang gano'n ang eksena nila tuwing umaga. Napansin niya ang panaka-naka nitong pagsulyap sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilang mahiya.        "What?" Hindi na niya napigilang tanong dito.       "Huh?" maang nitong tanong.        "Stop staring like that, okay? Nakakairita!" yamot na sambit ni Marga.        "I'm not staring...         "Yeah....magtanong ka na, okey? Alam kung kating-kati na 'yang dila mo na tanungin ako kung saan ako galing kahapon!" Tinaasan lang siya nito ng kilay at hindi na umimik pa.         "Did you sleep with another guy yesterday?" Nabigla siya sa tanong nito. Ewan ba niya o sadya ba siyang namalikmata at nakitaan niya ng sakit ang mga mata nito subalit agad din  iyong nawala. Baka nga nagkamali lang siya. Mataman niya itong tinitigan.         "Why would I settle for less, If I have a husband to fulfill my needs? Hindi mo naman siguro ako tatanggihan just in case mangailangan ako, dear husband?" Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niyang magtanong dito. Kabado siya nang mag-angat ng tingin. But what stunned her was the reaction on his husbands face. It was priceless. Para itong timang habang nakatulala at nakatitig sa kanya. And with that, she stood up. She walk straight to her room. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kukute niya at nasabi niya ang ganun. Ayaw niyang makarinig ng hindi magandang salita rito nang ganito kaaga kaya siya na ang unang umiwas. Baka hindi  niya magustuhan ang sunod na mga salitang manggagaling sa bibig nito. Ilang segundo ring  yatang nakatulala si Lance habang nakatingin sa kawalan. Pigil- pigil niya rin ang kanyang hininga dahil sa sinabi ng asawa kanina at ramdam niya ang pagkabuhay ng kanyang pagkalalake. Pakiwari niya ay sinisilaban siya ng apoy. Dinaig pa ang pag-aalburuto ng bulkang Taal eh. Bullsh*t! Lihim niyang kinagagalitan ang sarili dahil sa mga nangyayari sa kanya. How come na madali siyang maapektuhan at mag-init when it comes to her wife? Hindi naman siya ganito. Ayaw man niyang tanggapin ngunit mukhang unti-unti ng natitibag ng kanyang asawa ang pader na pilit niyang inilagay sa pagitan nilang dalawa. Napailing na lang siya. Kung tutuusin, wala naman itong naging malaking kasalanan sa kanya. Nagkataon lang na ayaw niyang minamanipula ng iba ang kanyang buhay. Ayaw niyang pinangungunahan siya sa kanyang mga desisyon. That's what she did to him. Napasubo siya sa isang kasalan ng dahil sa kagagawan nito. Ang hindi niya maintindihan noon pa man, ay ang pagsunod- sunod nito sa kanya. Ang pagiging engrossed nito when it comes to his profession. Ipinagwalang bahala niya na lang ito. Maybe she had a thing for men like him. Mayaman na nga, doktor at pogi pa. Nagkataon lang siguro na siya ang nasilo nito noong mga panahong iyon. He sighed. Too much for that. Minsan ay ayaw na niyang pakaisipin ang mga bagay na nangyayari sa kanya. Nakakapagod din pala. And besides, wala na siyang magagawa. Ipinasya niyang iligpit na lang ang kinainan nila. Inilibot niya ang paningin sa kitchen nila. He'll gave credits to his wife. Masinop at organisado ito sa bahay. Maasikaso din ito at masarap magluto. Napaparami ang kain niya kapag nagluluto ito ng paborito niyang kare-kare. Ngayon niya lang napagtuunan ng pansin ang mga ginagawa nito. Kung tutuusin ay nakakahanga ang ginagawa nito. Paano nito napagsasabay ang mga gawain sa bahay at ang singing career nito. Madami rin itong endorsement at tv appearances kaya paanong nagagawa nitong lahat ng iyon ng sabay-sabay?  Pagkatapos hugasan ang kinainan nila ay umakyat siya sa kanyang kwarto. Napadaan siya sa kwarto ng asawa at napatda siya eksenang nakita. Bahagya kasing nakabukas ang pinto ng kwarto nito kaya hindi niya sinasadyanģ masilip ang ginagawa nito. Hindi niya namamalayan na napapangiti na pala siya habang pinanood itong magsayaw. Alam niyang magaling itong kumanta ngunit hindi niya akalain na mahusay rin itong magsayaw. Base sa mga galaw nito, maaari itong ihanay kina Yassi Pressman at JLo. Bigay todo ito sa pagsasayaw kaya hindi marahil nito napapansin ang kanyang presensiya. Ang lambot ng katawan nito at talaga namang kahit sino lalake ay maaakit dito. Napakasenswal ng galaw nito sa saliw ng kantang despacito. Bawat indayog ng balakang nito ay tugmang-tugma sa ritmo ng tugtog. At kahit pawisan ito, lalo itong nagmukhang kaakit-akit sa kanyang paningin. Muntik pa itong ma-out of balance ng mapansin siya nito matapos nitong sumayaw.         "Oh my goodness! What are you doin' here?" gulat nitong sambit.          "I didn't know that you could dance so well. Should I try dancing too? A dancing doctor's not a bad idea..." Lihim siyang napangiti ng mapagmasdan ang itsura ng asawa. Mukha itong bata na nahuling nangungupit. Hindi maintindihan kung paano kikilos sa kanyang harapan.          "What? Pinaglololoko ko ba ako?" May halong inis sa boses nito ng magtanong. "And why would you dance? Pwede ba, kung wala ka nang kailangan, lumabas ka na?" Taboy nito sa kanya.          "I'll just watch you dance," sagot nito na hindi man lang kumukurap habang nakatitig sa kanya. Lalo tuloy siyang hindi mapakali. Pawisan siya at maliligo na sana pagkatapos niyang magsayaw. Hindi naman niya akalain na maabutan siya nito sa ganoong eksena.           "Tapos na ang show, okay? Labas na dali..."taboy niya rito.           "You can just dance for me, huh? Tutal, wala ka naman yatang commitment ngayon." Kaswal nitong sabi .Lalo tuloy siyang hindi mapakali lalo na ng umupo ito sa gilid ng kama niya.            "Maliligo nga ako...." pabulong na sambit ni Marga.           "Sabayan na lang kitang maligo?"             "Ano?" Halos lumuwa ang kanyang mata ng  marinig ang sinabi nito. Nilapitan niya si Lance pagkatapos ay hinila ang kamay papalabas ng kanyang kwarto. "Lumabas ka na nga!" Nasa likod nito ang kanyang dalawang kamay habang itinutulak niya ito papalabas. Ramdam naman niya ang pinipigil nitong tawa. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang inaakto ng asawa. Dati ay halos hindi sila magpansinan at kibuin dili ang isa't isa. Para nga silang hangin kung tutuusin. Nag-eexist sila pero hindi sa buhay ng bawat isa. Sapo niya ang dibdib ng makalabas ito ng kanyang kwarto. Sobrang lakas ng kabog nito at pakiramdam niya ay magco-collapse siya anumang oras. Nanghihina siyang napasandal sa may pinto. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ng lalakeng iyon at nakuha siyang biruin ng ganun? Leche! Para tuloy siyang teenager na hindi alam ang gagawin.           "Bilisan mong maligo. I'll wait for you downstair, okay? And when I say faster, dapat bilisan mo talaga dahil baka ako pa ang magpaligo sa'yo kapag nainip ako, ha?" Napaigtad naman siya ng marinig ang boses ng asawa. Naroon pa pala ito sa labas. Napatakbo siya bigla papunta ng banyo dahil sa narinig. Rinig naman niya ang halakhak ng damuho sa labas, nahulaan nitong naroon pa siya . Leche talaga! Ano kaya ang tinira nito at biglang nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya? She had taken her time inside the shower while doing all her beauty regimen kaya nagulat siya ng madatnan pa ang asawa sa ibaba.           "Akala ko nauna ka ng umalis...." sambit niya. Nangunot ang noo nito. "I told you that I'll be waiting downstair, huh? Kung hindi ka pa bumaba,aakyatin na sana kita upang ako na magpaligo at magbihis sa'yo. Bakit antagal mo!" Napailing siya, nagtataka, "Bangag ka ba?"           "Why did you say so? Do I look like an addict?" tanong ni Lance.           "No! Pero ano ba ang trip mo sa buhay at biglang nagbago ang pakikitungo mo sa akin? Are you planning something?"          "Hindi ba pwedeng magbago ang tao? And besides, mag-asawa naman tayo. Might as well consumed it. Right, sweetheart?" Napaingos siya sa endearment na ginamit nito sa kanya. But deep inside her, kilig na kilig naman siya. "Sige pa. Utuin mo pa ako. Baka-sakaling makalimutan ko na hindi ikaw si Doctor Lance Guevarra. The mighty and perfect one! Kung alam lang nila..."          "Ang ganda mo..." untag nito,           "Super!" sagot niya. Napuno ng halakhak  ang loob ng sasakyan. Nagulat naman siya ng makitang tuwang-tuwa ito. Kailan nga ba niya ito nakitang tumawa ng ganito? Never! Ngayon lang. Napaka-suplado kasi nito at mainitin ang ulo. Napakunot ang kanyang noo ng maramdaman niyang tumigil na ang sasakyan sa tapat ng isang ospital. How did he know?          "How did you know that I was going here?" Puno nang pagtataka ang kanyang mukha.          "I have my ways, sweetheart."          "Don't call me that!" pakli niya. Abot tenga ang ngiti nito ng pagbuksan siya ng pinto. Infairness! Gentleman kuno ang siraulo.           "Anong oras kita susunduin?" tanong ni Lance bago pa man makababa ng sasakyan ang asawa.           "No need to fetch me." Nakangiting tugon ni Marga. "I can manage. Bye husband." Hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Hinila nito ang isa niyang kamay at bigla na lang pumulupot ang braso nito sa baywang niya. Hindi na siya makahuma nang bigla nalang sakupin ng bibig nito ang kanyang mga labi.      Oh my goodness! Hinalikan siya nito, the torrid way. Halos pangapusan na siya ng hininga ng pakawalan nito ang kanyang mga labi.           "I've been dying to do that since this morning. Have a good day sweetheart!" He kissed her one more time before saying goodbye. Naiwan siya roon na nakatulala. Kung hindi pa sa pagtunog ng kanyang cellphone ay hindi siya matatauhan. Kinuha niya ang aparato sa bag dahil hindi iyon tumitigil sa katutunog.           "Yes? Speaking..." sambit niya ng sagutin ang tawag. Nanlambot ang kanyang tuhod dahil sa narinig. Hindi niya akalain na darating agad ang ganitong pangyayari. Hindi niya akalain na hilam na pala ng luha ang mga mata niya dahil sa labis na kasiyahan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD