Chapter One
Inabot na siya ng hating-gabi sa kahihintay sa asawa ngunit ni anino nito ay hindi dumating. Sabagay, dapat sanay na siya sa pagtrato nito sa kanya.
Mapait siyang ngumiti. Akala niya, tama ang naging desisyon niyang makasal sa taong matagal na niyang pinapangarap ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito ang sitwasyong kinasadlakan niya. Everyday they had to act like a normal couple kahit pa taliwas iyon sa katotohanan.
Masakit.
Nakakapagod.
Kunti na lang, pakiramdam niya susuko na siya. Wala ring nakakaalam maski sa mga kaibigan niya kaya wala man lang siyang mapagsabihan.
Mapait siyang ngumiti. Gustuhin man niyang umiyak ngayon at ibuhos lahat ng nararamdaman, wala na rin itong saysay pa. Kaya matapos ang isang oras na pag-hihintay ay nagpasya na siyang umakyat sa kanyang kwarto. Sabagay kahit naman dumating ito ay parang hindi naman siya nakikita nito. Magkaiba nga silang ng tulugan eh.Mag-asawa lang talaga sila sa papel. Pakitang tao lang kung anuman ang meron sa kanila.
Hindi na rin niya nalamayan na nakatulog na rin pala siya.
Pasado alas sais na ng magising siya kinabukasan kaya dali-dali siyang bumangon at dumiretso ng banyo upang maligo at ayusin ang sarili. They may not be the typical married couple but she see's to it na nagagampanan pa rin niya ang tungkulin niya bilang isang tunay na asawa. Kahit pa kadalasan ay balewala ang mga ginagawa niya para dito. Sinisiguro niyang naipagluluto niya ito ng almusal at naihahanda niya rin ang susuotin nito.
Siguro nga,natutunan na niyang pakibagayan ang sakit at pambabalewala nito kaya hindi na gaanong masakit kapag hindi siya nito pinapansin.
She sighed deeply. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na sa kusina. Katatapos lang niyang maghain sa mesa ng bumaba ang asawa. He looked dazzling and handsome in his blue long sleeve na nakatupi hanggang siko na pinaresan nito ng itim na slacks. Sabagay, kailan ba ito naging pangit sa kanyang paningin? Palagi naman itong gwapo kahit pa bagong gising ito at hindi pa naliligo.
Ipinagtimpla niya ito ng kape bago siya umupo. Nakakabingi ang katahimikan. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng kanilang kubyertos at plato. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Manaka-naka niya itong sinusulyapan subalit nananatiling walang ekspresyon ang mukha nito.
Narinig niyang tumunog ang cellphone nito at nakita niya kung paanong nagsalubong ang kilay nito. Hindi na nito tinapos ang pagkain at nagmamadaling umalis na. Habol niya ng tanaw ang likod nito. Buong akala niya, sanay na siya sa pagtrato nito sa kanya na para bang hindi siya nag-eexist but deep down inside her, it hurts like hell.
Ilang taon na nga ba silang kasal?
Yes. Halos dalawang taon na silang kasal at oo, ganito na ang set-up nila umpisa pa lang nang pagsasama nila. Hindi nga niya alam kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Hindi ito ang pinangarap niyang buhay may-asawa. Malayong-malayo sa sitwasyon na pinapangarap niya. Isa lang ang naging konsolasyon niya sa mga nangyari, he had gotten the chance to marry the man of her dreams. The man she had learned to love more than herself.
Iniligpit na rin niya ang pinagkainan nila. Nawalan na rin siya ng ganang tapusin pa ang kanyang pagkain.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay nila. It was supposed to be there home but it look like a cage for her right now. Isang kulungan nang mga lungkot at pasakit na kanyang nararanasan.Isang lugar kung saan kailangang manatili ang mga pangit na pangyayari.
Mapait siyang ngumiti.
Mabigat ang katawan niyang umakyat sa kwarto niya. Kailangan na niyang maghanda at anumang oras ay dadaanan na siya ng kanyang driver papunta sa kanyang interview.
Nagpasya siyang isuot ang isa sa mga damit na galing sa kanyang sponsor. Isa iyong haltered dress na above the knee. Light pink in color. Pinasadahan niya ng tingin ang hindi na mabilang niyang sapin sa paa. Iba't ibang klase iyon mula sa rubber shoes hanggang stiletto pati iba't ibang klase ng mga boots. Tumuon ang kanyang pansin sa isang three inch brown suede sandals. Kinuha niya iyon at siyang ipinareha sa kanyang suot na damit.
Simple lang din ang ginawa niyang make up. She's not really into it pero kailangan lang sa uri ng kanyang trabaho. Bahagya niyang kinulot ang dulo ng buhok niya bago nagspray ng pabango.
Ilang sandali pa ay bumaba na siya. Nag-aabang na doon si Mang Kulas. Ang kinuhang driver/bodyguard ni Lance magmula ng ikasal sila. Bahagya itong yumukod ng makita siya at kinuha ang kanyang dalang maleta. It was her stuff just in case she need something lalo na sa uri ng trabaho niya.
May interview siya ngayon sa isang tv network. Tungkol daw sa isang tough woman tulad niya na kayang i-balance ang carrier at buhay may-asawa. Napili siya bilang guest na pag-uusapan ang early stage of marriage. Kasabay niya ang dalawang beteranang aktres nang araw na iyon.Hindi niya maiwasang mag-isip at magtanong sa sarili kung wala man lang bang nakakahalata sa tunay na sitwasyon nila ni Lance? Sabagay,sino ba ang mag-aakala na walang namamagitang romansa at pag-ibig sa kanila.
Mahigit isang oras din ang naging biyahe nila, hindi na kasi umusad ang traffic sa Pilipinas. Nawawalan na nga siya ng pag-asa sa mga pulitiko na walang ng ginawa kundi mangako ng kabutihan para sa lahat subalit kapag nakaupo na ang mga ito sa pwesto ay nakakalimutan na ang tunay na adhikain ng mga ito. Nasilaw na sa kapangyarihan at salapi.
"Maraming salamat ho, Mang Kulas. Baka may kailangan pa ho kayong gawin, pwede niyo ho muna akong iwan dito. Tatawagan ko na lang kayo kapag tapos na ho ako. Baka matagalan pa ho ako dito." Bilin niya rito. Palagi itong seryoso subalit maaasahan mo ito sa lahat ng bagay.Hindi rin naman bakas na may edad na ito dahil malakas at mabilis pa itong kumilos.According to Lance,matagal ng naninilbihan si Mang Kulas sa pamilya ng mga Guevarra kaya tiwala ang ang asawa rito.
"Hindi na, Marga. Hihintayin na lang kita dito sa labas. Pareho tayong malilintikan sa asawa mo kapag nalaman niyang iniwanan kita. I'll be okay,here."
"Kayo ho ang bahala. Sige po.Kailangan ko ng pumasok sa loob." Paalam niya dito subalit alam naman niyang nakasunod din ito sa kanya. Hindi na nga niya maintindihan minsan kung bakit kailangan pa niya ng bodyguard. Pakiramdam niya tuloy, isa siyang prinsesa at tagapagmana ng isang kaharian dahil sa bodyguard niya.Naiinis na nga lang siya minsan at pakiramdam niya wala na siyang kalayaan.
Halata ang tuwa sa kanyang manager/PA/bestfriend ng makita siya nito. Agad na kinuha ang kanyang dalang maleta at pinaupo sa harap ng vanity mirror.
"Saan ka ba nanggaling, girl? Kanina pa ako rito eh," maktol nito sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa itsura nito. Hindi niya alam kung ano ang trip nito sa buhay,kasing gulo kasi ng traffic sa Pilipinas ang suot nitong damit.Mismatched lahat ng kulay sa suot nito,masakit sa mata.But nonetheless, mahal niya ito no matter what.
"Inasikaso ko pa ang asawa ko tsaka alam mo naman na sobrang traffic dito eh," inis niyang sabi dito habang nakatingin ng diretso sa salamin sa kanyang harapan. Hindi siya makagalaw at makatingin dito dahil may mga nag-aayos na sa kanyang buhok at may nagre-retouch ng kangyang make up.
Mukhang mainit ang ulo ng bruha ngayon.
"Bakit hindi na lang kasi kayo kumuha ng kasama sa bahay nang hindi palaging ngarag ang beauty mo no! Your husband's damn too rich, as if naman malaking kawalan 'yon sa kanya," maktol nito sa kanya.
Nginitian lang niya ito at alam niyang kukulitin lang siya nito at hahaba pa ang usapan nila.Ayaw niyang ma-stress ngayong araw dahil kung mayroon mang isang bagay na masaya siya, iyon ay ang pagkanta. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman kapag kumakanta siya at alam niyang maraming nakaka-appreciate sa ginagawa niya. It's more than enough for her. Na mayroon siyang sariling mundo kung saan hindi niya kailangang magpanggap na masaya siya dahil 'yon naman talaga ang nakakapagpasaya sa kanya. Ang tumuntong sa isang entablado at kumanta sa harap ng maraming tao.
"Miss Marga, kayo na po ang susunod na isasalang." It was one of the staff.
Ngumiti siya dito. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili. Nakahanda na ang kanyang ngiti at taas noong naglakad ng tawagin siya ng host ng show.
"Everybody, let's all welcome our next guest for today. Our country's pride and the ultimate performer herself, Margarette Villegas Guevarra!"
Isang masigabong palakpakan at hiyawan ang sumalubong kanya ng tawagin siya ng host ng show. Agad siyang sinalubong nito at niyakap.
"We're very glad that you're here with us today, Marga. So, how's life being a married woman?" tanong ng host sa kanya.
"Grabe naman agad ang tanong?Kauupo ko lang eh," sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip.
She remains calm.
"Well, being married is not easy specially when you're married to my husband. Mahirap pero fulfilling naman lalo na at may chance kang pagsilbihan ang asawa," nakangiti niyang sagot dito.
Kung alam lang ng mga ito ang sittwasyon nilang mag-asawa.
"Sa tingin mo, how can marriage lasts?"
"Marriage is not all about love. Sa umpisa siguro, but as time goes malalaman mong hindi lang pagmamahal ang dahilan kung bakit nananatiling buo ang isang pagsasama. Para sa akin, it's a commitment the moment you decided to get married. You already commit yourself to your husband or wife and you should do your part to make it work," seryoso niyang sabi dito.
"Oh my God! That was something, Marga." Natawa siya expression ng host.
"And when we come back, Marga would sing for us! So brace yourself, everyone. E-Showbiz will be right back!"
Hindi magkamayaw ang mga supporters niya ng tawagin siya ng host upang kumanta pagkatapos ng ilang mga paalala. Nagpalakpakan ang mga manonod at lalong lumakas ang hiywan ng mga ito ng kakanta na siya.
Hindi niya maiwasang mapapikit ng marinig niya ang intro ng kanta. She felt like she'd turn into someone she never knew because of the song she's going to sing.
Hindi magkamayaw ang mga supporters niya at ang lahat ng naroon na nakapakinig sa kinanta niya. They gave them a standing ovation and it made her heart swell with so much happiness. She felt love and well appreciated.
At least.
She couldn't be happier. She had seen familiar faces na nagpapa-autograph at nagpapapicture sa kanya. Masaya niyang pinagbigyan ang mga ito.
She felt exhausted after kaya hinayaan niyang si Mang Kulas ang magdala ng kanyang mga gamit. Sobrang abala ng kanyang isip kaya hindi na niya namalayan na nakauwi na pala sila. Kanina pa pala siya tinatawag ni Mang Kulas.
Realization hit her.
Back to normal.Back to pretending again.
Ipinagluto na niya ang asawa ng paborito nitong kare-kare. Inihanda na rin niya ang susuotin nitong damit pagkauwi, pati tsinelas nito ay nasa paanan ng kama nito. She felt the sudden urge to cry na ilibot niya ang tingin sa kwarto ng asawa.
"When will I be able to sleep beside you, hon?"
Maingat niyang isinara ang kwarto ng asawa at nagtungo na sa kanyang kwarto. Nawalan na rin siya ng ganang kumain pa. Naligo na lang siya at nagpasyang matulog na lang. Nonsense din naman kung hihintayin pa niya uuwi si Lance.
What for?
He doesn't even care about her.
So be it.