Chapter Three

1469 Words
Hating-gabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Marga. Hindi niya maiwasang mag-alala sa asawa kahit pa hindi naman siya pinapansin nito.Talagang sagad sa buto ang galit sa kanya. Sagabay, hindi niya ito masisisi. Nagpasya na lang siyang matulog na lang. As if he cares about me, bulong niya. And it's killing her everyday knowing that he hates her so much. Wala man itong sinasabi sa kanya ngunit mas masakit ang ginagawa nitong hindi pamamansin. Cold treatment.That is. Nararamdaman din niya bilang isang babae ang mga aktibidades nito sa iba bilang isang lalake. Halos ikamatay niya iyon ngunit wala siyang magawa dahil alam niyang kasalanan niya ang lahat. Ngunit hanggang kailan niya matitiis ang pagtrato nito sa kanya? Hanggang kailan niya makakayanan ang kaparusahan nito? Naramdaman na lang niya ang pamamalisbis ng kanyang mga luha. Bawat gabi ay gano'n na lamang ang nangyayari sa kanya. Hindi niya namalayan na nakatulugan na lang niya ang pag-iyak. Hindi naman makatiis si Lance na hindi umuwi ng bahay. Wala naman siyang pakialam kung naroon ang asawa at naghihintay sa kanya. Hindi rin naman siya natatakot sa kalagayan nito at alam niyang mahigpit ang seguridad sa lugar nila. And besides alam niyang hindi ito pababayaan ni Mang Kulas. Ilang oras din siyang nanatili sa bahay ng ina. Bandang alas tres na nang madaling araw ng mapagpasyahan niyang umuwi ng masiguro niyang nasa ayos na ang lahat. Hindi talaga mawawala ang mga taong may maiitim na balak sa kanilang pamilya.They've all been receiving death threats but look's like Kent's life is at stake right now. Hindi niya lubos maisip na may maglalakas ng loob na pagtangkaan ang buhay ng kapatid sa mismong bahay pa nila. Kung nasaan ang kanilang ina. Mabuti na lang at magaling ang mga nakuhang bodyguards ni Alexander kaya walang nasaktan at napahamak. He felt tired all of a sudden. Ewan ba niya kung bakit hindi siya mapakali. Kung tutuusin dapat nga ay iwasan niyang makita ang asawa dahil ipinaaalala lang nito ang pagmamanipula at panggagamit nito sa kanya. Ngunit sa tuwina na lamang ay may kung anong pwersa ang humihila sa kanya papalapit dito. Such a gold digger and conniving b***h! bulong niya sa sarili nang biglang umahon ang pagkamuhi sa asawa. Ngunit sa kaloob-looban niya ay may isang parte na hindi matanggap na ganoon ang turing niya rito. Malakas niyang nahampas ang manibela ng kanyang sasakyan. At lalo lang uminit ang kanyang ulo ng maamoy ang natural na bango ng asawa sa loob ng sasakyan. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro, aaminin niyang si Margarette ang tipo ng babaeng gugustuhin niyang makasama bilang asawa. Hindi niya lang matanggap kung paanong minanipula nito siya nito. He was used of being on top of everything, doing what he wants without a need of anyone's approval. Siya ang nagde-desisyon sa lahat. He's a Guevarra and he do things his way, with his own rules. Tapos bigla itong darating sa buhay niya at sa isang iglap ay naging asawa niya ito.Sa buong buhay niya, ngayon lang nangyari na hindi niya napaghandaan ang lahat at kahit anong isip niya, hindi niya maapuhap kung bakit napunta siya ganoong sitwasyon. Maybe because he was attracted with her the momemt he first saw her kaya pansamantalang nawala siya sa kanyang tamang huwisyo. Hindi na niya namalayan na nakauwi na pala siya. Kusang bumukas ang malaking gate sa kanyang bahay. Agad niyang minaniobra ang sasakyan papasok sa loob.Kusa din iyong sumara ng tuluyan na siyang makapasok. The perks and privilege of being a Guevarra and a well-known doctor. Mapait siyang napangiti. Kaakibat ng pagiging isang Guevarra ay ang bigat ng responsibilidad nito. You shouldn't let your guards down or you'll be dead without knowing it. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya pagkapasok sa loob ng bahay. It feels so empty. Marahil ay tulog na ang asawa. Ipinatong niya ang coat sa sandalan ng sofa at pahinamad na umupo roon. Marahan niyang hinilot ang sintido dahil sa pagsakit noon. Ipinikit niya ang mga mata ngunit tukso naman na mukha ng asawa ang nakikita pa rin niya. "Damn, woman! What have you done with me?" Hindi niya napigilang maibulalas ang mga salitang iyon. Padaskol siyang tumayo at dumiretso na sa kanyang kwarto upang maligo. He needs to be freshen up. Kanina pa siya nanlalagkit at naiinitan. Itinapat niya ang hubad na katawan sa dutsa at hinayaang umagos ang tubig sa buo niyang katawan. Nagbigay iyon ng presko at masarap na pakiramdam. Ilang minuto din siyang nanatili roon at pinagsawa ang sarili sa ilalim ng malamig na tubig. He was lying on his bed but he keeps on thinking about her. Nagdadalawang-isip siya kung sisilipin ba o hindi ang asawa sa kabilang silid. Kung tutuusin naman ay nasa kanya ang lahat ng karapatan na puntahan at angkinin ito ngunit hindi niya magawa. Nasumpungan niya ang sarili na nasa tapat ng kwarto ng asawa. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya kinakabahang di niya mawari. Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto nito at dahan-dahang pumasok sa loob. Natunghayan niya ang asawa na nakadapang matulog. Napansin niya iyon na kumportable ang asawa na matulog kapag nakadapa. Subalit hindi niya napaghandaan ang nakita niya sa mukha nito. Bakas pa ang mga luha sa pisngi nito. Bahagya pang nakakunot ang noo nito kahit tulog. Hindi niya matanggap na sa kabila ng lahat ng ginawa nito sa kanya, naroon pa rin ito sa kanyang tabi. Nag-aalaga at nag-aasikaso sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay nagawa na siya nitong layasan ngunit hindi nito ginawa. Damn! Ano ba kasi ang ginawa ng babae sa kanya at hindi niya mapigil ang sarili na lapitan ito? Akmang lalabas na siya ng kwarto nito ng marinig niya ang paghikbi nito habang natutulog. Panay ang ungol nito, animo nahihirapan. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa unan, waring doon kumukuha ng lakas. Lalapitan niya sana ito upang gisingin ngunit nagbago ang isip niya lalo na nang unti-unti nitong nagmulat ng mata. Kumurap-kurap pa ito, nasa mata ang pagtatanong habang palinga-linga. Maya-maya ay nagsimula na itong humagulhol ng iyak bago nahiga ulit. Na para bang sobrang sakit at paghihinagpis ang pinagdadaanan nito. Ni hindi man lang siya napansin na nakatayo malapit sa may pintuan. Hindi niya alam kung gaano katagal na umiiyak ang asawa ngunit alam niyang mag-uumaga na at bahagya niyang nakikita ang mumunting liwanag na nagmumula sa labas.Mahimbing na ulit ang tulog nito ngunit paminsan-minsan ay naririnig pa niya ang pagsinok-sinok nito. Maingat siyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa may pintuan nito.Hindi alam kung bakit nawala na lahat ng kanyang pagod ng nagdaang araw.Ang tangi niyang nararamdaman ay ang bigat ng pakiramdam dulot ng nakita niya. Gaano ba kasakit ang pinagdaanan nito at grabe ang naging iyak nito? Marahan siyang napailing.Hindi siya pwedeng magpadala sa mga palabas ng asawa dahil sa simula pa lang ay alam na niya ang motibo nito sa kanya.Hindi nga lang niya lubos maisip kung bakit humantong sila sa pagpapakasal. Hindi maglalaon at malalaman din niya ang totoo sa kabila ng lahat ng ipinapakita nito. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kwarto ng asawa ng makitang tulog na ito.Isang huling sulyap ang iginawad niya dito bago tuluyang lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kanyang mini office,he had it built for his further studies when it comes to his profession and such.Maraming gumugulo sa kanyang isipan ngayon at dumagdag pa kanyang asawa.He hadn't seen her in such situation before and it bothers him kung ano ang pinagdadaanan nito.Or could it be one of her ploys to look like a victim and gain sympathy from him? Nagkakamali ito. Hindi siya padadala sa mga panloloko nito?Sino ba ito sa busy niya? Isang pagkakamali. Isang pangyayari sa buhay niya na hindi siya nakapag-isip ng tama. Mapait siyang napangiti. Isang gabi nga lang ba siya nagkamali?A part of him contradicted about the thought. Nagsalin siya ng alak sa basong kanina pa pala niya hawak.His not into drinking pero sa tingin niya ay kailangan niya ito ngayon.Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya magmula ng maikasal siya.Kung dating rati ay kaliwa't kanan ang kanyang babae,ngayon ay hindi niya magawa.Sa tuwing tatangkain niyang makipagtalik sa ibang babae,bigla siyang nawawalan ng gana. Fvck!Dalawang taon na ring siyang tigang at hindi niya maintindihan kung bait para siyang sinisilaban ng apoy sa tuwing nasa malapit ang kanyang asawa. Ayaw man niyang aminin ngunit iba ang epekto nito sa kanya.He had to divert his mind and body from her. Hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan na makita siyang apektado ng presensya nito. Never! Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung nagkakaganito siya. He used to have an active s*x life ngunit ng maikasal sila ay nag-umpisa siyang manamlay. Dumating pa nga sa punto na nagwalk out ang kasama niyang babae dahil hindi man lang siya tinigasan kahit anong gawin nitong foreplay. Bullshit talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD