CHAPTER 19

2060 Words

Nasa loob na ng classroom sila Dominic at Angelo. Magkatabi ang mga inuupuan nilang dalawa. “Matanong ko lang, binu-bully ka pa ba ni Philipp?” bulong na tanong ni Angelo kay Dominic. Minsan ay napapatingin ang una kay Philipp kaya bigla niyang naisip itanong. Iniling naman ni Dominic ang ulo niya. “Hindi na,” sagot niya. Ngumiti na may kasamang pagtango si Angelo. “Mabuti naman kung ganun. Akala ko hindi niya makukuha ‘yung sinabi ko sa kanya nu’ng huli dahil kung hindi niya iyon nakuha at hindi pa rin siya tumigil sayo, malamang may natanggap na siya sa aking sugat at pasa,” pabirong sambit niya pa. Napangiti ng maliit si Dominic. “Okay na. Hindi naman na niya ako ginugulo pa kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa,” aniya pa. Pamaya-maya ay nagbuga ito ng hininga. “Di ba magkaibigan kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD