CHAPTER 18

1257 Words

Nakatambay sila Dominic at Angelo sa rooftop. Magkatabi silang nakaupo at nakasandal ang likod sa pader. Matutulog sana silang dalawa ngunit nawala ang nararamdaman nilang antok kanina. Tahimik lamang ang dalawa. Tanging mga huni lamang ng mga ibong lumilipad sa labas ang siyang nagpapaingay sa lugar. Ilang minuto pa ang lumipas ay tiningnan ni Dominic si Angelo na nakatingin naman sa malayo. Malaya niya tuloy napagmasdan na naman ang gwapo nitong mukha. Wala talagang pagbabago sa mukha nito, kung ano ang nakita niya noong una ay ganun pa rin hanggang ngayon at sa paningin nga niya ay mas lalo pa itong gumwapo ngayon. “‘Yan ka na naman sa pagtitig mo sa mukha ko. Konti na lang talaga iisipin ko nang inlove na inlove ka sa akin,” pabirong wika bigla ni Angelo habang nangingiti ang labi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD