Nasa rooftop sila Dominic at Angelo. Magkaharap silang dalawa. Dama ng kanilang mga balat ang malamig at may kalakasang simoy ng hangin na pumapasok mula sa open window ng nasabing lugar. “So… anong gagawin natin ngayon dito?” nagtatakang tanong ni Angelo. Bigla kasi siyang inaya rito ni Dominic sa hindi malamang kadahilanan. Nagtataka rin siya kung bakit sobrang seryoso ng huli na kanina pa niya napapansin. Nagbaba nang tingin si Dominic. Huminga siya ng malalim para mapakalma ang nagwawala niyang puso. “Sobrang lalim ng buntong-hininga mo,” ani ni Angelo. Muling tiningnan ni Dominic si Angelo. Umangat ang sulok ng labi niya. “May gusto sana akong ipagtapat sayo,” wika ni Dominic. ‘It’s now or never. Magtatapat na ako kahit na walang kasiguraduhan kung saan ito hahantong,’ isip-isip