Hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Dominic ang mga nangyari at nasabing iyon ni Angelo. Pilitin man niyang kalimutan na lamang at alisin sa kanyang isipan ang lahat ngunit tila hindi sumusunod ang kanyang utak sa kanya. Pakiramdam nga niya, mas matigas pa ang utak niya kaysa sa sarili niya. Kaya naman patuloy pa rin iyon na gumugulo kay Dominic. Napabuga tuloy siya ng hininga. Ang tanging magagawa na lamang muna niya ngayon ay ang hindi na lamang pansinin ang mga naiisip niyang iyon. “Uy! Abot hanggang mukha ko ang hininga mo,” natatawang salita ni Angelo na kaharap si Dominic. Parehas silang naka-indian sit. Nakatambay sila sa tuktok ng rooftop. “Okay ka lang ba?” tanong pa niya. Tiningnan naman ni Dominic ang kaibigan. Ngumiti lang siya ng maliit. ‘Kung alam mo lang na ikaw