CHAPTER 25

1883 Words

“Bakit ganyan ang mukha mo?” pagtatanong ni Dominic kay Angelo. Magkaharap silang nakaupo ngayon sa pandalawahang mesa na nasa bandang dulo sa loob ng cafeteria. Breaktime nila ngayon. Kanina pa napapansin ni Dominic ang nakabusangot na pagmumukha ni Angelo. Kahit nu’ng kumakain na sila ay hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Gwapo pa rin naman si Angelo kahit nakabusangot pero mas gwapo ito kapag nakangiti. Tiningnan ni Angelo ang kaibigan. Ngumiti ito ng pilit. “Sinermonan kasi ako ni Tita kanina bago pumasok. Uminom nga kasi ako, ‘di ba? Tapos umuwi pa akong lasing. Ayun at galit na galit siya.” Tila batang nagsusumbong si Angelo sa kanyang tatay. Umismid si Dominic. “Natural lang na pagalitan ka ng Tita mo. Siya na kaya ang tumatayo mong ina at ama kaya kung may mali kang nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD