Chapter Two

1752 Words
Sobrang pagod siya ngayong araw. Marami siyang naging pasyente ngayon at may isang major operation siya kanina. Ngayon niya nararamdaman ang pagod at hirap. Gutom na rin siya. Nang tingnan niya ang relo sa kanyang bisig, gabi na pala. Mag-aalas otso na pala ng gabi kaya siguro ganon na lang ang pagkagutom niya. Kaunti lang nakain niya kaninang umaga bago umalis. Hindi na nga niya naubos ang iniluto ng asawa kanina dahil nagmamadali siya. He was about to go out and dine somewhere nang makita niyang paparating si Mang Kulas. "Bakit nandito kayo? Sino ho ang kasama ni Marga sa bahay?" tanong niya. Hindi niya maiwasang kabahan. "Wag ka ng mag-alala. Dinalaw siya ng Mommy mo at ni Kent kaya pinasaglit niya ito rito." Iniabot nito sa kanya ang isang paper bag. Nang tingnan niya iyon, natakam siya bigla. Kare-kare ang iniluto nitong ulam. Lihim siyang nakaramdam ng saya nang maisip niyang naalala siya ng asawa but it couldn't lessen the fact of what she had done in the past. Hindi niya matanggap na pinaglaruan siya at pinaikot nito sa kamay. "Sana hindi na kayo nag-abala pa na dalhan ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Sa sususnod ho eh si Marga na lang ang aasikasuhin at babantayan niyo, Mang Kulas. Huwag niyong hahayaan na mahulog kayo sa mga pakulo ng asawa ko. Alam naman natin na magaling siya sa pagkukunwari lalo na sa klase ng kanyang trabaho. But anyway, maraming salamat pa rin ho sa pagdadala nito," sabi niya rito. Bahagyang itinaas ang ibinigay nitong pagkain. Tumango lang ito sa kanya. "Yes, Doc. Aalis na ako." Pamamaalam ni Mang Kulas na bahagya pang tumango sa kanya. He went into his private office at doon nilantakan ang ipinadalang pagkain ng asawa. In fairness, masarap naman talaga itonng magluto. Hindi niya tuloy namalayan na naubos na niya ang ipinadala nitong pagkain lalo na ang ginawa nitong mango graham cake. Honestly speaking, isa iyon sa mga paborito niya. He felt lighter and more energize this time. Indeed, a way through a man's heart is through his stomach. He believes in that. Bahagya siyang sumandal sa kanyang swivel at itinaas ang kanyang paa sa mesang nasa harapan niya. He loosen his tie at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi niya tuloy namalayan na nakatulog na pala siya. Naalimpungatan lang siya ng marinig ang sunod-sunod na pag-iingay ng kanyang cellphone. Idinikit niya ang aparato sa kanyang tainga at hinayaan na magsalita ang nasa kabilang linya. Nagmamadali niyang kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis. Dumaan muna siya sa information desk at ipinagbilin na tawagan ang numerong iniwan niya roon just in case mangalian sila ng doctor in the absence of him. Binalot ng kaba ang buo niyang pagkatao ng maalala ang sinabi ng kausap. His parent's house was attacked. Mabuti na lang at kasama ng kanyang ina ang mag-anak ng kanyang Kuya Ethan dahil baka kung napaano na ito roon. Good thing that Kent was there too with all his guards. Tinawagan muna niya si Mang Kulas upang ipagbilin dito na bantayang mag-igi ang asawa at huwag hahayaan na lumabas nang bahay. He mentioned about the current situation. Hindi niya na mabilang kung nakailang overtake na siya sa mga sasakyan sa kanyang unahan dahil sa sobrang pagmamadali. