Tulala habang nakatingin sa kawalan si Dominic. Halata sa mga mata niya ang kawalang tulog dahil ang lalim ng eyebags niya. Hindi siya dinalaw ng antok dahil hanggang ngayon ay nasa isipan pa rin niya ang mga nakita at narinig kagabi. Ang mainit na gabing tila gumising sa kanyang nahihimlay na kainosentehan. Ewan ba ni Dominic, pilitin man niyang alisin iyon sa kanyang isipan at kalimutan na lamang ngunit kahit ang buong sarili niya ay natatalo ng kanyang isipan. Parang sirang-plaka na nagpapaulit-ulit lamang iyon sa kanyang utak. At aminado si Dominic sa tuwing naiisip iyon ay may bahagi sa kanya ang naninigas at ang katawan niya’y nakakaramdam ng init na hindi maipaliwanag. May bahagi sa kanya na parang gusto niya ulit makakita ng ganoon, na gusto niyang sa kanya naman mangyari iyon.