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit niya ipinagpilitan sa asawa ang pagkakaroon ng bodyguard lalo na sa estado nila sa buhay. Dumagdag pang isa na itong sikat na mang-aawit at kali-kaliwa na ang mga commercial advertisements nito. Marahil kung narito lang si Alexander ay mapapanatag pa kahit paano ang kanyang kalooban. Malayo pa siya sa bahay ng ina ay napansin na niya ang mga bantay sa labas. Napansin niya ang pagtalilis ng isang pigura matapos nitong makipag-usap sa isang bantay roon. Nakilala niya ito.It was his Kent's trusted and efficient bodyguard. Hunter. Napailing. He knew too well who he really is. Umibis siya mula sa kanyang sasakyan. Naglakad naman ito papunta sa kanya ng makita siya. "Good evening, Doc!" bati nito sa kanya. He just smirked at him. He knew that if his going to say something, sasagutin lang siya ng mga bagay na walang kabuluhan just like Kent. Parehong abnoy kasi. "How are they?" tanong niya. Hunter's face changed. Gone was the playful appearance. "They're all okay now. Puntahan muna sila lalo na si Kent. Baka naihi na iyon sa pantalon dahil sa sobrang takot. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit ngumiti lang ang gago sa kanya. Akma na siya lalakad papasok sa loob ng bahay ng maalala ang pigurang nakita niyang kausap nito kanina. Nilingon niya ito. "Who was that?" tanong niya kay Hunter. Tiningnan niya ito sa mata upang malaman kung nagsasabi ito ng totoo. Hindi ito makapagsisinungaling sa kanya. "Huh? Sino?" takang tanong nito pabalik. Hindi niya masiguro kung wala talaga itong alam o sadya lang magaling itong magpanggap. "Iyong kausap mo kanina na nakaitim at bigla na lang tumalilis?" Puno ng pagtataka niyang tanong rito. Mahirap na. Sabi dami ba naman ng mga nangyayari sa pamilya,kailangan nilang mag-ingat at manigurado. Salubong ang kilay nito ng tumingin ito sa kanya. Nananantiya ang mukha. "What?" untag niya rito ng hindi pa ito magsalita agad. "That was my boss," maikli nitong sagot. Namangha siya sa isinagot nito. Alam niyang hindi basta-basta nagpapakita ang boss ng security agency na inirekomenda ng nakababatang kapatid. Marami na ang nagtangkang alamin kung sino ang namumuno at nagmamay-ari ng naturang ahensya ngunit wala man lang makapagturo. Maingat ito. Kilala ang ahensiya nito sa kalidad at magandang serbisyo na ibinibigay nito kaya hindi nakapagtatakang maging matunog ang pangalan nito. Ilan na bang tv station at news outlet ang nagtangka na alamin at kuhanan ito ng impormasyon ngunit bigo ang lahat. Bukod kay Hunter ay wala na siyang ibang alam sa mga kasapi nito. Nalaman niya lang na isa ito roon dahil sa kapatid na si Kent. Good thing magaling ang kapatid niya. He dig into someone's private life ng wala man lang kahirap-hirap. Sabagay, hindi naman daw mandatory na itago ng bawat miyembro ang pagiging kasapi nito sa agency. Depende na lang daw sa mga ito. Isa lang ang hindi talaga pwede. Ang katauhan ng pinuno ng mga ito. And his really wondering who he is. "And I guess, hindi ko pwede malaman kung sino si Boss?" tanong niya ulit. He motion his knitted fingers at the tip of his mouth as if silencing himself. "Definitely. " Tinalikuran niya na lang ito at batid naman niyang hindi ito magsasalita. But they should give thanks to them for keeping all of them safe. Kapapasok pa lang niya sa loob ng bahay ng makita niya si Kent. Hindi ito mapakali. Parang pusang hindi mapaanak. Halata ang takot at pangamba sa mukha nito. "Can you please sit down! You look like hell, Kuya!" sita niya rito. Nahihilo na rin siya dahil sa pauli-uli nitong paglalakad. "How can I?" balisa nitong tanong sa kanya. Pabagsak itong umupo sa sofa. Sumunod siya at umupo sa katapat nito. "Ang Mommy? Sina Kuya Ethan at Ate Jade? She must be in fear right now lalo na at malapit na itong manganak. How about baby Zion? Si Amara?" Sunod-sunod ang naging mga tanong niya. "They're all safe. Pasalamat na lang tayo at walang nasaktan. Magkakasama ang mag-anak ng Kuya at sinamahan muna ni Amara ang Mommy sa kwarto nito. Buti na lang at hindi tumaas ang presyon ng mommy." Nanghihina niyang kwento sa kapatid. Ilang minutong wala silang imikang magkapatid. Maya-maya ay narinig niyang may tumatawag sa cellphone ni Kent. Bigla salakay ang takot sa mukha nito animo nakakita ng multo sa cellphone nito. Bigla itong tumayo, akmang lalabas ng bahay. "Where are you going?" singhal niya dito. Nagtatagis ang bagang nito ng lumingon sa kanya. "Not now, Lance. This is an emergency." "At this hour and situation?" Talagang iiwan sila nito sa gaanong sitwasyon. Sasagot sana ito ng pumagitna na si Hunter at sininyasan siyang okey na. "Don't worry. Everything's fine. Nasa paligid na ang mga tauhan namin and I'll bet my whole life na handa silang ipagtanggol kayo anuman ang manyari." Nakita niyang nagmamadali ang kapatid na lumabas. Sumunod dito si Hunter ngunit huminto muna at may ibinulong sa kanya. "Hayaan mo na. It's about his long lost princess. In love ang gago." Ngisi nito bago nagtatakbo at walang habas kung makabusina ang magaling niyang kapatid. Napailing na lang siya pagkuwa'y inilibot niya ang tingin sa buong bahay. He had fun memories here. Hindi niya alam subalit bigla niyang na-miss ang bahay nilang iyon. Tumayo siya at nagpasyang puntahan saglit ang dati niyang kwarto. The room looks like the same. Napangiti siya ng makitang naroon pa rin ang dati niyang mga libro. Karamihan doon ay tungkol sa propesyong pinasok niya. Ang pagiging isang doktor. Pinagsawa niya ang mata roon bago lumabas at nagpasyang puntahan ang kanyang ina. Nakailang katok muna siya bago niya narinig ang boses ng ina. Dahan-dahan siyang sumilip, nakita niyang nakasandal ang ina sa headboard ng kama nito. Nasa mukha ang pag-aalala subalit napangiti ito ng makita siya. Idinipa nito ang dalawang kamay, welcoming him for a hug. Kaagad siyang tumalima at niyakap ito ng mahigpit. He felt calm and safe inside her embrace. Halata ang saya sa mukha nito ng matitigan niya. "What was all the commotion about? Bakit andaming bantay sa labas?" Ilang saglit lang ay tanong nito. Napalitan ng pag-aalala ang ngiti sa mukha nito. "That was nothing, Mom. Alam mo naman, gwapo ang mga anak mo kaya madaming naghahabol." Biro niya rito. Natampal tuloy siya nito sa braso. Narinig niya ang pagtawa ni Amara dahil sa sinabi niya. Nakaupo sa study table ng ina at nakaharap sa laptop nito. Alam niyang kasalukuyan itong kumukuha ng kursong pagiging doktor. She said, he was her inspiration and it warm his heart. "Having a hard time?" tanong niya rito. "A little bit, Kuya pero kaya naman." Ngumiti ito showing her perfect white teeth. It made her looked more beautiful. No wonder, nahihibang ang isang iyon sa dalaga. "Puro kayo kalokohang magkakapatid. Any way, how's Marga?" tanong ng ina. "Everything's fine, Mom. I'm just checking on you but looks like I'm not needed here anymore." Kunwa'y nagtatampo siya sa mga ito. Nalingunan niya si Amara na nakangiti. Mukhang hindi epektibo ang kanyang pagtatampo kunwari. "Mababaliw talaga ako dahil sa inyong magkakapatid. Go, check on Ethan and his family. Go home then, don't make your wife worry about you." Niyakap niya ulit ang ina at he wave goodbye to Amara bago lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD